Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Nang Magturo ang Guro by: Xian Javier Epilogue Book 1 Prologue Book 2

Nang Magturo ang Guro
by: Xian Javier
Epilogue Book 1
Prologue Book 2
Pag-alis ni Christian sa bahay ni Cyrus, alam niyang magiging mahirap ang lahat. He will start again from scratch. Alam niyang isang mahirap na hakbang ang pakawalan si Cyrus. Ito'y napakasakit na parte ng pag-ibig - to let go of someone who completes you as a human being just because you can never make him happy. Yung tipong ipapamigay mo ang isang pinakamamahal mong tao sa iba para sa ikaliligaya niya. Mahirap! Masakit! Tumatagos!
Alam niyang masaya na si Cyrus ngayon sa piling ni Albert. Masayang isipin na sila parin sa huli sa kabila ng isang matinding pagsubok na naranasan nila. Their love immortalizes throughout these years. Cyrus deserves to be happy. So with Albert. They both deserve to be happy.
Ang mga sumunod na araw ni Christian ay naging napakahirap. Hindi na matatawaran ang sakit na nararamdaman niya dulot ng pagkabigo sa pag-ibig. Pero alam niyang Cyrus is so proud of him in his courage to let go of him. Ang tapang na yun ay isang balatkayo lamang, isang pagpapanggap! Ayaw niyang dadalhin ni Cyrus sa kanyang konsensya ang pag-alis niya. Kilala niya si Cyrus. Ayaw nitong nakakakita ng taong nasasaktan. Tulad ng ginawa niya, kaya niyang isugal ang sarili niyang kaligayahan para lang hindi niya masaktan ang kanyang damdamin. Kilala niya ito kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para lumigaya si Cyrus. Alam niyang matagal nang hinihintay ni Cyrus ang pagkakataong makasama niya muli si Albert. Kaya pinakawalan niya ito sa isang pagkakataling siya ang gumawa. Isang pagkakataling akala niya panghabambuhay na, pero nagkamali siya. Masakit na sa araw na ipapakilala siya ni Cyrus sa mga magulang ni Albert, gumulantang sa kanya ang isang di inaasahang rebelasyon, isang rebelasyon na nagpabago sa lahat, isang rebelasyon na nagdulot ng di matatawarang kirot sa puso niya. Mahirap tanggapin pero masyado niyang mahal si Cyrus para ipagkait dito ang kaligayahan niya. Tama nga yata ang kaibigan niyang si Geoff at Jazz, he's an example of a living martyr! Martir na kung martir. Pero alam niyang yun ang tama! Yung ang nararapat gawin sa sitwasyong iyon. 
Nakita niya ang mga ulap habang sakay siya ng eroplano. Papunta siya sa isa sa mga isla ng Boracay. Pumili siya ng isang isla doon na hindi gaanong matao! Gusto niya yung mabibilang lamang ang mga taong nagpupunta doon. Muli siyang tumitig sa mga ulap. Naisip niya na sana isa nalang siyang ulap na dinadala ng hangin, isang ulap na pag nabigatan na, ay bigla nalang bubuhos bilang isang ulan at magiging magaan muli habang idinuduyan ng hangin sa alapaap. Pero siya, kahit ibuhos niya lahat ng kanyang luha, mananatiling mabigat ang kanyang pakiramdam. Parang kailan lang na sobrang saya nila ni Cyrus na magkasama. Hindi lubos maisip na bigla itong mawawala sa isang iglap lang. Nadadarang ang kanyang pakiramdam kapag iniisip niya ang mga nangyari sa kanila ni Cyrus. Pinaghalong saya at kirot ang kanyang nararamdaman. Malinaw pa sa kanya ang mga araw na sinosorpresa siya ni Cyrus. Malinaw pa sa kanya ang ngiti nito, ang sulyap nito, ang mga yakap at halik nito. Muli, bigla siyang tinablan ng matinding kalungkutan. Muli siyang napaluha. Patuloy na dumaloy ang kanyang luha sa kanyang pisngi. Hindi niya iyon mapigilan. Patuloy ang pagpahid na ginawa niya dahil naisip niyang nasa loob pala siya ng eroplano.
"Are you ok sir?" tanong ng isang guapong lalaki, mukhang kagalang-galang, sabay abot ng panyo sa kanya. Ipinagwalang bahala ni Christian na sipatin ang itsura ng lalaki dahil naging abala siya sa pagpahid ng kanyang luha gamit ang panyong ibinigay ng lalaki sa kanya.
"I'm tryin'. Thank you!" sagot niya at bumalik muli sa pagtitig sa mga ulap. Hindi na niya nilingon pa ang lalaking iyon dahil nahihiya siya naging asta niya. Kalalaki niyang tao tapos umiiyak siya. Nahihiya siyang ipakita ang mukha niya dito lalo na at namugmugto pa naman ang kanyang mga mata sanhi ng kanyang pag-iyak. Nakarating siya sa Boracay.
"Bye" wika ng lalaki sa kanya.
"Yung panyo mo!" sigaw ni Christian pero di na siya narinig nito dahil mukha itong excited na makita ang isla ng Boracay. Buti pa siya, excited!, naisip niya.
"Ang sarap ng hangin," naisip ko habang abot-tanaw ng aking paningin ang napakagandang isla ng Boracay. Matapos ng isang napakalaking unos sa buhay pamilya ko, iniwan ko muna ang aking walong taong gulang na anak sa aking mga magulang para makapag-isip ng tama sa mga susunod na hakbang na gagawin ko sa buhay ko. Sa dami ng naranasan ko sa buhay, naisip ko naman na magbakasyon para makahagap naman ang utak ko ng positibong hangin. Nakakadurog kasi ang mga pangyayari sa buhay ko. Ngayon, nasa Boracay ako para mabigyang laya ang aking mga dinaramdam sa buhay. Para akong isang ibon na nakalaya na sa matagal na pagkakakulong sa hawla. Sumakay ako agad sa bangka papunta sa napili kong isla. Ang isla ay hindi masyadong napupuntahan ng maraming turista. Mas gusto ko kasi yung ganito para talagang makakapagisip ko. Pagdating na pagdating ko sa hotel malapit sa beach, agad akong nagpalit ng damit at dumiretso sa beach. Naglakad-lakad ako roon at inenjoy ang puting buhangin at napakagandang tanawin. Isa talaga ito sa ipinagmamalaki ng Pilipinas. Wala itong kasing ganda,naisip ko. Nakita ko ang lalaking nakasabay ko sa eroplano na kararating lang sakay ng isa ring bangka. Sinubaybayan ko ang bawat kilos na. Mukhang may pinagdadaanan din itong mabigat na problema. Hindi ito iiyak ng ganun kung wala. Parang ako ngayon na kailangan din ng isang karamay.Matangkad ito! Mukhang magkasingtangkad lang kami. Maganda ang kutis niyang mamula-mula habang nasisinagan ng araw! Malungkot man ang mga mata niya, makikitang he has the most expressive eyes. Very fine ang ilong, at mapula ang mga labi. Halatang alagang-alaga nito ang sarili dahil napakafresh niyang tingnan at napakabango pa kahit may pinagdadaanan ito. Ano kayang pangalan niya, naisip ko. Pumasok siya sa hotel na kung saan ako nakahouse hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Mukhang malaki talaga ang problema niya! Ang lungkot ng mga bilugan niyang mata. Bahagyang nawala sakin ang aura ng mukha ng lalaki ng nakakita ako ng mga pwedeng bilhin sa isla. Naglibot ako sa buong isla at namili ng mga simpleng bagay na pwedeng ipampasalubong lalo na sa aking anak. Nagpahenna tattoo din ako para makiuso lang sa mga tao sa lugar. Nakakapagod ang aking maghapon. Bumalik ako sa aking kwarto para makapagpahinga ng konti at makaligo narin. Inaaliw ko ang aking sarili para man lang makalimutan ko panandalian ang aking mga problema. Nagpahinga lang ako sandali, naligo, nagpalit at lumarga na naman papunta sa dagat. Mas masarap ang maglakad kapag gabi. May mga ilaw mang nagkikislapan sa buong isla, mas magandang tanawin ang buwan na tumatama sa malawak na karagatan at nagbibigay ng repleksyong masarap tingnan sa mata. Habang naglalakad ako papunta sa madilim na bahagi ng isla, gusto ko kasing makapag-isip sa mga susunod na planong gagawin ko, nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Yung lalaki sa eroplano, naisip ko. Umiiyak na naman! Gaano ba kabigat ang problema nito at palaging umiiyak. Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Naisip ko, parang wala itong pakialam sa kanyang paligid.
"Mind if I join you here?" tanong ko sa kanya. Bahagya itong nagulat sa boses ko at dali-daling pinahid ang kanyang mga luha bago tumingin sa akin.
"I want to be alone." sagot nito sakin. Bagamat malumanay ang pagkakasabi niya, bahagya akong napahiya.
"Sorry! I didn't mean to intrude your privacy. Sige, maiwan na kita." sagot ko at akma ng aalis.
"I'm sorry for my rudeness. You can stay! Please stay!" pakiusap niya. Umupo ako sa tabi at patuloy kaming nagpakiramdaman.
"You never stop crying! From the plane down here to the island, umiiyak ka parin," una kong bungad sa kanya. Tinitigan niya ako ng matagal.
"You were the one who gave me the hanky?" tanong niya sakin.
"Yeah! Ako yung katabi mo dun sa eroplano," sagot ko na bahagyang ngumiti sa kanya. Tumango-tango siya at muling bumalik sa pagtanaw sa matiwasay na alon ng dagat.
"Ang laki yata ng problema mo bro! Lagi ka kasing umiiyak eh!" basag ko sa katahimikan. Sinimulan niyang magkwento sa isang taong mahal na mahal niya na kinailangan niya palayain para tuluyang maging masaya ito. Humanga ako sa mga rebelasyong ikinwento ng taong ito sa akin. Hindi matatawaran ang ginawa niyang sakripisyo para lang sumaya ang taong mahal niya. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nasa puso niya habang nagkukwento siya. Kahanga-hanga ang isang taong tulad niya. Napakaswerte ng taong muling mamahalin nito, naisip ko.
"Hanga ako sa ginawa mo bro. Mahirap nga yan! Pero alam mo, walang-wala yan sa pinagdaanan ko. Sisiw pa nga yan eh!" sabi ko sa kanya. Napatingin siya sakin na wari'y nagtatanong.
"Tulad mo, nandito din ako sa Bora para makalimot. Andami ko na kasing pinagdaanan sa buhay." paunang wika ko na lalong nagpasiklab sa atensyon niyang kanina ko pa gustong mapukaw.
"Bago ako nag-asawa, marami akong nakarelasyon mga lalaki! Karamihan sa kanila, niloko ako, ginamit ako! Kahit buong puso ko silang minahal! Pero yung iba, minahal din naman ako ng totoo pero nasaktan parin ako dahil sa huli, iniwan din ako dahil kinailangan nilang mag-asawa! Masakit dahil sa huli, hindi ako ang pinili nila. Pinili nilang magkaroon ng normal na buhay, normal na pamilya na kailanman hindi ko maibibigay. Matagal bago ako nakalimot hanggang sa makilala ko ang isang babaeng tumanggap sa akin ng buung-buo. Alam niyang ganito ako pero minahal niya ako. Maraming tutol sa naging relasyon namin pero ipinaglaban namin iyon. Nagkaroon kami ng anak, walong taon na siya ngayon, guapong-guapo. Mana sakin," wika ko na bahagyang ngumiti sa kanya. Napangiti rin siya.
"Pero kinailangang pumunta sa abroad ng aking asawa para makatulong sakin at sa pamilya niya! Hanggang sa maraming sinasabi ang pamilya niya tungkol sa akin. Yung iba, totoo. Pero halos lahat, kasinungalingan. Dahil siguro pamilya niya yun, naniwala ang aking asawa. Hanggang sa nabalitaan kong may asawa na siya doon ngayon at tuluyan na kaming iniwan. Masakit ang bahaging ito ng buhay ko dahil nagpakatino ako para sa pamilya ko kahit hirap na hirap ako. Marami ring tukso sa paligid pero sinubukan ko iyong iwasan. Yung iba,naiwasan ko pero yung iba, hindi. Masakit lalo na at may anak kami. Naaawa ako sa anak ko." patuloy ko na bahagyang namuo ang luha ko. Tumingin ako sa kanya.
"Hindi ko alam na bading ka pala, sa ganda ng tindig mo, wala sa itsura mo," komento niya. Bahagya akong tumawa sa pahayag niya.
"Aminado naman ako doon. Kaya nga siguro hindi ako buong pusong tinanggap ng pamilya ng asawa ko at gumawa sila ng paraan para mapaghiwalay kami," sagot ko.
"Sugatan din pala ang puso mo tulad ko," sabi niyang bahagyang tumawa. Nakita ko kung gaano siya kaguapo ng tumawa siya. Napakasarap tingnan ng ngiti at bilugan niyang mata, naisip ko.
"Naku bro, ilang oras na tayong nagkukwentuhan dito, di pa natin kilala ang isa't-isa," turan ko.
"Oo pala! I'm Christian Mendez, a licensed engineer, working and living in Canada for 4 years now!" sagot niyang inabot ang kamay ko.
"I'm Liam Robles! I'm a teacher! Isang guro at nagtuturo na ng halos isang dekada." ngiti ko sa kanya at nakipagkamayan sa kanya. Nakita kong bahagya siyang nagulat saglit at napangiti.
"Why are you smiling? May nasabi akong di maganda?" tanong ko.
"No, no... You remind me of someone." sagot niya na tumingin muli sa malawak na karagatan at bumalik sa kalungkutan ang aura ng kanyang mukha.
"Why? Is she also a teacher?" tanong ko. Bahagya ulit siyang tumawa na ipinagtaka ko.
"Yeah! HE is a teacher!" sagot niya na binigyang-diin ang salitang HE...
"You mean... You?!" gulat na gulat kong tanong. Hindi ko kasi inaasahan na lalaki ang karelasyon niya sa guapo niyang iyon. Muli siyang napahagalpak ng husto nang makita niyang nanlalaki ang aking mga mata sa pagkagulat.
"Yeah! Yeah!" sagot niya na muling tumawa. Nakita kong muli ang maamo niyang mukha na masaya. Walang kasing guapo ang lalaking ito kapag ngumiti at tumawa, naisip ko. Sabay kaming pumasok ng hotel nang gabing iyon at alam kong nagbabadya iyon ng isang simula sa amin ni Christian, simulang pinatatag ng isang pagkakaibigan.
Author's Note:

Sabay-sabay nating kilalanin si Liam Robles sa mga susunod na pahina ng ating kwentong Nang Magturo ang Guro Book 2. Sabay-sabay din nating alamin ang mahalagang gagampanan niya sa buhay ni Christian. Abangan!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento