Naging maayos ang mga
sumunod na pangyayari sa buhay namin ni Albert. Nagsilbing inspirasyon ang
bawat isa sa amin para maging maayos ang kanya-kanya naming buhay -ako, bilang
guro at admin secretary at siya-bilang estudyante. Naging lihim nga ang aming
relasyon. We say our hi's and hello's inside the campus but we never show
sweetness within. Basta ang mga tingin at senyasan namin sa isa't-isa ang
nagsilbing lakas namin lalo na pag miss na miss na namin ang isa't-isa. May mga
pagkakataon na sesenyasan ako na, binabasa ang labi. Tanda iyon na gusto niya
akong halikan. Hanggang sa makakatanggap ako ng text niya na nagsasabing gusto
niya akong halikan. May mga bulung-bulungan ang mga estudyante tungkol sa amin
pero hindi naman nila makumpirma iyon dahil maingat kami sa tuwing nasa loob
kami ng university. Sa tingin ko, nagsimula ang bulung-bulungan na iyon dahil
sa insidente sa klase ko.
"Good morning
class." ang bati ko sa buong klase.
"Good morning sir"
bati ng klase.
"I think, you're
able to find the stories I told you to surf from the internet. This will serve
as your grade in your recitation which will be part of 50% class standing"
sunud-sunod kong paliwanag.
"Who wants to be
the first one? Remember, presenting your chosen story should include the gist
of the story, the culture revealed and of course, the lesson learned from the
story" ulit kong paliwanag sa kanila.
"Mahal ko"
sabay taas ng kamay ni Albert na siya ring ikinagulat niya pati ng kanyang mga
kaklase. Pati ako, nanlaki ang aking mga mata at pulang-pula ang mukha sa
nangyari. But I compose myself. I thought of the best word I could utter that
time.
"Excuse me, Mr.
Respicio?" tanong ko.
"I mean, MAHAL KO
kayyo!" ang lumabas sa labi niya. Umaktong bakla at nagrampa pa sa loob ng
klase. Kahit ang sagwa ng itsura niya, napaktakpan naman nito ang muntik ng
pagkabuking ng aming relasyon. Tawanan at sigawan ang buong klase.
"Hooooooo!" ang maririnig mo sa klase ko.
"Thank
yooouuu!" ang huling salita niya sabay bow sa harap, flying kiss at kindat
sa lahat ng mga kaklase niya. Tuwang-tuwa ang buong klase sa ginawa niyang
iyon. Hindi makaget over yung iba kaya I gave the class time to compose
themselves.
"Hay, ikaw talaga
Mr. Respicio. Umatake na naman ang pagiging sutil mo. Thank you for the
entertainment." nakangiti akong nakatingin sa kanya sabay iling ng ulo ko.
Natapos ang klase ko na
pinagpawisan ako ng sobra dahil sa insidenteng yun. Naririnig ko parin ang mga
kaklase niya na kinakantyawan siyang Mahal Ko, mahal ko kasabay ng halakhakan.
Nagpabili nalang ako ng lunch ko nang panahong iyon para hindi maexpose ang
mukha ko sa canteen. Nakatanggap ako ng text na galing kay Albert at humihingi
ng sorry dahil sa slip of the tongue na nangyari kanina sa klase ko. Nagreply
ako na hindi niya kailangang magsorry dahil nalusutan naman niya yun. Pero
nagsorry parin siya at nag i love you. Hindi ko na siya nireplyan dahil kumain
at sabak na naman ako sa trabaho sa office.
Dumating ang christmas
vacation ng mga estudyante. Kaya naging flexi-time ako sa office. Pumapasok
lang ako ng Monday-Thursday at bakasyon ko ang tatlong araw. Gabi-gabi akong
dinadalaw ni Albert para dalhan ng dinner sa boarding house. At sinusundo ako
every Thursday para dun sa kanila ako mamalagi. Dumating ang Christmas at
naisipan kong magbakasyon sa lugar namin. Tuwang-tuwa si mama ng makita ako
dahil dalawang buwan din akong hindi umuwi sa bahay. Binigyan ko si mama ng
pera para makapaghanda naman ng konting pagsasaluhan namin. Baka may mga bisita
ding darating lalo na alam na ng mga kamag-anak namin na may trabaho na ako.
Hindi nga kami nagkamali. Dumating ang ilan sa aking kamaganakan bago ang noche
buena. Makikipasko ang mga ito sakin. Ok lang naman sakin yun dahil may pera pa
naman ako. Binigyan ko sila ng pera na siyang ikinatuwa nila. Sabay-sabay
kaming kumain at nagkantahan sa videoke pagsapit ng alas 12. Masaya kami dahil
nagkaroon kami ng kasama ng paskong iyon. Kinabukasan, pagkagising ko, may mga
boses akong naririnig sa kusina ng aming bahay. Pagkaayos ko sa higaan,
dumiretso ako sa kusina. Nakita ko si Arvin kasama ang kanyang nanay na
kumakain.
"Kuya Cy, kumusta.
Lalong gumuapo ah!" bati ni Arvin sabay yakap sakin.
Nginitian ko siya at
ginulo ang buhok!
"Kaw talaga! Kaw
nga dyan eh. Binata na talaga eh." sabi ko.
"Kuya, Christmas
ko" sabi niya.
"Uy, mahiya ka
nga" sabat ng nanay niya.
"Naglalambing lang
ako Nay." sabi niya.
"Ok lang po.
Matagal na kaming di nagkita nito. Halika, ibigay ko sa'yo ang gift ko."
paanyaya ko sa kanya.
Sumunod siya sa akin sa
kwarto. Bigla niya akong hinalikan sa labi.
"Miss na miss kita
kuya Cy" bulong niya.
"Uuuyy, may tao
dito" ang wika ko para itigil niya ang kanyang ginagagawa. Pakiramdam ko
kasi nagkakasala ako kay Albert pag hinayaan kong magtagal pa ang kanyang
paghalik. Binigyan ko siya ng pera dahil wala naman akong biniling regalo para
sa kanya.
"Kuya, ang laki
nito ah. Nakakahiya!" wika niya.
"Kunin mo na.
Pambili mo ng damit mo at gamit mo ha." sabi ko.
"Thank you kuya
Cy." tugon niya sabay yakap sakin. Niyaya ko na siya bumalik sa kusina.
Tinatapos nila ang pagkain ng may pumaradang kotse sa harap ng bahay. Tinawag
ako ng pinsan ko at sinabing may guapong binata na naghahanap sakin.
"Kuya, may poging
naghahanap sa'yo. Nakakotse. Ang astig ng itsura kuya, parang artista,"
ang wika ng aking batang pinsan.
"Naku mam,
magpapaalam narin kami. Salamat sa pagkain." singit ng nanay ni Arvin.
Inihatid namin sila sa
labas para makita ko narin ang sinasabing bisita ng pinsan ko.
"Kuya, salamat sa
gift." niyakap ako ulit ni Arvin.
Niyakap ko din siya.
Nakaharap ako sa daan ng ginawa iyon kaya naman nakita ko si Albert na nakatayo
sa pinto ng kotse at nakamasid sa nangyayari sa veranda. Ngumiti ako ngunit
seryoso ang mukha niya. Dumaan sina Arvin sa harap niya at alam kong kinilatis
ni Albert ang itsura ni Arvin. Tinanggal pa talaga ang shades niya para makita
maigi ang itsura ng yumakap sa kanyang minamahal. Selos na naman to, naisip ko.
Sinalubong ko siya ng yakap. Nakatingin lang ang buong kamag-anak ko, nagtataka
siguro na may kaibigan ako na may kotse at halatang mayaman. Nakatitig ang
aking mga pinsan sa kanya lalo ng binalik niya ang shades niya. Nakasuot lang
siya ng brown shorts with white shirt. Tapos nakasneakers siya. Kaya lutang
talaga ang kakisigan ni Albert. Ipinakilala ko siya sa aking kamag-anak.
Nagbigay ako ng detalye para lubusang makilala nila kung sino si Albert. Kilala
kasi ang pamilya nila kaya lalong nagulat ang mga ito sa sinabi ko. Nagbigay
galang si Albert kay mama. Nagmano ito at bumati ng Merry Christmas. Inilabas
niya sa kotse ang kanyang mga dala kabilang na ang regalo niya para sakin at
kay mama. May dala din itong mga pagkain. Nagtataka man si mama, hindi muna
siya nagtanong dahil nandun ang iba naming mga kamag-anak.
"Salamat iho. Buti,
natunton mo ang lugar namin? Pasensiya ka na sa bahay namin ha!" ang
bungad ni mama habang hawak ang regalo ni Albert.
"Pasensya na po ah.
Hindi alam ni Cyrus ang pagpunta ko dito. Gusto ko lang po siyang sorpresahin.
Nagtanung-tanong po ako sa mga tao sa kalsada para makarating po rito. Ako po
dapat ang humingi ng pasensya tita." mahabang paliwanag niya.
Nakatingin lang sakin si
mama. Palipat-lipat ng tingin sa amin. Alam kong, Mama knows what's going on.
Tama nga ata ang sinasabi nila, kahit hindi magsalita, nababasa ng isang ina
ang nasa isip ng anak at nararamdaman nila ang itinitibok ng puso ng anak.
"Pasensya ka na
iho. Pasok ka." iginiya ni mama si Albert at pinaupo sa sala. Nakaramdam
ako ng hiya sa klase ng buhay namin na nadatnan ni Albert. Pero alam ko namang
hindi siya mapanghusga. Tahimik lang akong sumunod. Nagulat ako noong
kinakalabit ako ng isa sa aking pinsan. Tinanong ko kung bakit.
"Kuya, pareho
kayong guapo. Ang porma niya at may kotse pa. Kaibigan mo talaga yan? Ang
tanong nito na parang hindi makapaniwala. Ngumiti ako at sinenyasahang pumunta
nalang sa kusina. Pero tinawag siya ni Albert, may inabot siya dito at may
ibinulong. Dali-daling kinuha ng bata ang inabot niya. Napailing na naman ako
dahil alam kong pera yun na pang-aginaldo niya sa mga pinsan ko. Umupo ako sa
tabi niya. Nangangapa ng sasabihin.
"Iho, diyan ka muna
at maghahanda ako ng pagkain para sa inyo ni Cyrus," paalam ni mama.
"Sige lang po tita.
Ok lang po ako dito," sagot niya.
"Nagpaalam ka ba
kay tito at tito?" bungad kong tanong.
"Oo naman mahal ko.
Kagabi pa ako nagpaalam. Anyway, nagnoche buena naman ako sa bahay kagabi.
Pinayagan naman ako" bulong niya.
"Sana tinexan mo
ako para naman nakapaghanda ako, tingnan mo nga oh, di maayos ang bahay"
reklamo ko.
"Hindi naman ito
ang pinuntahan ko dito mahal ko. Ikaw," daing niya.
"Baka di mo kayanin
ang klase ng buhay namin dito," pasakalye ko.
"Try me!" sabi
niya sabay kindat.
Kahit sino naman
maiilang kung alam mo ang klase ng buhay meron ang isang Albert Respicio. He's
a kind of guy whom someone dreams to be liked. He was born and raised with a
silver plate.
"Anak, halina kayo
dito sa kusina para makapagalmusal na ang bisita mo" tawag ni mama.
"Sige po ma."
sagot ko.
Hinila ko siya papuntang
kusina. Naupo siya at tinabihan ko. Tahimik lang ang lahat, tanging ang tunog
lang ng kutsara at tinidor ang maririnig. Parang nakikiramdam ang bawat isa
nang biglang nagsalita ang isa sa matabil kong pinsan.
"Ai si kuya Cyrus
at kuya Albert, pareho ng suot na singsing" sabay turo nito sa singsing na
parehong nakasuot sa aming kaliwang ring finger. Nagkatinginan kaming dalawa ni
Albert at dumako ang tingin namin kay mama na napako ang tingin sa suot naming
singsing. Alam kong naghihinala na talaga si mama. Binasag ni Albert ang
nakabibinging katahimikan.
"Tita, magpapaalam
po sana ako na kung pwede, dito muna ako matutulog hanggang 27. Hintayin ko na
po si Cy pabalik sa city." ang sabi ni Albert.
"Hmm, ok lang naman
sakin iho. Pero, pagpasensyahan mo ang buhay namin dito. Simple lang ang buhay
namin. Baka hindi mo kayanin iho." sagot ni mama.
"Naku tita, ok lang
po sakin. Kaya ko po!" determinadong sagot ni Albert.
Nagtagal nga si Albert
ng ilang araw sa bahay. Magiliw ito sa aking mga pinsan. Hindi kami nabigyan ng
pagkakataong makapagniig sa bahay dahil may kwarto nga ako, maliit lang ito at
plywood lang ang division nito sa dalawa pang kwarto. Kaya mahirap lumikha ng
ingay lalo na't nandoon ang aking mga pinsan. Kaya nagkasya nalang kami sa
halik at paghimas sa mga maselang bahagi ng aming katawan. Nakilala ng husto ni
mama si Albert sa ilang araw nitong pagtira sa amin. Nakikita kong
gustung-gusto ni mama ito. Inamin ko narin kay mama na magkarelasyon nga kami
ni Albert at alam na ito ng daddy at mommy niya.
"Sino ako para tumanggi,
anak. Kung ang matataas na tao na tulad ng dad at mom ni Albert, tanggap ang
relasyong iyan. Ako pa kaya?" turan ni mama.
"Tsaka, mukhang
masaya kayo, mahal niyo ang isa't isa kung kaya, ok narin sakin. Basta kung
saan ka masaya iho, doon ako" ang dagdag pa niya.
All is well and we're
getting stronger ika nga nila. Hindi perpekto ang relasyon namin. May mga
tampuhan din namang nangyayari. Mga maliliit na bagay na nagpatibay sa aming
pagsasama. Pag hindi agad nagtext, magtatampo na. Pero nauuwi din naman ito sa
suyuan at lambingan. Pag lumalapit sakin si Christian, magseselos na naman yan.
Hanggang sa mauwi iyon sa isang malibog na laban sa kama dahil kailangan kong
iparamdam sa kanya na siya lang. Nagiging possesive siya, ganun din naman ako
sa kanya. Lalo na pag may mga lumalapit sa kanyang babae. Doon ko naman
pinapakita ang selos na nararamdaman ko. At siya naman ang gumagawa ng paraan
para suyuin ako. Ganun ang naging kalakaran sa relasyon namin. Agad naming
inaayos ang gusot bago ito lumaki. Hindi perpekto pero nagiging perpekto sa
pananaw namin dahil mahal namin ang isa't-isa. Nawala din ang issue sa amin sa
university lalo na nang nakikita ng mga tao ang pagiging malapit ko hindi lang
kay Albert pati din sa daddy at mommy nito. Nakikita ng mga estudyante at
katrabaho ko iyon lalo na pag sabay-sabay kaming apat na kumakain sa canteen.
Alam ng lahat na family friend ako kaya nawala ang pagdududa nila. Wala kasing
pinalagpas ang magasawang Respicio na oras, everytime the University President
needs legal counsel, at dumadalaw doon si tita, palaging dumadaan ito sa
opisina,o pag nataon na tuesday and thursday, hinihintay kami pareho ni Albert
sa labas ng classroom para kasabay sa lunch. Kaya naman, nawala ang haka-haka
ng mga katrabaho at mga estudyante sa amin. Ngunit hindi ito nakaligtas kay
Christian. Minsan kasi na nagsabay kami pagpasok sa school. Nagkwentuhan kami
sa daan.
"I really don't
believe that you and Albert are not in a relationship sir," paunang
komentaryo nito.
"Well, we really do
have a relationship - teacher-student relationship. And a friend"
pamimilosopo ko.
"You know what I
mean prof" sagot niya.
"Why do you say
so?" tanong ko.
"I dont know. I can
see 'spark' in your eyes everytime you look at each other" sagot niya.
"You better seek
professional help, Mr. Mendez. Kung ano-ano nakikita mo. And i think, you're
having paranoia." sumbat ko sabay tawa. Binilisan ko ang lakad dahil
ayokong magtagal ang usapan na iyon.
Tapos na ang semester.
Naging busy ako sa pagtapos ng mga year end reports ko. Binigyan naman ako ni
Albert ng sapat na panahon para makapagfocus ako sa aking trabaho. Anyway,
summer vacation na kaya naman marami kaming oras sa isa't isa pag nagkataon.
May office work parin ako kahit summer pero pwede naman akong magflexi time at
magovertime para mas magkasama kami ng matagal.
I check his grades from
the registrar dahil yun ang bilin nya sa text. Nagulat ako dahil 97 ang
pinakamataas nyang grade at 93 ang pinakamababa. Knowing that, ang hirap kumuha
ng line of 8 na grade sa university. I texted him right away saying how proud I
am for his excellent performance.
"Dahil yan sa'yo
mahal ko" yan ang natanggap kong reply na. Masaya kaming nagpalitan ng
text bago ako nagpaalam dahil pauwi na ako ng boarding. Nabasa ko sa boarding
ang huling text niya.
"Ihahatid ko lang
sina mom and dad sa city. Wala kasi ang driver." text niya.
"Ok, mahal ko.
Concentrate on driving. I love you."reply ko.
"i love you more,
mahal ko. Ill call you tonight" reply niya.
Hindi na ako nagtext sa
kanya dahil alam kong magdadrive na siya. Nakatulog ako pero bigla akong
naalimpungatan ng tumunog ang cp ko. Tiningnan ko, si tita Emma tumatawag.
Tiningnan ko ang oras. Alas diyes na ah. Kinabahan ako dahil hindi naman gawain
ni tita ang tawagan ako.
"Hello tita" sagot
ko.
"Cyruuus, Cyruuuus,
si Albert. Si Albert! Hagulgol ng nasa kabilang linya. Magulo ang linya. May
naririnig akong ingay ng tao. Maingay ang paligid, mga sasakyan. Tunog ng
ambulasya! Hindi malinaw ang sinasabi ni tita Emma dahil iyak ito ng iyak. Naguguluhan
ako. Kinakabahan. Natatakot. Anong nagyari kay Albert? Anong nangyari sa
pinakamamahal ko?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento