Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Nang Magturo ang Guro by: Xian Javier Epilogue Book 1 Prologue Book 2

Nang Magturo ang Guro
by: Xian Javier
Epilogue Book 1
Prologue Book 2
Pag-alis ni Christian sa bahay ni Cyrus, alam niyang magiging mahirap ang lahat. He will start again from scratch. Alam niyang isang mahirap na hakbang ang pakawalan si Cyrus. Ito'y napakasakit na parte ng pag-ibig - to let go of someone who completes you as a human being just because you can never make him happy. Yung tipong ipapamigay mo ang isang pinakamamahal mong tao sa iba para sa ikaliligaya niya. Mahirap! Masakit! Tumatagos!
Alam niyang masaya na si Cyrus ngayon sa piling ni Albert. Masayang isipin na sila parin sa huli sa kabila ng isang matinding pagsubok na naranasan nila. Their love immortalizes throughout these years. Cyrus deserves to be happy. So with Albert. They both deserve to be happy.
Ang mga sumunod na araw ni Christian ay naging napakahirap. Hindi na matatawaran ang sakit na nararamdaman niya dulot ng pagkabigo sa pag-ibig. Pero alam niyang Cyrus is so proud of him in his courage to let go of him. Ang tapang na yun ay isang balatkayo lamang, isang pagpapanggap! Ayaw niyang dadalhin ni Cyrus sa kanyang konsensya ang pag-alis niya. Kilala niya si Cyrus. Ayaw nitong nakakakita ng taong nasasaktan. Tulad ng ginawa niya, kaya niyang isugal ang sarili niyang kaligayahan para lang hindi niya masaktan ang kanyang damdamin. Kilala niya ito kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para lumigaya si Cyrus. Alam niyang matagal nang hinihintay ni Cyrus ang pagkakataong makasama niya muli si Albert. Kaya pinakawalan niya ito sa isang pagkakataling siya ang gumawa. Isang pagkakataling akala niya panghabambuhay na, pero nagkamali siya. Masakit na sa araw na ipapakilala siya ni Cyrus sa mga magulang ni Albert, gumulantang sa kanya ang isang di inaasahang rebelasyon, isang rebelasyon na nagpabago sa lahat, isang rebelasyon na nagdulot ng di matatawarang kirot sa puso niya. Mahirap tanggapin pero masyado niyang mahal si Cyrus para ipagkait dito ang kaligayahan niya. Tama nga yata ang kaibigan niyang si Geoff at Jazz, he's an example of a living martyr! Martir na kung martir. Pero alam niyang yun ang tama! Yung ang nararapat gawin sa sitwasyong iyon. 
Nakita niya ang mga ulap habang sakay siya ng eroplano. Papunta siya sa isa sa mga isla ng Boracay. Pumili siya ng isang isla doon na hindi gaanong matao! Gusto niya yung mabibilang lamang ang mga taong nagpupunta doon. Muli siyang tumitig sa mga ulap. Naisip niya na sana isa nalang siyang ulap na dinadala ng hangin, isang ulap na pag nabigatan na, ay bigla nalang bubuhos bilang isang ulan at magiging magaan muli habang idinuduyan ng hangin sa alapaap. Pero siya, kahit ibuhos niya lahat ng kanyang luha, mananatiling mabigat ang kanyang pakiramdam. Parang kailan lang na sobrang saya nila ni Cyrus na magkasama. Hindi lubos maisip na bigla itong mawawala sa isang iglap lang. Nadadarang ang kanyang pakiramdam kapag iniisip niya ang mga nangyari sa kanila ni Cyrus. Pinaghalong saya at kirot ang kanyang nararamdaman. Malinaw pa sa kanya ang mga araw na sinosorpresa siya ni Cyrus. Malinaw pa sa kanya ang ngiti nito, ang sulyap nito, ang mga yakap at halik nito. Muli, bigla siyang tinablan ng matinding kalungkutan. Muli siyang napaluha. Patuloy na dumaloy ang kanyang luha sa kanyang pisngi. Hindi niya iyon mapigilan. Patuloy ang pagpahid na ginawa niya dahil naisip niyang nasa loob pala siya ng eroplano.
"Are you ok sir?" tanong ng isang guapong lalaki, mukhang kagalang-galang, sabay abot ng panyo sa kanya. Ipinagwalang bahala ni Christian na sipatin ang itsura ng lalaki dahil naging abala siya sa pagpahid ng kanyang luha gamit ang panyong ibinigay ng lalaki sa kanya.
"I'm tryin'. Thank you!" sagot niya at bumalik muli sa pagtitig sa mga ulap. Hindi na niya nilingon pa ang lalaking iyon dahil nahihiya siya naging asta niya. Kalalaki niyang tao tapos umiiyak siya. Nahihiya siyang ipakita ang mukha niya dito lalo na at namugmugto pa naman ang kanyang mga mata sanhi ng kanyang pag-iyak. Nakarating siya sa Boracay.
"Bye" wika ng lalaki sa kanya.
"Yung panyo mo!" sigaw ni Christian pero di na siya narinig nito dahil mukha itong excited na makita ang isla ng Boracay. Buti pa siya, excited!, naisip niya.
"Ang sarap ng hangin," naisip ko habang abot-tanaw ng aking paningin ang napakagandang isla ng Boracay. Matapos ng isang napakalaking unos sa buhay pamilya ko, iniwan ko muna ang aking walong taong gulang na anak sa aking mga magulang para makapag-isip ng tama sa mga susunod na hakbang na gagawin ko sa buhay ko. Sa dami ng naranasan ko sa buhay, naisip ko naman na magbakasyon para makahagap naman ang utak ko ng positibong hangin. Nakakadurog kasi ang mga pangyayari sa buhay ko. Ngayon, nasa Boracay ako para mabigyang laya ang aking mga dinaramdam sa buhay. Para akong isang ibon na nakalaya na sa matagal na pagkakakulong sa hawla. Sumakay ako agad sa bangka papunta sa napili kong isla. Ang isla ay hindi masyadong napupuntahan ng maraming turista. Mas gusto ko kasi yung ganito para talagang makakapagisip ko. Pagdating na pagdating ko sa hotel malapit sa beach, agad akong nagpalit ng damit at dumiretso sa beach. Naglakad-lakad ako roon at inenjoy ang puting buhangin at napakagandang tanawin. Isa talaga ito sa ipinagmamalaki ng Pilipinas. Wala itong kasing ganda,naisip ko. Nakita ko ang lalaking nakasabay ko sa eroplano na kararating lang sakay ng isa ring bangka. Sinubaybayan ko ang bawat kilos na. Mukhang may pinagdadaanan din itong mabigat na problema. Hindi ito iiyak ng ganun kung wala. Parang ako ngayon na kailangan din ng isang karamay.Matangkad ito! Mukhang magkasingtangkad lang kami. Maganda ang kutis niyang mamula-mula habang nasisinagan ng araw! Malungkot man ang mga mata niya, makikitang he has the most expressive eyes. Very fine ang ilong, at mapula ang mga labi. Halatang alagang-alaga nito ang sarili dahil napakafresh niyang tingnan at napakabango pa kahit may pinagdadaanan ito. Ano kayang pangalan niya, naisip ko. Pumasok siya sa hotel na kung saan ako nakahouse hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Mukhang malaki talaga ang problema niya! Ang lungkot ng mga bilugan niyang mata. Bahagyang nawala sakin ang aura ng mukha ng lalaki ng nakakita ako ng mga pwedeng bilhin sa isla. Naglibot ako sa buong isla at namili ng mga simpleng bagay na pwedeng ipampasalubong lalo na sa aking anak. Nagpahenna tattoo din ako para makiuso lang sa mga tao sa lugar. Nakakapagod ang aking maghapon. Bumalik ako sa aking kwarto para makapagpahinga ng konti at makaligo narin. Inaaliw ko ang aking sarili para man lang makalimutan ko panandalian ang aking mga problema. Nagpahinga lang ako sandali, naligo, nagpalit at lumarga na naman papunta sa dagat. Mas masarap ang maglakad kapag gabi. May mga ilaw mang nagkikislapan sa buong isla, mas magandang tanawin ang buwan na tumatama sa malawak na karagatan at nagbibigay ng repleksyong masarap tingnan sa mata. Habang naglalakad ako papunta sa madilim na bahagi ng isla, gusto ko kasing makapag-isip sa mga susunod na planong gagawin ko, nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Yung lalaki sa eroplano, naisip ko. Umiiyak na naman! Gaano ba kabigat ang problema nito at palaging umiiyak. Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Naisip ko, parang wala itong pakialam sa kanyang paligid.
"Mind if I join you here?" tanong ko sa kanya. Bahagya itong nagulat sa boses ko at dali-daling pinahid ang kanyang mga luha bago tumingin sa akin.
"I want to be alone." sagot nito sakin. Bagamat malumanay ang pagkakasabi niya, bahagya akong napahiya.
"Sorry! I didn't mean to intrude your privacy. Sige, maiwan na kita." sagot ko at akma ng aalis.
"I'm sorry for my rudeness. You can stay! Please stay!" pakiusap niya. Umupo ako sa tabi at patuloy kaming nagpakiramdaman.
"You never stop crying! From the plane down here to the island, umiiyak ka parin," una kong bungad sa kanya. Tinitigan niya ako ng matagal.
"You were the one who gave me the hanky?" tanong niya sakin.
"Yeah! Ako yung katabi mo dun sa eroplano," sagot ko na bahagyang ngumiti sa kanya. Tumango-tango siya at muling bumalik sa pagtanaw sa matiwasay na alon ng dagat.
"Ang laki yata ng problema mo bro! Lagi ka kasing umiiyak eh!" basag ko sa katahimikan. Sinimulan niyang magkwento sa isang taong mahal na mahal niya na kinailangan niya palayain para tuluyang maging masaya ito. Humanga ako sa mga rebelasyong ikinwento ng taong ito sa akin. Hindi matatawaran ang ginawa niyang sakripisyo para lang sumaya ang taong mahal niya. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nasa puso niya habang nagkukwento siya. Kahanga-hanga ang isang taong tulad niya. Napakaswerte ng taong muling mamahalin nito, naisip ko.
"Hanga ako sa ginawa mo bro. Mahirap nga yan! Pero alam mo, walang-wala yan sa pinagdaanan ko. Sisiw pa nga yan eh!" sabi ko sa kanya. Napatingin siya sakin na wari'y nagtatanong.
"Tulad mo, nandito din ako sa Bora para makalimot. Andami ko na kasing pinagdaanan sa buhay." paunang wika ko na lalong nagpasiklab sa atensyon niyang kanina ko pa gustong mapukaw.
"Bago ako nag-asawa, marami akong nakarelasyon mga lalaki! Karamihan sa kanila, niloko ako, ginamit ako! Kahit buong puso ko silang minahal! Pero yung iba, minahal din naman ako ng totoo pero nasaktan parin ako dahil sa huli, iniwan din ako dahil kinailangan nilang mag-asawa! Masakit dahil sa huli, hindi ako ang pinili nila. Pinili nilang magkaroon ng normal na buhay, normal na pamilya na kailanman hindi ko maibibigay. Matagal bago ako nakalimot hanggang sa makilala ko ang isang babaeng tumanggap sa akin ng buung-buo. Alam niyang ganito ako pero minahal niya ako. Maraming tutol sa naging relasyon namin pero ipinaglaban namin iyon. Nagkaroon kami ng anak, walong taon na siya ngayon, guapong-guapo. Mana sakin," wika ko na bahagyang ngumiti sa kanya. Napangiti rin siya.
"Pero kinailangang pumunta sa abroad ng aking asawa para makatulong sakin at sa pamilya niya! Hanggang sa maraming sinasabi ang pamilya niya tungkol sa akin. Yung iba, totoo. Pero halos lahat, kasinungalingan. Dahil siguro pamilya niya yun, naniwala ang aking asawa. Hanggang sa nabalitaan kong may asawa na siya doon ngayon at tuluyan na kaming iniwan. Masakit ang bahaging ito ng buhay ko dahil nagpakatino ako para sa pamilya ko kahit hirap na hirap ako. Marami ring tukso sa paligid pero sinubukan ko iyong iwasan. Yung iba,naiwasan ko pero yung iba, hindi. Masakit lalo na at may anak kami. Naaawa ako sa anak ko." patuloy ko na bahagyang namuo ang luha ko. Tumingin ako sa kanya.
"Hindi ko alam na bading ka pala, sa ganda ng tindig mo, wala sa itsura mo," komento niya. Bahagya akong tumawa sa pahayag niya.
"Aminado naman ako doon. Kaya nga siguro hindi ako buong pusong tinanggap ng pamilya ng asawa ko at gumawa sila ng paraan para mapaghiwalay kami," sagot ko.
"Sugatan din pala ang puso mo tulad ko," sabi niyang bahagyang tumawa. Nakita ko kung gaano siya kaguapo ng tumawa siya. Napakasarap tingnan ng ngiti at bilugan niyang mata, naisip ko.
"Naku bro, ilang oras na tayong nagkukwentuhan dito, di pa natin kilala ang isa't-isa," turan ko.
"Oo pala! I'm Christian Mendez, a licensed engineer, working and living in Canada for 4 years now!" sagot niyang inabot ang kamay ko.
"I'm Liam Robles! I'm a teacher! Isang guro at nagtuturo na ng halos isang dekada." ngiti ko sa kanya at nakipagkamayan sa kanya. Nakita kong bahagya siyang nagulat saglit at napangiti.
"Why are you smiling? May nasabi akong di maganda?" tanong ko.
"No, no... You remind me of someone." sagot niya na tumingin muli sa malawak na karagatan at bumalik sa kalungkutan ang aura ng kanyang mukha.
"Why? Is she also a teacher?" tanong ko. Bahagya ulit siyang tumawa na ipinagtaka ko.
"Yeah! HE is a teacher!" sagot niya na binigyang-diin ang salitang HE...
"You mean... You?!" gulat na gulat kong tanong. Hindi ko kasi inaasahan na lalaki ang karelasyon niya sa guapo niyang iyon. Muli siyang napahagalpak ng husto nang makita niyang nanlalaki ang aking mga mata sa pagkagulat.
"Yeah! Yeah!" sagot niya na muling tumawa. Nakita kong muli ang maamo niyang mukha na masaya. Walang kasing guapo ang lalaking ito kapag ngumiti at tumawa, naisip ko. Sabay kaming pumasok ng hotel nang gabing iyon at alam kong nagbabadya iyon ng isang simula sa amin ni Christian, simulang pinatatag ng isang pagkakaibigan.
Author's Note:

Sabay-sabay nating kilalanin si Liam Robles sa mga susunod na pahina ng ating kwentong Nang Magturo ang Guro Book 2. Sabay-sabay din nating alamin ang mahalagang gagampanan niya sa buhay ni Christian. Abangan!

Kabanata 6 Bagong Umaga - Singsing

Nag-aalala ang mag-asawang Respicio sa nangyayari sa kanilang anak. Parang nawalan ito ng buhay nang hindi na bumalik si Cyrus sa bahay nila. Isa lang ang ipinapahiwatig kasi ng hindi pagbabalik ni Cyrus. Pinili niya si Christian at ipinaglaban niya ang pagmamahal niya dito. Hindi tumigil si Albert sa pag-iyak. Kinailangan pang painumin ng daddy niya ng pampatulog ng gabing iyon para tumigil sa pag-iyak. Nandoon lang siya sa batis, tulala at patuloy na umaagos ng luha kasabay ng walang tigil na pagbuhos ng tubig sa talon. Ang dati'y masiglang mata niya ay unti-unting binubuhay ang kalungkutan, unti-unting lumulubo tanda ng isang pighating si Cyrus lang ang makakagamot. Binalak na nilang tawagan si Cyrus para magmakaawa dito, para piliin muli si Albert pero naisip nilang nagdusa din ang bata ng mahabang panahon. Naging anak-anakan na nila si Cyrus kaya naman ayaw din nilang maging hadlang sila sa ikaliligaya nito. Naiipit sila sa dalawa nilang anak. Nakikita nila kung gaano nagdurusa si Albert ngunit pinili lang naman ni Cyrus ang kanyang kaligayahan. Napakabait niyang bata para ipagkait ang nagpapaligaya sa kanya. Masakit sa kanila ang mga pangyayari ngunit kailangan matutunan ni Albert na kung minsan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay pagpaparaya. Hindi nila alam kung paano aluin ang kanilang anak dahil hindi ito umiimik kapag kinakausap nila. Maaga palang pumupunta na sa batis. Maghapon ito doon, tulala at hindi naman ginagalaw ang pagkaing ipinapahatid nila sa trabaho. Dalawang araw na ang nakalipas pero wala paring Cyrus na dumadalaw. Patuloy na umaasa si Albert na babalik ito sa kanya. Walang magawa ang mga Respicio kung hindi ang panoorin ang kanilang anak at siguraduhing wala itong gagawing masama sa kanyang sarili.
SA BAHAY NI CYRUS...
Pagkauwi namin ni Christian galing sa bundok, naging malinaw na ang lahat sa amin. Napakahirap tanggapin na sa isang iglap, lahat ng plano namin nang umagang iyon ay nagbago. Pero nakikita kong pinipilit ni Christian maging normal sa huling gabi niya sa bahay. Ayaw niyang may mahalatang kakaibang nangyari si mama. Naging malapit din kasi si Christian kay mama dahil napakabait ng pakikitungo nito sa matanda. Walang trabahong hindi maayos kapag si Christian ang naiwan sa bahay. Nasanay kaming kasama siya sa halos dalawang buwan na sa bahay. Alam kong magkakaroon ng malaking adjustment sa amin ni mama. Hiniling niyang magtabi kami nang gabing iyon ngunit napagkasunduang wala ng magaganap na interaksyong sekswal sa pagitan namin. Hinayaan ko siyang yakapin ako! Hinayaan ko siyang damhin niya ang mainit kong katawan. Pareho kaming nakikiramdam sa nararamdaman ng isa't-isa. Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Ayokong matulog ngunit ipinikit ko parin ang aking mga mata para magmukhang tulog na ako. Kailangan kasing maaga ako magising para matanaw ko man lang ang pag-alis ni Christian. Gusto kong maramdaman na sa huling pagkakataon, katabi ko ang isa sa mga pinakadakila at pinakamabait na lalaking nakilala ko. Biglang gumalaw si Christian at alam kong humarap siya sakin.
"Hindi ko alam kung paano kita makakalimutan! Hindi ko alam kung paano ako magsisimula!" bulong niya na dinig ang paghikbi sa kanyang boses.
"Gusto kong maging maligaya ka kahit sakit ang dulot nito sakin. Mahal na mahal kita," muling bulong niya kasabay ng paggawad ng isang masuyong halik at pagyakap sakin. Hindi ko namalayang tumulo ang mga luha ko pero nagpanggap parin akong tulog. Patuloy akong nakiramdam hanggang sa nakatulog siya. Hinaplos ko ang mukha niya pati ang buhok niya. Binigyan ko ng masuyong halik sa labi.
"Salamat Chris," bulong ko habang patuloy na dumaloy ang aking luha. Niyakap ko rin siya at natulog na.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Nakita kong nakahanda na si Christian sa pag-alis. Kumain muna kami at nagpaalam na siya kay mama.
"Tita, maraming salamat sa magandang pagtrato niyo sakin. Magpapaalam na po sana ako," unang wika ni Chris.
"Bakit biglaan naman iho? May ginawa bang hindi maganda si Cyrus sa'yo. Magsabi nga kayo ng totoo," bahagyang galit ang boses ni mama dahil sa pagkagulat.
"Naku tita, wala po! Napakabait ni Cyrus. Wala pong nangyari! Kailangan ko na rin pong bumalik para maayos ang papers ko pabalik ng Canada," tugon niya.
"Akala ko ba, you're goin' to stay here for good, iho?" tanong ni mama.
"Medyo nagbago po ang plano ko tita!" sagot niya.
"Mamimiss kita iho. Naku, sanay na kaming nandito ka. Bakit naman biglaan kasi? Basta, wag kang makakalimot iho ha!" sagot ni mama na bahagyang naiiyak na. Yumakap ito kay Christian.
"Ingat ka Chris! Basta, isipin mo, nandito parin ako bilang kaibigan mo." turan kong mangiyakngiyak na nagpaalam kay Christian.
"Salamat Cy! Hindi kita makakalimutan! Kailangan ko ng umalis!" sabi niya na yumakap sakin ng mahigpit. Hindi ko napigilang umiyak. Pinahid niya iyon.
"You deserve to be happy! Wag ka ng umiyak. Isipin mo ang sarili mo ngayon,ok. Puntahan mo na siya. Alam kong, hinihintay ka na niya?" huling wika niya bago sumakay sa kanyang sasakyan at tuluyang umalis. Hatid tanaw ko siya hanggang nawala ang sasakyan niya sa aking paningin. Masakit parin sakin ang nangyari ngayong araw. Kailangan ba talagang ganun? Kung may darating, kailangang may umalis. Masakit na pakawalan ang taong tulad ni Christian. Naging malapit din siya sakin pero alam kong kailangan niya ring lumayo para maghilom ang sakit na idinulot ko sa kanya. Sabi nga nila, time heals all wounds. Umaasa ako na magawang paghilumin ng panahon ang sugat ng pag-ibig na naranasan ni Christian. At sana pag dumating iyon, handa muli siyang tanggapin ako bilang bahagi ng kanyang buhay kahit bilang kaibigan lang.
SA BATIS...
Tulala parin si Albert sa mga nangyari sa nakaraang dalawang araw. Nais niya lang mapag-isa para maalala lahat niya ang mga magagandang kaganapan sa kanyang buhay kasama si Cyrus limang taon na ang nakararaan. Naisip niya, may mga regalo pa pala sa kastilyo na ibinigay ni Cyrus sa kanya tanda ng pagmamahal nito, tanda ng kanyang pangako na maghihintay siya sa kanya. Malungkot siyang tumayo at tumungo sa Villa. Nang makarating siya doon, naalala niya ang kinuha niyang singsing doon. Muli siyang napahagulgol sa iyak.
"Bakit ko ba kasi ibinalik iyon kay Cyrus? Dapat suot-suot ko parin iyon. Ang simbolo ng aming pag-iibigan," naisip niya.
"Maaaring si Christian na ang may hawak suot nun ngayon. Si Christian na naging dakila rin ang pagmamahal kay Cyrus. Si Christian na pumuno ng kanyang mga pagkukulang nang siya ay tinawag ni kamatayan. Si Christian na bagong pag-ibig ni Cy!" naisip niya habang walang tigil ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
"Tama ang tagabantay, pag bumalik ako, makararanas ako ng mga pasakit at pighati! Pinili kong bumalik para sa kanya pero eto ako ngayon, nag-iisa, nagdurusa! Bakit napakasakit umibig?" ang tanong niya sa kanyang sarili.
"Sana, di nalang ako bumalik kung ganito rin lang ang mangyayari,kung ganito rin lang ang mararanasan ko. Sana tinanggap ko nalang ang kapalaran kong mamatay! Sana! Sana!" paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan habang nakatitig sa mga regalo na nakaayos sa Villa. Kinuha niya ang isa. 
"Raketa!" napangiti siyang kinuha iyon.
"Alam kong gusto mo na tayo ang gagamit nito, na tayo ang maglalaro gamit ito. Pero kung noon, hindi mo ito magamit dahil mag-isa ka lang, ganun din ako ngayon! Wala ka na, na makakasama kong maglaro. Wala ka na Cy! Iniwan mo na ako mahal ko! Wala ka na!" tuluyang humagulgol habang hawak-hawak ang dalawang raketa sa kanyang kamay. Binuksan niya ang bawat regalo at walang isa sa mga iyon ang hindi niya nagustuhan. Lahat ng iyon ay espesyal dahil bigay iyon ng kanyang minamahal na si Cyrus. Isa sa mga laman ng regalo niya ay ang greeting card para sa birthday niya. Dali-dali niyang binasa ang greeting card na iyon.
Mahal ko,
It's been 3 years since you died and it still kills me. Masakit parin pero sinubukan kong buksan muli ang puso ko. Binuksan ko ang puso ko hindi para kalimutan ka.Binuksan ko ito dahil gusto ko ulit makaramdam ng pagmamahal, gusto kong buhayin ang namamatay ko ng puso dahil sa pangungulila sa'yo. Enzo ang pangalan niya. Mabait siya. Kasingbait mo. Marami na akong kasalanan sa'yo. Marami na akong ginawang hindi mo magugustuhan. Pero nagawa ko ang mga ito dahil sa pangungulila ko. Mali man ang mga nagagawa ko ngayon, bumabawi ako sa ibang bagay para man lang maibsan ang mga nakakakonsensyang gawain ko. Alam kong naiintindihan mo ako mahal ko. Alam kong pag nakikita mo ang ginagawa ko ngayon, kahit papaano you'll be proud of me. I will never forget you mahal ko. I will never stop loving you. I will love you until my dying days. I miss you so much. I miss kissing you. I miss hugging you. I miss making love with you. Nangungulila ako sa mga haplos mo, sa mga halik mo. Sana dumating ang panahon na makatabi kita muli sa pagtulog ko at ang mukha mo ang masisilayan ko sa paggising ko! Sana patawarin mo ako kung binuksan kong muli ang puso ko! Sana mapatawad mo ako. Mahal parin kita. Mahal na mahal. Happy birthday day!
Nagmamahal,
Cyrus
Muling napaiyak si Albert sa kanyang nabasa. Alam niyang isang pagpapaalam ang liham na iyon. Naiintindihan niya ang pinupunto ni Cyrus sa sulat niya. Tao lang siya na may mga pangangailangan at hindi niya kayang ibigay yun sa kanya nang mga panahong iyon. Pero muli itong nangako sa sulat niya. I will love you until my dying days! Pero bakit ngayon mahal ko, wala ka na. Bakit pinili mo si Christian. Napakahirap tanggapin na hindi niya tinupad ang kanyang mga pangako! Sumumpa kaming mamahalin namin ang isa't-isa, pero ngayon, wala na siya! Wala na siya!, naisip ni Albert. Kinuha ni Albert ang ilan sa mga regalo sa kanya ni Cyrus. Bumalik siya sa batis at patuloy na umiyak habang nakatitig sa kawalan. Lumingon siya! Nakita niya ang markang puso sa isang puno. Nagdulot iyon ng kirot sa kanyang puso! Wala na. Nabuwag na ang sumpaan at pangako nila sa isa't-isa. Wala ng Cyrus. Tinangay na siya ng bago niyang pag-ibig. Tanging alaala nalang ang naiwan sa kanya. Tanging alaala ng kahapon na nagdudulot sa kanya ng ibayong hinagpis, alaalang unti-unting pumapatay sa kanya, alaalang dati'y bumubuhay sa kanya ngunit ngayon, ito ang nagtutulak sa kanya papuntang hukay. Muli siyang bumalik sa gilid ng batas. Naupo siya sa bato ang nakatitig sa batis, animo'y nakikita ang mga magagandang alaala nila ni Cyrus, animo'y isang magandang pelikula na masarap ulit-ulitin, ngunit nagdudulot ng ibayong kirot, ng sakit na tanging si Cyrus lang ang makakapaghilom.
Nakapagdesisyon na ako matapos ang hindi ko pagpunta ng dalawang araw sa bahay ng mga Respicio. Nagbago ang una kong plano na pumunta agad sa Villa pagkaalis ni Christian sa aming bahay. Kailangan ko rin kasing magpahinga sa mga sunud-sunod na matitinding emosyong nagpahirap sa akin ng husto. Kailangan maging maayos ako pag humarap kay Albert. May udyok ng pagkasabik ang nararamdaman ko habang iniisip ang muli naming pagkikita ni Albert. Umalis ako sa bahay kasama si mama. Naikwento ko na sa kanya ang buong pangyayari. Hindi man siya makapaniwala, nagawa rin niyang tanggapin iyon dahil ayon sa kanya, maraming misteryong nangyayari dito sa mundo na kahit sino sa atin ay nahihirapang ipaliwanag. At isa raw ang nangyari kay Albert sa mga misteryong kahit ang isang relihiyosong tao ay mahihirapang ipaliwanag. Inihanda ko ang aming dadalhin. Personal kong inayos ang mga ito at inilagay sa harap ko habang nagmamaneho at ang iba ay nakalagay sa compartment ng sasakyan. Narating namin ang Villa ng mga alas nuebe na ng umaga. Sinalubong kami ni mom and dad ng tuwang-tuwa, yung tipong nabuhayan ng loob!
"Cyrus anak, buti at bumalik ka iho!" maluha-luhang yakap sa akin ni mom at dad.
"Antagal ka niyang hinihintay bumalik, anak! Awang-awa na kami sa kanya. Wala siyang ginawa kundi umiyak!Hindi namin mapakain! Hindi rin makatulog! Kailangan pa naming painumin ng sleeping pills para makatulog," umiiyak na wika ni mom.
"Anak, we're so glad you're back! Kawawa si Albert anak!" wika ni rin dad na mangiyak-ngiyak.
Nakita ko sa mga mukha nila ang hapding dulot ng pagdurusa ni Albert.
"Kahapon, balak ka naming puntahan, pero alam naming pinili mo na si Christian. Anak ka rin namin kaya gusto rin naming lumigaya ka. Naiipit nga kami sa sitwasyon dahil hindi namin alam kung sino sa inyo ang iintindihin namin. Pareho namin kayong mahal ni Albert anak. Ayaw namin ipagkait sayo, kung si Christian ang nagpapaligaya sa'yo. Kaya salamat at pumunta ka para man lang makausap mo siya. Hirap na hirap siya anak!" mahabang paliwanag ni mom habang umiiyak. Napaiyak ako sa mga pahayag nila. Itinuring talaga nila ako bilang anak nila.
"Pinalamig ko muna ang sitwasyon mom, dad! Kailangan maging maayos ako pag humarap sa kanya. Kailangan siya lang ang nasa utak ko, sa puso ko pag nagkausap kami. Ayaw kong magkaroon ng ibang alalahanin, mom,dad!" sagot ko na lumuluhang nakatingin sa kanila.
"Naiintindihan namin iho!" sagot nila na hinaplos haplos ang aking likod.
"Nasaan siya, mom, dad?" tanong ko.
"Naku iho, alas 5 palang ng umaga, nandun na siya sa batis. Dun namin pinapahatiran ng pagkain niya, pero hindi naman niya ginagalaw! Pag pumupunta kami doon,itinataboy kami. Gusto daw niyang mapag-isa. Uuwi na lang siya pag dumilim na. Nag-aalala na kami sa kanya,anak." sagot ni mom.
"Sige po mom, dad. Puntahan ko lang siya. Tingnan ko kung anong magagawa ko," tugon ko
"Ma, dito ka muna. Makipagbonding ka muna kina mommy at daddy," dagdag ko.
"Sige anak, galingan mo ha! Sana mapapayag mo siya," wika ni mama na nakangitit. Lumapit siya sa mga Respicio at nagkumustahan. Bumalik ako sa sasakyan para kunin ang mga inihanda ko. Maya-maya lang, narinig ko na ang tawanan ng tatlong matatanda. Pahiwatig na alam na ni mom at dad ang plano kong gawin sa umagang iyon. Isang bagong umaga para samin ni Albert.
Malayo palang ako sa batis. Ibinaba ko ang aking mga dala. Tanaw kong nakaupo si Albert sa isang malaking bato na parang wala sa sarili. Sinamantala ko ang pagkakataon. Dali-dali akong naghubad, tanging boxer shorts lang ang natira. Isinabit ko ang aking damit at dali-daling pumunta sa malaking puno na kung saan nakamarka ang aming pangalan ni Albert sa isang puso at ikinubli ang aking mga dalahin doon. Parang wala parin sa sarili si Albert na nakatingin lang sa kawalan. Dahan-dahan akong umalis sa aking pwesto! Patuloy akong nagkubli habang binabagtas ang daan papuntang taas ng talon. Nakarating ako doon na hindi napapansin ni Albert. Tumayo ako sa gitnang bahagi ng talon. Nakatingin parin si Albert sa batis. Parang walang napansin na tao si Albert. Naaninag ko ang matinding kalungkutan sa kanyang mga namumugtong mata. Sa loob ng dalawang araw, halatang hindi ito nakatulog ng husto at mukhang nanghihina narin ang itsura sa hindi pagkain ng dalawang araw. Nakakaawa ang itsura niya. Natutunaw ang puso ko sa nakikitang nangyayari sa kanya.
"Please, tumingin ka dito! Please mahal ko! Tumingin ka dito!" hiling ko. Animo'y isang bulong iyon sa kanya dahil unti-unting umangat ang kanyang mukha papunta sa akin. Nakita kong nagulat siya nang makita ako. Kinusot niya ang kanyang mata wari'y namamalikmata lang at muling tumingin sa bahagi ng aking kinatatayuan. Napatayo siya sa kanyang kinatatayuan at tinitigan ako. Nakita kong dumaloy ang luha niya. Hindi ko na pinatagal pa ito. Alam kong may isang magandang ala-ala na rumehistro sa kanya habang lumuluha. Tumalon ako sa talon sabay sigaw ng...
"Mahal koooooooo!" Alam kong umalingawngaw ang boses ko sa aming paraiso. Nakita kong lumangoy si Albert sa bahagi na kung saan bumagsak ang katawan ko. Dali-dali akong lumangoy palayo, nagkubli ako sa maliit na kweba para hindi ako makita ni Albert, dali-dali akong tumalima at sumuot sa maliit na butas at umikot pabalik sa malaking puno na kung saan ko inilagay ang aking mga dalahin. Nakita kong naging abala sa pagsisid si Albert sa paghahanap sakin. Sabay alingawngaw ng boses niya sa lugar na iyon na siyang dahilan ng paglipad ng maraming ibon.
"Mahal kooooo! Mahal koooo! Nasan kaaaaa!" garalgal ang boses niyang sumisigaw kasabay ng pagsisid niya sa kalaliman ng batis. Naging abala ako habang siya ay naghahanap. Nang maayos ko na ang lahat at nang makita kong bahagya siyang umahon sa tubig na para bang may takot sa kanyang mga mukha, may bahid ng pagaalala ang kanyang sumunod na reaksyon!
"Mahal koooooo!" sigaw ko sa kanya. Bahagya siyang lumingon-lingon. Hinahanap ang pinanggalingan ng boses. Tinulungan ko siyang matunton ang boses ko.
"Mahal kooooooo!" muli kong sigaw kasabay ng isang alingawngaw ng pag-ibig. Nilingon niya ako. Ikinaway ko ang aking isang kamay at ngumiti ng maluwag sa kanya.
"Mahal kooo! Mahal koo! Ikaw ba yan?! Ikaw ba yan, mahal ko?" umiiyak niyang sigaw kasabay ng paglangoy niya ng matulin para makarating sa mabatong bahagi ng batis. Patuloy ko siyang nakitang umiiyak habang kumaripas ng takbo papunta sa aking kinatatayuan. Bigla niyang hinaplos-haplos ang aking mukha na para bang hindi makapaniwala na nasa harapan niya ako, na para bang isa lang iyong panaginip habang patuloy na na umagos ang masagana niyang luha sa kanyang pisngi. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko narin napigilan ang aking sarili na napaluha sa nakita kong sigla sa mukha ni Albert.
"Bumalik ka! Salamat, bumalik ka! Parang awa mo na, wag mo na akong iiwan!" nagsusumamong pakiusap niya sakin na kumawala sa pagkakayap sakin.
"Please Cy, gagawin ko ang lahat! Lahat! Para mapasaya ka! Please mahal ko!" humahagulgol niyang pakiusap na niyakap ako muli.
"Sino ba kasi nagsabi sa'yo Mr. Respicio na umalis ako, nagpahinga lang ako saglit, nagdadrama ka na diyan!" lumayo ako bahagya sa kanya.
"At ano itong naririnig ko na di ka daw kumakain Mr. Respicio? Gusto mo bang mamatay at iwan ako ulit? Sumagot ka Mr. Respicio!" sigaw ko na may bahid pagbabanta sa aking boses. Bigla naman siyang natameme sa nagiging pagtrato ko sa kanya wari bang nagtatanong kung ano ang binabalak ko sa himig ng aking boses. Nagpahid siya ng luha at humarap sa akin. Akmang kukunin ang kamay ko pero muli akong lumayo.
"Mahal ko, masakit kasing isipin na si Christian ang pinili mo! Kahit sino, mawawalan ng ganang mabuhay," paliwanag niya.
"Sapat na ba iyon para di ka kumain at pabayaan mo ang sarili mo?" sigaw ko.
"Mahirap kasi yun mahal ko! Bakit ka ba bumalik, e may Christian ka na? Diba siya pinili mo?" tanong nito na umaasang sasabihin ko sa kanya na bumalik ako dahil sa kanya, dahil mahal ko pa siya. Pero pinasabik ko pa siya at hindi sinagot ang kanyang katanungan.
"Gusto mong malaman ang sagot ko Mr. Respicio?" tanong niya.
"Yes, sir!" sagot nito na may sigla na sa boses.
"Then, you eat first. I prepared foods for you Mr. Respicio," sagot ko sa kanya na seryoso parin ang mukha.
"Sandali! Style ko to eh! Ginaya mo lang to sir! Gaya-gaya ka sir!" sagot niya na bahagyang nang-aasar ang boses.
"May reklamo ka Mr. Respicio? Sabihin mo lang kung ayaw mo at aalis na ako!" seryosong pahayag ko.
"Naku sir! Hindi ako nagrereklamo! Eto na nga ow, mauupo na ako, at kakain na!" sagot niya.
"Luto mo ba mga to, sir?" tanong niya.
"Oo Mr. Respicio! Bakit? Hindi ba masarap?" tanong ko.
"Naku, ang sarap nga sir eh. Lalo na itong kaldereta mo! The best!" sabay turo niya sa isang bowl ng ulam na nakahain.
"Kainis ka Mr. Respicio! Adobo yan! Hindi yan kaldereta!" sigaw ko sa kanya. Pero hindi niya pinansin iyon. Dahil napansin niya ang paborito niyang chocolate cake.
"Wow, sarap nito Sir Cy!" bigla siyang nagslice noon.
"Ooopps! Wait lang. Dahan dahan sa pagslice. Diyan ka sa gilid magslice at dahan-dahan din sa pagkain ha!" singit kong pahayag.
"Bakit?" tanong niya.
"Sumunod ka nalang!" sagot ko.
"Bakit nga sir?" muling pagtataka niyang tanong.
"So that it melts in your mouth. Mas masasarapan ka kung dahan-dahan" sagot ko sabay kindat.
"Ganun ba sir? Sa pagkakaalam ko kasi, mas masarap pag mabilis." pilyong ngiti niya. Gusto kong ngumiti ng narinig ko yun pero pinigilan ko. Pero alam kong napansin niya ang pagkislap ng mga mata ko.
"Magrereklamo ka ba Mr. Respicio o gagawin mo ang sinasabi ko?" tanong ko. Sumunod naman siya agad. Nakita kong dahan dahan niya kinain ang cake.
"Ano ba yan! Antigas naman ng choco filling nito!" sabi niya ng may maramdamang matigas na bagay. Sabik akong iluwa niya iyon. Dahil natigasan, iniluwa niya iyon.
"Ano ba tong matigas sir?" tanong niya sabay luwa sa matigas na bagay. Tiningnan niya ako ng matagal. Napaluha siya sa kanyang nakita.
"Ang singsing ko!" bulong niya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumuha! Luha ng kaligayahan. Kinuha iyon ni Albert at muling isinuot sa kanyang daliri. Binuhat ko ang cake at ipinakita ang nasa baba noon.
"MARRY ME, ALBERT RESPICIO!" Hindi iyon isang pakiusap kundi isang utos. Lalo siyang napahagulgol! Kitang-kita ko sa mukha niya ang umaapaw na kaligayahan. Niyakap ako ng mahigpit at ginawaran ng masuyong halik sa labi.
"I will, mahal ko! I will!" sagot niya bilang tugon sa pahayag na nabasa. Humiwalay ako at inginuso ang taas. Pero hindi niya agad iyon nakuha dahil hinalikan ako sa labi.
"Hindi!" tugon ko sabay nguso sa tarpaulin na nakasabit sa puno.
"I LOVE YOU ALBERT RESPICIO!" ang nakasulat sa tarp at background niyon ang mukha ko.
"I love you more mahal ko!" sagot niya.
"Gaya-gaya ka ng style mahal ko!" bulong niya.
"Kinilig ka naman diba,mahal ko?" balik bulong ko.
"Sobra! Thank you mahal! I love you so much!" pahayag niya kasabay ng isang masuyong halik at muli, ang paraiso naming iyon ang naging saksi ng aming pagbabalikan, ng aming pag-iibigan - sa isang bagong umaga na kami'y magkasama at 
pinanghahawakan ang isang pangako at ang sumisimbolo sa aming pag-ibig -ANG SINGSING...
Isang malaking handaan ang naganap sa araw ng pagkamatay ni Albert. Hindi na ito araw ng kamatayan kundi araw ng muli niyang pagkabuhay, isang araw na kung saan lahat ng miyembro ng pamilya niya ay naroon, ang mga Respicio at ang mga Miranda, upang saksihan ang renewal of vows namin ni Albert. Kasunod noon ang paglipad namin ni Albert sa Las Vegas para maging opisyal na kaming mag-asawa. Nagpatayo na ako ng sarili kong eskwelahan samantalang si Albert parin ang naging CEO ng Miranda-Respicio Group of Industries matapos ang matagumpay na merging ng kompanya ng dalawang pamilya. Plano namin ngayon na idaan si Albert sa artificial insemination para magkaroon kami ng anak. Isa pang nakakagulat ng rebelasyon. Isang masayang Christian ang nakita ko pagkatapos ng dalawang taon at sa tingin ko, ang kasama niyang lalaki ang dahilan kung bakit masaya ang aura ng mukha niya. Sana... Sana nahanap narin niya ang tunay na kaligayahan sa lalaking iyon. Sana...
Author's Note:
Maraming salamat po sa pagsuporta sa aking pinakaunang nobela. Naway patuloy niyong suportahan ang mga susunod ko pang isusulat. Abangan po ang epilogue ng book 1 at prologue ng book 2. Alam ko pong maiibigan niyo ito.

WAKAS...

Kabanata 6 Bagong Umaga - Pagpaparaya

Durog na durog ang puso ni Albert sa mga huling pahayag ni Cyrus. Hindi lubos maisip ang katotohanang hindi siya ang pinili ni Cyrus kahit na nalaman niyang siya si Albert. Nilabanan niya ang kamatayan para sa pinakamamahal niya pero wala na pala talaga siyang babalikan. Mas pinili nito ang bago niyang pag-ibig. 
"Napakahirap tanggapin na ang taong pinag-alayan ko ng pagmamahal, na ang taong naging dahilan ng muling pagkabuhay ko, ang siya ring muling papatay unti-unti sa aking buong pagkatao! Napakasakit tanggapin na hindi ako ang pinili niya! Sana hindi ko nalang nalaman ang totoo o sana nagmadali ako para malaman ang sikreto sa mga panaginip ko noon. Sana nandito pa si Cyrus sa tabi ko! Wasak na wasak ang puso ko! Bakit hindi siya nakapaghintay? Bakit Cy? Bakit hindi mo ako nahintay?, mga panaghoy ni Albert nang tumakbo si Cyrus para sundan si Christian.
"Sana hindi nalang ako bumalik mom! Sana hindi nalang ako bumalik," sabi nito sa mommy niya habang patuloy ang pag-iyak niya.
"Bakit ang dali niyang lumimot? Bakit andali niyang bumitaw sa mga pangako namin sa isa't-isa? Bakit nagdesisyon siyang magmahal ng iba? Mom, Dad, bakit?" muli niyang iyak sa mga magulang niya.
"Anak, wag mong sabihin yan! Nandito kami na naghihintay din sa'yo!" malumanay na sagot ni Emma sa anak.
"At saka anak, masamang husgahan natin si Cyrus. Hindi natin alam ang pinagdaanan niya. Sa loob ng limang taon na nawala ka, wala siyang ibang minahal kundi ikaw," sagot ni dad.
"That's right tito! I am a living witness of how Cyrus struggles for love pains for those years. It was only when Christian arrived from Canada that he decided to move on and love again. He thought, it was an omen from you. Alam mo rin yan teej, I mean Albert, dahil nakasama mo sila," sabat ni Cielo.
"Hindi natin masisisi si Cy if he happens to choose Christian, Al. I've been with the guy for a couple of times, I can say, he really loves Cyrus. Akala ko nun, nakokonsensya lang siya o mas mahal ka parin niya, as I said in your office, pero sa ginawa ngayon ni Cy na pagsunod kay Christian, it's an indication that he loves Christian," dagdag ni Cielo.
"Hindi ka nakakatulong Cielo," kimkim nitong wika kay Cielo.
"Look Albert, I'm showing you the possibilities. Sa pagkakaalam ko, minsan ng pinakawalan ni Christian si Cyrus sa sobrang pagmamahal niya dito nang mga panahong mahal na mahal ka pa ni Cyrus, nang panahong hindi ka niya makalimutan, nagparaya si Christian kahit masakit para sa kanya. Tinanggap niyang hindi kanya si Cyrus. Sana Al, maging ganun ka rin kahit hindi ikaw ang piliin ni Cyrus. Palayain mo siya kung talagang mahal mo siya. Palayain mo siya kung gusto mong mahanap niya ang tunay niyang kaligayahan. At kung si Christian man yun, wag mong ipagkait sa kanya na lumigaya. Like you, he has been through a lot of trials too. Alam kong hindi ka makasarili caz!" mahabang paliwanag ni Cielo.
"You are wishing for my death again Cielo. Parang kamatayan ang hinihiling mo sa akin," sagot ni Albert na umiiyak.
"Anak, tama si Cielo. Ipagkakait mo ba kay Cyrus na maging maligaya?" tanong ng mommy niya.
Tama sila sa mga sinabi nila. Mahirap lang tanggapin na bigla nalang siyang mawawala. Nakita ko rin sa aking mga mata kung gaano sila kasaya noon. Ibig bang sabihin, nasapawan na ni Christian ang pagmamahal ko noon. Ayokong isipin ang bagay na ito! Ayoko! Sobrang sakit ang dulot nito,naisip ni Albert. Tumayo siya at tumakbo papunta sa batis, sa sanktwaryo nila ni Cyrus. Narinig niyang tinatawag siya ng kanyang mga magulang pero hindi siya nakinig.
"Hayaan na muna natin siya tito, tita. Kailangan muna nilang mag-isip. Mas magiging magulo lang pag makikialam tayo. Malalaki na sila. They can resolve their issues on their own! Ang mahalaga ngayon, alam na nating buhay si Albert! This is something we should celebrate. What do you think tito, tita?" kindat niya sa dalawang matanda at inakay sa kusina para uminom ng red wine. Kung minsan talaga praning itong si Cielo. Wrong timing, naisip ni yaya Luring na matamang nakikinig pero nangingiti sa naging huwisyo ni Cielo.
Tumakbo ako para sundan si Christian. Alam kong nasaktan siya ng husto sa kanyang mga narinig. Nakita ko siyang sumakay sa sasakyan. Pinaandar iyon at madaliang umalis. Pero hindi ako sumuko,hinabol ko ang sasakyan habang pumapatak ang pinaghalong mga luha at pawis ko. Nang nakita kong hindi talaga siya titigil, huminto ako sa pagtakbo. Nakaramdam ako ng pagod, huminto ako habang tanaw ang sasakyang papalayo sakin. Patuloy akong umiyak habang nakayuko. Nararamdaman ako ng pagkahapo habang patuloy ang daloy ng luha at tagaktak ng pawis ko. Christian! Christian!, sigaw ng isip ko. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Kailangan ko siyang makausap. Maya-maya lamang, may narinig akong sasakyan na bumabalik sa aking kinaroroonan. The sound of the car gets me back from my lurking. Unti-unti kong itinaas ang aking mukha. Nakita kong umaatras ang sasakyan pabalik. Tumapat sakin at bumukas iyon. Alam kong hindi ako kayang tiisin ni Christian. Dali-dali akong pumasok sa sasakyan at hindi magkandaugaga sa pagpunaw ng aking pawis. Napansin ni Christian kaya bahagya niyang nilakasan ang aircon. Pareho kaming tahimik nang umagang iyon habang nakikiramdam sa bawat kilos ng isa't-isa. Makulimlim ang araw na iyon wari'y nakikisama sa nararamdaman namin. Walang gustong bumasag ng katahimikan. Pareho kaming umurong ang dila sa isang di inaasahang rebelasyon, sa isang di kapanipaniwalang naibulgar na sikreto! Masaya ang lahat pero di maiwasang may masasaktan. Wari'y tama nga sila na ang bawat kasiyahan ay may kapalit na pighati at kalungkutan. Patuloy lang sa pagdrive si Christian, hindi lumilingon, hindi umiimik, waring walang kasama. Parehong namumugto ang aming mga mata, halatang nanggaling sa isang matinding iyakan. Nanatili ako sa aking kinauupuan. Walang ideya kung saan niya ako dadalhin hanggang sa nakita ko ang isang pamilyar na lugar. Bakit dito niya ako dinala? Ano ba ang balak niyang gawin?, naisip ko. Wala masyadong ipinagbago ang lugar. Makikita mo parin ang malawak na tanawin. Tanaw ang buong syudad ng Tuguegarao sa aming pwesto. Kahit sumigaw ng malakas, malayang magagawa iyon dahil malayo sa kabahayan. Maganda ang lugar para sa mga taong may pinagdadaanan. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari. Pero kailangan kong ihanda ang aking sarili. Una siyang bumaba sa sasakyan. Tinanaw niya ang kabuuan ng Tuguegarao. Sumunod ako sa kanya.
"Naaalala mo ba ang lugar na'to?" unang tanong niya sakin. Nahihiya man akong sagutin, tumingin siya sakin ng malamlam. Paano ko ba makakalimutan ang lugar na kung saan ko siya sinaktan ng husto. Tumango ako. Pagkatapos nun, bumalik ang blangkong ekspresyon sa mukha niya at tumingin sa kabuuan ng tanawin.
"Marami nang taon ang nakaraan, marami ng naranasan at pinagdaanan, pero bakit ba ang hirap mong kalimutan!" una niyang pahayag. Di ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Basta ang alam ko lang,nasasaktan siya.
"Nang bumalik ako dito galing sa Canada, plinano kong gantihan ka sa sakit na dinanas ko noon sa kamay mo dahil naging miserable ang buhay ko dahil sa'yo. Akala ko nung una, kaya kitang kalimutan. Iba ang naging epekto ng paghihiwalay natin ng landas noon. Naisip ko nga, tao parin pala ako na kayang magtanim ng galit. Pakiramdam ko, ang pag-ibig ko sa'yo noon, napalitan ng poot dahil sa hindi mo nagawang tugunan ang aking pagibig. Nasaktan ako lalo na nung iniisip kong patay na ang kaagaw ko sa puso mo. Natuto akong magbisyo nang ako'y nasa Canada. Akala mo naging madali ang buhay ko doon? Hindi Cy! Naadik ako sa sugal, inom at iba pang bisyo na nakasira sakin sa loob ng isang taon para lang makalimutan ka, para lang hindi ko isipin ang sakit na dulot ng ginawa mo. Akala ko natanggap ko yun noon, pero habang naglalaro sa aking isipan ang mga nangyari, lalong sumisidhi ang galit ko sa'yo. Nagalit ako sa'yo kahit isinisigaw nito na hindi. Galit ang naging puhunan ko para hindi maisip ang sakit ng mabigo sa pagibig." una niyang pahayag. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Pinagdaaanan pala niya ang mga bagay na di aasahang gagawin ng isang Christian Mendez. Pero tama siyang hindi siya perpekto para hindi makagawa ng mali.
"Hindi naging madali ang buhay sakin doon. Sa tulong ng aking mga magulang at kapatid, tumino ako. Pinagbuti ko ang trabaho ko hanggang sa nakalimutan ko ang mga bisyong nakasanayan ko! Nagipon ako ng pera para pagbalik ko dito sa Pilipinas handa ako sa gagawin kong paghihiganti sa'yo. Kasama si Jazz at Geoff, we planned for a revenge against you Cy! Dahil gusto kong iparamdam ang sakit na ipinaramdam mo sakin noon," sigaw niya habang tumutulo ang luha niya.
"How could you do this Chris?," bulong ko. Pero alam ko sa puso ko na ang galit ni Chris na sinasabi niya ay pawang ulap lamang para mapagtakpan ang nararamdaman niyang pagmamahal sakin. Alam kong mahal niya ako at di niya kayang gumawa ng isang bagay na ikasasakit ko. Patuloy akong nakinig sa kanya.
"Ang pagkikita natin sa mall ay planado. Sinadya naming magpakita sa'yo habang nagshoshopping ka. Sinubaybayan namin ang bawat kilos mo. Naging matagumpay ang unang plano dahil pumayag kang sumama sakin condo. Plano naming paibigan ka at iiwan pag kumagat ka na. Naging matagumpay din ang pangalawang plano dahil bumigay ka kay Geoff! Ibig sabihin, maaari mo pang gawin sa iba iyon, at magiging kasiraan mo iyon sa iyong propesyon bilang guro lalo na pag nakunan sa camera at video. Oo, alam ko na may nangyari ng gabing iyon! Pero nang sinabi ni Geoff na napilitan ka lang gawin iyon! Dun akong nag-isip kung kailangan ko pa bang ituloy. Lalo nang lumipat ka ng higaan para ako ang makatabi mo at hindi si Geoff, doon ko napatunayan na totoo ang ang ipinapakita mong pagmamahal. Doon ako umasa na totoo ang pagmamahal na binibigay mo sakin. In the first place, yun naman ang plano. Pero bakit kabaligtaran ang nangyari Cy! Ako lalo ang umibig sa'yo. At ang hirap baliin ng pag-ibig na yun kasi pag ginawa ko, baka kung ano na naman maisipan ko. 
Inobserbahan kita ng mga sumunod na araw! Nakita ko at naramdaman ko na mahal mo rin ako pero bakit di kita kayang iwan! Bakit di ko magawa ang planong iwan ka para masaktan ka rin. Alam mo kung bakit, dahil sa pinakita mong pagmamahal, nawala lahat ng hinanakit ko sa'yo. Ibinalik mo ang dating Christian, yung ikaw lang ang mahal na mahal! It's so ironic, indeed! Shit! Ako ang naging biktima ng sarili kong pain, yung pain na inilagay ko para sa'yo, ako din ang kumuha para hindi ka masaktan Cy! Takot akong saktan ka! Takot na takot ako!" pahayag niyang tumulo ang luha niya. 
"Nang umalis ka pabalik dito sa probinsya, sinabihan ko si Geoff at Jazz na hindi na tuloy ang mga plano! Dapat lang daw kasi napakabait mo daw na tao para saktan lang! Tama sila! Napakabait mo para saktan lang kita, para gantihan kita! Wala akong nakita kundi ang kabutihan ng puso mo sa kahit na sinong tao! Paano ko pa sasaktan ang taong nagbalik ng pusong ligaw na'to?" patuloy niya na nagpahid ng luha.
"Nang makita ko si TJ na kasama mo, doon ko naramdaman na mahal na mahal parin kita kaya ko nagawang planuhin ang mga bagay na iyon. Walang duda, nagseseloy ako! Gusto ko ng ituloy ang planong iwan ka noon pero dinurog mo ang puso nang nakiusap kang wag akong umalis. Nakita kong desidido ka nang kalimutan si Albert. Naramdaman ko yun kaya tinanggal ko sa sistema ko na saktan ka! Ayoko nasasaktan ka. Pag umiiyak ka, parang tinutunaw mo ang pusong bato na meron ako. Lalo na nang nakita ko ang lahat
ng ginagawa mo para mapatunayan na mahal mo rin ako," humagulgol siya ng husto.
"Sa akin bumalik lahat ng plano ko Cy! Ako ang nasasaktan ngayon! Nagdesisyon akong manatili na dito sa Pilipinas kasama ka, pero ngayon, sa tingin ko, kailangan ko na namang magpapakalayo para makalimot!" dagdag niyang umiiyak.
"Humihingi ako ng pasensya kung pinagplanuhan kita ng masama Cy! Pero ang totoo niyan, hindi ko naman talaga kayang saktan ka. Lalong-lalo na nang makita na kita sa mall, narealize ko kung gaano kita kamahal. Narealize ko that after all these years, pag-ibig mo parin ang hinihintay ko. Sorry kung nagawa ko yun," patuloy niyang pagmamakaawa.
"Wala akong ginawa kundi ang mahalin ka! Di ako tumigil na mahalin ka." sagot niya. Hindi ko nakitaan ng kasamaan si Christian. Ang pag-amin niya ngayon sa pagplano para saktan ako ay isang indikasyon ng pagiging mabuting tao niya. Nakita ko kung gaano niya ako kamahal kaya naman kahit siguro itinuloy pa niya ang kanyang plano, maiintindihan ko parin siya. Tumaas pa nga ang tingin ko sa kanya dahil sa kanyang pag-amin.
"Sshhh! Hindi mo kailangang gawin yan ngayon! Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa yun!" sagot ko.
"Sinundan kita diba? Isa lang ibig sabihin nun, ikaw ang pinipili ko, Chris! Ikaw ang pinipili ko," bahagyang pumiyok ang aking boses dahil sa pag-iyak. Hinaplos niya ang aking mukha.
"Cy, kaya kong gawin lahat para sa'yo! Lahat basta ikaliligaya mo," wika niyang sagot.
"Mahal kita Chris! Kaya ikaw ang pinipili ko," sagot ko. Bahagyang ngumiti siya.
"Hindi tayo para sa isa't-isa Cy! Kahit mahal na mahal kita, kailangan kitang pakawalan. I'm letting you go Cy," sagot niya na muling dumaloy ang masaganang luha niyo.
"Please naman Chris! Wag mong gawin ito! Kaya nga ako sumunod sa'yo. Ikaw ang pinipili ko," sagot ko na nagsusumamo. Nakitaan ko ng galit ang mukha niya.
"Huwag ka ng maging makulit at mapilit Cy! Bumalik ka na sa kanya!" tiim-bagang niyang sagot. Pero alam kong ginagawa niya lang ito para maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
"Chris, hindi mo ba nararamdaman ang pagmamahal ko sa'yo? Kaya wag mong sabihing hindi tayo ang para sa isa't-isa! Tayo ang magdedesiyon nun!" sagot ko na nagsusumamo.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Cyrus? Can't you see? Albert defied death to fulfill his promise! Nilabanan niya ang kamatayan para sa'yo. Bumalik siya para sa'yo. Kayo ang karapatdapat!" sagot niya na bahagyang napasigaw.
"Pero mahal kita Chris!" sigaw ko.
"Wag na tayong maglokohan Cy! Mahal mo ako dahil yun ang inilagay mo sa utak mo! Mahal mo ako dahil obligasyon mo bilang karelasyon ko na mahalin mo. Pero sa puso mo Cy, ikaw ang higit na nakakaalam kung sino ang mahal niyan, kung sino ang totoong itinitibok niyang! Tama na Cy! Lalo mo lang akong pinapahirapan!" nagsusumamong pahayag niya. Pero ipinilit ko ang aking unang sinabi.
"Mahal talaga kita!" sigaw ko.
"Stop it Cy! Stop it! Wag mo nang dagdagan pa ang sakit. Dahil ang sakit sakit na! Tama na!" sigaw din nito sa akin na nagtitimpi na sa nararamdaman.
"Wag mo akong isipin! Nakayanan ko ang maraming taon para malimutan ka! Kaya ko rin ngayon! Alam kong kalaban mo ang konsensya mo Cy! Matagal ko ng napansin yun dahil palagi mong iniiwasan na masaktan ako! Pero kaya ko Cy! Wag mo akong isipin. Ang isipin mo ngayon ay ang kaligayahan mo!" malumanay niyang pahayag habang tinitimpi ang luhang gusto ng umagos sa kanyang pisngi.
"Alam kong sinubukan mong mahalin ako! Alam ko yon! Naramdaman ko ang pagmamahal mo Cy! At nagpapasalamat ako sa'yo sa pagkakataong ibinigay mo sakin. Salamat sa mga magagandang alaalang babaunin ko kahit saan man ako mapunta!" pahayag niya na tuluyan ng humagulgol sa kanyang pagpapaalam.
"You don't need to do this Chris! Please!" sagot ko.
"But I have to, Cy! Kailangan kong gawin para sayo, para kay Albert! Alam kong matagal mo ng hinihintay ito. Ang singsing na suot suot mo ngayon ang isang patunay na masaya ka sa nalaman mo. Masaya rin ako para sa inyo." pahid pahid ang luha niyang turan sakin.
"Pero paano ka? Paano ka Chris? Hindi ko kayang makita ka na nasasaktan ulit dahil sakin!" sagot ko.
"Kaya ko na ang sarili ko Cy. I am grown up now! Sisiw lang to!" sagot nito na pilit ngumiti. Alam kong nasasaktan siya sa mga namumutawi sa mga labi niya. Alam kong hindi niya kaya pero kinakaya niya. Alam kong napakahirap para sa kanya pero ginagawa niyang madali para sakin. Nagkamali siya, oo, pero siya naman ang nagdurusa sa huli. Nagkamali siya pero alam kong di niya yun sinasadya. Wala siyang ginawa kundi mahalin lang ako. Wala siyang inisip kundi ang kapakanan ko. Sa huli, kahit alam kong nahihirapan siya, ginagawa parin niya ang mga bagay na sa tingin niya makakapagpasaya sa akin. After all, nasaktan ba ako sa ginawa niya? Hindi naman, diba? Siya parin ang nasasaktan ngayon. Napakadakila rin ng pag-ibig ni Christian. Mahirap pakawalan ang tulad niya pero alam ko sa puso ko, alam niya, nakikita at nararamdaman niya na isa lang ang itinitibok nitong puso ko. At si Albert yun.
"Pero alam mo namang ginawa ko lahat diba Chris? Alam mong sinubukan ko!" sagot ko na wari'y nakikiusap ang mga luhaang mata para maibsan man lang ang konsensyang dala-dala. Gusto kong marinig mismo kay Christian na kahit papaano, nakita niyang ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para mahalin siya. Alam kong nakita at naramdaman niyang ginawa ko ang lahat ng aking makakaya at kung nagkulang man ako minsan, pinunan ko iyon.
"Alam ko yun. Naramdaman ko yun. Kaya nga nagpapasalamat ako sa'yo sa lahat ng ginawa mo para lang mapasaya ako! Wala kang pagkukulang. Ramdam ko na sinubukan mo. Kahit papaano, alam kong nagkaroon ako ng puwang sa puso mo, Cy" sagot niya na hindi inaalis ang mga tingin sa aking mga mata. Muling namuo ang luha sa kanyang mata na siyang nakapanghihinang tingnan.
Kahanga-hanga talaga ang lalaking ito. Tama naman siya sa lahat ng sinabi niya, si Albert parin talaga ang mahal ko. Siya parin ang nangingibabaw. Tama siya na konsensya at obligasyon ko sa kanya bilang karelasyon niya ang pinairal ko kaya ayaw kong bumitiw sa kanya. Mahal ko siya, oo, pero sa ibang lebel iyon.
"Sige na! Bumalik ka na sa Villa, ako na bahala sa sarili ko!" utos niya.
"Bukas ko na kunin lahat ng gamit ko sa bahay niyo para makapagpaalam narin kay tita," sabi nito.
"You can stay there as long as you want!" sabi ko.
"No, Ill go back to my condo! Mas mahihirapan ako hangga't nandito ako, nakikita ka. Dun na muna ako! Sige na! Hinihintay ka na niya." utos niyang muli.
"Hindi na muna Chris! Kailangan ko munang palamigin ang sitwasyon ngayon. Uwi na muna tayo sa bahay! Gusto ko munang magpahinga bago ako bumalik sa Villa! Masyado ng maraming nangyari ngayon! Sabay ka na sakin Chris, please. Hindi kita basta-bastang iwan dito." mungkahi ko. I convince him to come with me. Pumayag naman siya dahil nasa bahay pa ang mga gamit at kotse niya. Inulit kong sabihin sa kanya na mahal ko naman siya. Pero sadya atang hindi maturuan ang puso, sadyang iba talaga ang lebel ng pagmamahal ko sa kay Albert.
"Honestly, humanga ako sa pagpaparamdam mo ng pagmamahal Cy. Kaya siguro lahat ng nagmamahal sa'yo tulad namin Ni Albert, tunay din ang iniaalay dahil sa sobrang maalaga at mapagmahal ka!" sabi niya. Wala mang bahid ng sakit sa mukha ni Christian, alam ko at nakikita ko sa kanyang mga mata na nasasaktan siya. Masakit na sabihin niya ang mga iyon. Indikasyon na pinapaubaya na ako kay Albert. Indikasyon na pinapakawalan na niya ako. Ayaw niya akong makulong sa isang relasyon siya lang ang nagmamahal. Sana, makahanap rin ang taong ito ng mamamahalin niya. At kung sino man ang taong iyon, napakaswerte niya sa pagkakaroon ng isang Christian Mendez.
"Chris, thank you! Thank you for coming into my life! Hinding-hindi kita makakalimutan!" sabi ko habang nagdadrive ako. Totoo iyon. Nagpapasalamat ako at dumating siya sa buhay ko. Hindi ako nagsisising inialay ang pagmamahal ko sa kanya at pinasilbihan siyang parang asawa sa loob ng ilang buwan. 
"No Cy! Ako ang dapat magpasalamat! Maraming salamat sa pagparamdam mo ng pagmamahal kahit sa loob ng ilang buwan lang!" sagot niya na nakatitig sa aking mga mukha. Wari'y ito na ang huling pagkakataong makikita niya ito. Ito na ang huling pagkakataong matititigan niya ito ng husto. Kahit masakit, kinakaya ni Christian. Alam kong nasasaktan siya. Alam kong durog na durog na ang puso niya. Alam ko iyon. Kaya hinaplos ko ang mukha niya.
"Napakaswerte ng taong mamahalin mo Chris. Dalangin ko na mahanap mo rin siya sa lalong madaling panahon," sinsero kong turan sa kanya. This man deserves to be loved. He deserves a better Cyrus in his life. At alam kong darating siya sa tamang panahon, in God's perfect time. Isang mapait na ngiti ang ibinigay niya sa akin pero ang ngiting iyon ay may dala na pag-asa dahil alam ko sa puso niya, umaasa rin siya na makikilala niya ang taong magbibigay sa kanya ng tunay at dakilang pag-ibig. Ang pag-ibig na ito ang magdudulot sa kanya ng walang hanggang kaligayahan. Katulad ko, katulad namin ni Albert.
Author's Note:

Ang pagpaparaya sa taong minamahal natin ay napakasakit na scenario sa buhay pag-ibig. Ngunit kung ito'y titingnan mabuti sa kalalimang kahulugan nito, ang pagpaparaya ay higit pa sa pagpapalaya sa tao. Ito'y pagbibigay ng pagkakataon sa ibang tao na lumigaya at ito'y pagbibigay rin ng pagkakataon para sa sarili natin na hanapin ang tunay nating kaligayahan. Tunghayan ang huling bahagi ng kwento ni Cyrus.

Kabanata 6 Bagong Umaga - Revelations Huling Bahagi

SA ISIP NI TJ BAGO NAHIMATAY...
Pagpasok niya sa mansyon, sinalubong siya ni Cielo na nakipagbeso sa kanya. Ngumiti siya ng bahagya. Pagpasok na pagpasok niya sa bungad ng sala, nakita niya ang mga mukhang nakita na niya sa larawan. Nakita niyang bumuka ang bibig ng babae at sabay silang napatayo nang makita siya. Nakita niya ring may ibinulong si Cyrus sa kanya. Dumagundong ang puso ni TJ. Hindi niya maintindahan ang kanyang nararamdaman nang makita ang niya ang mag-asawang Respicio. Nadudurog ang puso niya! Namuo ang luha niya ng makita ang mga ito.
"Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanila? Pakiramdam ko bahagi sila ng buhay ko matagal ng panahon ang nakalipas! Sino ba sila?" Bahagya siyang lumapit. Lalo naging malinaw sa kanya ang lahat. May biglang umilaw sa bahagi ng kanyang imahinasyon! Nagdulot iyon ng sakit sa kanyang ulo.
"Aaaahhh! Aaahhh! Aaahh! Ang sakit! Ang sakit,sigaw ng utak niya! Mga mukha ang nakita niya. Mom, Dad! Sila ang mga magulang ko. Si Cyrus, siya ang minahal ko. Ang mga alaala ko sa pagkabata kasama ng mga magulang ko, ang mga alaala ni Cyrus, ang tagabantay, ang aksidente, ang pagkamatay ni Albert, ang necro service, lahat ng alaala niya bilang Albert, bumalik.
"Aaahh! Aaahh! Aaaahh! Ang sakit! Ako si Albert! Ako si Albert! Ako si Albert!" mga namutawi sa isip niya. Aaahh! Bigla na namutawi sa kanya at nawalan ng malay.
May mga naririnig siyang boses sa kanyang paligid. Malalakas na boses ang narinig niya. May mga umiiyak siyang naririnig sa kanyang paligid. Nahihilo siya sa lahat ng kanyang naalala. Siya si Albert! Magmula sa pagkabata niya, sa aksidente hanggang sa bumalik ang kaluluwa niya sa katawan ni TJ. Siya si Albert. Madilim ang kanyang paningin. Hanggang sa unti-unti itong lumiwanag! Naulinigan niya ang mga mahinang tinig, waring naguusap. Hanggang sa naging maliwanag ito.
Nabuhayan ako ng loob ng napansin kong gumalaw si TJ. Waring nakikiramdam ito sa paligid dahil lumingon-lingon siya pero parang wala pa itong nakikita. Unti-unting bumuka ang kanyang mga mata. Agad lumapit sa kanya ang mag-asawang Respicio.
"Iho, ok ka na ba? Nahimatay ka kanina," sabi ni mom kay TJ.
"Mom, Dad," mahinang sabi ni TJ na ikinagulat namin nina Christian at Cielo. Nagtinginan kami ni Cielo. Alam namin kung ano ang posibleng nangyayari ngayon.
Napangiti si mom at dad.
"Iho, ako si Emma Respicio at siya naman si Alfonso Respicio. We are not your parents, iho! Pamangkin namin si Cielo na best friend mo. Kumusta na pakiramdam mo, iho?" tanong ni mom.
"Mom, Dad!" biglang bangon ni TJ at yakap yakap sina mom at dad.
"I miss you so much mom, dad! Mis na mis ko kayo!" sabi ni TJ na humahagulgol habang yakap yakap sina mom and dad. Nakita kong nadala sina mom at dad dahil namuo ang mga luha ng mga ito. Para bang hinaplos ni TJ ang puso ng mga magulang na tulad nila kaya tinugunan nila ang yakap nito.
"Iho, nagkakamali ka! Hindi kami ang mga magulang mo. We are Mr. and Mrs. Respicio," tugon ni dad.
"I know, I know dad! Alam ko yun! Ako si Albert!" biglang bulalas ni TJ sa mag-asawa habang umiiyak, habang patuloy na dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi! Nagulat kaming lahat sa kanyang sinabi. Lumayo sina mom at dad sa kanya.
"Is this a joke iho? Hindi ito magandang biro," medyo may bahid na banta ang boses ni dad dahil pakiramdam yata nito na hindi nirerespeto ang alaala ni Albert.
"Hindi ako nagbibiro dad! Mom, please believe me! I'm Albert. Ako si Albert mom!" sagot nito na lalong ikinaluha ni mommy. Mataman kaming nakikinig. Di ko narin napigilan ang napaluha sa mga rebelasyong sinabi ni TJ. Biglang nagsalita si Cielo.
"Tito, tita. I think, TJ is telling the truth. Ikinwento niya sakin ang mga panaginip niya nang makita niya si Cyrus sa birthday party ko. Hindi ako naniwala nung umpisa pero nang sinabi niya ang laman ng panaginip niya, naniwala ako dahil hindi pa niya nakita ang mga iyon, wala siyang alam tungkol kay Albert, pero lahat ng nangyari kay Albert,napanaginipan niya." mahabang paliwanag ni Cielo. Napaupo ang mag-asawa sa narinig kay Cielo.
"Imposible! Imposible! Paano nangyari na ikaw si Albert? Bakit kami maniniwala sa'yo?" malumanay na tanong ni mom na naguguluhan.
"Please mom, dad,alam kong nararamdaman niyo! Cy, please, ako ito mahal ko! Maniwala ka. Ako ito mahal ko," lalo itong napaiyak sa pangungumbinsi niya sa amin para maniwala kami.
"Please naman! Please believe me! Bumalik ako! Bumalik ako para sa inyo!" hagulgol ni TJ. Napayuko ito sa pag-iyak. Ngunit bigla itong nag-angat ng kanyang mukha.
"Mom," tawag niya kay mommy Emma. Tumingin naman si mommy Emma.
"Mom, bago ako namatay, may mga ibinilin ako sa'yo. Ang Villa, sinabi kong ipamana mo kay Cyrus, 
ang trust fund ko, ibigay sa kanya. Ang singsing, ibinilin kong ilagay sa urn pag namatay ako. Sinabi kong babalik ako at ako mismo ang magsusuot nun sa aking daliri para kay Cyrus" sabi nitong nakatingin kay mom at tumingin sakin ng bahagya. Napansin kong namuo ang mga luha sa mata ni mom nang marinig iyon. Pati ako ako napaluha din sa huling pahayag nito.
"Dad, walang ibang nakakaalam ng sikreto nating ito. Minsan naglalaro tayo ng habulan sa batis, bigla akong nadapa at nasugatan ang aking tagiliran, di natin pinaalam iyon kay mommy. Sinikreto mong ginamot mo iyon hanggang sa gumaling," sabi nito kay dad. May pagtataka sa ekspresyon ng mukha niya at nagsimula muling namuo ang luha sa kanyang mga mata. Tumingin ito kay mom na wari'y sinasabing si Albert lang ang nakakaalam nun. Nadurog ang puso ko nang tinitigan ako ni TJ nang matagal at ngumiti.
"Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Nangako akong babalik. Sinabi kong mata ang magiging basehan mo. Hindi ko alam kung naintindihan mo ang pagbanggit ko sa salitang mata. Pero yun ang huling salitang sinabi ko sa'yo," patuloy nito na may hapding nararamdaman na siyang ikinahagulgol niya lalo nang makita niyang hawak-hawak ni Christian ang kamay ko na dating siya ang nakahawak. Di ko ring napigilang umiyak! Dahil lahat ng sinabi niya tama! Yun ang eksaktong sinabi ni Albert nang huling magpaalam ito sa akin.
"Pagkatapos kong nalagutan ng hininga, hindi lang kayo ang nagdusa. Pati rin ako," patuloy niyang kwento habang pahid-pahid ang luha niya.
"Nakita ko kayo kung paano niyo ako iyakan. Alam kong napakasakit sa inyo ang pagkawala ko! Nakita ko kung paano ka nagmakaawa sa doctor na irevive ako. Nakita ko kung paano ka nasaktan sa pagkawala ng buhay ko Cy! Ang sakit! Ang sakit-sakit na makita ko kayong lahat na umiiyak sa aking pagkawala! Sinundan kita Cy, sa church ng ospital, nakita ko kung paano ka magmakaawa sa kanya para lang ibalik ako. Kahit sinisigawan kitang nasa tabi mo ako, di mo ako marinig Cy! Walang kasingsakit nang malaman kong patay na ako at isa na lamang espiritu na di niyo makita," patuloy ang paliwanag niya na humagulgol ulit sa mga sakit na naranasan niya. Di ko napigilang humagulgol na inalala lahat ng pait ng kahapon lalo na nang namatay si Albert. Tumingin siya muli sakin.
"Binantayan kita pati sa pagtulog mo, nakita ko ang mga hagulgol mo gabi-gabi. Sinundan kita hanggang nagresign ka dahil gusto mong hindi makasagabal ang trabaho sa pagbantay sakin! Binantayan kita Cy. Narinig ko lahat ng sinabi niyo sakin nung necro service! Tinatarakan ang puso ko sa bawat luha niyong pumapatak! Ang I love you anak na sabi ni dad, ang pagtaas mo nang kamay mo para sabihin sa lahat ng tao, ni walang bahid ng takot na ipagsigawan na mahal mo ako Cy habang suot-suot ang singsing na yan,(sabay turo sa singsing na nasa aking daliri) napakasakit nun sa akin, mom, dad, Cy! Ang sakit!" muli niyang pahayag na wari'y sasabog ang dinadalang sakit sa dibdib at tanging pagiyak lang ang solusyon para maibsan iyon. Patuloy siyang umiyak! Hindi kami makapagsalita lahat dahil sa sakit na nararamdaman namin, dahil sa pag-iyak ng bawat isa samin. Nakikinig lang kami sa kwento ni TJ.
"Sinundan kita hanggang inihatid mo ang abo ko sa munting kastilyo! Hanggang sa narinig ko ang Paalam Mahal Ko! Pinanood kita at nakita kong nagdurusa ka. Niyakap kita nang gabing iyon hanggang magdamag kahit alam kong di mo na iyon nararamdaman!" muli siyang umiyak. Muling piniga ang puso namin nina mom and dad habang nakikita naming umiiyak si TJ sa harapan namin para mapatunayan lang na siya si Albert.
"Pero teej, bakit ngayon mo lang sinabi ang mga yan? Bakit hindi mo yan nalaman sa mga panaginip mo?" sumisinghot na tanong ni Cielo.
"Ang tagabantay sa tarangkahan ng langit! Ang tagabantay! Siya ang gumawa ng kondisyong iyon! Siya ang nagbigay ng kondisyong iyon bago ako makabalik sa lupa," paliwanag niya pero naguguluhan parin kami.
"Sa ikasampung araw ng espiritu ko dito sa lupa, hinigop ako ng isang malakas na pwersa. May dalawang pila akong nakita. Nakipila ako pero ipinagtabuyan ako sa unang pinagpilahan ko. Buti nalang dahil para pala yun sa mga pupunta sa impyerno. Inakay ako ng isang bata sa kanyang pila, sinabing hindi ako nababagay doon at doon ako nakipila hanggang marating namin ang isang napakataas na puting tarangkahan. Nang papasok na ako, napansin ng tagabantay na wala akong krus na marka sa kamay, dahil ang markang krus ang tanda na ang isang tao ay patay na at pwede ng pumasok sa tarangkahan, dahil wala akong krus sa kamay, tiningnan niya ang listahan ng mga mamamatay, pero wala ako doon. Nagkamali ang tagabantay sa pagtala dahil sa taong 78 dapat ako mamamatay pero 18 ang inilagay niya. Kaya pinabalik ako dito sa lupa sa katauhan ni TJ na mamamatay sa isang plane crash. Ang panaginip ay isa sa mga regalo ng tagabantay para maalala ko kayo. Dahil sabi niya, pag pumasok ako sa katawan ni TJ, ang katauhan lang ni TJ ang maaalala ko at hindi ang katauhan ko bilang si Albert." hikbi niyang kwento.
"Pero nagbigay siya ng kondisyon para maalala ko na ako si Albert. Kailangan ko muna daw makita in person ang mga taong malapit sa akin. Ikaw Cy, mom at dad! Kayo ang kondisyon para maalala ko na ako ang anak niyo na si Albert! Kaya kahit napapanaginipan ko lahat ng nangyari, kahit nakita ko na si Cyrus, may kulang parin. Kaya nang makita ko kayo kanina,mom, dad, bumalik sakin lahat ng alaala ko bilang anak niyo. Ibinalik na sakin ng tagabantay iyon sakin. Mahirap paniwalaan mom, dad,pero yun ang totoo! Ako ang anak niyo! Ako si Albert! Mahal, ko ako ito. Maniwala kayo sakin," muli niyang iyak habang palipat-lipat siya ng tingin sa amin. Hindi na napigilan ng lahat ang mag-iyakan. Tumingin ako kay Christian, nanlulumo ang itsura nitong umiiyak na parang nababanaag ang matinding kalungkutan sa kanyang bilugang mata. Lumapit si mom and dad kay TJ!
"Anak! Anak! Ikaw talaga yan!" patuloy na iyak ni mommy.
"Salamat sa diyos at ibinalik ka! Di mo kailangang magmakaawa anak, kilala ka namin. Alam namin ikaw si Albert! Ikaw si Albert," lumuluhang tugon ni daddy at nagyakapan ang tatlo. Nang maghiwalay sila, humarap sakin si TJ/Albert, kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon!
"Mahal ko, tinupad ko ang pangako ko sayo! Bumalik ako," lumuluhang wika nito sabay kuha ng kamay ko at hinalik-halikan iyon. Ayokong bawiin ang mga kamay ko para maramdaman ko na talagang bumalik na si Albert. Kumpirmado nang bumalik siya para sakin. Nagyakapan kami ni Albert! Nagyakapan kami kahit alam kong nasa harapan namin si Christian na nasasaktan. Pagkatapos nun, kumawala ako sa yakap niya.
"I'm sorry Albert! Di na pwede!" wika kong hirap na hirap dahil sa sakit na pakawalan ang pangakong binitawan ko sa taong namatay na pero muling nabuhay sa ibang katauhan.
"Hindi na pwede!" muli akong humagulgol.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Christian at umiiyak na umalis sa mansiyon.
"Albert, I'm sorry!" umiiyak kong paumanhin kay Albert. Tumakbo ako para sundan si Christian.
"Cy, mahal ko!" humahagulgol na sigaw ni Albert at akmang hahabulin ako pero pinigilan siya ni mom at dad.

"Anak, hayaan mo munang mag-usap silang dalawa!" pigil ni mom sa kanya habang inaalo ito sa patuloy niyang pag-iyak.