Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Kabanata 5 SELOS

Natapos ang gabing iyon na di na bumalik si TJ. Nakausap naman daw ni Cielo. Pagkatapos daw nitong humingi ng paumanhin ay pinili niyang umalis nang wala man lang sinabing dahilan. Maayos naman ang naging gabi namin ni Christian. Alam kong nagiisip din siya sa naging reaksyon ni TJ sa birthday ni Cielo. Dumating kami sa condo ni Christian ng midnight kaya naman nagdesisyon kaming matulog na. Wala narin si Geoff sa bahay na nag-iwan ng note sa fridge. Masarap ang naging tulog ko. Hindi ko alam kung dahil iyon sa mga yakap ni Christian o sa mukha ni TJ sa aking panaginip. Nagising kami ni Christian at dumiretso sa kusina para magkape. Pati si Christian, iba ang ngiti. 
"Mukhang masaya ang mahal ko ah," bungad ko sa kanya.
"Syempre naman. Yayakapin mo ba naman ako ng buong magdamag, sino ba ang hindi aaliwalas ang mukha mahal ko," sagot niya.
Nagtawanan kami sa ideyang iyon. Niyakap ko siya.
"I love you!" sabi ko. Ewan ko kung bakit nasabi ko ito. I just want to reassure him that i will never choose another man kung di rin lang siya. Siguro nga may guilt feeling ako sa sarili ko dahil naiisip ko si TJ. Tumingin siya sa akin. Yung mapang-akit niyang tingin. Ngumiti siya sakin ng nagniningning!
"I love you more!" tugon niya sabay halik sa aking kamay. Nasa eksena kami na nagtitigan nang muli siyang magsalita.
"What do you think of TJ Miranda?" tanong niya.
"Do you really want me to answer your question?" balik-tanong ko.
"Yeah! Honest assessment, mahal ko," sagot niya.
"Well, he does look like a model! He's hot! Actually, he's one of the hottest. Next to you," sabi ko sabay kindat. Ngumiti siya sa sinabi ko. I stare at him and give a teasing smile. Natuwa siya sa ginawa ko.
"Hey, seriously!" sagot niyang natatawa.
"I am serious mahal ko! What do you want me to tell you? He's hot!" tugon ko.
"And...?" tanong niyang muli.
"Why? Did i miss another important description?" nagtatakang tanong ko.
"Yeah mahal! He looks like Albert, right?" sagot niya. Tumingin lang ako sa kanya.
"He moves like Albert too! Parang si Albert nga kaharap natin kagabi." sagot niya.
"And yung ginawa niyang pagwawalk-out, i remember Albert 5 years ago when he did that too! He got jealous and walked out from the school canteen. And If my memory serves me right, nagkulong siya sa kwarto niya maghapon. I saw how Albert got jealous before. " tuluy-tuloy niyang pahayag.
"So?" maiksing sagot ko.
"The same way with what TJ did last night when he saw you hugging me!" sagot niya.
"Wait mahal, why are you raising all these issues now? What are you tryin' to insinuate?" sunud-sunod kong tanong.
"Well mahal, baka kako affected ka! Iba kasi siya tumitig sayo kagabi. Tapos antagal niyo pang nagkamayan. Parang wala siya sa sarili sa pagtitig sayo. Pati din ikaw! Tsaka when Cielo introduced us, ang higpit ng hawak sa kamay ko at parang affected sa sweetness natin" sagot niya.
"Ayun! Yun ang dahilan! Kaya naman pala! Nagseselos ka sa kanya! Di mo lang madiretso,mahal ko" sagot ko. Nakita kong nagbaba ng tingin sa akin si Christian.
"Naku, naku naman! Ang poging mama, nagseselos pala! Paliguy-ligoy pa!" kantyaw ko sa kanya habang papalapit sa kanya.
"Hmmm, di mo kailangang magselos mahal ko! Hindi mo ba nararamdaman ang pagmamahal ko?" tanong ko sabay yakap sa kanya na nakatalikod at halik sa batok niya.
"Nararamdaman!" sagot niya.
"Ow pala! Halika nga dito! Namimis ko na ang mahal ko eh!" Sinimulan kong halikan siya at muling nangyari ang isang malibog na labanan. Pero tama si Christian. Apektado nga ako sa presensya ni TJ. Ayoko lang aminin sa sarili ko pero nakita ko sa kanya si Albert. Si Albert na mahal ko parin hanggang ngayon kahit may Christian ng gustong punan ang kulang sa puso ko.
SA OPISINA NI TJ
"Hey lady, can we talk?" tawag ni TJ kay Cielo.
"About what?" sagot nito na animo'y walang ganang makipag-usap.
"About last night! Please!" sagot nito.
"Ok TJ. Ill give you a chance to explain why you acted that way! I just dont get this whole thing. I'm your best friend. I deserve an explanation." sagot ni Cielo.
"Ok lady! Ill cancel my appointments today! See you." sagot nito.
Pumunta agad sa condo ni Cielo si TJ. Gusto niyang ipaliwanag kung bakit ganun ang naging ugali niya kagabi. Gusto niyang sabihin dito lahat. Pinagdarasal niya na makikinig sa ngayon si Cielo. Mahirap man paniwalaan ang lahat ng sasabihin niyang rebelasyon, sana may isang tao na maniwala sa kanya. At inaasahan niyang si Cielo yun. Kung maipapaliwanag niya ito kay Cielo, alam niyang maniniwala ito. Dumating siya sa bahay ni Cielo at nadatnan niya itong nakaupo at halatang naghihintay. Binati niya ito ngunit tahimik lang ito.
"You're the least person I expected to walk out teej," bungad nito.
"I'm still thinking until now if i have done something wrong or if ive said something that hurt you!" sagot nito na halatang dinamdam ang kanyang ginawa.
"It's my birthday teej!" dagdag nito.
"You have nothing to do with it Ciel!" sagot ni TJ.
"Then tell me, who's responsible in spoiling your night?" tanong nito.
"Christian!" sagot ni TJ.
"Christian? Cyrus' boyfriend?" di makapaniwalang tugon ni Cielo.
"What is your problem with him? He's the nicest! Ang bait nung tao!" patuloy ni Cielo na halatang galit na.
"It's Christian who let you walk out the door and left me hanging on my birthday, on your best friend's special day," sumbat ni Cielo.
"I got jealous with him!" bulalas ni TJ na kinaupo ni Cielo.
"What? What did you just say?" tanong nito.
"I got jealous with him! This is what Ive been tryin to explain to you, but you didn't listen to me Cielo," sagot nito.
"After the plane crash, i know, something has changed! May nagbago Cielo. May nagbago sakin," pahayag ni TJ.
"Is this a joke teej? Oh come on, that plane crash turned you into a faggot, clinging for another man? That's ridiculous teej!" di makapaniwalang tugon ni Cielo.
"Listen, you just dont understand Cielo!" sagot ni TJ.
"Cyrus and I had a connection in the past! I dont what it is now pero alam kong meron! I walked out last night kasi di ko matagalan ang kaswitan nilang dalawa! Sa buong gabing iyon, magkahawak sila sa kamay! Nagseselos ako! Pakiramdam ko sa akin dapat nakahawak ang kamay ni Cyrus." mahabang pahayag niya.
"Stop this nonsense TJ!" galit na tugon ni Cielo.
"I'm telling you the truth Cielo. Iba ang epekto ni Cyrus sakin! Hindi ko alam kung bakit Cielo! Hindi ko alam. It must be love." sagot niya.
"You're out of your mind, teej! Andami mong pinaiyak na babae! Then, you're telling that you're inlove with a MAN whom you just met?" sagot ni Cielo na umiiling-iling at binigyang diin ang salitang MAN.
"No! Ive been seeking professional help but I am perfectly and mentally fine! I did this secretly kasi baka isipin niyong lahat na baliw ako. Sabi ng doctor trauma. Pero walang akong naramdamang trauma. These past years, that man, Cyrus became part of my dreams. Walang gabing hindi ako dinalaw ng mukha niya! Believe me! Kaya nang makita ko siyang lumabas sa condo mo, nagulat ako dahil buhay pala siya,na totoo pala siya, na hindi lang siya isang panaginip! Iba ang epekto niya at iba rin ang epekto na makita ko siyang hawak-hawak at yakap-yakap ng iba." mahabang sagot nito. Nagulat si Cielo. Tama si TJ. He's not the TJ that I know 5 years. Marami ngang nagbago sa kanya. Nasabi niya nga minsan na baka nabagok ang ulo nito sa plane crash. Wala rin akong nakitang girlfriend nito sa nasabing mga taon.
"Nagselos ako siguro kasi mahal ko si Cyrus. Pati ako naguguluhan. Pero give me a chance to relate the whole story, the whole dream. Makinig ka muna. Pag tapos ko itong ikwento sayo, bahala ka ng husgahan ang kwento ko." pahayag ni TJ.

"Ok, Ill listen." tugon ni Cielo na may nadamang kasabikan. Parang may nagtutulak sa kanyang isipan na pakinggan si TJ. She knows this man. Hindi lang ito gumagawa ng kwento. Alam niyang napakahonest niya. Pero ano ba ang nasa panaginip niya? Kailangan niyang malaman iyon. She has this feeling na may kinalaman nga si Cyrus sa pagbabagong nangyayari kay TJ.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento