Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Kabanata 5 Unang Pagkikita

Alas diyes na ng umaga ng Miyerkules nang nagising ako dahil sa isang mahabang labanang sekswal sa pagitan namin ni Christian. Pagdilat ko ng aking mata, mukha niya ang bumungad sakin habang kagat-kagat ang isang pulang rosas. Napangiti ako. Hinawakan ang rosas at ibinigay sa akin.
"Good morning mahal ko!" pagbati nito sa akin.
Nginitian ko din siya. Pakiramdam ko, fresh ako ngayong araw na to dahil maganda at kompleto ang gising ko. Inamoy ko ang rosas at muling pumikit.
"Ang guapo naman ng mahal ko habang natutulog," sabi ni Christian. Muli akong napangiti sa kanyang sinabi.
"Good morning mahal ko," sagot ko. "Kanina ka pa gising?" tanong ko.
"Hmmm, 30 minutes na siguro kitang pinapanood," sagot nito na nakangiti ng maluwag.
"May gusto kang sabihin no? May parosas rosas ka pa ha," sabi ko na kinilig sa natanggap na rosas.
"Hmmm, meron nga. Pwede bang lumipat ka na dito sa condo mahal?" mungkahi niya.
"Yun lang ba? Oo, naman. Pero magpaalam muna ako sa tita ko,"sagot ko.
"Talaga? Wow, akala ko ayaw mo eh." tugon niya.
"Bakit naman?" sabay haplos sa mukha niya. "Ok lang sakin. Sulitin natin itong bakasyon ko ha!" sagot ko na patuloy ang paghaplos sa mukha niya.
"Salamat mahal!" tugon niya sabay halik sa aking noo.
"Anong time na?" tanong niya.
"Hmmm, quarter to 11," sagot niya. Napabalikwas ako agad-agad!
"Oh my God, I have an appointment with Cielo! I have to go back to my tita's house to change mahal." pahayag ko.
"Samahan na kita mahal!" sagot niya.
"Wag na mahal. Wait me here nalang ha! Ill be here tonight. Kunin ko na mga gamit ko kay tita bago pumunta kay Cielo," sagot ko.
"Sino ba si Cielo mahal?" tanong niya.
"She's Albert's cousin mahal. She proposes to have the photoshoot at the Villa. I need to listen to her proposal,"sagot ko.
Napansin kong nagiba ng timpla ang mukha ni Christian.
"Mahal, ayoko ng ganyang tingin. Ayoko ng ganyang lukot ang mukha. Nababawasan ang kaguapuhan mo," wika ko na may bahid ng pagbibiro. Ngunit lalong sumimangot ito. Lumapit ako at niyakap siya.
"Alam ko ang nasa isip mo! Matagal na akong nililigawan ni Cielo para sa photoshoot na yan. So I think, it's time for me to show the Villa's beauty. We need to discuss the conditions," paliwanag ko. Hinalikan ko ito para hindi na magisip pa ng kung ano.
"Kung gusto mo, sumama ka sa photoshoot para dalawa tayong magbantay," pahayag ko sabay yakap at pisil sa kanyang pisngi. Bahagya siyang ngumiti.
"I have to go now. See you tonight," sabi ko sabay halik.
"Di ka pa naligo," pansin niya.
"Kina tita na! Bye! See you," sabay baba sa condo niya. Nagmadali akong nagdrive para makaabot sa pinagusapan namin ni Cielo na oras. Tinawagan ko siya habang nagdadrive.
"Hey Shells, baka malate ako ha. Oo eh. Medyo traffic. Baka 3 pm na ako makarating diyan sa condo mo. Ok, bye!" binaba ko ang telepono at nagfocus sa pagdrive.
Sa Condo ni Cielo...
Hindi na naman sumasagot ang TJ na to,. Busy na naman siguro, naisip ni Cielo. Teej, pick up! Sa tagal ng pagring ng telepono si TJ, he finally answered it.
"Hello teej." bungad ni Cielo.
"Hey lady! What's up?" sagot nito.
"Oh, Cyrus called me. Remember him? The owner of the Villa. Ill introduce him to you. He'll be here at 3. Can you make it by then?" tanong ni Cielo.
"Yeah! The one you told me before. I still have an appointmen at 2. Hopefully, i can make it lady." sagot nito.
"Ok then. See you. You'll like Cyrus. He's awesome. Bye!" sagot ni Cielo. Naghanda na siya ng makakain at nagorder din siya ng pizza para sa mga inaasahang bisita.
Nakarating narin ako. Hay, ang init talaga dito sa Manila. Tumuloy ako sa kwartong ibinigay ng tita ko. Inayos ko lahat ng gamit ko sa bag. Nagpaalam ako sa tita ko na makikituloy ako sa isa sa mga kaibigan kong kauuwi lang galing abroad. Naintindihan naman niya iyon. Kung kaya naman pumayag siya. Naligo ako at nagayos ng sarili para sa aming pagkikita ni Cielo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, parang may nagtutulak sakin na kailangan kong magpaguapo at magayos. Pagkatapos ng mahaba-habang pagaayos, natapos din ako. Kinuha ko ang mga dala ko at dinala sa sasakyan. Sana magustuhan ko ang konsepto ng photoshoot niya, naisip ko.
Sa office ni TJ...
"Jane, can you come inside..." utos ni TJ sa kanyang sekretarya. Tulad ng dati, maraming bumabagabag sa kanyang utak. Yung mga dating tao na nakikita niya sa kanyang panaginip, pakiramdam niya, malapit na niyang makita. Hindi parin niya naiintindihan kung bakit siya patuloy na dinadalaw ng mga ito. Kaya lalong sumisingkit ang mata niya dahil sa puyat minsan. Minsan naman, nasosobrahan niya ang tulog lalo na pag ang mukha ng lalaking yun ang kanyang napapanaginipan. Parang napakasaya niya at minsan nga, nakangiti pa siyang gumigising. Ang lalaking yun! Hindi niya talaga maintindihan ang epekto nito sa kanya.
"Tulala ka na naman sir," bungad ni Jane. Bahagyang nagulat si TJ
"By the way, can you cancel my appointment at 2 o' clock?" tanong niya.
"Naku sir, important client ng company natin si Mr. Sy. Di pwedeng indianin," sagot ni Jane.
"Ok, si Mr. Sy pala ang client. Sige, wag nalang din. Thank you Jane."tugon niya.
Tiningnan niya ang oras. 30 minutes before 2.
Naghanda na siya sa appointment niya. Sana naman mabilis lang matapos to para makita niya yung ibinibida ni Cielo na Cyrus. Bakit parang iba ang dating ng pangalan na yun sakin? tanong niya. Pero ipinagwalang bahala ni Cyrus iyon dahil ang nasa isip niya ay yung client niya.
Narating ko narin ang condo ni Cielo. Mukhang magaganda din ang unit na nasa building na'to, naisip ko. Nagpaalam ako sa guard na pupuntahan ang unit ni Cielo. Tumawag ito sa unit ni Cielo at kinumpirmang may inaasahan nga siyang bisita. Sinamahan ako ng guard kaya naman mabilis iyon narating. Nagbell kami at bumukas ang pinto ni Cielo.
"Hey Cy, nice seeing u after Albert's anniversary," bungad niya.
"Hi shells! Nice place!" sagot ko.
"Have a sit. Keep your cool! I need to prepare the food," sabi niya.
"Ok. Take your time. Ill be fine," sagot ko.
Naupo ako sa living room at nagbasa-basa. Mahilig talaga to sa photography. Kinuha ko ang isang magazine ng isang pamilyar at sikat na model ng biglang nagsalita si Cielo. (Muntik na niyang nakita si TJ)
"Hey, let's eat first before we discuss things out," biglang sabi nito. Nakita kong marami siyang dalang pagkain kaya binitiwan ko ang magazine at tinulungan siya. Kumain kami habang ipinapaliwanag niya ang plano niya sa photoshoot. Naintindihan ko naman iyon lahat. Ipinaliwanag ko muli ang do's and dont's sa paggamit ng Villa Respicio. Naintindihan naman niya iyon.
"By the way Shells, where's your model? I thought, you'll introduce him to me," tanong ko.
"Oh, TJ? Yeah. He's supposed to be here now! He informed me he had an appointment at 2. Baka natraffic lang. Naku Cy, you should meet him. He's a good catch! Besides he looks like Albert," walang prenong sagot nito.
"Really? He looks like Albert," di makapaniwalang sagot ko.
"Yeah! Swear! That's why you should meet him! Malay mo gusto rin niya sa tulad mo," sagot nito na nagngingiti.
"Too late Shells! I'm into relationship now!" sagot ko.
"Ow come on Cy! You gotta be kidding me! For real?" tanong niya.
"Yeah!" sabi ko na nangingiting tumango tango.
"Oh man! I just cant believe this! You've finally moved on! Matagal na dapat na ginawa mo yan! I'm happy for you Cy, and I know, my cousin is, too..." excited nitong sagot.
"Who's the lucky guy anyway?" dagdag nito.
"Makilala mo siya sa biyernes. Your birthday right?" sagot ko.
"That's great!" sagot niya. Marami pa kaming napagkwentuhan at nagpaalam na ako.
"Mukhang di na darating ang modelo mo. I have to go now. Lipat pa kasi ako sa Condo ni Christian ngayon," paalam ko.
"Ok Cy. Thanks for coming. I expect you on friday! Dont miss out.," paalala nito.
Naglakad na ako sa pasilyo at hinanap ang elevator. Pinindot ko ito nang may narinig akong sumigaw. Hinanap ko yung boses. Wala akong nakita kaya pumasok na ako sa loob ng elevator.
Malapit na si TJ sa condo ni Cielo. Agad siyang umakyat sa taas. Kilala na siya kaya agad siyang pinapasok. Palabas na siya galing sa elevator nang makita niya ang isang lalaking galing sa unit ni Cielo. Pamilyar ang tindig nito at parang nakita na niya ito. Hindi niya naiintindihan pero parang bumilis ang pintig ng puso niya. Kaya tinawag niya ito kahit malapit na siya sa elevator! 
"Heyyy!" sigaw niya sa lalaki. Lumingo-lingon ito kaya naman nakumpirma niya!
"IKAW! Ikaw yung nasa panaginip ko! Buhay ka! Hindi ka lang panaginip." bulong ni TJ na nakatulala!
"Hey, wait!" sigaw niya nang makabawi. Hinabol niya ito pero nakapasok na siya sa elevator. Dali-dali niyang lumapit sa isa pang elevator. Pinihit yun para makababa agad. Nagmadali siyang pumunta sa ground floor, luminga-linga siya. Pumunta na siya sa parking space, pero wala rin yung lalaki. Bumalik na lamang siya sa unit ni Cielo.
"Hey teej, what happened? Ba't ngayon ka lang? Pawis na pawis ka pa!" bungad ni Cielo.
"Who is he Cielo?" tanong niyang humihingal.
"Who?" tanong din ni Cielo.
"The man who just came here in your unit!" sagot ni TJ.
"Ow! You saw him? That's Cyrus Mendoza. Albert's boyfriend before he died! We were waiting for you coz he wanted to meet you teej. He's the owner of Villa Respicio-the photoshoot set. Remember?" pahayag ni Cielo.
"It's not just a dream. He's not just a dream. He's real Cielo! He's real! He really does exist!" tuluy-tuloy na masayang wika ni TJ. Hindi ako nababaliw o nabagok ang ulo ko. Totoo siya,naisip niya.
"What? I don't understand you teej!" nagtatakang pahayag ni Cielo. Ano bang nangyayari dito, tanong ni Cielo sa sarili.
"When can I meet him again?" tanong ni TJ na parang naglalakad parin sa alapaap.
"You mean Cyrus?" balik tanong ni Cielo. Tumango-tango si TJ na parang wala sa sarili na umiikot sa kanyang imahinasyon ang mukha ni Cyrus.
"Friday. He'll be here on my birthday," sagot ni Cielo.
"Wait teej, don't tell me, type mo si Cyrus. And dont you dare tell me that you're gay!" pahayag ni Cielo.
"Of course not. Im not gay! It's just that, i finally confirmed that he's real! He's not just a dream. Palagi kong napapanaginipan ang mukhang iyon Cielo. It's been years now!" sagot nito.
"Naku gutom lang yan Teej! Halika dito. Kainin mo yung tira namin ni Cy! Besides, get your hands off from Cy. May boyfriend na siya Teej! Hay, Im happy for him! After 5 long years, he decided to finally move on from Albert's memories!" pahayag ni Cielo. Lalong naguluhan si TJ sa kanyang nararamdaman ng binaggit lahat iyon ni Cielo sa kanya.
Bakit parang may kurot sa puso ko na malaman na may nagmamay-ari na sa kanya? Albert? Bakit pamilyar sakin at malapit sa puso ko ang pangalang binanggit ni Cielo. At ang mukhang iyon, matagal ko ng gustong makita yun. Buhay siya! Totoo siya. At malapit siya kay Cielo. Who are you Cyrus Mendoza? Bakit palagi kang nasa panaginip ko. Ano ba kita? If this is dejavu, is it possible that we're connected in my past life or in our past life. Lalong gumugulo ang sitwasyon. Akala ko kung makikita kita in flesh, mabibigyan na ng kasagutan lahat. Pero it became more complicated!" bulong ni Albert.
"Hoy, tulala ka diyan!" sigaw ni Cielo.
"Is it because of Cyrus? Tinamaan ka ata ka ah!" tawa ni Cielo. Pinukulan siya ng masamang tingin ni TJ na lalong nagpatawa pa kay Cielo.
"Don't worry teej, you'll meet him on Friday," huling turan ni Cielo.

Bigla tuloy naging excited si TJ at hiniling na Friday na sana.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento