Lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni
Christian habang hawak-hawak ito. Para bang kailangan ko ng isang taong aalalay
sakin sa isang nakapanghihinang sitwasyon. Hindi ako pwedeng magkamali! Dahil
yun ang pinakapaborito kong parte ng mukha ni Albert. Muling rumihistro ang
buong mukha ni Albert sa aking imahinasyon. Hindi pwedeng pareho sila ng mata.
Ang tsinito niyang mata. Oo nga, bahagyang malaki ng konti ang mata ni TJ pero
ang kaloob-looban nito, hindi ako pwedeng magkamali. Si Albert lang ang may
ganung mata! Hindi ako pwedeng magkamali. Namemorya ko ang lahat ng bahagi
nito. Isang kindat lang para makompirma ko talaga kung pareho talaga sila.
Napatagal ang pagtingin ko sa kanya kung kaya parang narinig niya ang nasa utak
ko. Kumindat siya sa akin! Shit! Hindi ito pwede! Bigla akong nakaramdam ng
panghihina sa kanyang gawi. Napaupo ako sapu-sapo ang aking bibig.
"Are you ok mahal ko?" tanong nito
sakin.
"I'm ok mahal ko. Medyo nahilo lang
ako," ang palusot ko kay Christian.
SA ISIP NI TJ HABANG NAGPAPAKILALA KAY CYRUS...
Hindi ako pwedeng magkamali. Siya talaga ang
nasa panaginip ko. Sa loob ng limang taong naging parte siya ng pagtulog ko,
hindi ako pwedeng magkamali. Kaharap ko na ang taong gumulo, nagbigay ngiti at
naging laman ng panaginip ko sa mahabang panahon. Matagal ko siyang hinanap at
eto siya ngayon. Kaharap ko na. Malapit lang pala siya. Kahit sang anggulo tingnan
siya talaga ito. Ang kanyang mga mata, ang kanyang ilong, ang kanyang labi na
parang kaysarap hagkan. At ngayon nakadaupang palad ko pa! Napakainit ng kamay
niya. Ibang kuryente ang dulot nito sakin. Ibang kiliti ang naramdaman ko.
Christian? Parang rumihistro ang pangalang iyon sa kanya. Hindi niya lang
maalala talaga! Pero pamilyar ang pangalang iyon. Bakit may kurot akong
naramdaman na nakikita ko silang dalawa. Mukhang mahal nila ang isa't-isa. Pero
ba't nakatulala si Cyrus! Parang may iniisip. Nakatitig din siya sakin.
Kindatan ko nga! Ba't parang nanghina siya ng kinindatan ko. Bakit ganito ang
reaksyon niya? Magkakilala ba talaga kami. Ano bang meron tayo Cyrus Mendoza?
Mahal ko? Mahal ko ang tawagan nila. Palagi kong
naririnig yan pero parang sakin niya laging sinasabi yun. Ba't ngayon? Masakit
na marinig na sa iba niya sinasabi iyon.
Bumalik sa katinuan ang kanyang pagiisip nang
magsalita si Cyrus.
"Excuse me guys, mahal ko! Kailangan ko
lang magrest room," paalam ko sa kanila dahil hindi ko kinayang tingnan
ang mga matang iyon. Pakiramdam ko sinusumbatan ako ng mga matang iyon.
Pakiramdam ko bumalik si Albert at inuusig ako sa mga pangako ko sa kanya na di
ko tinupad. Hindi ko matagalan yung tingin niya. Pero naghintay ako!
Tingin ni Albert yun. Hindi ako pwedeng
magkamali. Ang mga huling salita ni Albert, "mata"! Mata ang huling
sinabi niya. Posible kaya? Posible kayang bumalik siya sa katauhan ni TJ?
Imposible yun! Imposible. Imposible! Nalilito ako. Bakit ba ganito epekto mo
sakin TJ Miranda? Bakit? Naghugas ako ng mukha para mahimasmasan. Hindi pwede
to, napamahal na sakin si Christian. Ayoko siyang masaktan. Dapat ipakita kong
di ako apektado sa kanya. Nagpunas ako at biglang may kumatok sa pinto ng CR.
"Sandali lang," sigaw ko. Binuksan ko
ang pinto at biglang pumasok si TJ at nilock ito.
"You're real! You're alive!"
hawak-hawak niya ang mukha ko animo'y hindi makapaniwala na nakikita niya ako
sa kanyang harapan. Nakikita ko na naman ang ekspresyon ng kanyang mukha pati
ang kanyang mata. Ganito si Albert pag sobra ang saya niya. Pero kailangang di
ako magpaapekto sa kanya kahit parang ibinalik ng taong ito ang katauhan ni
Albert.
"As you can see Mr. Miranda!" medyo
sarkastiko kong sagot.
"I know, I know! I waited for this moment
to happen! I thought, panaginip lang lahat! Totoo ka pala!" sagot ni TJ
sabay haplos sa aking mukha at yakap sa akin. God, si Albert lang ang gumagawa
sa akin ng ganito. Ba't ganito ang pakiramdam ko. Gusto ng puso kong yakapin
siya ng mahigpit pero ang utak ko sinasabing hindi dapat!
"Get off of me Mr. Miranda! My boyfriend is
waiting for me outside," prangkang pahayag ko.
Natigilan siya sa sinabi ko. Kumawala ako sa
pagkakayakap niya. Ang lungkot ng mata niya, nakita ko yun nang nagselos si
Albert kay Christian. Ang kanyang mga mata! Bakit ganun? Bakit?
"Sorry!" tugon niya.
"I have to go now. Excuse me!" sagot
ko at iniwan ko siyang malungkot ang mukha. Ano bang nangyayari sakin? Ano ba
tong nagyayari? Hindi ito maaari!
Sinalubong ako ni Christian. Pilit akong ngumiti
para mapagtakpan ang kabang naramdaman ko. Hinawakan ako sa baywang. Ganito
kaproud sakin si Christian.
"Are you ok now?" tanong nito.
"Yeah! Im ok now. Syempre nasa tabi kita
eh," bulong ko sa tenga niya. Ngumiti siya at pinisil ang aking pisngi!
Nagyakapan kami. Gusto kong iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya. Dapat
hindi ako maapektuhan ng ganito dahil kay TJ! Nasa ganun kaming ayos nang
lumabas si TJ at kitang-kita sa kanyang reaksyon ang sakit na nararamdam nito.
Bakit ba parang nagseselos ito kay Christian? Nang makita kami sa ganung ayos,
lumakad patungong pinto ng unit ni Cielo at walang lingon-likod na umalis!
Napansin iyon ni Cielo.
"What happened?" pagtatakang tanong
nito sabay tingin samin ni Christian. Nagkibit-balikat kaming dalawa ni
Christian.
"Sandali lang," paalam nito samin.
"Hey teej! Hey man! What happened? Bat
bigla ka nalang magwawalk-out?" sunud-sunod na tanong ni Cielo na hinabol
si TJ. Nagkatinginan kami ni Christian. Waring pareho kami ng iniisip. Parang
isa na namang dejavu ang insidenteng iyon lalo na nang marinig namin ang
salitang walk out.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento