Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Kabanata 3 Estranghero Part 3

Umalis si TJ sa kanilang mansiyon na may sakit ng loob sa kanyang ama.
Ngunit di niya ito masisisi. Alam niyang hindi ang buhay niya ngayon ang gustong buhay ng ama para sa kanya. But he is finally free from his parents' shadows. Malaya na siyang gawin ang kanyang mga gusto sa buhay. May pangalan na siya sa mundo ng pagmomodelo kaya hindi siya mahihirapang buhayin ang kanyang sarili. May savings naman siya na kinita niya sa mga fashion shows, tv ads at print ads kaya alam niyang mabubuhay siya. 
Kumuha siya ng apartment na kaya ng kanyang budget. Kailangan niyang magtipid dahil may magastos ang lifestyle niya. Hindi niya basta bastang igive up ang mga nakasanayan na niyang gawin tulad ng bar hopping, party and travelling plus mapili siya sa kanyang mga kinakainan kaya dapat marunong siyang magbudge. Nagiisa na siya ngayon. Wala na ang kanyang mga magulang na aalalay at magbabayad ng kanyang mga credit cards. In fact, his parents close all his accounts kaya naman budgeting would be the best thing to do para makayanan niya ang maging independent.
Nang mga panahong iyon, naging mailap ang swerte sa kanya. Medyo madalang ang mga offers at hindi ganun kadami ang mga print ads at tv ads. Kung kaya lalo siyang nagkaproblema. Ngunit, isang print ad ang nagbigay ulit sa kanya ng swerte dahil yun ang naging dahilan ng kanyang international break. Magaling ang kanyang photographer dahil sa environment-friendly concept ng kanyang shots kaya nakita at napansin muli si TJ sa mundo ng modelling at napansin pa siya internationally. Nagpapasalamat siya sa kaibigan niyang iyon dahil sa swerte nitong dala lalo na't he really needs to tighten his belt from all his expenses.
"Thanks for the great concept lady!" text niya sa kanyang kaibigan.
"No problem teej!" sagot nito.
Nagpatuloy ang swerte sa buhay ni TJ. Kaya bahagya niyang nakalimutan na may pamilya siya. He travelled in different countries for fashion shows. Hanggang sa isang araw nakatanggap siya ng isang tawag siya kanyang agency for Versace's fashion show. Isa itong napakalaking karangalan sa kanya to be part of Versace's collection. And it will be shown in Paris-the fashion capital of the world. Hindi siya makapaniwala sa ibinalita ng handler niya. It's a dream come for a model like him to perform in Paris, France. He's one of the luckiest asians to be part of the show. Hindi parin siya makapaniwala. Sa lahat ng pinagtanghalan niya, mailap ang ang siyudad na iyon sa kanya. Tinawagan niya agad ang kanyang matalik na kaibigan para ibalita ang magandang pangyayari sa akin.
"Hey lady, are you free tonight?"tanong niya.
"Why? You seem so happy? What's new?" sunud-sunod niyang tanong.
"I'll treat you out." sagot niya.
"Oh, that's very unusual man!" tugon nito sabay tawa. Sanay naman kasi to na palagi niyang niyayaya lalo na pag may magandang nangyari.
"See you, lady." sagot niya.
"Ok,ok! Bye man." sagot niya. Ganito sila ng kanyang photographer turned best friend na si Cielo. Minsan nga napagkakamalan silang magjowa pero magkaibigan lang talaga. May boyfriend siya na alam kung ano ang tunay nilang relasyon. Wala siyang masabi sa ugali nito. Siya lang ang kaibigan niyang sinasaway siya kung may ginawa siyang kabulastugan. Magsasalita ito kahit ikasakit niya para maitama ang kanyang mga kamalian. Peso sanay na siya sa ganung ugali nito. Yung sisigawan siya lalo na pag may lumalapit dito na mga kababaihang pinaiyak niya. Nagkita sila sa isang resto-bar sa Makati.
Sinalubong niya ito ng nakita niyang papasok sa resto-bar.
"Hey, lady!" bungad niya.
"Hey, man!" sagot nito sa kanya sabay beso.
Naupo sila sa isang sulok na medyo malayo sa mga ibang customers. Nagorder muna si TJ ng kanilang kakainin bago sabihin ang magandang balita kay Cielo.
"Ok man! Tell me, what's all these about? I'm sure, good news yan!" bungad ni Cielo.
"Hmmm, I cant wait to tell you that...." sagot ni TJ na pinatagal pa ang sinasabi.
"Stop prolonging my agony Tj. Magwawalk out ako dito," sagot ni Cielo na may bahid na pagbabanta.
"Kaw talaga! Ang bilis mong umusok" sagot ni TJ na natatawa. Inirapan siya ni Cielo.
"Well, ill fly off to Paris next month for Versace's collection." sagot niya.
"Owh! Owh man! Really? You just nailed Paris then! And owwh come on man, Versace?" di makapaniwalang sabi ni Cielo.
"I know, i know! That's why I'm so excited so I called you right away!" nangingiting tugon ni TJ.
"I'm happy for you,man! I know, that fulfills your dream as a model!" sagot nito na nakatingin kay TJ.
"Yeah! Yeah lady! I'm still in awe! That would be a jaw-dropping experience." sagot ni TJ na wari'y naglalaro sa isip niya ang mangyayari sa kanya sa Paris.
Dumating ang order nila kaya naantala ang kwentuhan ng magkaibigan. Uminom sila ng wine pagkatapos para matanggal ang umay sa panlasa nila.
"So, don't forget a pasalubong for me ha" turan ni Cielo.
"Sure, sure lady!" tugon ni TJ.
"Maiba nga ako. Have you talked to your parents?" tanong niya.
"Come on, Cielo Rodriguez! Spare me some time to enjoy! Just tonight!" medyo inis na tugon ni TJ.
Alam ni Cielo na pag tinawag na siya ni TJ ng buong pangalang niya, alam niyang medyo hindi na maganda ang timpla nito.
"Teej, look at me" sabay hawak sa baba ni TJ
para tumingin ito sa kanya.
"I know where you're coming from. Pero they're still your parents. That was long time ago, it's almost two years now! Why don't you put things in order now. Talk to them! Reach out Teej! I'm sure, they missed you!" tuluy-tuloy niyang turan.
"Look lady! I don't know if I can do that!" sagot ni TJ.
"May napatunayan ka na! You're well known in the modelling world! This is now the right time!"
"No Cielo, there's no right time. Hindi nila matatanggap ang mundo ko dahil hindi ito ang gusto nilang mundo para sakin." sagot niya.
"Ok, i perfectly got your point pero kahit si tita lang. Kausapin mo. Hirap na hirap na siya. Your mom misses you so much!" sagot nito.
"How do you know?" tanong niya ng may pagtataka.
"She always calls me fool! Ikaw palagi ang tinatanong. She researches all the people whow you are with, the people closest to you. So, she finds me. Sorry if I didn't tell you right away!" paliwanag nito.
"Hindi ko pa talaga kaya, Cielo. Give me more time!" sagot niya.
"Kailan? Pag tigok ka na?" tanong nito.

Hindi alam ni TJ kung ang sinabing iyon ni Cielo ay may dalang kamalasan o sadyang isang babala na kailangan ng paghandaan. Ang mga salitang iyon ang pumukaw sa matigas niyang puso para sa kanyang mga magulang. Oo nga, kinontrol ng mga ito ang buhay niya pati nga kursong kinuha niya eh, pero may rason kung bakit nila ginawa iyon. Sa totoo lang tiniis niya ang mga ito, pero kahit naging suwail siyang anak, mahal niya ang mga ito. Ang matigas na puso ni TJ ay binago ng isang malagim na pangyayari -ang plane crash.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento