Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Kabanata 5 Panakip Butas Huling Bahagi

Maaliwalas ang umaga namin ni Christian. Nagising siyang nakaharap at nakangiti sa akin. Ginantihan ko siya ng ngiti. Sabay kaming tumungo sa terrace. Bahagya kaming nagulat dahil sa nakita namin si TJ sa terrace na nakatitig sa fishpond, ngarag ang itsura at halatang hindi nakatulog.
"Good morning teej," malumanay kong bati sa kanya.
"Ow, ba't ganyan ang itsura mo. Di ka ata natulog ah!" bungad ni Christian sa kanya.
"Eh paano, ang ingay niyo eh! Sarap na sarap nga kayo eh!" sarkastiko nitong sagot. Bahagya akong namula sa prangkang pahayag niya.
"Ano bang problema mo dun pre? Normal lang naman na gawin namin yun kasi magkarelasyon kami," tugon ni Christian.
"Pasensya na, muntik kong nakalimutan iyon." malungkot niyang sagot. Patuloy siyang nakatitig sa fishpond. Hindi ko man mabasa ang kanyang isipan, nakikita ko naman sa kanyang mga mata na nababalot siya ng matinding lungkot. Nakita ko na ang mga matang iyon nang magselos si Albert kay Christian. Ibang haplos ang naramdaman ko habang nakatingin sa mga matang iyon. Napakahirap tagalan ang ganitong tanawin. Natutunaw ang lahat ng nakatagong pagmamahal sa loob ng aking puso. Akma kaming aalis na nang magsalita si TJ.
"Pwede ka bang makausap Cy?" bulong niyang malungkot na tumingin sa akin. Tiningnan ko si Christian bilang respeto sa kanya. Nabasa niya ang aking isipan.
"Sige, basta kasama ako." sagot niya. Naiintindihan ko naman si Chris sa kanyang naging pahayag. Alam kong naghihinala narin talaga siya sa kung anong dahilan ng pagpunta ni TJ sa probinsya.
"Pwede ko bang makausap ang bf mo na mag-isa Christian?" pakiusap ni TJ kay Christian.
"Sige na Chris. Puntahan mo muna si mama sa baba. Ako ng bahala dito." tugon ko. Ayaw man ni Christian, wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa pakiusap ko. Hinaplos ko ang mukha niya bilang pasasalamat sa kanya. Nang makaalis na si Christian, biglang nagsalita si TJ.
"You seem to be happy with him. Does he make you happy?" tanong niya habang blangko ang ekspresyon ng mukha niya na nakatingin sa fishpond.
"Yeah! I guess so. He makes me happy." sagot ko.
"Yeah! Nakita ko nga. Sabagay, wala ka ng hahanapin kay Christian. He has everything one asks for," sagot niya.
"Paano kung mawawala ako sa buhay mo? Kaya mo ba Cy?" muli niyang tanong.
"Siguro! Ewan ko! What's this drama for teej? Ano na naman ang gusto mong tumbukin," sagot ko na naguguluhan sa sinasabi niya.
"Nakita kong masaya ka na sa kanya! I still want to continue the journey with you and explore the secrets of my dreams, but it seems I can no longer stand for it. Pinapatay ako ng selos habang nakikita ko kayong dalawa na masaya," sabi niya na namuo ang luha sa kanyang mga mata.
"Dati-rati, ang gusto ko ay makita ka lang, mayakap ka lang, magiging masaya na ako. Yung mapatunayan na buhay ka, na hindi ka lang panaginip, masaya na ako. Pero hindi maalis sa puso kong magtanong ngayon kung yun pa ba ang gustong mangyari nito," patuloy niya na dumaloy ang luha sa pisngi sabay turo sa bahagi ng kanyang puso.
"Kasi ngayon, kahit hindi ako si Albert Cy, alam ko na ang gusto kong mangyari ay mahalin mo rin ako! Pero hindi mo na magagawa yun kasi nandiyan na si Christian," patuloy ang luha niya sa pagdaloy.
"Nakita kong masaya ka sa kanya! Ayoko ng makagulo pa sa inyo Cy! Siguro, kinailangan ko talagang pumunta dito to witness how happy you are with Christian. Masakit na gawin ko ito ngayon, pero sa tingin ko I have to do this!" sabi niyang tumingin sa akin.
"I'm letting you go! And I'm letting go of discovering whether I really am Albert or not." sabi niyang humahagulgol.
"No! You don't have to do that teej!" sagot ko na naguguluhan din kung bakit ko sinabi iyon.
"I mean, I thought you're gonna wait for the Respicio's to arrive. I thought, you're gonna find out all these first?" sagot kong pilit pinapakalma ang sarili.
"Is there an assurance that you'll be mine when that happens Cy? Wala naman diba? Kasi masaya ka na sa piling ni Christian. Sa mga nakikita ko ngayon, kahit malaman ko pang ako si Albert, it doesn't change the fact that you are no longer mine," sagot niyang umiiyak.
"Pero, kahit di mo gawin para sakin Teej, gawin mo para sa sarili mo" sagot ko na bahagyang pumiyok ang boses ko nagbabadya ng pagdaloy ng pinipigilan kong luha.
"No Cy, masaya na akong makita kang masaya. Alam kong hindi ka papabayaan ni Christian. Alam kong mamahalin ka niya. He's a great guy! Take care of each other," sagot niya habang pinapahid ang luha niya.
"Thank you for the best memories you've shared, both in my dreams and in keeping me company to discover the secrets behind my dreams. Salamat. I will never forget you Cy." patuloy niya. Nagulat ako sa ginawa niyang pagpapaalam.
"Hindi mo kailangang gawin 'to TJ! Please, wag muna! Please!" sagot ko na di ko namalayang umiiyak na pala ako. Masakit na sakin na sumusuko na siya dahil nakikita niyang masaya ako kay Christian. Nalilito lang ako Teej, naisip ko. Parang ang sakit sakin ng mga sinabi niya. Ang pagpapaalam niya ay nagdudulot ng ibayong kirot sa puso ko. Parang muling nangyari ang pagpapaalam na ginawa ni Albert noong nasa bingit siya ng kamatayan. Pero bakit lalo kong nararamdaman ang sakit ngayon? Mas masakit pala talaga na ang nagpapaalam sa'yo ay ang taong buhay kaysa sa taong mamamatay na kasi alam mong wala na talaga pag namatay na ang tao, pero ang taong buhay, alam mong nandiyan lang siya pero di magawang bumalik dahil siya mismo sinukuan ka na, siya mismo, piniling umalis na sa buhay mo.
"Wag ka ng umiyak please!" bigla niyang sinabi habang pinapahid ang luha ko.
"Wag mong gawing mahirap ito para sakin. Ginagawa ko to para sa'yo, para sa inyo ni Christian. Ayokong sa araw-araw na nandito ako sa tabi mo, magbabangayan at magbabanggaan kami ni Christian. Ayokong mahirapan ka. Nakikita kong ikaw ang naiipit. Kaya please, wag ka ng umiyak," patuloy niyang paliwanag.
"I need to go back now to Manila Cy. I have so many pending works to do there. Don't worry, magkikita pa naman siguro tayo." muli niyang sabi.
Huwag mong gawin 'to. Please wag kang umalis. Dito ka lang TJ. Please, wag mo akong iwan. Pero tanging isip ko lang ang kausap ko. Di ko masabi sa kanya ang mga yun. Bakit ba ang hirap? Alam ko ang kasagutan. Ayokong saktan si Christian. Umalis sa aking harapan si TJ. Naghanda siya ng kanyang mga gamit. Pinunasan ko ang aking luha. Naupo at tumingin ako sa fishpond. Maya-maya, narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Naramdaman ko ang mga yabag ni TJ na papalapit sakin.
"I have to go now Cy. Dont worry about the computers, ipapadeliver ko nalang sa school niyo," paalam niya. Hindi ko siya nilingon. Ayoko siyang ihatid. Muling bumalik ang mga yabag niya. Lumapit sakin.
"By the way Cy, I'm returning this ring now! I guess, this doesn't really belong to me now. Christian deserves to wear this." sabi niya. Ipinatong iyon sa sementadong harang ng terrace at saka nagpaalam. Hindi ko na napigilang humagulgol. Alam ng puso ko na nagkaroon ako ng pag-asa nang ikinwento niya ang kanyang mga panaginip. Alam ng puso ko na habang suot-suot niya ang singsing, posibleng binalikan talaga ako ni Albert. Alam ng puso ko at umasa ito na siya si Albert. Pero sumuko na siya. Kasalanan ko kasi di ako naghintay. Naging komplikado ang lahat dahil may bago akong pinangakuan na mamahalin. Hindi ako nakapaghintay. Kung sana naghintay ako. Sana hindi ako makakasakit ngayon. Patuloy akong humagulgol habang nakatingin sa singsing na ibinalik ni TJ. Kasalanan ko rin. Malaki ang aking kasalanan. Paano kung siya si Albert? My God, mahal na mahal parin kita mahal ko. Ang hirap hirap mong palitan,naisip ko. Kinuha ko ang singsing! Itinago ko iyon sa purse ko. Nag-ayos ako ng sarili ko para hindi nila mahalatang umiyak ako. Maya-maya, may kumatok sa pinto. Binuksan ko iyon.
"What happened? Ba't agad-agad nagpaalam iyon?" tanong ni Christian.
"Naku, tinawagan siya ng kanyang secretary. May mga pending reports daw siya kaya kailangan niyang bumalik agad!" pagsisinungaling ko. Hindi ako makatingin sa mga mata ni Christian. Buti nalang di na nagtanong pa si Christian.
Naging mahirap ang mga sumunod na araw para sakin. Muling nabuhay ang mga emosyong naramdaman ko noong nawala si Albert sa buhay ko. Ang dating masayahin na mukha ko, naging seryoso. Naging kapansin-pansin ito kay mama at Christian.
"May problema ka ba anak?" tanong ni mama. Napatingin ako sa kanya at kay Christian na wari'y may hinala kung bakit ako nagkakaganito.
"Wala ma, pagod lang ako sa trabaho," malungkot kong tugon sa kanyang katanungan.
Palaging ganito ang aking sinasabi pag tinatanong ako. Ang mga araw ay naging linggo, at ang mga linggo ay naging buwan, hindi nagbago ang pakikitungo ko kay mama at Christian. Isang hapong galing ako sa trabaho, nagulat ako ng nakita ko ang bag ni Christian na nakahanda sa kama ko.
"Hinihintay lang kita talaga Cy para makapagpaalam sa'yo." bungad niya.
"Bakit? Ano bang nagawa ko at aalis ka?" tanong ko.
"Tinatanong mo ako kung bakit at ano ang nagawa mo Cy? My God Cyrus, akala ko ba matalino ka?" sagot niya.
"Magmula ng umalis yang TJ na yan, naging ganyan ka na! Magmula ng wala na siya dito, bumalik ka sa dating ikaw nung namatay si Albert! Magsabi ka nga ng totoo sakin, siya ba ang dahilan kung bakit ka ganyan sa loob ng isang buwan? Sabihin mo sakin Cy para alam ko ang gagawin ko at lulugaran ko!" nagtitimping sigaw ni Christian. Natigilan ako. Tama nga! Nagsimulang maging ganito ako ng umalis si TJ. Matagal na palang nasasaktan si Christian sa naging pagtrato ko.
"Tama ako diba? Tama ako na may nangyayaring hindi ko alam between you and TJ! Ano bang nangyari sa Villa noon? Ano bang napagusapan niyo bago siya umalis at parehong namumugto ang mga mata niyo? May kinalaman parin ba si Albert dito? Sagutin mo ako Cy! Sagutin mo ako!" sigaw nito na di na napigilang umiyak. Andami na pala niyang kinimkim na mga katanungan, na mga sakit ng loob pero wala akong narinig sa kanya,wala siyang naging reklamo.
"Alam mo, ganyan na ganyan ka nang namatay si Albert! Natatakot ako! Natatakot ako na sa pangalawang pagkakataon Cy, na sa pangalawang pagkakataon, si Albert na naman ang maging dahilan!" patuloy niyang iyak.
"Natatakot ako dahil ako mismo, nakita ko ang similarities ni TJ at Albert! Natatakot akong muli kang mawala sa buhay ko. Natatakot ako sa mga nakikita ko ngayon sa'yo kasi nararamdaman kong unti-unti ka na namang nawawala Cy. Nawawala ka na naman!" sabi niyang napaupo sa kama habang humahagulgol.
"Ano pa bang kulang sakin Cy? Ano pa ba? Ano pa ang kailangan kong gawin para maging akin ka ng buo? Ano pa! Sabihin mo lang Cy, gagawin ko. Kahit imposible, gagawin ko para sa'yo! Kahit ikasasakit ko, gagawin ko sa'yo!" sigaw at nagsusumamong sabi niya.
"Wala Chris! Wala kang dapat gawin. Ako! Ako ang mali. I'm sorry! Di ko alam na sobrang sakit na pala ang ipinaramdam ko sa'yo! Sorry!" nagsusumamong boses ko. Tumingin siya sakin habang umiiyak.
"Ginawa ko na lahat Cy kasi mahal na mahal na mahal kita!" muli niyang pahayag.
"Sagutin mo nga ako Cy. Am I just a rebound?" malumanay niyang pahayag.
"Of course not! Mahal kita Chris! Please wag mong gawin 'to! Babawi ako! Wag kang umalis Chris! Please, dito ka lang! Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa'yo. Ako talaga ang mali. Wala kang mali! Walang mali sa'yo. Wala kang ginawa kundi mahalin ako." pahayag ko habang umiiyak na niyakap siya sa kanyang likuran.
"Wag mong isiping panakip-butas ka! Please. Alam mong mahal kita. Mahal kita Chris! Please don't do this!" patuloy kong pagmamakaawa sa kanya habang patuloy ang daloy ng aking luha. Naisip ko, kahit minsan, walag ginawa ang lalaking ito kundi ang mahalin ako. At ito pa ang isinukli ko. Nasaan ba ang konsensya ko? Nasaan? Napakalupit ng ginagawa kong pagpapahirap sa kanya samantalang wala akong narinig na reklamo! Ngayon lang dahil siguro napuno na siya sa ginagawa kong malamig na pakikitungo sa kanya. Wala akong masabi sa lalaking ito kundi puro kabutihan. Kaya nararapat lamang na tugunan ko ang kanyang dakilang pagmamahal.
Humarap siya sakin at pinahid ang aking mga luha.
"Hindi mo kailangang magmakaawa! Mahal na mahal kita. Sapat na saking sabihin mo ng paulit-ulit na mahal mo ako," sabi niya habang yakap-yakap ako.
"Mahal kita Cyrus! Always bear that in mind! Kaya kong gawin ang lahat para maging masaya ka," mahiwaga niyang turan.
Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya sa mga sumunod na araw para matugunan man lang kahit hindi mapantayan ang kanyang pagmamahal. Ginawa ko lahat para maiparamdam at maialay sa kanya ang karapat-dapat na pagmamahal para sa kanya. Christian deserves to be loved! He deserves my love. Kaya pinilit kong iwinaksi sa aking isipan si TJ!
Author's Note:
Maraming pagkakataon sa'ting buhay na kailangan pang maiwanan bago tugunan ang pagmamahal ng taong nagmamahal sa atin ng lubos. Mahirap maintindihan kung minsan ang hiwaga ng pag-ibig pero isang aral ang aking natutunan sa bahaging ito. Huwag tayong gumawa ng paraan para ipagtulakan palayo ang mga nagmamahal sa atin ng lubos. Hindi natin alam, baka ang taong ipinagtulakan natin palayo ay siya palang hinihintay natin sa ating buhay! Huwag maging mapaghanap. We just need to appreciate who and what we have at the moment...
SA MANILA...
Naisipan ni Cielo na bisitahin si TJ dahil hindi na ito nagparamdam pa sa kanya magmula nang nanggaling sa probinsya. Wala siyang ideya kung ano ang nangyari sa pagdalaw nito kay Cyrus. Magmula nang makauwi siya dito sa Manila, hindi na ito nagparamdam pa sa kanya. Kaya nga napapaisip siya kung naging maganda ba ang naging resulta ng pagkikita nila ni Cyrus at pagpunta nito sa Villa. Kung naging maganda ang resulta nun, siguradong agad magpaparamdam sa akin. Kaya naman, sa tingin niya, hindi naging maganda ang pagkikita ng dalawa. Hindi niya pinaalam dito na pupunta siya sa kanyang opisina para masorpresa ito. Nagdala din siya ng pizza para may makain sila ni TJ. Nasa bungad na siya ng office ni TJ nang makarinig siya ng sigaw.
"How can you be so insufficient Jane! You should have informed me about that meeting beforehand. Ngayon, nawala na yung client dahil sa katangahan mo! Get out in my office now!" sigaw ni TJ sa secretary niya.
"Sir, sinabi ko naman sa'yo. Pero tulala ka noon!" sagot ni Jane.
"Eh di sana inulit mo! Get out!" sigaw ulit ni TJ.
Nagulat si Cielo sa naging asal niya sa kanyang secretary. Hindi naman dating ganun ang asal nito sa mga kasama niya sa trabaho. Kaya nga mahal na mahal siya ng mga ito. Nasalubong ni Cielo ang secretary ni TJ.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Cielo.
"Hindi ko daw po sinabi yung isang luncheon meeting niya. Naghintay daw yung client ng dalawang oras! Sinisisi niya ako, I informed him about it. Tulala lang siya palagi na parang walang naririnig. Pero God knows Ma'am Cielo, sinabi ko talaga sa kanya," umiiyak na paliwanag ni Jane.
"Magpasensyahan mo na ang sir mo, baka may pinagdadaanan lang, baka may problema lang!" sagot ni Cielo.
"Iniintindi ko naman po Ma'am Cielo! Di naman po siya ganyan dati. Magmula nang nanggaling siya sa bakasyon, palagi ng mainit ang ulo niya!" sagot ni Jane na umiiyak.
"Sige. Wag kang mag-alala, pagsasabihan ko siya. Bumalik ka na sa mesa mo Jane. Salamat." malumanay na pahayag ni Cielo. Binuksan ni Cielo ang office, dirediretyo sa mesa ni TJ na bahagyang nakababa ang ulo hawak-hawak ng dalawang kamay niya, wari'y sumasakit ang ulo.
"Where the hell in the world did you get that kind of behavior Teej? It's too primitive and barbaric. Where do you think your head lies?" sigaw ni Cielo na nagrampa papuntang mesa ni TJ habang hawak-hawak ang pizza niyang dala. Nagtaas ng tingin si TJ.
"What are you doing here Cielo? I have so many works to do!" sagot ni TJ.
"Well, I just brought you pizza but it seems you don't like my presence here. So I'd better go!" sabi niya na nilapag ang pizza sabay tayo paalis sa office.
"Hey lady, I'm sorry! Please come back here. I need someone to talk to," paumanhin ni TJ. Napangiti si Cielo. Naginarte lang naman siya. Alam niya kasing di naman siya matitiis ni TJ. Akmang aalis parin siya nang muling sumigaw si TJ.
"Please Cielo, join me here. Look, I am sorry! I didn't mean to hurt you. Please!" pakiusap niya. Ngumiti si Cielo paharap sa kanya.
"Good enough!" sagot nitong muling nagrampa pabalik sabay kutos sa ulo ni TJ.
"Arrraayy! What the heck! What are you doing?" reklamo ni TJ.
"When was the last time you saw yourself in the mirror? Where the hell in the universe you hid your model persona? Look at yourself Teej, you look so groggy! It seems, you've not been so sleeping well weeks from now!" komento nito. Nakita ni Cielo na gumuhit ang lungkot sa mga mata ni TJ.
"Now tell me what happened!" prangkang suhestyon ni Cielo sabay kuha ng isang slice ng pizza. Tinitigan lang siya ni TJ.
"What!Are you just gonna stare at me while eating this pizza! Talk!" utos ni Cielo sa kanya.
"You think, it's gonna
be that easy?" sagot ni TJ.
"Hey man, this whole thing has affected you! Pati yung mga taong nakapaligid sa'yo, apektado na. Do you think it's gonna help you if you continue doing this crap! Come on Teej! You're no longer a teenager! Have maturity in your head for once!" pangaral ni Cielo.
"You're pushing all the people who love you away from you! Di mo kailangang solohin yang pinagdadaanan mo! Speak up! Nandito ako ow! I'm willing to listen! Di naman ako iba sa'yo!" pahayag ni Cielo. Naisip ni TJ na tama nga si Cielo. Apektado na lahat ng tao sa paligid niya.
"I surrendered! I gave up on him! I let him go," pahayag niya. Bahagyang nagulat si Cielo pero hindi muna siya nagkumento. Hinayaan niyang ikwento ni TJ ang nangyari sa probinsya. Nagisip muna si Cielo sa sasabihin.
"You're such a fool TJ!" entrada ni Cielo.
"Yeah! I guess so. But that's the best thing I could do Cielo," sagot niya.
"No, I don't mean fool as in 'fool' or baliw TJ. You call that your best? Come on man! Contrary to what you call it, that's the worst thing you actually did!" paliwanag ni Cielo.
"Why would Cyrus beg you to stay if he doesn't love you?" tanong nito.
"I know Cyrus well, he's confused at the moment. He even told that he won't let Christian be hurt again! But it doesn't mean, he really loves Christian the way he loved my cousin!" patuloy niya.
"And you, just because you're jealous, you easily gave up your fight! Come on teej! Are you sure, you are the CEO of this company? Hindi ka nagiisip TJ!" inis niyang komento sa ginawa ni TJ.
"What do you want me to do then Cielo? Stay there and suffer?"tanong nito.
"Come on Teej! You are better than that! I think, this is no longer an issue of whether or not you are Albert. This is an issue of how much you love Cyrus and how willing you are to fight for him." paliwanag ni Cielo. Napaisip si TJ sa mga sinabi ni Cielo. Kung minsan talaga nakatutulong ang isang matalik na kaibigan para magkaroon ng maayos na desisyon. Sana noon ko pa nakausap si Cielo, naisip niya. 
Tama si Cielo, kailangan kong ituloy ang laban. Ba't ko susukuan ang isang Cyrus Mendoza na isinisigaw ng puso ko. This is no longer a battle of who I really am. But if the idea of being an Albert Respicio can help me loved by Cyrus, I'll use it to my advantage. Yeah! I'll go back with him in God's time. Alam kong malapit na iyon. Handa ko siyang ipaglaban, matalo o manalo man. Hindi naman ako makakagulo sa kanila kung talagang mahal nila ang isa't-isa. Pero nararamdaman ko ring mahal ako ni Cy. Ang mga titig niya, ang mga yakap niya, ang mga halik niya. Ba't ngayon ko lang naisip ang mga yun. Ramdam ko ang kakaiba niyang ngiti nang kami ay magkasama. Tama si Cielo. Oo nga, mahal niya si Christian pero gaano ba kalalim ang pagmamahal niya kay Christian. Takot lang si Cy na makasakit. Takot siyang saktan si Christian. Kalaban niya ang konsensiya niya kaya hindi siya makapagdesisyon ng malaya. Ba't ako sumuko? Bakit ko ibinigay ang singsing na iyon. I am indeed fool! Tama si Cielo. Ang tanga ko na ginawa ko yun. Lalo ko lang siyang binigyan ng rason para mawala sa buhay niya. Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko, naisip niya.
Biglang bumalik si TJ sa malalim na pag-iisip nang biglang sinampal siya ni Cielo.
"What's your problem lady?" galit na tanong niya dahil sa pagkagulat.
"Yan! Yan ang sinasabi ni Jane! Kahit kinakausap ka, lagi kang tulala! Kanina pa ako nagsasalita! Alam mo ba ang mga sinabi ko?" tanong ni Cielo. Umiling siya kasi wala siyang naintindihan sa isa man sa mga sinabi nito.
"Ow tingnan mo na! That's the problem with you. Kawawa yung secretary mo na sinigaw-sigawan mo,yun pala ikaw ang mali!" tuluy-tuloy na sermon ni Cielo. Tahimik lang si TJ kasi tama naman siya. Naging mainitin ang ulo niya. Naging bugnutin nang nangyari iyon sa kanila ni Cy, nang sumuko siya at bumalik sa Manila. Nadadamay tuloy lahat ng nasa paligid niya sa pagkakamaling siya naman ang gumawa.
"Ang sabi ko, my tita called this yesterday. They'll come home 3 days from now. Excited daw kasi si Tito na icelebrate ang 6th death anniversary ni Albert. Sa Villa sila uuwi. What now teej? Pupunta ka ba o magmumukmok ka lang dito for the rest of your life?" tanong ni Cielo. Ngiti ang isinagot ni TJ kasabay ng pagsabing ng
"Inform me when they arrive."
SA PROBINSYA...
Naging maayos ang naging sumunod na nangyari sa amin ni Christian. Aaminin kong kinailangan kong gawin ang responsibilidad ko bilang karelasyon niya. Hindi mahirap mahalin ang tulad ni Christian. Alam kong mahal ko siya pero hindi ko alam kung gaano kalalim iyon. Basta ang importante ay maayos ang aming relasyon. Pinilit kong maging masigla muli ang aming relasyon at iwinaksi ang mga agam-agam sa aking isipan. Muling sumigla ang aming relasyon. May mga pagkakataon sigurong nakukulangan siya sa pagmamahal ko pero pinilit kong punan iyon ng paglalambing at pagbibigay sa kanya ng mga simpleng bagay. Ganundin ang kanyang ginawa. May mga pagkakataong sinosorpresa ako ng mga materyal na bagay o kaya naman umaatake minsan ang kanyang kaswitan. Nandiyan yung magbibigay siya ng kahit anong bulaklak na pinitas lang niya sa hardin. Mga simpleng bagay na nagpapataba ng aking puso. Pinilit kong maging normal ang lahat para kay Christian. Masaya kaming harapin ang lahat ng pagsubok na dumating. Hindi ko alam pero buo na ang aking desisyon na siya ang dapat kong mahal. Isang araw, may natanggap akong tawag na di ko inaasahan, isang tawag na siyang nagpabago ng lahat ng pangyayari, isang tawag na magdudulot ng sakit sa isang taong malapit sakin ngunit magdadala naman ng kaligayahan sa puso ng maraming tao.
Tumunog ang aking telepono habang nagkaklase ako. Hindi ko iyon pinansin ng una pero patuloy iyong tumunog. Kung kaya naman, sinagot ko ito.
"Hello," sagot ko.
"Hello Cy. Cielo here!" sagot niya.
"Hey, I'm having my class. Tawag ka nalang mamaya." sagot ko.
"No, sandali lang 'to Cy! May gustong kumausap sa'yo." sagot niya.
"Please Shells! Kung si TJ yan. Wag na!" sagot ko.
"How can you be so sure na si TJ? Hindi si TJ 'to Cy. Wait, pasa ko ang cp!" sagot niya.
"Hello anak!" sagot ng kabilang linya.
"Mom? Mom ikaw ba yan?" excited kong tanong ko.
"Oo anak. Kasama ko ang daddy mo! Nandito kami sa condo ni Cielo," sagot ni mommy Emma.
"Kailan pa kayo dumating mom? Maaga ata kayo ngayon?" tanong ko.
"Kahapon lang anak. Nagpahinga lang kami dito kay Cielo. Uwi kami ngayon sa Villa. Magadvance celebration tayo para sa anniversary ni Albert. Ang daddy mo kasi anak, excited umuwi!" sagot niya.
"Sige mom. May ipapakilala po ako sa inyo pagdating niyo," singit ko.
"Naku anak, ikinwento na ni Cielo samin. Walang problema samin basta masaya ka!" sagot nito.
"Salamat mom,"tugon ko.
"Ow sige na! Pumunta ka sa Villa pag ayos na schedule mo ha! Hihintayin ka namin dun ng daddy mo," sabi niya.
"Sige po mom. Extend my regards to dad. Bye," sagot ko.
"Bye anak. Ingat ka lagi," sagot niya.
Nabuhay ang excitement sa aking puso dahil ito yung moment na hinihintay na ni TJ. Pero nabawi rin ang excitement na iyon dahil alam kong sumuko na si TJ. Biglang nagkaroon ulit ng pagasa nang naisip kong maaaring pinuntahan ni TJ ang mag-asawa sa condo. Sana nakita at nakilala niya ang mga ito. Alam kong may maitutulong sila sa nararanasan ni TJ. Sana.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento