Araw ng Necrological
Service.
Ito na ang huling araw
na makikita ko ang malamig na mga labi ni Albert. Hindi ko lubos maisip kung
paano ko nakayanang makita ang katawan niyang wala ng buhay! Matapos ang misa
at mabasbasan ng pari ang mga labi ni Albert, makikita mo ang mood ng buong
simbahan. Malungkot, bumuhos ng luha. Puno ng tao ang simbahan sa mga panahong
iyon. Lahat nakikidalamhati, nakikisimpatya sa pagkawala ni Albert. Nakita ko
kung gaano kadami ang nagmamahal kay Albert. Napakaswerte mo mahal ko. Nakikita
mo ba kung gaano kadami ang tao ngayon? Napakaswerte ko at ako ang minahal mo.
Dumaloy ulit ang luha ko. Nagbigay ng huling mensahe/pagpapakilala ang mga
piling tao sa necro service. Kabilang doon ang magulang ni Albert, isang
kaibigan at kaklase, isang pinsan, si yaya Luring at ako. Lahat ng sinabi nila
tungkol kay Albert ay mga papuri. May mga negatibo man siguro, nauuwi iyon sa
tawanan dahil sa kapilyuhan ni Albert.
"Hindi ako pinahirapan
ng batang yan sa pagaalaga sa kanya. Kaya hindi ko siya kayang iwan kahit na
siya'y nagbinata na dahil sa sobrang lambing niya at napakabait sakin. Tahimik
siyang bata noon kahit may pagkapilyo. Pero kakaibang Albert ang nasaksihan ko
sa mga nakaraang buwan. Isang Albert na lalo pang naging mabuting anak,
kaibigan at tao." malungkot na mga salitang bitiw ni yaya.
"He's one of the
most generous cousins I have. Nagastos ko ang tuition fee ko noon and I asked
help from him. Hindi siya nagdalawang isip na bigyan ako kahit alam niyang mali
ang nagawa ko. He reminded me, though, that I shouldn't repeat the same act
anymore. Basta may problema ako sa panggastos ko, hindi ako kina tito lumalapit
kundi sa kanya. Halos magkasingedad kasi kami kaya nasasabi ko lahat sa kanya
nang hindi nahihiya. Isang text ko lang sa kanya, magaabot siya agad. Maraming
salamat caz." ang nasabi ng kanyang pinsan na humahagulgol.
"Albert is a friend
everybody wants to have. His generosity ripples not only within his families
and friends. Alam kong ayaw mong sabihin ko ito Al, pero together with his
friends and chosen classmates, Albert formed a group wherein its purpose is to
help poor kids na makapagaral. Isa itong pausbong na foundation na sinimulan ni
Albert. He never asked help from his parents. He formed this using his savings.
Kumalap rin kami ng pondo
para maisakatuparan
namin ang aming hangarin. Napakabait niyang tao. Hindi matatawaran ang
kawanggawa na ginawa niya. We were able to to send 40 kids in school, both in
basic education. He also started sponsoring students to collegiate level. Ito
ang sinisimulang ayusin ni Albert. The group is so proud of you. We wouldn't
have thought and made it through without you. Makakaasa kang ipagpapatuloy
namin ang legacy na iniwan mo." ang rebelasyon ng kaibigan niya.
Pumalakpak ang mga tao ng malaman ang pagkakawanggawa ni Albert.
Isa pang tumatak sakin
ang mga sinabi ni Tito.
"Kahit ano ka pa
anak, tinanggap ka namin ng buong puso ng iyong mommy. Alam mong mahal na mahal
ka namin. Kung pwede ko lang ipalit ang aking buhay sa'yo, ginawa ko na.
Maraming salamat sa labing-walong taon na pagpapaligaya mo samin ng mommy mo!
I'm so proud of you anak! Kung mabubuhay ako muli sa susunod kong buhay kung
meron man, ikaw parin ang hihilingin kong maging anak" umiiyak si Tito
habang bumaba at pabalik sa kanyang upuan. Niyakap ko siya. Ganun din si tita.
"Ngayon naman mga
kaibigan, pakinggan natin ang pagpapakilala sa tin ni Mr. Cyrus Mendoza sa
pumanaw na kaibigan nating si Albert!" umalingawngaw na sabi ng
commentator.
Lahat ng mata nakatingin
sa akin. Animo'y sinusuri ang pagkatao ko. Para bang sinasabi ng mga matang
naroon kung sino ako sa buhay ni Albert. Hindi ko maintindihan ang mga
ekspresyon ng mukha ng ibang naroon. Hindi ko alam kung nakikidalamhati sila o
naghihintay lang ng maitsitsismis. Pero halos lahat naman sila, napansin kong
sinsero sila sa pagpunta sa necro service. Mahirap lang sigurong makita ako sa
harapan ngayon. Naiintindihan ko ang ibang tingin na waring nagtataka na ang
isang lalaki na tulad ko, pugtung-pugto na ang mata sa kakaiyak.
Pumunta ako sa rostrum
at inumpisahan ko ang isang mensahe at pagpapakilala para kay Albert.
Pinaghalong kaba, lungkot, at pighati ang aking nararamdaman. Isunuot ko ang
aking shades para ti makita ang lumulobo ko ng mata dahil sa walang tigil na
pag-iyak.
"Marahil
nagtatanong kayo kung sino ako at nasa harapan ngayon, at kabilang sa mga
piling magsasalita dito para kay Albert. Yan din ang una kong katanungan sa
aking sarili nung nakilala ko si Albert bilang isa sa aking mga estudyante.
Napansin ko si Albert dahil sa angking kakisigan nito, tahimik sa klase nung
una, pero biglang lumabas ang kaingayan, kasutilan, kakulitan niya sa aking
klase na nauuwi sa isang hagalpakan. Hindi ko alam na sa pagpasok ko sa
university, may isa palang tao na lihim na humahanga at nagmamahal sa
akin." tumingin ako sa magasawang Respicio bilang paghingi ng permiso.
Naintindihan naman nila ito kaya tinanguan ako ng mga ito.
"Saksi din ako sa
pagiging mabuting tao ni Albert. Siya ang tipo ng tao na pag may ginawang
mabuti sa kapwa, hindi siya naghihintay ng kapalit. Marami akong magandang
ala-alang hindi malilimutan sa kanya. Akala ko noon biro lang ang mga ginagawa
niyang pang-aasar sakin sa loob ng klase. Yung pagiging makulit niya, yung
pangaasar niya sakin dahil alam niya sigurong bago palang akong prof. Halos
kaedad ko ang mga estudyante ko kaya nakagamayan ko ng loob ang mga ito. Hindi
natatapos ang klase nila na walang ginawang pakulo si Albert. Minsan nga,
napahiya ako sa klase ng sabihin niyang
"I want to kiss you
sir"." tiningnan ko ang reaksyon ng mga tao sa simbahan. May mga
tumawa, may mga nakangiti. Pati sina tito at tita, nakatawa din.
"Hindi ko yun
pinansin noon hanggang sa ipinatawag ako ng University President isang araw.
She even issued memo. Kaya pinagpawisan ako ng malagkit sa panahong iyon. Yun
pala, si tita Emma ang nagpatawag sakin at idinaan ito sa President para hindi
ako makatanggi. Alam kasi ni tita na ako lang ang magpapabago sa mood ni Albert
nun dahil nagkulong siya sa kanyang kwarto ng isang araw." tumango-tango
si tito at tita habang ikinukwento ko iyon.
"Doon ko nalaman
ang lahat. Sa kanyang kwarto. Nakapaskel lahat sa kwarto niya ang larawan ko.
Hindi ko alam pero masaya ako ng araw na iyon." Nagsimulang umagos ang
luha ko.
"Si Albert ang
pinakaromantikong lalaking nakilala ko. Nabuo ang aming pagmamahalan dahil sa
tindi ng ipinuhunan niyang pagmamahal sa aming relasyon. Opo, magkarelasyon
kami ni Albert. Para sakin, hindi naging masama ang pagsasama namin. Sasabihin
siguro ng iba that we're both guys or even gays, pero mahal namin isa't isa eh.
Masama man sa paningin ng iba, pero sa amin, isa itong normal na pagsasama,
isang pagiibigang tumatak sa buhay namin pareho.Andaming ginawa ni Albert na
hindi ko makakalimutan. Hindi ko na isaisahin bilang respeto sa aming
pagmamahalan. Matagal na niyang gustong ipagsigawan sa buong mundo na kami'y
nagmamahalan pero di na niya magagawa iyon. Ako nalang ang gagawa nun mahal
ko." habang nakatingin ako sa hangin
"Saksi ang aming
mga magulang sa aming pagmamahalan. Nakita nila kung gaano kami kasaya sa isa't
isa. Mahirap isipin na wala na siya para tuparin ang aming mga pangarap. Para
sa'yo mahal ko, pipilitin kong matupad ang mga iyon." humagulgol ako.
Itinaas ko ang aking
kamay at tumingin sa kanyang coffin, habang nasa akin ang singsing na ito,
hindi mamamatay ang pagibig ko sa'yo. Mamahalin kita habang nabubuhay ako.
Umaasa ako sa iyong pangako mahal ko. Salamat sa lahat ng pagmamahal. Mahal na
mahal kita. Alam kong alam mo yan. Alam kong naipadama ko yan sa'yo. Maraming
salamat."
Nagpahid ako ng luha.
May mga bulungan akong narinig. Hindi ko pinansin iyon nang biglang tumayo ang
dad ni Albert at pumalakpak. Sumunod ang kanyang mommy at lahat nakipalakpak. At
lahat sila nakatayo ng ginagawa iyon. Inakay ako ni mama at niyakap. Ganun din
ang ginawa ni tito at tita.
"Maraming salamat
sa pagmamahal mo sa anak namin iho." pasasalamat ni tito.
"Mag-usap tayo
pagkatapos ng cremation" pahabol ni tita.
Dinala na ang bangkay ni
Albert sa memorial at dumaan na ito sa cremation process. Pili nalang ang
sumamang tao doon. Naghintay kami ng ilang oras. Pagkatapos ng mahabang oras ng
paghihintay, inabot sakin ni tito at tita ang Urn ni Albert. Nagtaka ako dahil
alam kong sa Villa ito ilalagak.
"Iho, isa ito sa
mga kahilingan ni Albert. Ikaw ang gusto niyang maglagay nito sa pinakaespesyal
na lugar daw sa inyo." ayon kay tita.
"Ipinaayos na namin
ang lugar iho. Alam mo naman siguro kung saan yun. Nagpagawa kami ng maliit na moseleo
doon. Nilagay namin iyon sa tagong lugar. Ayaw ipagalaw ni Albert ang lugar
kung kaya ginawan namin ng paraan na hindi mapapansin ang kanyang libingan.
Sumabay ka na samin at marami pa tayong paguusapan tungkol sa huling habilin ni
Albert," wika ni tito.
Isinabay na ako nina
tito at tita pauwi sa Villa. Ito na naman. Kung maaari ayokong makita ang
espesyal na lugar na ito. Mahirap. Sumisikip ang aking dibdib habang nakatingin
ako sa buong Villa.
"Cyrus! Cyrus
iho" niyugyog ako ni tita para magising sa pagkatulala.
"Nandito na tayo
iho."
Pagpasok namin sa loob
ng bahay, nanariwa ang lahat ng nangyari sa amin. Sa likod ng aking isipan,
nakikita ko ang mukha ni Albert na humahalakhak, ang mata nitong nangningning
na nakatingin sa akin. Ang mga matang iyon na labis kong kinagiliwan lalo na
pag ako'y kinikindatan.
"Naiintindihan
namin ang iyong nararamdaman iho" biglang salita ni tita.
"Pero kailangan
mong magpakatatag. Buhay ka pa iho. Marami pa ang maaaring mangyari sa'yo.
Patay na si Albert. Life goes on." patuloy ni tita.
"Nakuha namin ang
singsing na'to bago siya icremate. Gusto ni Albert na ikaw ang maghulog nito sa
loob ng urn." sabay sakin ni tito ang singsing.
Umiiyak akong nakita ang
singsing na iyon. Wala na ang taong magsusuot ng kapares ng aking singsing.
Inihulog ko iyon sa loob ng urn. Hinimas ni tita ang aking likuran tanda ng
suporta sa akin.
"Paulit ulit
sinasabi ni Albert yan iho. Babalik daw siya at siya mismo ang magsusuot ng
singsing na yan sa kanyang mga daliri. Babalikan ka daw niya. Natatawa nga
akong isipin na nagawa pa niyang magbiro kahit nasa bingit na siya ng
kamatayan." ngiti ni tita.
"Yan din po ang
sinabi ni Albert sakin at umaasa akong mangyayari yan tito, tita. Lahat ng
pangako niya, tinupad niya. Umaasa ako na pati ito, tutuparin niya." ang
nasabi ko sabay pahid sa luha ko.
"Sige na iho,
kailangan mo ng ilagay iyan sa moseleo ni Albert."
"Hihintayin ka
namin dito ng tita mo," ayon kay tito.
Naglakad ako papunta sa
talon hawak ang urn ni Albert. Tulad ng dati, boses parin niya ang naririnig
ko.
"Mahal koooo!"
lumingon ako sa dating kinatatayuan ni Albert bago ito tumalon sa talon. Pero
walang Albert akong nakita.
Ibinaba ko ang urn. At
sumigaw ako.
"Albeeeerrt! Mahal
na mahal kitttta! Mahal koooo!" umalingawngaw ang boses kasunod ng buhos
ng aking luha.
"Halika ka na"
ang narinig ko na namang boses. Kinuha ko ang urn at dali-daling pumunta sa
taas ng talon!
"Welcome to my
hidden sanctuary" ang narinig ko habang nakikita ko ang ngiti sa mukha ni
Albert.
"Mahal ko"
bulong ko. Hindi ko na kayang tumagal sa lugar na iyon dahil lalo nitong
pinalalala ang sakit ng aking nararamdaman. Hinanap ko ang moseleo ni Albert.
Maganda ang pagkakagawa ng moseleo. Para itong maliit na kastilyo na
napapalibutan ng mga kahoy, at mga iba't-ibang bulaklak kasama ng mga
paboritong orchids ni Albert. Makikita ang malilit na ilaw na nagsisilbing
liwanag sa loob. Makikita rin ang photo frame ni Albert. Punung-puno ng buhay,
masaya siya sa larawan. Nakitingin siya sa akin na parang may gustong sabihin. Niyakap
ko ang urn niya bago isinilid ito sa lagakan na gawa sa black granite tiles.
Pagsilid ko nito, walang
lingon-likod akong umalis.
"Paalam mahal
ko," ang bulong ko. Dali-dali kong nilisan ang lugar.
Pagbalik ko sa mansyon,
nakita kong naghihintay sina tito at tita sa living room. May nakahanda ding
pagkain sa living room. Pinaupo ako ng magasawa.
"Kumain muna tayo
iho bago tayo magusap-usap," wika ni tita.
"Wala akong gana
tita." tugon ko.
"Kailangan mong
kumain iho. Tingnan mo ang iyong itsura. Ilang gabi ka ng puyat, hindi ka pa
kumakain ng husto. Kami ang papagalitan ni Albert pag nakita niya ang itsura mo
ngayon" tugon ni tito.
Pinilit kong kumain para
mapagbigyan ang mag-asawa kahit na walang lasa para sa aking ang mga
nakahandang pagkain. Pagkatapos naming kumain, niligpit ng tatlong kasambahay
ang pinagkainan namin.
"Iho, kinailangan
ka namin kausapin ngayon dahil sa mga kahilingan ni Albert" bungad ni tita
sabay abot ng isang bank book at mga papeles. I thoroughly read the papers at
nagulantang ako sa nabasa ko. Even the trust fund, it's named after me.
"What's this tita,
tito?" nagtataka kong tanong sa magasawa.
"Well, that's
actually Albert's trust fund. We transferred it to you after he died. And the
other one, that's the land title of this Villa. This Villa belongs to you now
iho. But, with certain conditions. We'll still be living here, we still have
certain rights over it like managing the whole house and our maids. Yun lang,
iyo na ito iho." mahabang paliwanag ni tita.
"Yah tita, but why?
I can't accept this. Sorry tito, tita. Hindi ito dapat!" sagot ko.
"Iho, Albert's
money is also your money. The same way with his properties. You're now our son.
So please accept it iho" tugon ni tito.
"Tito, Albert still
has cousins. You still have relatives. Why not give it to them?" tanong
ko.
"We have other
means of helping them. Sila ang napapatakbo ng mga companies namin. And that I
think, is a big help for them iho. Pero ang mga yan, kay Albert ang mga yan at
lahat ng iyan ay gusto niyang ibigay sa'yo"sagot ni tita.
"Try to understand
tito, tita. This Villa is worth millions, and the 8 figures on his trust fund?
Ooh, tito, tita. Ang hirap tanggapin!" nahihirapan kong sagot.
"We know iho.
Nakita namin na hindi ka naman social climber. Kaya alam naming mahirap para
sayo. Pero iho, kahilingan ito ni Albert. Hindi mo ba mapagbibigyan ang hiling
niya?" tanong ni tita.
Nadurog ako sa huling
tinuran ni tita. Nagdadalawang isip ako. Nalilito dahil sa mga iba't ibang
pangyayari sa buhay ko.
"Ok tito, tita. Can
I give these to you first.? I cant take hold of this amount at my age"
tanong ko.
"No iho, sa'yo na
yan. Kahit gastusin mo yan. Pera mo yan. Ang hindi lang pwede, ay ibenta ang
Villa na ito" natatawang sabi ni tita.
Wala akong magawa kundi
tanggapin ito. Ang bilis ng pangyayari. Parang kailan lang, mahirap pa ako sa
daga. Ngayon, isa na akong milyonaryo. Hindi ako makapaniwala. Pero, mas
gugustuhin ko pang maghirap ulit basta nandito lang si Albert. Aanhin ko ang
yaman kung walang Abert sa buhay ko?
Natulog ako sa mansyon
nang gabing iyon kahit alam kong mahirap. Pumasok ako sa loob ng kwarto ni
Albert. Naamoy ko ang manly scent ng kwarto. Ang paboritong pabango ni Albert
ay nanuot sa aking sistema. Dumako ang aking tingin sa likod ng pinto, sa
bulletin at sa kama. Pumunta ako sa kama. Niyakap ko ang unan ni Albert.
Umaagos na naman ang aking luha, walang tigil. Yakap yakap ko ang unan, ang
kumot ni Albert. Amoy na amoy ko ang kanyang katawan. Pakiramdam ko, buhay pa
siya. Buhay na buhay.
"Mahal na mahal
kita. Ba't ang bilis ng pangyayari?"
Naisip kong kailangan ko
ng maawa sa sarili ko. Sobra na'to. Hindi na matutuwa sakin nito si Albert.
Naligo ako. Nagpalit ng damit at ginamit ko ang damit ni Albert. Pakiramdam ko,
yakap-yakap ako ni Albert. Humiga ako sa kama. Nakita ko ang 6 albums sa mesa
ng sofa. Kinuha ko iyon. Ang mga larawan namin ni Albert. Ang saya namin sa
lahat ng lakad namin na magkasama. Hinaplos ko ang mukha ni Albert sa larawan
hanggang sa nakatulugan ko ang pagbuklat ng mga albums.
Nagising ako sa
mahihinang katok sa labas ng kwarto. Dali-dali ko iyong binuksan. Tanghali na
pala. Pumasok si tita. Nakita niya ang nagkalat na albums at ang suot-suot kong
damit. Napangiti si tita Emma. Dali-dali kong inayos ang mga albums namin ni
Albert.
"Pasensya na tita.
Nagkalat ang albums namin. Tsaka sinuot ko tong damit ni Albert" paumanhin
ko.
"It's ok iho. Lahat
ng iyan, sayo na diba? Bagay mo. Akala ko nga ikaw si Albert kanina eh."
sagot ni tita.
"Tsaka, maari bang
tawagin mo na akong mommy? Namimis ko na kasi si Albert na tawagin ako sa
ganun." maluha-luhang dugtong ni tita.
"Ok po tita...
Mommy pala." sabay kaming nagtawanan.
Ipinaalam nila sakin na
plano nilang magabroad pagkatapos ng 40 days ni Albert. Tinanong kong anong
balak ko. Sinabi kong babalik muna ako sa lugar namin at kailangang magpahinga
muna. Naintindihan naman nila na kailangan kong makalimot. Pero nakiusap sila
na dalaw-dalawin ko ang puntod at ang Villa para mamaintain ang ganda nito.
Bilin daw kasi ni Albert na huwag pabayaan ito. Kahit hindi naman nila sabihin
iyon, gagawin ko naman iyon.
Author's note:
Masakit ang mawalan ng
minamahal. Wala itong kasingsakit sa iba pang pasakit na mararanasan natin dito
sa ating mundo. Pero ang bawat pasakit na iyon ay may katumbas na ligaya.
Kailangan lang nating maghintay. Marami mang magbabago sa buhay ni Cyrus,
marami man siyang magagawang kasalanan, paraan niya yun para makalimot, para
makalimutan ang isang taong nagparamdam sa kanya ng tunay na kahulugan ng
pagibig -si Albert. Sabay-sabay nating alamin ang iba pang mangyayari sa buhay
ni Cyrus, ang mga ibat-ibang lalaking makikilala pa niya at magiging bahagi ng
buhay niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento