Durog na durog ang puso ni Albert sa mga huling
pahayag ni Cyrus. Hindi lubos maisip ang katotohanang hindi siya ang pinili ni
Cyrus kahit na nalaman niyang siya si Albert. Nilabanan niya ang kamatayan para
sa pinakamamahal niya pero wala na pala talaga siyang babalikan. Mas pinili
nito ang bago niyang pag-ibig.
"Napakahirap tanggapin na ang taong
pinag-alayan ko ng pagmamahal, na ang taong naging dahilan ng muling pagkabuhay
ko, ang siya ring muling papatay unti-unti sa aking buong pagkatao! Napakasakit
tanggapin na hindi ako ang pinili niya! Sana hindi ko nalang nalaman ang totoo
o sana nagmadali ako para malaman ang sikreto sa mga panaginip ko noon. Sana
nandito pa si Cyrus sa tabi ko! Wasak na wasak ang puso ko! Bakit hindi siya
nakapaghintay? Bakit Cy? Bakit hindi mo ako nahintay?, mga panaghoy ni Albert
nang tumakbo si Cyrus para sundan si Christian.
"Sana hindi nalang ako bumalik mom! Sana
hindi nalang ako bumalik," sabi nito sa mommy niya habang patuloy ang pag-iyak
niya.
"Bakit ang dali niyang lumimot? Bakit
andali niyang bumitaw sa mga pangako namin sa isa't-isa? Bakit nagdesisyon
siyang magmahal ng iba? Mom, Dad, bakit?" muli niyang iyak sa mga magulang
niya.
"Anak, wag mong sabihin yan! Nandito kami
na naghihintay din sa'yo!" malumanay na sagot ni Emma sa anak.
"At saka anak, masamang husgahan natin si
Cyrus. Hindi natin alam ang pinagdaanan niya. Sa loob ng limang taon na nawala
ka, wala siyang ibang minahal kundi ikaw," sagot ni dad.
"That's right tito! I am a living witness
of how Cyrus struggles for love pains for those years. It was only when
Christian arrived from Canada that he decided to move on and love again. He
thought, it was an omen from you. Alam mo rin yan teej, I mean Albert, dahil
nakasama mo sila," sabat ni Cielo.
"Hindi natin masisisi si Cy if he happens
to choose Christian, Al. I've been with the guy for a couple of times, I can
say, he really loves Cyrus. Akala ko nun, nakokonsensya lang siya o mas mahal
ka parin niya, as I said in your office, pero sa ginawa ngayon ni Cy na
pagsunod kay Christian, it's an indication that he loves Christian,"
dagdag ni Cielo.
"Hindi ka nakakatulong Cielo," kimkim
nitong wika kay Cielo.
"Look Albert, I'm showing you the
possibilities. Sa pagkakaalam ko, minsan ng pinakawalan ni Christian si Cyrus
sa sobrang pagmamahal niya dito nang mga panahong mahal na mahal ka pa ni
Cyrus, nang panahong hindi ka niya makalimutan, nagparaya si Christian kahit
masakit para sa kanya. Tinanggap niyang hindi kanya si Cyrus. Sana Al, maging
ganun ka rin kahit hindi ikaw ang piliin ni Cyrus. Palayain mo siya kung
talagang mahal mo siya. Palayain mo siya kung gusto mong mahanap niya ang tunay
niyang kaligayahan. At kung si Christian man yun, wag mong ipagkait sa kanya na
lumigaya. Like you, he has been through a lot of trials too. Alam kong hindi ka
makasarili caz!" mahabang paliwanag ni Cielo.
"You are wishing for my death again Cielo.
Parang kamatayan ang hinihiling mo sa akin," sagot ni Albert na umiiyak.
"Anak, tama si Cielo. Ipagkakait mo ba kay
Cyrus na maging maligaya?" tanong ng mommy niya.
Tama sila sa mga sinabi nila. Mahirap lang
tanggapin na bigla nalang siyang mawawala. Nakita ko rin sa aking mga mata kung
gaano sila kasaya noon. Ibig bang sabihin, nasapawan na ni Christian ang
pagmamahal ko noon. Ayokong isipin ang bagay na ito! Ayoko! Sobrang sakit ang
dulot nito,naisip ni Albert. Tumayo siya at tumakbo papunta sa batis, sa
sanktwaryo nila ni Cyrus. Narinig niyang tinatawag siya ng kanyang mga magulang
pero hindi siya nakinig.
"Hayaan na muna natin siya tito, tita.
Kailangan muna nilang mag-isip. Mas magiging magulo lang pag makikialam tayo.
Malalaki na sila. They can resolve their issues on their own! Ang mahalaga
ngayon, alam na nating buhay si Albert! This is something we should celebrate.
What do you think tito, tita?" kindat niya sa dalawang matanda at inakay
sa kusina para uminom ng red wine. Kung minsan talaga praning itong si Cielo.
Wrong timing, naisip ni yaya Luring na matamang nakikinig pero nangingiti sa naging
huwisyo ni Cielo.
Tumakbo ako para sundan si Christian. Alam kong
nasaktan siya ng husto sa kanyang mga narinig. Nakita ko siyang sumakay sa
sasakyan. Pinaandar iyon at madaliang umalis. Pero hindi ako sumuko,hinabol ko
ang sasakyan habang pumapatak ang pinaghalong mga luha at pawis ko. Nang nakita
kong hindi talaga siya titigil, huminto ako sa pagtakbo. Nakaramdam ako ng
pagod, huminto ako habang tanaw ang sasakyang papalayo sakin. Patuloy akong
umiyak habang nakayuko. Nararamdaman ako ng pagkahapo habang patuloy ang daloy
ng luha at tagaktak ng pawis ko. Christian! Christian!, sigaw ng isip ko.
Kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Kailangan ko siyang makausap. Maya-maya
lamang, may narinig akong sasakyan na bumabalik sa aking kinaroroonan. The
sound of the car gets me back from my lurking. Unti-unti kong itinaas ang aking
mukha. Nakita kong umaatras ang sasakyan pabalik. Tumapat sakin at bumukas
iyon. Alam kong hindi ako kayang tiisin ni Christian. Dali-dali akong pumasok
sa sasakyan at hindi magkandaugaga sa pagpunaw ng aking pawis. Napansin ni
Christian kaya bahagya niyang nilakasan ang aircon. Pareho kaming tahimik nang
umagang iyon habang nakikiramdam sa bawat kilos ng isa't-isa. Makulimlim ang
araw na iyon wari'y nakikisama sa nararamdaman namin. Walang gustong bumasag ng
katahimikan. Pareho kaming umurong ang dila sa isang di inaasahang rebelasyon,
sa isang di kapanipaniwalang naibulgar na sikreto! Masaya ang lahat pero di
maiwasang may masasaktan. Wari'y tama nga sila na ang bawat kasiyahan ay may kapalit
na pighati at kalungkutan. Patuloy lang sa pagdrive si Christian, hindi
lumilingon, hindi umiimik, waring walang kasama. Parehong namumugto ang aming
mga mata, halatang nanggaling sa isang matinding iyakan. Nanatili ako sa aking
kinauupuan. Walang ideya kung saan niya ako dadalhin hanggang sa nakita ko ang
isang pamilyar na lugar. Bakit dito niya ako dinala? Ano ba ang balak niyang
gawin?, naisip ko. Wala masyadong ipinagbago ang lugar. Makikita mo parin ang
malawak na tanawin. Tanaw ang buong syudad ng Tuguegarao sa aming pwesto. Kahit
sumigaw ng malakas, malayang magagawa iyon dahil malayo sa kabahayan. Maganda
ang lugar para sa mga taong may pinagdadaanan. Kinakabahan ako sa mga susunod
na mangyayari. Pero kailangan kong ihanda ang aking sarili. Una siyang bumaba
sa sasakyan. Tinanaw niya ang kabuuan ng Tuguegarao. Sumunod ako sa kanya.
"Naaalala mo ba ang lugar na'to?"
unang tanong niya sakin. Nahihiya man akong sagutin, tumingin siya sakin ng
malamlam. Paano ko ba makakalimutan ang lugar na kung saan ko siya sinaktan ng
husto. Tumango ako. Pagkatapos nun, bumalik ang blangkong ekspresyon sa mukha
niya at tumingin sa kabuuan ng tanawin.
"Marami nang taon ang nakaraan, marami ng
naranasan at pinagdaanan, pero bakit ba ang hirap mong kalimutan!" una niyang
pahayag. Di ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Basta ang alam ko
lang,nasasaktan siya.
"Nang bumalik ako dito galing sa Canada,
plinano kong gantihan ka sa sakit na dinanas ko noon sa kamay mo dahil naging
miserable ang buhay ko dahil sa'yo. Akala ko nung una, kaya kitang kalimutan.
Iba ang naging epekto ng paghihiwalay natin ng landas noon. Naisip ko nga, tao
parin pala ako na kayang magtanim ng galit. Pakiramdam ko, ang pag-ibig ko
sa'yo noon, napalitan ng poot dahil sa hindi mo nagawang tugunan ang aking
pagibig. Nasaktan ako lalo na nung iniisip kong patay na ang kaagaw ko sa puso
mo. Natuto akong magbisyo nang ako'y nasa Canada. Akala mo naging madali ang
buhay ko doon? Hindi Cy! Naadik ako sa sugal, inom at iba pang bisyo na
nakasira sakin sa loob ng isang taon para lang makalimutan ka, para lang hindi
ko isipin ang sakit na dulot ng ginawa mo. Akala ko natanggap ko yun noon, pero
habang naglalaro sa aking isipan ang mga nangyari, lalong sumisidhi ang galit
ko sa'yo. Nagalit ako sa'yo kahit isinisigaw nito na hindi. Galit ang naging
puhunan ko para hindi maisip ang sakit ng mabigo sa pagibig." una niyang
pahayag. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Pinagdaaanan pala niya ang mga
bagay na di aasahang gagawin ng isang Christian Mendez. Pero tama siyang hindi
siya perpekto para hindi makagawa ng mali.
"Hindi naging madali ang buhay sakin doon.
Sa tulong ng aking mga magulang at kapatid, tumino ako. Pinagbuti ko ang
trabaho ko hanggang sa nakalimutan ko ang mga bisyong nakasanayan ko! Nagipon
ako ng pera para pagbalik ko dito sa Pilipinas handa ako sa gagawin kong
paghihiganti sa'yo. Kasama si Jazz at Geoff, we planned for a revenge against
you Cy! Dahil gusto kong iparamdam ang sakit na ipinaramdam mo sakin
noon," sigaw niya habang tumutulo ang luha niya.
"How could you do this Chris?," bulong
ko. Pero alam ko sa puso ko na ang galit ni Chris na sinasabi niya ay pawang
ulap lamang para mapagtakpan ang nararamdaman niyang pagmamahal sakin. Alam
kong mahal niya ako at di niya kayang gumawa ng isang bagay na ikasasakit ko.
Patuloy akong nakinig sa kanya.
"Ang pagkikita natin sa mall ay planado.
Sinadya naming magpakita sa'yo habang nagshoshopping ka. Sinubaybayan namin ang
bawat kilos mo. Naging matagumpay ang unang plano dahil pumayag kang sumama
sakin condo. Plano naming paibigan ka at iiwan pag kumagat ka na. Naging
matagumpay din ang pangalawang plano dahil bumigay ka kay Geoff! Ibig sabihin,
maaari mo pang gawin sa iba iyon, at magiging kasiraan mo iyon sa iyong
propesyon bilang guro lalo na pag nakunan sa camera at video. Oo, alam ko na
may nangyari ng gabing iyon! Pero nang sinabi ni Geoff na napilitan ka lang
gawin iyon! Dun akong nag-isip kung kailangan ko pa bang ituloy. Lalo nang
lumipat ka ng higaan para ako ang makatabi mo at hindi si Geoff, doon ko
napatunayan na totoo ang ang ipinapakita mong pagmamahal. Doon ako umasa na
totoo ang pagmamahal na binibigay mo sakin. In the first place, yun naman ang
plano. Pero bakit kabaligtaran ang nangyari Cy! Ako lalo ang umibig sa'yo. At
ang hirap baliin ng pag-ibig na yun kasi pag ginawa ko, baka kung ano na naman
maisipan ko.
Inobserbahan kita ng mga sumunod na araw! Nakita
ko at naramdaman ko na mahal mo rin ako pero bakit di kita kayang iwan! Bakit
di ko magawa ang planong iwan ka para masaktan ka rin. Alam mo kung bakit,
dahil sa pinakita mong pagmamahal, nawala lahat ng hinanakit ko sa'yo. Ibinalik
mo ang dating Christian, yung ikaw lang ang mahal na mahal! It's so ironic,
indeed! Shit! Ako ang naging biktima ng sarili kong pain, yung pain na inilagay
ko para sa'yo, ako din ang kumuha para hindi ka masaktan Cy! Takot akong saktan
ka! Takot na takot ako!" pahayag niyang tumulo ang luha niya.
"Nang umalis ka pabalik dito sa probinsya,
sinabihan ko si Geoff at Jazz na hindi na tuloy ang mga plano! Dapat lang daw
kasi napakabait mo daw na tao para saktan lang! Tama sila! Napakabait mo para
saktan lang kita, para gantihan kita! Wala akong nakita kundi ang kabutihan ng
puso mo sa kahit na sinong tao! Paano ko pa sasaktan ang taong nagbalik ng
pusong ligaw na'to?" patuloy niya na nagpahid ng luha.
"Nang makita ko si TJ na kasama mo, doon ko
naramdaman na mahal na mahal parin kita kaya ko nagawang planuhin ang mga bagay
na iyon. Walang duda, nagseseloy ako! Gusto ko ng ituloy ang planong iwan ka
noon pero dinurog mo ang puso nang nakiusap kang wag akong umalis. Nakita kong
desidido ka nang kalimutan si Albert. Naramdaman ko yun kaya tinanggal ko sa
sistema ko na saktan ka! Ayoko nasasaktan ka. Pag umiiyak ka, parang tinutunaw
mo ang pusong bato na meron ako. Lalo na nang nakita ko ang lahat
ng ginagawa mo para mapatunayan na mahal mo rin
ako," humagulgol siya ng husto.
"Sa akin bumalik lahat ng plano ko Cy! Ako
ang nasasaktan ngayon! Nagdesisyon akong manatili na dito sa Pilipinas kasama
ka, pero ngayon, sa tingin ko, kailangan ko na namang magpapakalayo para
makalimot!" dagdag niyang umiiyak.
"Humihingi ako ng pasensya kung
pinagplanuhan kita ng masama Cy! Pero ang totoo niyan, hindi ko naman talaga
kayang saktan ka. Lalong-lalo na nang makita na kita sa mall, narealize ko kung
gaano kita kamahal. Narealize ko that after all these years, pag-ibig mo parin
ang hinihintay ko. Sorry kung nagawa ko yun," patuloy niyang pagmamakaawa.
"Wala akong ginawa kundi ang mahalin ka! Di
ako tumigil na mahalin ka." sagot niya. Hindi ko nakitaan ng kasamaan si
Christian. Ang pag-amin niya ngayon sa pagplano para saktan ako ay isang
indikasyon ng pagiging mabuting tao niya. Nakita ko kung gaano niya ako kamahal
kaya naman kahit siguro itinuloy pa niya ang kanyang plano, maiintindihan ko
parin siya. Tumaas pa nga ang tingin ko sa kanya dahil sa kanyang pag-amin.
"Sshhh! Hindi mo kailangang gawin yan
ngayon! Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa yun!" sagot ko.
"Sinundan kita diba? Isa lang ibig sabihin
nun, ikaw ang pinipili ko, Chris! Ikaw ang pinipili ko," bahagyang pumiyok
ang aking boses dahil sa pag-iyak. Hinaplos niya ang aking mukha.
"Cy, kaya kong gawin lahat para sa'yo!
Lahat basta ikaliligaya mo," wika niyang sagot.
"Mahal kita Chris! Kaya ikaw ang pinipili
ko," sagot ko. Bahagyang ngumiti siya.
"Hindi tayo para sa isa't-isa Cy! Kahit
mahal na mahal kita, kailangan kitang pakawalan. I'm letting you go Cy,"
sagot niya na muling dumaloy ang masaganang luha niyo.
"Please naman Chris! Wag mong gawin ito!
Kaya nga ako sumunod sa'yo. Ikaw ang pinipili ko," sagot ko na
nagsusumamo. Nakitaan ko ng galit ang mukha niya.
"Huwag ka ng maging makulit at mapilit Cy!
Bumalik ka na sa kanya!" tiim-bagang niyang sagot. Pero alam kong ginagawa
niya lang ito para maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
"Chris, hindi mo ba nararamdaman ang
pagmamahal ko sa'yo? Kaya wag mong sabihing hindi tayo ang para sa isa't-isa!
Tayo ang magdedesiyon nun!" sagot ko na nagsusumamo.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Cyrus?
Can't you see? Albert defied death to fulfill his promise! Nilabanan niya ang
kamatayan para sa'yo. Bumalik siya para sa'yo. Kayo ang karapatdapat!"
sagot niya na bahagyang napasigaw.
"Pero mahal kita Chris!" sigaw ko.
"Wag na tayong maglokohan Cy! Mahal mo ako
dahil yun ang inilagay mo sa utak mo! Mahal mo ako dahil obligasyon mo bilang
karelasyon ko na mahalin mo. Pero sa puso mo Cy, ikaw ang higit na nakakaalam
kung sino ang mahal niyan, kung sino ang totoong itinitibok niyang! Tama na Cy!
Lalo mo lang akong pinapahirapan!" nagsusumamong pahayag niya. Pero
ipinilit ko ang aking unang sinabi.
"Mahal talaga kita!" sigaw ko.
"Stop it Cy! Stop it! Wag mo nang dagdagan
pa ang sakit. Dahil ang sakit sakit na! Tama na!" sigaw din nito sa akin
na nagtitimpi na sa nararamdaman.
"Wag mo akong isipin! Nakayanan ko ang
maraming taon para malimutan ka! Kaya ko rin ngayon! Alam kong kalaban mo ang
konsensya mo Cy! Matagal ko ng napansin yun dahil palagi mong iniiwasan na
masaktan ako! Pero kaya ko Cy! Wag mo akong isipin. Ang isipin mo ngayon ay ang
kaligayahan mo!" malumanay niyang pahayag habang tinitimpi ang luhang
gusto ng umagos sa kanyang pisngi.
"Alam kong sinubukan mong mahalin ako! Alam
ko yon! Naramdaman ko ang pagmamahal mo Cy! At nagpapasalamat ako sa'yo sa
pagkakataong ibinigay mo sakin. Salamat sa mga magagandang alaalang babaunin ko
kahit saan man ako mapunta!" pahayag niya na tuluyan ng humagulgol sa
kanyang pagpapaalam.
"You don't need to do this Chris!
Please!" sagot ko.
"But I have to, Cy! Kailangan kong gawin
para sayo, para kay Albert! Alam kong matagal mo ng hinihintay ito. Ang
singsing na suot suot mo ngayon ang isang patunay na masaya ka sa nalaman mo.
Masaya rin ako para sa inyo." pahid pahid ang luha niyang turan sakin.
"Pero paano ka? Paano ka Chris? Hindi ko
kayang makita ka na nasasaktan ulit dahil sakin!" sagot ko.
"Kaya ko na ang sarili ko Cy. I am grown up
now! Sisiw lang to!" sagot nito na pilit ngumiti. Alam kong nasasaktan
siya sa mga namumutawi sa mga labi niya. Alam kong hindi niya kaya pero
kinakaya niya. Alam kong napakahirap para sa kanya pero ginagawa niyang madali
para sakin. Nagkamali siya, oo, pero siya naman ang nagdurusa sa huli.
Nagkamali siya pero alam kong di niya yun sinasadya. Wala siyang ginawa kundi
mahalin lang ako. Wala siyang inisip kundi ang kapakanan ko. Sa huli, kahit
alam kong nahihirapan siya, ginagawa parin niya ang mga bagay na sa tingin niya
makakapagpasaya sa akin. After all, nasaktan ba ako sa ginawa niya? Hindi
naman, diba? Siya parin ang nasasaktan ngayon. Napakadakila rin ng pag-ibig ni
Christian. Mahirap pakawalan ang tulad niya pero alam ko sa puso ko, alam niya,
nakikita at nararamdaman niya na isa lang ang itinitibok nitong puso ko. At si
Albert yun.
"Pero alam mo namang ginawa ko lahat diba
Chris? Alam mong sinubukan ko!" sagot ko na wari'y nakikiusap ang mga
luhaang mata para maibsan man lang ang konsensyang dala-dala. Gusto kong
marinig mismo kay Christian na kahit papaano, nakita niyang ginawa ko ang lahat
ng aking makakaya para mahalin siya. Alam kong nakita at naramdaman niyang
ginawa ko ang lahat ng aking makakaya at kung nagkulang man ako minsan, pinunan
ko iyon.
"Alam ko yun. Naramdaman ko yun. Kaya nga
nagpapasalamat ako sa'yo sa lahat ng ginawa mo para lang mapasaya ako! Wala
kang pagkukulang. Ramdam ko na sinubukan mo. Kahit papaano, alam kong nagkaroon
ako ng puwang sa puso mo, Cy" sagot niya na hindi inaalis ang mga tingin
sa aking mga mata. Muling namuo ang luha sa kanyang mata na siyang
nakapanghihinang tingnan.
Kahanga-hanga talaga ang lalaking ito. Tama
naman siya sa lahat ng sinabi niya, si Albert parin talaga ang mahal ko. Siya
parin ang nangingibabaw. Tama siya na konsensya at obligasyon ko sa kanya
bilang karelasyon niya ang pinairal ko kaya ayaw kong bumitiw sa kanya. Mahal
ko siya, oo, pero sa ibang lebel iyon.
"Sige na! Bumalik ka na sa Villa, ako na
bahala sa sarili ko!" utos niya.
"Bukas ko na kunin lahat ng gamit ko sa
bahay niyo para makapagpaalam narin kay tita," sabi nito.
"You can stay there as long as you
want!" sabi ko.
"No, Ill go back to my condo! Mas mahihirapan
ako hangga't nandito ako, nakikita ka. Dun na muna ako! Sige na! Hinihintay ka
na niya." utos niyang muli.
"Hindi na muna Chris! Kailangan ko munang
palamigin ang sitwasyon ngayon. Uwi na muna tayo sa bahay! Gusto ko munang
magpahinga bago ako bumalik sa Villa! Masyado ng maraming nangyari ngayon!
Sabay ka na sakin Chris, please. Hindi kita basta-bastang iwan dito."
mungkahi ko. I convince him to come with me. Pumayag naman siya dahil nasa
bahay pa ang mga gamit at kotse niya. Inulit kong sabihin sa kanya na mahal ko
naman siya. Pero sadya atang hindi maturuan ang puso, sadyang iba talaga ang
lebel ng pagmamahal ko sa kay Albert.
"Honestly, humanga ako sa pagpaparamdam mo
ng pagmamahal Cy. Kaya siguro lahat ng nagmamahal sa'yo tulad namin Ni Albert,
tunay din ang iniaalay dahil sa sobrang maalaga at mapagmahal ka!" sabi
niya. Wala mang bahid ng sakit sa mukha ni Christian, alam ko at nakikita ko sa
kanyang mga mata na nasasaktan siya. Masakit na sabihin niya ang mga iyon.
Indikasyon na pinapaubaya na ako kay Albert. Indikasyon na pinapakawalan na
niya ako. Ayaw niya akong makulong sa isang relasyon siya lang ang nagmamahal.
Sana, makahanap rin ang taong ito ng mamamahalin niya. At kung sino man ang
taong iyon, napakaswerte niya sa pagkakaroon ng isang Christian Mendez.
"Chris, thank you! Thank you for coming
into my life! Hinding-hindi kita makakalimutan!" sabi ko habang nagdadrive
ako. Totoo iyon. Nagpapasalamat ako at dumating siya sa buhay ko. Hindi ako
nagsisising inialay ang pagmamahal ko sa kanya at pinasilbihan siyang parang
asawa sa loob ng ilang buwan.
"No Cy! Ako ang dapat magpasalamat!
Maraming salamat sa pagparamdam mo ng pagmamahal kahit sa loob ng ilang buwan
lang!" sagot niya na nakatitig sa aking mga mukha. Wari'y ito na ang
huling pagkakataong makikita niya ito. Ito na ang huling pagkakataong
matititigan niya ito ng husto. Kahit masakit, kinakaya ni Christian. Alam kong
nasasaktan siya. Alam kong durog na durog na ang puso niya. Alam ko iyon. Kaya
hinaplos ko ang mukha niya.
"Napakaswerte ng taong mamahalin mo Chris.
Dalangin ko na mahanap mo rin siya sa lalong madaling panahon," sinsero
kong turan sa kanya. This man deserves to be loved. He deserves a better Cyrus
in his life. At alam kong darating siya sa tamang panahon, in God's perfect time.
Isang mapait na ngiti ang ibinigay niya sa akin pero ang ngiting iyon ay may
dala na pag-asa dahil alam ko sa puso niya, umaasa rin siya na makikilala niya
ang taong magbibigay sa kanya ng tunay at dakilang pag-ibig. Ang pag-ibig na
ito ang magdudulot sa kanya ng walang hanggang kaligayahan. Katulad ko, katulad
namin ni Albert.
Author's Note:
Ang pagpaparaya sa taong minamahal natin ay
napakasakit na scenario sa buhay pag-ibig. Ngunit kung ito'y titingnan mabuti
sa kalalimang kahulugan nito, ang pagpaparaya ay higit pa sa pagpapalaya sa
tao. Ito'y pagbibigay ng pagkakataon sa ibang tao na lumigaya at ito'y
pagbibigay rin ng pagkakataon para sa sarili natin na hanapin ang tunay nating
kaligayahan. Tunghayan ang huling bahagi ng kwento ni Cyrus.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento