Hindi matatawaran ang ligaya ni Enzo nang araw
na iyon. Hindi ko rin maalis sa isip ko ang hindi mabahala dahil maaaring
kumalat ito sa kolehiyo. Pinakiusapan ko siya na gawing sikreto ang namamagitan
sa amin. Naintindihan naman niya ang aking punto kung kaya naging maingat siya
lalo na sa mga kilos niya sa loob ng kolehiyo para hindi malaman ng iba ang
relasyong nabuo sa pagitan namin. Naging masaya naman ang sumunod na nangyari
sa aming dalawa. Masasabi kong masaya naman ako sa piling niya. Oo, hindi man
niya malampasan ang pagmamahal ko kay Albert, alam ko sa sarili ko na mahal ko
narin naman siya dahil sa patuloy niyang pagpaparamdam sakin ng kanyang pagibig
araw-araw. Ang araw-araw niyang pagpapakilig sakin ay naging tulay upang alayan
ko siya at tugunan ang kanyang pagmamahal. Patuloy ang kaganapang sekswal samin
dalawa lalo kung pareho kaming hindi abala sa school. Sa loob ng isang buwan,
may mga pagkakataong lumalabas kami para maenjoy ang iba't-ibang lugar malapit
samin. Ipinaramdam ko sa kanya na karadapat-dapat siyang mahalin. Alam kong
naiintindihan ni Albert kung pumasok man ako ngayon sa isang relasyon. Nakikita
naman niya kung gaano ako kamahal ni Enzo. Alam kong masaya siya para sa akin.
Ngunit, sadya atang malas ako sa mga minamahal ko. Sadyang mapanubok ang
tadhana. Sadyang hindi ata ako liligaya sa mga lalaking pinag-aalayan ko ng
pagibig.
Naging masaya kami ni Enzo sa higit isang buwan
naming relasyon. Nagkaroon din kami ng tampuhan noon. Isa na dito ang singsing
na patuloy paring nakasuot sa aking daliri.
"Kung talagang mahal mo ako, tatanggalin mo
na yan," sabi niya na halatang yamot.
"Intindin mo naman. Hindi madali ang
hinihingi mo. Gagawin ba nating issue ito? Hindi ba dapat ienjoy lang natin
kung anong meron tayo," sagot ko.
"Ito na nga lang ang alaala niya, gusto mo
pang wala. Di mo naman kailangang makipagkompetensya sa kanya dahil patay na
siya," paliwanag ko.
"Pasensya na Cy. Nabigla lang ako."
sagot niya.
Isa ito sa mga sitwasyon na nagaaway kami dahil
kay Albert. Tinatanong ko nga kung kulang pa ba yung ginagawa kong
pagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal ko. Sinasabi naman niya na nararamdaman
naman niya kahit papaano.
Tandang-tanda ko pa na malapit na ang aming 2nd
monthsary noon. Dahil sa mga tampuhang nangyari sa pagitan namin ng mga nakaraang
linggo, pinaghandaan ko ang araw ng aming monthsary. Naging abala ako na
mapaganda ang garden ng aming bahay para sa isang dinner date pag dumating ang
araw na iyon. Hindi ko iyon sinabi kay Enzo para masorpresa siya pagdating ng
aming monthsary. Ewan ko, namis ko siguro na magparamdam ng pagmamahal na
siyang ginagawa ko noon kay Albert. Sabik akong ipakita sa isang tao na may
itinatago ako sweetness at kaya ko rin naman iparamdam iyon kahit nabigo ako sa
una kong pagibig. Isang araw bago ang aming 2nd monthsary, pumasok ako sa
school na may ngiti sa aking labi. Pakiramdam ko magiging maganda ang araw
na'to. Ano na naman kaya ang pakulo ni Enzo, naisip ko. Napangiti ako nang
maalala ko ang mga pakulo niya para lang mapangiti ako. Bumaba ako sa aking
sasakyan. Pagbaba ko may isang magandang babaeng nakatitig sa akin. Wari'y
pinagaaralan ang bawat kilos ko at parang may halong pagtataka sa mukha niya.
Alam kong hindi siya estudyante sa kolehiyong iyon. Siguro may pinasyalan lang
o kaya magtatransfer, naisip ko. Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. Saglit
kong kinuha ang mga gamit ko. Natanaw ko si Enzo kung kaya naman sinaluduhan ko
siya tanda ng aming batian. Ngunit nagtaka ako kung bakit bigla siyang umalis.
Anong problema nun? Baka isa na naman 'to sa pakulo niya, naisip ko. Isinara ko
ang aking sasakyan at akmang aalis na nang lumapit sakin ang magandang babae.
"Good morning, ikaw ba si sir Cyrus?"
tanong niya sakin.
"Good morning din! Ako nga. Bakit?"
malumanay kong sagot.
Mukhang nagaalangan ang babae na magsalita.
"I'm Princess. Would you mind if we
talk?" tanong niya.
Nagtaka man ako, tiningnan ko ang aking orasan.
"Sure. But can you wait at the canteen? Ill
just punch in my dtr. Would that be ok?" sagot ko sa kanya.
"Hindi sana dito sa school kung pwede
sir?" tanong niya. Nagsimula na akong nagtaka talaga dahil sa sinabi niya.
"Medyo personal kasi ang sasabihin ko
sir" paliwanag niya nang nakita niya ang pagtataka saking mukha.
"Ok, just wait here then. I need to go to
the dean's office to punch in. Ok lang ba?" tanong ko. Tumango siya bilang
pagsangayon. Habang naglalakad naisip ko kung ano ang pakay ng babaeng yun.
Pumunta kami sa malapit na resto sa aming lugar.
Wala pang tao nun kaya tahimik. Nagorder ako ng pang-agahan para sa kanya at
kape naman with sandwich sakin. Naupo kami. Parehong nakikiramdam.
"Guapo mo pala sir Cyrus," basag niya
sa katahimikan. Nagblush ako sa papuri niyang iyon.
"Kaya pala ikaw ang pinili ni Enzo."
patuloy nito. Nagulat ako nang binanggit niya si Enzo. Naguguluhan na ako.
"Sandali lang Princess. Nalilito ako about
this conversation. Can you just go direct to the point?" tanong ko.
"Pasensya ka na sir Cyrus. Desperado na
talaga kasi ako." patuloy nito na nagsimulang umagos ang luha niya.
"Hey, tell me. Makikinig ako! Mas lilituhin
mo ako pag umiiyak ka ng ganyan na hindi ko alam ang dahilan," sagot ko.
"Kaya ka pala minahal ni Enzo ng todo kasi
napakabait mo," sagot nito na humagulgol ng todo. Hinaplos ko ang kamay
niya bilang pakikisimpatya sa pinagdadaanan niyang hindi ko pa alam.
"Princess, kanina mo pa binabanggit si
Enzo. Ano bang kinalaman ni Enzo dito?" tanong ko. Doon siya nagsimulang
magkwento.
"Two months ago, biglang nakipagbreak sakin
si Enzo. Hindi ko alam kung anong dahilan kasi wala naman akong ginawang hindi
niya nagustuhan," unang salaysay niya.
"Pero matagal ka na niyang ibinibida sakin
sir. Lalo ka niyang ibinida nung tinulungan mo siya kay Mr. Balse,"
pagiiba nito.
"Pilit ko siyang tinanong noon kung anong
dahilan kung bakit niya ako hiniwalayan. Ayaw niyang sabihin. Pero napilit ko
din siya. Sinabi niyang may mahal na daw siyang iba." sagot
nito na lalong nagpadaloy ng luha sa pisngi.
"Nung una, hindi ko matanggap sa isang
tulad mo ipagpapalit ako ni Enzo. Mahirap tanggapin sir! Pero nung nagtanung-tanong
ako tungkol sayo, nasabi kong, kaya pala minahal ka ni Enzo," pahayag
nito.
"Natanggap ko na sir. Siguro nga,
nangibabaw ang pagmamahal niya sayo. Dahil nakikita ko siya kung gaano siya
kasaya ngayon. Yun ang mali lo, palagi ko siyang inaaway at tinutulak palayo.
Kaya nang nahanap ka niya, iniwan niya ako ng tuluyan." hagulgol nitong
tinuran.
"Hindi na sana ako maghahabol, hindi na
sana ako makikiusap sayo ngayon pero may problema kasi sir. Hindi ko kaya ito
nang ako lang." patuloy niya.
"Sir, makikiusap ako sa'yo ngayon. Hiling
ko lang na maintindihan mo ako. Alam kong makikinig si Enzo sa'yo sir. Please
sir, pakawalan mo na siya." pakiusap nito.
"Hindi madali ang hinihingi mo Princess.
Napamahal narin si Enzo sakin."
"Pero ipagkakait mo ba samin si Enzo sir?
Nagmamakaawa ako sir." sagot nito.
"Sa amin? What do you mean Princess?"
nagtatakang tanong ko.
"Oo sir, sa amin. Buntis po ako sir at si
Enzo ang ama." sagot nito.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko
nang panahong iyon. Umagos ang aking luha nang panahong iyon.
"Alam kong nasasaktan ka sir. Pero sana
maintindihan mo ako. Ginagawa ko 'to para sa anak ko. Ayoko siyang lumaki na
walang ama." sagot niya.
Doon ako natauhan sa binitawan niyang mga
salita. Hahayaan ko bang matulad ang walang muwang na pinagbubuntis niya sa
pinagdaanan ko? Alam kong mahirap mabuhay ng walang ama. Hahayaan ko bang
mahirapan din si Princess sa pagpapalaki sa kanyang anak na magisa katulad ni
mama. Ipagkakait ko ba sa kanya na mabuo ang kanyang pamilya? Humagulgol ako sa
mga kaisipang pumasok sa aking utak. Hindi ko kayang gawin yun sa walang muwang
na anghel na'to. Hindi ko kayang ipagkait sa kanya ang isang buong pamilya.
Hindi ko kayang maging dahilan para mawasak ang pangarap ng isang babae na
buuin ang pamilya niya. Nakikita ko sa kanya si mama. At nasasaktan ako ngayon
ng husto dahil mahal ko na ang pakakawalan kong tao. Kahit siguro hindi niya
nalampasan ang pagmamahal ko kay Albert, alam kong may puwang siya sa puso ko.
May kirot parin akong mararamdaman. Bakit ba ganito lagi? tanong ko sa sarili
ko. Naguguluhan man ako,pero alam ko
kung anong dapat kong gawin. Tinawagan ko si
Enzo.
"Hello Enzo. Pumunta ka dito sa resto. Oo,
yung malapit lang sa school. See you!" ibinaba ko ang cellphone at muling
humarap kay Princess.
"Everything will be ok!" sabi ko,
sabay pisil sa kanyang kamay.
"Ngayon palang, nagpapasalamat na ako sa'yo
sir," tugon nito.
Pagpasok ni Enzo sa resto, halatang nagulat siya
sa kanyang nakita. Tumiim-bagang siyang nakatingin kay Princess. Lumapit ito sa
mesa.
"Di ba nagusap na tayo?" timpi ang
boses ni Enzo na pinukulan ng masamang tingin si Princess. Mukha namang natakot
si Princess.
"Congratulations Enzo. Magiging tatay ka
na!" bungad ko na garalgal ang boses ko. Hindi na napigilan ang pagdaloy
ng luha ko.
"Cy, sasabihin ko naman talaga eh.
Naghihintay lang ako ng tyempo," unang paliwanag nito habang pinapahid ang
luha ko.
"Nagusap na kami ni Princess. Susustentuhan
ko yung bata. Hindi naman magiging problema yun kasi graduating na ako
Cy," sabi ni Enzo na pilit pinasaya ang boses.
"Hindi lang sustento ang kailangan ng bata
Enzo," sagot ko.
"Eh, pwede naman akong dumalaw sa kanya.
Malapit lang naman ang bahay nila eh! Isang barrio lang ang pagitan."
tugon nito.
"Naririnig mo ba ang sarili mo Enzo? Hindi
yan
ang kailangan ng magina mo! Ikaw Enzo! Pamilya
ang kailangan nila! Hindi ito usapin ng pera o pagdalaw mo. Enzo, magiging ama
ka na!" paliwanag ko.
"Pero ikaw na ang pinili ko! Nagusap na nga
kami ni Princess eh. Napagusapan na namin ang set up." sagot niya.
"Alam mong galit ako sa taong hindi
marunong manindigan sa responsibilidad! Ginawa mo! Sana naisip mo yan nun pa!
Hindi ako ang dapat mong piliin! Sila!" sagot ko.
"Ipinamimigay mo ako sa kanya Cy? Ikaw ang
pinili ko Cy! Hindi siya, hindi sila." sagot niya na nagumpisa ng umiyak.
Nakikinig at umiiyak lang si Princess sa mga naririnig.
"Lumaki ako na walang ama Enzo. Iniwan kami
nung baby palang ako. Alam mo ba kung gaano kasakit na walang ama?" sagot
ko.
"Galit ako sa amang pabaya Enzo! Ngayon,
hindi ko hahayaan pa na may isang musmos na maramdaman ang naramdaman ko, hindi
ko hahayaang ako ang maging dahilan para hindi mabuo ang pamilyang gustong
mabuo ni Princess. Ayokong maging dahilan para ang mawalan ng ama ang batang
yan. Ayokong maranasan niya ang naranasan namin ni mama," wika ko habang
umiiyak.
"Masakit sakin na pakawalan ka Enzo pero
kailangan kong gawin!" sabi ko sabay humahagulgol na tumayo at umalis sa
mesa papunta sa aking sasakyan.
"Cy, sandali!" sigaw ni Enzo. Sumunod
ito sakin.
"Cy, mahal na mahal kita! Wag mong gawin to
parang awa mo na!" pakiusap ni Enzo.
"Kung talagang mahal mo ako Enzo, gawin mo
ang sinabi ko. Panindigan mo ang iyong mag-ina!"sagot ko.
"Hindi ko maipapangako Cy. Mahal
kita!" sagot nito. Humarap ako sa kanya.
"Gawin mo para sakin, para sa bata at para
sa magiging pamilya mo," sagot ko na patuloy paring umiiyak.
Niyakap ako ni Enzo.
"Susubukan ko Cy. Para sayo!" sagot
niya na may bahid ng pagsuko.
"Sige na. Hinihintay ka na ni Princess.
Ninong ako pag lumabas na," sabi ko sabay pasok sa sasakyan. Doon ko
ibinuhos ang lahat ng luha ko. Muli akong nabigo. Una kay Albert, ngayon kay
Enzo. Pero tama ang desisyon ko!
Naisip ko si Albert. Mali ba na nagmahal ako ng
iba, mahal ko? Mali ba na sinubukan kitang kalimutan? Mali bang hindi kita
nahintay? Mali ba lahat ng desisyong ginawa ko? Kailan ka ba kasi babalik.
Hinawakan ko ang singsing! Sana bumalik ka na kasi! Please, ilagtas mo ako!
Matagal na pala ang panahong di ko siya nadalaw. Siguro nga kailangan ko siyang
dalawin muli. Patawad Albert! Patawad mahal ko.
Author's Note:
Mabigo man tayo minsan sa pag-ibig, patuloy
parin tayong susubok at magmamahal. Magmahal man tayo ng bago, hindi nito
matatakpan o mapapalitan ang taong minahal na natin. Si Cyrus ay ehemplo ng
isang taong nagmahal ngunit nabigo. Sa kanyang pagkabigo dahil kay kamatayan,
natuto siyang buksan muli ang kanyang puso ngunit muling nabigo sa iba namang
kadahilan. Isa rin siyang ehemplo ng mapagparayang tao na handang magsakripisyo
para sa kaligayahan at kapakanan ng ibang tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento