Hidden Sanctuary M2M Book Series

Huwebes, Mayo 2, 2013

Nang Magturo ang Guro

by: Xian Javier
Prologue
Ako si Cyrus. Nagiisang anak ng isang empleyado sa gobyerno. Ang aking ina ay hiwalay sa aking ama. Bata pa lang ako ng mamulat sa hindi kompletong pamilya. Masasabi kong ang hindi pagiging buo ng pamilya ang humubog sa aking pagkatao at siyang naging pangunahing dahilan upang mag-aral mabuti. Saksi ako sa buhay ng isang single parent. Nakita ko kung gaano naghirap ang aking ina upang maitaguyod ang aking pag-aaral. Kung itsura, hindi man ako boy next door na maituturing, ako yung tipo na hindi mo naman ikakahiyang kasama dahil narin siguro sa magaling akong magdala, malinis sa katawan at palaayos sa sarili. Natural na kulay samin ang pagiging moreno. May taas na 5'6" at kilala sa mga pinasukang eskwelahan dahil sa angking talino. Well, hindi ko parin masasabi na kaguapuhan yun. Pero marami naman nagsasabi na ako'y may itsura depende nga lang siguro sa katabi.
Dahil alam kong hirap ang aking ina sa pag-aaral, ginawa ko ang lahat upang makapagtapos sa pag-aaral. I never claim that I'm the best among my contemporaries. Masasabi ko na masipag akong mag-aral kaya nakamit ko ang pinakamataas na award ng ako'y nagtapos sa isang pribadong paaralan sa Tuguegarao. Nakuha ko ang pagiging valedictorian at nagtapos rin ako bilang Cum Laude sa isang kilalang unibersidad sa nasabing lungsod.
Noong ako'y tumuntong ng high school, alam ko na sa sarili ko na may kakaiba sakin. Pero di ko pinapansin ang ano mang nararamdaman ko sa aking sarili dahil inisip ko na kailangan kong magtapos sa pag-aaral upang maipagmalaki ako ng aking ina at upang ipamukha sa aking ama na kinaya namin kahit wala siya, kahit iniwan niya kami. Kung sa karanasan sa sex, nagtapos ako nang hindi man lang nakatikim nito lalo na sa mga nagguguapuhan kong kaklase o boardmates. Pero syempre naranasan ko ding umibig nang ako ay nag-aaral pa lamang. (magsusulat pa lang ako ng kwento tungkol dito)
Agad akong kumuha ng board pagkatapos ko ng kolehiyo at mapalad na ngtop sa buong rehiyon. Ngunit nahirapan parin akong kumuha ng trabaho dahil sa mga panahong iyon, naipatupad ang rationalization law sa gobyerno kung kaya hindi kumukuha o tumatanggap ng karagdagang empleyado ang pamahalaan. Kung kaya naging tambay ako ng ilang buwan. Napakaliit ng tingin ko sa aking sarili ng panahong iyon dahil parang walang kwenta ang mga awards na tinanggap ko kasi wala rin akong makuhang trabaho. Sa bahay ko ginugol ang buong oras ko habang pumapasok sa trabaho ang aking ina. Dito nagsimula ang adventure ng buhay ko. Lahat ng hindi ko naranasan noong ako ay nag-aaral ay nagawa ko sa mga sumunod pang taon sa aking buhay. Yan po ang matutunghayan nyo sa mga susunod na kabanata ng aking kwento.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento