Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Kabanata 3 Estranghero Part 2

Inayos niya ang kanyang pagkakaupo sa kanyang swivel chair at tiningnan ang kanyang buong office. Parang kailan lang na hindi tanggap ng sistema niya ang pamamahala ng kanilang kompanya. Pero ngayon, ipinagkatiwala na sa kanya ang buong kompanyang itinayo ng kanyang mga magulang sa loob ng maraming taon. Limang taon na ang nakararaan ng mangyari iyon, pagkatapos ng isang malagim na pangyayari sa kanyang buhay. Unti-unting nagbago ang pananaw niya sa buhay. Sa edad niyang 29, masasabing isa na siya sa mga tinitingalang bachelors na kilala sa mundo ng business industry. Isa siyang business tycoon sa bansa na kinaiinggitan sa itsura, yaman at kapangyarihan. He holds the most envied stature insofar as business, wealth, looks is concerned. Lahat ng ito ay nakuha niya magmula nang mangyari ang malagim na pangyayaring iyon sa buhay niya. Nagsimula siya sa rank and file position. Hindi niya ginamit ang kanyang mga magulang para makuha ang pinakainaasam niyang posisyon dahil alam naman nila na handa na siya at para rin mapagaralan ang buong sistema sa kompanya. Naging marketing manager siya hanggang nakuha niya ang posisyong general manager na siyang naghatid sa kanya sa posisyon bilang CEO ng kompanya. Hindi naging madali ang lahat. Ibinigay niya ang buong puso niya sa trabaho para makuha ang posisyong iyon. Binuhos niya ang kanyang panahon para makuha ng kompanya ang pinakakaasam nitong tagumpay sa larangan ng industriya ng tela, glass at goma! Nagbigay siya sa kompanya ng di matatawarang kita kung kaya iniluklok siya sa posisyong iyon. Hindi niya alam pero naging inspirasyon niya ang lalaking gumugulo sa isip niya. Hay, parang kailan lang. Ibang-iba ang kanyang estado ngayon sa buhay na meron siya noon. Naalala niya ang mga nangyari sa buhay niya. Malinaw na malinaw pa sa kanyang isip ang mga nangyari.
5 years ago...
Siya si Troy Javier Miranda. Nagiisang anak ng may-ari ng Miranda Industries. Kilala siya sa mundo ng modelling. Pagkatapos niyang mag-aral ng BS in Commerce major in Business Administration sa De Lasalle University, na siyang pinili ng kanyang magulang bilang paghahanda sa pagmanage ng kanilang businesses, naisip niyang sundin naman ang puso niya na maging isang modelo kahit tutol ang kaniyang mga magulang partikular na ng kanyang ama... Nagaaral palang siya noon nang may mga kumukuha na sa kanya bilang modelo. Nakatulong sa kanya yun para magkaroon ng pre-exposure sa mundo ng pagmomodelo. Isa siyang party guy kaya naman madali siyang nakakilala ng mga iba't ibang modelo na nagpakilala sa kanya sa iba't-ibang kilalang photographers at designers. 
Pagkatapos niyang magaral, sinuway niya ang kanyang mga magulang nang sabihin ng mga ito na magtrabaho siya sa kompanya! He loves to travel from different parts of the globe and he loves to show off his body on cam. Marami siyang nakilalang mga babae, naggagandahan at nagseseksihan. Para sa kanya nang mga panahong iyon, sex is a basic commodity! Lahat ng mga babae, gusto siyang tikman, kaya pinagbibigyan niya ang mga ito lalo na kung pasado sa kanyang panlasa. Karamihan sa mga ito, napaiyak niya dahil siya ang tipo ng lalaki na ayaw sa commitment. Pag nakaramdam na siya na hinahabol siya ng babae, hindi na siya nagpaparamdam dito. Usually, pang one night stand lang ang kaya niyang ibigay. Madalas siyang pagalitan ng mga magulang at isumbat na napakairesponsable niya dahil isa nga siyang party-goer kaya naman madaling araw na kung umuuwi.
Nakilala siya bilang TJ Miranda sa mundo ng pagmomodelo. Kahit anak siya ng milyonaryo, pilit niya iyong itinago sa mga kasamahan at katrabaho dahil gusto niyang maging patas ang pagtrato ng mga ito sa kanya. Sometimes, he's rude. He's mean to others. Hindi siya yung tipo na sasakyan ang mga joke ng isang tao. Aloof siya sa mga hindi niya kilala pero pilyo siya sa mga kasamahan niya. Mabibilang lang din ang mga kaibigan niya dahil hindi siya madaling magtiwala. May mga indecent proposals siyang natatanggap sa mga kabaklaan, mga matrona pero palaging napapahiya ang mga iyon sa sagot niya.
"I have my own money! Keep it and save it for yourself and your family." prangka niyang tugon sa mga offer. Yun ang naging imahe niya sa Modelling World.
Unang sabak niya sa mundo ng modelling, kinuha niya ang sariling libro dahil yun ang titingnan para makita ng mga photographers and designers kung pasado ang isang modelo sa kanilang panlasa. TJ has built his self-confidence over the years. Mataas ang tingin niya sa sarili niya kaya alam niyang makakapasa siya.
"Maghubad ka, Mr. Miranda" turan ng baklang designer.
Hinubad niya ang kanyang pangitaas na shirt.
"No, Mr. Miranda! I mean, you have to show everything! Naked, Mr. Miranda," sagot niya.
Naisip niyang wala namang mawawala sa kanya kung gagawin iyon. Wala namang camera na nakaharap. Sinipat niya muna ang paligid kung may camera, pero wala siyang nakita. Kaya naman walang sabi-sabing, hinubad ang kanyang pantalon at underwear. Napasinghap ang mga iyon sa kalakihan ng kanyang hinaharap. Ginawa niya yun dahil kilala ang modelling agency na yun sa bansa at makakatulong sa kanya iyon para magkaroon ng exposure. Alam niyang sinusubukan siya ng mga ito kung hanggang saan ang kaya niyang gawin.
"Woooow!" ang nasabi ng mga nagpapaaudition. Naglakad siya paharap sa mga ito para makita ang tikas ng kanyang tindig. Tumalikod siya para ipakita ang umbok ng kanyang pwet!
"Ang kinis! Ang linis! Napakayummy!" bulong ng bakla na sapat na para marinig ni TJ. Ngumiti siya! 
"Bravo!" sigaw nito. "You're in." dagdag nito. Nagpalit siya sa harap ng mga ito. Wala naman siyang itinatago. Nakabuyangyang parin ang kanya tarugo na napakalaki kahit hindi pa matigas. Huli niyang isinuot ang pantalon para matakam pa lalo ang baklang iyon. Ngumiti siya at nagpaalam. Nagpasalamat siya dahil natanggap siya. Humabol ang bakla sa kanya at iniwan ang mga kasama nito.
"TJ, wait!" sabi nito. Lumingon siya.
"Be at my place tonight?" tanong niya.
"Why, sir?" tugon ni TJ.
"You know,"sabay kindat nito. "One night for a hundred thousand cash" sabi nito.
Nagkuyom ng kamao si TJ nagpipigil ng sarili. Nakita ng bakla iyon kaya may bahid dito ng takot.
"You know sir, i have so much respect on you. But i can sue you for what you did at the audition! I can ruin your life in just a bit! I can do that! But i wont do it sir if you get off your hands from me. Don't you ever bother me again. Better yet, shun me!" nagpipigil na tugon ni TJ. Nakita ng baklang designer kung gaano ito kaseryoso kaya naman natakot ito.
Magmula noon iniwasan siya ng bading na iyon. Nakuha siya sa agency na iyon at naging primera klase na nagdadala ng pera doon dahil sa angkin niyang kakisigan at ganda ng katawan.
Naging laman siya ng iba't-ibang magazines. May mga tv commercials din siyang nagawa. Hindi siya nawalan ng booking sa fashion shows at mga gigs bilang modelo ng mga photographers. Pinagaagawan siya ng mga iba't ibang photographers para maging modelo. Nakikita din ang kanyang magandang katawan at guapong mukha sa isang kilalang clothing line sa bansa. Natutuwa siyang unti-unting natatamo kasikatan nais niya. Lalo ng nakita ang underwear photoshoot niya sa isang kilalang underwear brand, lalo siyang nakilala.
Natutuwa siya sa mga nangyayari pero ikinabahala iyon ng kanyang mga magulang.
"What are you doing with your life, TJ?" galit na bungad ng kanyang daddy paguwi niya sa kanilang mansyon.
"What did I do, dad?" sagot niya sa kanyang daddy na naiinis dahil lagi nalang nitong napapansin ang bawat kilos niya. Para kasi dito, wala na siyang ginawa kundi puro kahihiyan. Sabagay, sanay na siya sa pagtrato ng kanyang ama.
"Look at this crap!" sagot ng dad niya na itinapon sa kanya ang mga magazines niya na underwear lang ang kanyang suot.
"It's a decent job dad!" sagot niya.
"You call this decent job? You're showing off your nude body and you call it decent job?" diin ng kanyang ama.
"Dad, wag namang ganyan." singit ng kanyang ina.
"Wag kang makikialam dito Minerva! Kaya lumalaki ng paurong ang anak mo dahil kinukunsinti mo!" sagot ng kanyang ama.
"It's what makes me happy dad! Please try to accept that!" sagot niya sa dad niya.
"Kung inatupag mo sana ang business natin, baka matuwa pa ako sa'yo TJ!" sumbat nito.
"Why is it so hard for you to support me from what I really wanted to do dad? Palagi nalang sarili mo ang iniisip mo!" sigaw ni TJ.
"Hindi sarili ko ang iniisip ko. Ikaw! Ang kinabukasan mo!" sigaw din nito.
"Hindi ako interesado sa buhay na gusto mo para sakin! Ayokong maging kagaya mo dad!" sigaw niya.
Nanikip ang dibdib ng kanyang ama sa pagsagot-sagot niya!
"Lumayas ka! Lumayas ka sa pamamahay na ito! Magmula ngayon, wala na akong anak na suwail!" sigaw ng daddy niya na nahihirapang huminga.
"Hindi mo na kailangang sabihin yan, dad! Lalayas talaga ako!" sagot niya. Naupo ang kanyang daddy ang pinainom siya ng tubig ni Minerva. Sinundan siya ng kanyang ina sa kwarto habang nagiimpake.
"Anak, hindi mo kailangang umalis! Nabigla lang ang daddy mo." sabi ng mommy niya.
"No mom. I've decided! Matagal ko na dapat ginawa 'to!" sagot niya at lumabas na siya sa kwarto. Nakita niyang nakaupo ang kanyang ama sa sala. Pero hindi siya pinigilan nito.
"Anak, you dont have to do this." sunod ng kanyang ina sa kanya.
"Wag mo siyang pigilan Minerva!" saway ng kanyang ama. Para namang maamong tupa si Minerva na sumunod sa kanyang asawa.
"I'll be ok mom! Dont worry" sagot niya sabay halik sa ina.

Kinuha lang ni TJ ang kanyang mga valuables at ibang gamit. Tumuloy ng isang hotel ng gabing iyon. Bukas nalang ako maghanap ng apartment, ang naisip niya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento