Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Kabanata 5 Unexpected Visit Huling Bahagi

Sa oras na iyon, gusto kong suntukin ang mukha ni TJ dahil sa mga pangongontrol na ginawa niya sakin. Gusto ko ring sigawan kung bakit siya sumunod, kung bakit kailangan pa niyang pumunta sa eskwelahang pinagtatrabahuhan ko at gawin ang charitable work niya doon. Sa dinami-dami ng eskwelahan dito sa Pilipinas, dito sa school namin. Alam kong may kailangan siya at kailangan ko itong alamin. Biglang napawi ang malalim kong pagiisip nang biglang nagsalita si Mrs. Blanche.
"You may go now Mr. Mendoza," biglang bulalas ni principal.
"Ma'am, I still have two classes this afternoon. It would be better if ill finish first my classes while Mr. Miranda stays here and waits for me." tuluy-tuloy kong sagot dahil naiinis talaga akong isipin na naisahan ako ng mokong na'to.
"No, Mr. Mendoza. Galing pa daw sa mahabang biyahe si Mr. Miranda. He needs to rest. Dont worry about your classes, ill take care of it," sagot nito. Tumingin ako kay TJ,lalong naningkit ang mata nitong nakangiti saken parang sinasabing "Paano ba yan? I won!". Haay, inis talaga.
"Mr. Miranda, thank you very much for your help! Sana di ka magsawang tumulong," pasasalamat ni Mrs. Blanche.
"My pleasure ma'am! When I started my foundation 5 years ago, i made sure that it will focus on the education of youngsters! I'm happy to see kids march down the aisle of success. And isa lang itong school niyo sa gagawin kong recipient. Once Mr. Mendoza fixes the requirements, i can assure you, your school will receive computer sets Ma'am," sagot nito.
Wow! Andami talaga nilang similarities ni Albert. Ganun din si Albert noon. Punung-puno ng kabutihan sa puso. His kindness ripples beyond measure. Kahit nagaaral palang siya noon, marami na siyang natulungan. What Albert be like if he is still alive? Siguro ganito din siya kaguapo at katangkad tulad ni TJ. Siguro malaki narin ang foundation nito. Lahat yata ng alaala ni Albert, pinapaalala ng damuhong na'to, naisip ko.
"Mr. Mendoza, I said, you have to go now! Kanina pa ako nagsasalita! Ok ka lang ba?" medyo pasigaw na turan ni Mrs. Blanche.
"Ayy, ye-yes ma'am!" utal kong turan. Nang tumingin ako kay TJ, natatawa ito sakin sabay kumindat! My God, ba't ngayon pa dumating ang makakapagpaalala sa'yo mahal ko? Ba't ngayon pang handa na akong kalimutan ka, naisip ko habang sinusundan si TJ sa parking area ng school.
Binilisan ko ang lakad para masundan siya.
"Hey Mr. Miranda, what do you want!?" galit kong tanong dahil naisip ko na naman ang pagmamanipula niya sa sitwasyon.
"I want to kiss you sir," ngiti niyang tugon sabay kindat.
"What? What did you say?" tanong ko.
"I want to kiss you sir!" muli niyang sabi.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Namuo ang luha ko ng maalala ko yung moment na sinabi rin sakin ni Albert yun sa klase. Pati yung pagkakabigkas nila, parehong-pareho. Bakit ba ganito. Tuluyang dumaloy ang luha ko nang di ko namamalayan. Parusa ba ito sa di ko pagtupad sa pangako kong hihintayin kita Albert? Bakit ba nangyayari ito? Ano bang meron ka talaga TJ Miranda? Tumigil si TJ nang mapansing umiiyak ako. Lumapit ito sakin.
"I won't say sorry 'coz I meant what I said," biglang bulalas niya. Muli akong natigilan. Rumihistro na naman ang isang alaala sa aking imahinasyon. "Sorry sir but I meant what I said" pahayag yun ni Albert nang nagsorry siya sa kapilyuhang ginawa niya sa loob ng klase ko.
"Who are you? Sino ka ba talaga TJ?" tanong ko na may halong pagtataka at may inis na nadarama. Nakita kong natigilan siya.
"Bakit ba lahat ng sinasabi mo? Bakit ba lahat ng ginagawa mo? Ang itsura mo, ang ekspresyon ng mukha mo, ang galaw mo? Bakit ba pinapaalala mo sakin si Albert? Sino ka ba talaga? Sino ka ba talaga?" sunud-sunod kong tanong habang hindi ko mapigilan ang aking sarili sa paghagulgol! Nilapitan ako ni TJ, niyakap at hinaplos ang aking likuran. Nang mahimasmasan ako,
"Bakit TJ? Bakit mo pinapaalala si Albert?" muli kong tanong.
"Sino ba si Albert?" tanong nito sakin. Natigilan ako. Hindi pala niya kilala si Albert. Ibig sabihin, hindi pa nakwento ni Cielo sa kanya? Pero imposible kung hindi.
"Wala! Never mind TJ. We have to go now so you can rest." sagot ko.
"Just follow my car," huling nasabi ko bago pumasok sa sasakyan.
SA ISIP NI TJ
Nagiisip si TJ habang nakasakay sa kanyang sasakyan at sinusundan ang sasakyan ni Cyrus. Pinapaalala ko sa kanya si Albert? Ibig sabihin, ganito talaga si Albert nung nabubuhay pa siya. Lahat ng sinasabi niya? Galaw niya, itsura niya,ekspresyon ng mukha niya? Ibig sabihin, posibleng si Albert ang nabubuhay na kaluluwa sa loob ko. Kasi ang dating TJ, hindi naman ganito eh! Lalo akong naguguluhan. Sorry Cyrus pero kailangan ko munang magpanggap na wala akong alam sa lahat ng ito para makakuha pa ako ng karagdagang impormasyon. Kailangan ko munang makita ang parents ni Albert. Pakiramdam ko sila ang kulang para mabuo ang puzzle. Pakiramdam ko kailangan ko talaga silang makita. Pero ngayon, kailangan ko munang magfocus kay Cyrus. Nakakaakit ka talaga Cyrus. Pag nakikita kita, gusto lang kitang asarin. Ang pagkibot at pagngiti ng labi mo, nakakaaliw. Kung si Albert man ang nasa loob ko ngayon, hindi ako magsisising mahalin ka. Alam kong may nararamdaman ka parin kay Albert. Alam kong mahal mo parin siya. Patawarin ako pero sasamantalahin ko yun para makuha ulit ang pagibig mo.
SA ISIP NI CYRUS
Hindi pwedeng magkapareho ang dalawang tao. Pero sa ipinapakita ni TJ, posible bang magkapareho sila ni TJ? Posible kayang bumalik si Albert sa katauhan ni TJ? Pero bakit ganun ang reaksyon niya ng nang marinig ang pangalan ni Albert. Sinabi niyang totoo ako, na buhay ako nung nasa CR kami. Anong ibig niyang sabihin dun? Bakit niya nasabi? Kailangan kong alamin yun kasi naguguluhan narin ako. Alam kong may hindi sinasabi sa akin si TJ.
Itinigil ko ang aking sasakyan sa harap ng bahay. Isinagad ko ito sa garahe para magkasya ang aming sasakyan ni TJ. Nakita kong bumaba na ito kaya naman nagmadali akong bumaba rin para mabuksan ko ang pinto.
"Halika, pasok ka," magiliw kong saad sa kanya. Bisita ko na ito ngayon kaya dapat gawan ko ng maganda. Binuksan ko ang pinto.
"Nice place," komento niya.
"Pasensya ka na. Hindi ito tulad ng mansyon mo." sagot ko.
"Naku naman, maganda naman ang bahay mo. Kasama mo dito?" tanong niya.
"Si mama lang. Dati may kasama kami, kaya lang nagabroad na. Tulad mo, may foundation din kasi ako dito samin na tumutulong sa bata para makapagaral. Yung kasama namin dito dati, pinagaral ko," paliwanag ko.
"Talaga? Mahilig ka rin pala sa charity works." komento niya.
"Hmmm, ipinagpatuloy ko lang ang gusto ni Albert,"sabi ko na bahagyang ngumiti sa kanya.
"Halika dito! Pumunta tayo sa kwarto mo." sabi ko. Iginiya ko siya sa dating kwarto ni Dave. 
"Pasensya ka na sa kwarto mo ha. Ayusin mo nalang gamit mo diyan. Dun lang ako sa terrace," sabi ko. Naupo ako at hinintay siya doon sa terrace. Ang tagal naman nun?, naisip ko. Tiningnan ko siya. Nakahiga sa kama at tulog na tulog. Napailing ako. Akmang aalis na ako nang mapukaw ang aking atensyon sa itsura niya. Kawangis nga niya si Albert lalo na pag kumindat siya. Ang kulay niya, lalaking-lalaki. At napakakinis. Napakaguapo nga niya katulad ni Albert. Ganito siguro si Albert pag buhay pa siya. Wala nang gaganda pa sa katawan niya. Parang nililok ng isang sculptor sa sobrang ganda! Haay, pakiramdam ko si Albert ang kaharap ko. Iwan ko na muna siya.
"Mahal kooooo!" biglang sigaw ni TJ. Nagulat ako! Namuo na naman ang luha sa aking mga mata. Si Albert lang ang sumisigaw ng ganun sa akin. Si Albert lang. Sino ka ba talaga TJ?, naisip ko.
"Mahaaal kooo! Nandito akooo!" sigaw na naman ni TJ.
Gosh, bakit pati ang mga salita ni Albert, pinapaalala mo? Unti-unti mong dinudurog ang puso ko! Tama na Albert! Kung ito ang parusa mo sa kasalanang nagawa ko sayo, sa di pagtupad sa pangako ko, tama na please! Hindi ako tumigil sa pagmamahal sayo Albert! Alam mo yan? Sino ba si TJ, Albert? Sino siya? Umalis ako sa kwarto at hinayaang matulog si TJ. Nagluto ako ng makakain namin. Maya-maya lamang, dumating si mama.
"Anak, bakit dalawa nakaparada na sasakyan sa garahe?" tanong ni mama.
"Ma, may bisita ako galing Manila. Best friend ni Cielo. Nandun siya sa taas, tulog. Mukhang napagod sa byahe," sagot ko.
"Ay ganun ba? Baka di pa kumakain iyon?" tanong niya. Naisip ko. Oo nga. Lunch time na nang dumating siya sa school. Mukhang naramdaman yun ni mama.
"Tawagin mo na siya anak. Gutom narin ako. Ako na maghahanda," turan niya.
Pumunta ako sa taas. Sinilip ko ang kwarto niya. Nakita kong tulala ito at nakatingin sa kisame.
"TJ, halika na. Kain na tayo," sabi ko. Tumingin ito sakin. Tinitigan ako sabay ngumiti. 
"Halika na." yaya ko ulit. Itinaas niya ang kamay niya na siyang pinagtakhan ko.
"Hilain mo ako!" sagot niya na parang bata.
"Kaya mo na yan! Lika na!" sagot ko na di ko pinansin ang pakiusap niya.
"Sige naaa!" pangungulit niya. Ginawa ko naman. Pero laking gulat ko ng hinila niya ako at napahiga ako sa kanya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan, ang buga ng kanyang hininga, ang tigas ng kanyang mga muscles. Napapikit ako! Pakiramdam ko yakap-yakap ako ni Albert. Nahimasmasan ako kaya agad akong tumayo.
"Halika na. Di ka pa kumain! Gutom ka na niyan," paanyaya ko.
Tumayo naman siya na nakangiti at sumunod sa akin.
"Uy, concern sakin!" sutil nitong kantyaw.
"Hindi noh! Pinatawag ka ni mama," sagot ko.
"Asus, ayaw pang aminin eh!" sagot niya.
"Bahala ka nga!" padabog kong pahayag.
"Maaa!" tawag ko kay mama na naglalagay ng kutsara at kubyertos sa mga pinggan. Tumingin si mama na biglang nabitawan ang hawak na kutsara at kubyertos.
"Albert! Albert iho! Bumalik ka!" tuluy-tuloy nitong pahayag at niyakap niya ito ng mahigpit.
"Ma, hindi yan si Albert! Siya si TJ!" saway ko kay mama. Nahihiya ako sa ginawa niyang pagyakap kay TJ at mapagkamalang si Albert. Ano nalang sasabihin ni TJ? Tiningnan ni mama si TJ.
"Kamukha niya si Albert. Pati ang mga mata niya!" turan ni mama.
Naupo kaming tatlo.
"Pasensya ka na iho. Mis na mis ko na kasi ang batang iyon. Napakabait at napakalambing!" sabi ni mama na di napigilang mapaluha.
"Si Albert ang pinakamamahal ni ..." di ko pinatapos si mama.
"Ma please," sagot ko na dumaloy ang mga luha ko. Nagpunas ako dahil nakakahiya kay TJ. Tahimik lang itong nakatingin samin ni mama. Pero alam kong sa mga tingin niya, nararamdaman niya ang nararamdaman ko.
"Pasensya na anak kung ipinaalala ko! Hindi ko sinasadya." paumanhin ni mama.
"Kain na tayo ma. Nakakahiya kay TJ. Kain na tayo teej," sabi ko. Tahimik si TJ na kumain wari'y may iniisip. May naaninag akong kurot sa mga tingin niya. Siguro nakikisimpatya sa nararamdaman ko.

Siguro nararamdaman din niya ang sakit na dulot ng mawalan ng minamahal. Mahirap basahin ang naglalaro sa isip niya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento