Isang tawag ang natanggap ni TJ nang gabing iyon
mula kay Cielo.
"Hey Teej, where are you?" tanong
nito.
"I have just arrived home from the office.
Resting now! I'm tired!" sagot ni TJ na dinig na dinig sa boses ang
pagkahapo sa maghapong trabaho.
"Hmmm! It sounded on your voice Teej. But
hey man, I'm driving home my tito and tito right now. On our way to the
province. I just called to inform you. You might want to head over the Villa
tomorrow." tuloy-tuloy na sabi ni Cielo. Biglang nagkaroon ng buhay ang
dating pagod na boses ni TJ.
"You mean, they'd arrived! Napaaga ata!
Albert's anniversary will be 3 weeks from now!" sagot ni TJ.
"Oh! Yeah. I don't know. My tita Emma told
me that Tito Alfonso has been requesting her to come home since December.
Nakulitan yata si tita kaya eto, napauwi sila ng wala sa oras. Tito misses the
Villa, I guess. Pagod pa nga sila. Eto, tulog sila dito sa loob ng kotse."
sagot ni Cielo.
"I'll just take a shower lady. Susunod
ako!" sagot ni TJ.
"Can you still manage to drive then?"
tanong ni Cielo kay TJ.
"I'll bring with me our family driver. I
can no longer drive at this time. See you then!" sagot ni TJ.
"Better Teej! See you!" sabi ni Cielo
na akmang ibaba na ang tawag.
"Wait Cielo!" sigaw ni TJ. "Will
Cyrus and Christian be at the Villa tomorrow?" tanong niya na may halong
excitement.
"Yeah man! They will be there. Tita talked
to Cyrus the other day. And Cyrus confirmed 'their' presence tomorrow,"
pagbibigay-diin ni Cielo sa salitang their na pahiwatig na kasama si Christian.
Tahimik sa kabilang linya.
"I think, Cyrus told tita about Christian
already. Excited nga ang mag-asawa na makilala si Christian. But TJ, don't be
disappointed again. I'll expect you to come no matter what you've heard from
me! See you!" sabay patay ng telepono at hindi na binigyan ng pagkakataon
pa si TJ na magsalita. Baka bawiin pa nito ang pagpunta sa Villa. Patuloy na
nagdrive si Cielo hanggang marating nila ang Villa.
SA BAHAY NI CYRUS...
"Good morning mahal!" bati ko kay
Christian na kagigising lang.
"I brought you something! Breakfast in
bed!" masayang bati ko sa kanya. Ngumiti si Christian sa gesture na ginawa
ko. Magmula kasi nang mangyari ang komprontasyon sa pagitan naming, ginawa ko
lahat ng aking makakaya para ilaan ang buong oras at pagmamahal ko sa kanya.
Yung mga dati na ginagawa ko lang kay Albert, natutunan ko ring gawin sa kanya.
"Hmmm, ang sweet naman ng asawa ko!"
ngiti ni Christian sabay kindat.
"Kain ka na mahal! Tapos maghanda ka ha!
May pupuntahan tayo," sabi ko sa kanya na nakangiti.
"Hmmm, sorpresa na naman ba yan mahal?
Naku, baka umiyak na ako sa dami ng sorpresa mo ha," tanong niya sakin.
Ngumiti ako. Eto ang gusto ko kay Christian, nakikita niya lahat ng ginagawa
kong effort para makabawi sa kanya and he never fails to thank me for my
efforts making him content and happy.
"Saan ba tayo pupunta mahal ko?"
tanong niya.
"Basta. Secret muna! Mamaya ko na
sabihin." sagot ko.
"Sige na mahal ko. Sabihin mo na. Para
ganahan ako kumain," lambing niyang tugon.
"Hmmm, kararating lang kasi ng mag-asawang
Respicio sa Villa. Puntahan sana natin sila. Tinawagan kasi ako nung isang
araw," sagot ko. Bahagyang natigilan si Christian sa sinabi ko. Tumahimik
at tumigil sa akmang pagsubo sa pagkain.
"Ipapakilala kita sa kanila mahal ko!"
excited na sabi ko sa kanya dahil alam ko na naman ang tumatakbo sa isip niya.
Nag-angat siya ng mukha.
"You mean, alam nila na tayong
dalawa!" tugon niyang may halong pagtataka sa ekspresyon ng mukha niya.
"Yeah! Sinabi ko sa kanila syempre! Kaya
nga gusto ka nilalang makilala. Syempre, nakalimutan nari nila ang mukha mo
kasi matagal na kayong di nagkita. Bakit? Ayaw mo ba mahal?" tanong ko.
"No, of course not. Gusto ko mahal!"
sagot niya na bahagya ng ngumiti ang mukha niya.
"Kaya nga, dalian mo na diyan para
makapunta na tayo ha!" lambing ko sabay haplos sa mukha niya.
"Yes boss!" sagot niya na maluwag ang
ngiti. Naghanda kami ni Christian sa pagpunta doon. Ginamit namin ang sasakyan
ko para ipakita ko sa kanila na inalagaan ko ng mabuti ang sasakyang ibinigay
nila sa akin.
Nakarating kami sa Villa. Ipinasok ni Christian
ang sasakyan. Sinalubong kami ni yaya. Tinanong ko kung nasaan sila. Nakatulog
pa daw. Napagod yata sa byahe. Pagpasok namin. Sinalubong kami ni Cielo na
halatang kagigising lang.
"Cy, hi!" sabay beso sakin. Ganun din
ang ginawa niya kay Christian. Umupo kaming tatlo at nagkwentuhan ng kung
anu-anong mga bagay. Yung iba tungkol sa relasyon namin ni Christian.
"Kumusta kayong dalawa?" tanong niya.
"Well and good!" sagot ni Christian
sabay hawak sa aking kamay. "May mga tampuhan man, pero we manage to
settle it. Syempre, mahal namin isa't-isa," dagdag ni Christian.
"Great to hear that," wika ni Cielo na
nagpalipat-lipat ng tingin sa akin at kay Christian. Nagrequest ako kay yaya ng
kape at makakain kaya naghanda naman ito. Nagkakape kami nang bumaba ang
mag-asawang Respicio.
"Anak, how are you?" salubong ni mom
na bahagyang nakangiti at maaliwalas ang mukha na sinalabong ako ng yakap at
halik sa pisngi.
Nagbigay galang ako kay dad! Yumakap ako at
kinumusta din sila.
"Ok lang ako dad, mom! Buti po at agad
niyong naisipan na umuwi! Maraming oras po tayong magkakasama." sagot ko
sa tanong ni mommy Emma. Nakangiti ang mga ito.
"Actually iho, your dad decided to stay
here for good! Ok lang naman sakin kasi mas gusto ko ang buhay dito sa Pinas
kaysa sa US!" sagot nito.
"That's great dad, mom!" sabi ko na
tuwang-tuwa sa balita ni mommy Emma.
"Ow anak, siya ba ang sinasabi ng mommy
mo?" pansin ni dad kay Christian.
"ay, opo dad! Meet Christian Mendez, my
boyfriend!" sagot ko.
"Naku, guapong binata ah anak!" turan
ni mommy.
"Bagay sila diba dad?" dagdag nito.
"Masaya kami at tuluyan ka ng nakalimot
anak. Kahit may pangako si Albert nun sayo, masaya kaming makita ka ngayon na
masaya sa bago mong pag-ibig," sabat ni dad.
"Christian iho, alagaan mo ang anak namin
ha! Wag mo siyang sasaktan. Mahal namin ang batang ito," sabi ni dad na
may halong pagbabanta sa boses.
"Don't worry Ma'am, sir! Aalagaan at
mamahalin ko po siya.
Naupo kaming lahat nang pumasok si yaya.
"Ma'am Cielo, hanap ka po nung guapong
binatang kasama nun ni Sir Cyrus," sabat ni yaya kasabay ng pagpasok ni TJ
sa pinto.
"Teej!" sigaw ni Cielo na sinalubong
si TJ. "I'm glad you came!" sabi nito na humalik kay TJ. Nakita kong
bahagyang natigilan si mom at dad nang sumungaw ang mukha ni TJ sa kanila.
"Oh My God, Albert anak!" bulong ni
mom.
"Mom, he's not Albert. He's TJ Miranda,
Cielo's best friend." bulong ko.
"But he looks like my son!" sagot ni
mom na bahagyang namuo ang mga luha sa mata. Ganun din ang naging reaksyon ni
dad. Parang namalikmatang tinitigan si TJ. Tumingin ako kay TJ. Kitang-kita sa
reaksyon nito ang pagkagulat nang makita ang mga Respicio. Natigilan ito at nagsimulang
namuo ang luha sa kanyang mga mata hanggang sa patuloy ang pagdaloy ng luha
niya sa kanyang mga pisngi. Ang iyak ay naging hagulgol! Nagtaka ako sa naging
reaksyon ni TJ. Bakit ganito ang reaksyon niya? Lahat kami nagulat sa naging
reaksyon ni TJ. Ang patuloy na paghagulgol niya habang nagpalipat-lipat ng
tingin kay mom at dad kasabay ng pagtingin sa akin wari'y andaming alaalang
rumehistro sa kanyang imahinasyon. Napailing ang kanyang ulo na animo'y hindi
makapaniwala! Biglang hinawakan niya ang kanyang ulo sabay sigaw ng
"Aaaaaaahhhhh! Aaaaaahhhh! Aaaahhhh!" na nagdulot sakin ng kakaibang
kirot sa puso ko.
"Teej, what's happening?" naguguluhan
at nagpapanic na tanong ni Cielo. Pero patuloy ito sa paghawak ng kanyang ulo
habang humahagulgol at sumisigaw na parang nasasaktan. Lahat ng tao sa sala ay
nagpanic sa naging asta ni TJ. Lumapit na ang mag-asawang Respicio para
alalayan si TJ. Gayundin ang ginawa ko. Lahat kami lumapit. Patuloy parin ang
pagiyak at pagsigaw ni TJ.
"Aaahh! Aaaah! Aaaahh!" patuloy niyang
sigaw habang hawak-hawak ang kanyang ulo na animo'y nasasaktan sa lahat ng
naaalala niya. Inalalayan namin si TJ papunta sa upuan ngunit bago namin siya
nagawang ihiga, bigla itong nahimatay. Nagkagulo lahat sa mansiyon sa biglaang
mga pangyayari. Buti nalang doctor si dad. Sinabihan kaming lumayo kay TJ para
mahanginan siya.
Pati ako hindi ko na
naitago ang emosyong tinitimpi ko. Wala na akong pakialam kung ano ang
sasabihin sakin ni Christian. Ayaw ko siyang tingnan. Basta ang alam ko, nagaalala
ako. Ang alam ko, natakot ako sa posibleng mangyari sa kanya! Natakot ako! May
kurot ng hinagpis sa puso ko!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento