Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Kabanata 5 Panaginip

"Maraming nagbago sakin magmula nang naaksidente ako. Nagiba din ang pananaw ko sa buhay. Pati ang dati'y mga hilig ko, nagbago din. Ewan ko, pakiramadam ko may ibang kaluluwa dito sa loob ko Cielo. I never thought I would be so mature after the plane crash!" paunang salaysay ni TJ.
Nakikinig si Cielo at pilit inuunawa ang lahat ng salitang namumutawi sa bibig ni TJ. Tama nga ito nang sabihin niyang maraming nagbago sa kanya.
"Akala ko noon, narealize ko lang that I was wrong. Pero habang tumatagal nakikita ko lahat ng pagbabago sakin at lahat ng iyon ay may kinalaman sa panaginip na patuloy na bumabagabag sakin. Una, ang hilig ko sa pagmomodelo, yun ang unang nagbago sakin. Dati-rati, modelling is a career pero i turned to business when the accident happened. Alam mong ayokong magmanage ng business. Ang mga parents ko na datirati natiis ko, ngayon, ibang-iba yung pakiramdam ko sa kanila. Dati-rati laruan ang mga babae sakin, para lang silang mga damit na kapat luma at nagsawa na, kailangan ng palitan. But right now, i have so much respect with them. I dont know if I am attracted with men too. Magmula nang mangyari yun, iba na ang nararamdaman nito. Although, di ako tumitingin sa iba kundi mayroong hinihintay itong puso ko!" patuloy ni TJ.
Matamang pinagmasdan ni Cielo ang mga sinasabi ni TJ at naramdaman niyang sinsero ito sa lahat ng sinabi niya. Tama si TJ. Iba ang naging epekto ng aksidente sa kanya, sa mga magulang niya, sa mga babae, sa modelling at business. TJ hated business before, naisip ni Cielo.
"Unang taon ng maganap ang plane crash, doon ako nakaranas ng gabi-gabing bangungot Cielo," dumaloy ang luha sa kanyang mga pisngi! TJ rarely cries! Pero bakit ngayon ang dali nitong mapaiyak. Iba ang TJ na kilala ko, naisip ni Cielo.
"Una, mga boses lang ang naririnig ko. Madalas umiiyak na mga boses, minsan masayang boses! Hindi malinaw ang mga mukha nila Cielo. Kahit pilit kong inaaninag ang mga iyon, hindi ko makita. Parang mga hangin lang sila. Blurred sa paningin. May hatid na kakaibang sakit sa puso ko ang pagtawag nila. Alam ko, ako ang patuloy nilang tinatawag! "Bumalik ka na mahal ko! Parang awa mo na! Naghihintay ako sa'yo! Boses ng isang lalaki yun na di malinaw ang mukha nung una. May dalawa ding matanda na nasa late 50's na sumisigaw din, "Anak, bumalik ka na! Parang awa mo na! Bumalik ka na!" ang mga sigaw nila. Ako ang tinatawag nila Cielo," humagulgol ng tuluyan si TJ. Nakinig si Cielo na mangiyak-ngiyak rin.
"Nagigising nalang akong luhaan pag sila ang napapanaginipan ko! Mga boses lang ang mga yun pero ang tindi ng epekto sakin ng pagtawag nila. Yung mga luha nila na di malinaw, nagmamakaawang mga boses! Patuloy iyon na ginulo ang mga gabi ko. Kung minsan ayoko ng matulog para hindi ko na marinig pa ang mga nakakaawang boses na tumatawag sakin. Para kasi akong pinapatay sa mga boses nila. Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko rin maintindihan pero parang napakalaking parte sila ng buhay ko. Hindi ko pa naman nakita ang mga mukha nila." patuloy niya.
"Minsa naman masaya ang mga boses na yun. Sumisigaw yung lalaki ng "Mahal koooo!". Ibang saya ang dala nun. Nakakarinig ako ng lagaslas ng tubig pag tinatawag niya ako sa ganun. Yung dalawang matanda, "Anak, we love you!" palagi ang isinisigaw, tapos sigawan at tawanan sa isang parang malaking bahay, sa isang parang pool. Ramdam na ramdam ko ang kanilang pagmamahal sa sinasabi nila." salaysay ni TJ na napaiyak pa lalo.
"Sa ikalawang taon, nadagdagan ang mga boses na iyon. Nakakarinig na ako ng mga huni ng ibon, lagaslas ng tubig animo'y isang batis! Parang nasa isang napakagandang paraiso ako pag naririnig ko ang mga yun. Hanggang dumating ang ikatlong taon. Dito naging malinaw sa akin ang lahat Cielo! Nakita ko na lahat! Malinaw na malinaw sa aking panaginip, animo'y isa iyong pelikula!" huminga si TJ ng malalim.
"Si Cyrus! Sa kanya ang boses na yun Cielo! Nakumpirma ko yun kagabi. Siya yung lalaking tumatawag sakin! May isa pang lalaki sa panaginip ko, pakiramdam ko ako yun!" bungad ni TJ.
"But how come teej?" sagot ni Cielo.
"Yung mga boses na umiiyak, unti-unti nagkaroon ng mukha Cielo. Naging malinaw ang mukha ng lalaki! Hindi ako pwedeng magkamali, si Cyrus yun. Mukha at boses! Si Cyrus! " pilit ni TJ. Nakanganga lang si Cielo.
"Umiiyak siya Cielo, naghihinagpis! Awang-awa ako sa itsura niya. Parang hirap na hirap. Pati yung pagtawag niya sakin ng mahal ko! Nadudurog ang puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang epekto sakin nun! Pati yung dalawang matanda, nagkaroon din ng mukha. Hindi ko maintindihan kung bakit tinatawag akong anak. Anak, bumalik ka na! Anak, we love you! Pag nakikita ko ang mga mukha nila, gusto ko silang haplusin at yakapin pero pag ginagawa ko yun palagi akong hinihigop ng hangin palayo sa kanila na siyang nagiging dahilan ng aking pagkagising! Hindi ko maintindihan dahil may mga magulang naman ako," umiiyak niyang salaysal. Totoo ang sinasabi ng taong ito, hindi siya iiyak ng ganito kung hindi talaga siya apektado sa mga nangyayari sa kanya at sa mga taong nakikita niya, naisip ni Cielo.
"Bawat taon nadaragdagan ang mga panaginip kong iyon. Kung dati-rati yung tatlo lang ang napapanaginipan ko kabilang si Cyrus, yung mga lagaslas ng tubig, yung mga huni ng ibon ay naging malinaw na rin sakin. Doon ko nakita si Cyrus na sumisigaw ng Mahal ko Cielo." salaysay niya. Napukaw ang interes ni Cielo sa huling sinabi ni TJ.
"Can you describe the place TJ?" naeexcite niyang sabi. Sana mali ang nasa isip ko, sana hindi tama ang kutob ko, naisip ni Cielo.
"Isa iyong paraiso Cielo. Marami punong makikita doon tapos may isang napakagandang falls, sa baba nun may isang napakalinis na batis na may mga bato. Kulay luntian ang buong paligid. May mga wild orchids. Tapos sa pataas na bahagi ng talon, mas mamamangha ka sa ganda ng paligid. Iba't-ibang mga bulaklak ang makikita mo. Isa iyong paraiso. Tapos may isang lalaki na hanggang ngayon hindi pa malinaw ang itsura pero pakiramdam ko ako yun na tinatawag si Cyrus dun sa taas ng falls, nang sumama si Cyrus, sinabi niyang, "Welcome to my hidden sanctuary," patuloy ni TJ. Nagulat si Cielo. Si Albert lang ang nagsasabi nun, naisip niya. Di pa siya nakapunta sa batis at hidden sanctuary ni Albert dahil ipinagbawal yun ng mga Respicio pero batay sa kwento ng hardinero, ang paglalarawan ni TJ ay halos ganun din.
"Oh My God! This can't be!" bulalas ni Cielo pero biglang tinikom ang bibig.
Nagulat si TJ sa reaksyon nito dahil parang nakuha na niya ang atensyon ng kaibigan.
"Why Cielo?" tanong ni TJ.
"No... Ahhm, nothing. Con-continue your story." utal na tugon nito.
"Then, lumala na naman ito nitong taon. Isang aksidente ang muling yumanig sa mga gabi ko Cielo. I met an accident 5 years ago, sa isang plane crash pero ang ipinagtataka ko, bakit car accident ang nakikita ko sa panaginip ko? Bakit isang kagimbal-gimbal na car accident?" tanong niya. Muling nagulat si Cielo sa tinuran niya. Parehong-pareho sa mga nangyari kay Albert. At si Cyrus. Posible kayang? Ay hindi, imposibleng mangyari yun!, isip ni Cielo. Napansin din ni TJ ang panlalaki ng mga mata ni Cielo na animo'y nagulat sa sinabi niya.
"T-teej, ca--can you describe the ca-car accident?" maluha-luha at nanginginig na tanong
Cielo.
"Nabangga ng isang 10 wheeler track ang isang kotse. Pakiramdam ko, ako ang nasa loob ng kotse Cielo. Alam kong ako yun pero di ko makompirma! Hindi lang yun! Patay! May isang namatay! Yun ang dahilan kung bakit umiiyak si Cyrus. Pakiramdam ko ako yung namatay! Tapos huling nakita ko ang isang munting kastilyo Cielo. Sa taas ng falls, nandun! Nakalagak ang isang urn! May nakita akong singsing sa loob ng urn! Gustong kunin ng mga kamay ko pero hindi ko magawa. May singsing sa loob." rebelasyon ni TJ na maluha-luha!
Lalong lumaki ang mga mata ni Cielo! Hindi ito maaari. It all jibes with Albert's life. Pati ang lugar! Ang munting kastilyo. Ang urn. Ang singsing,ang aksidente, ang falls, ang batis, si Cyrus at ang dalawang matanda. Di ko iyon nakita pero alam kong pinagawan si Albert ng munting kastilyo sa taas ng falls. Hindi pwedeng alam lahat ni TJ ito kung hindi niya talaga nakita. Ako nga, di ko pa nakikita iyon. Pero malinaw ang tinutukoy ni TJ. Alam kong di siya nagsisinungaling!, naisip ni Cielo. Ang dalawang matanda na sinasabi ni TJ, naisip ni Cielo. Tumayo siya at nagmadaling pumunta sa kwarto.
"Just wait here teej!" sabat nito.
"Why? Im not done yet with my story!" sagot nito.
"Just wait!" sagot nito.
Lumabas si Cielo sa kwarto na may dala-dalang photo album.
"What's that for?" tanong ni TJ.
Pero di iyon pinansin ni Cielo. Patuloy nitong binuklat ang photo album. Natuwa ito nang makita ang hinahanap.
"Look at this teej!" sabi ni Cielo na lumapit kay TJ para ipakita ang nasa larawan. Nagpalipat-lipat ng tingin si TJ sa larawan at kay Cielo. Namuo ang luha ni TJ sa mga mata niya!
"Who are they? Sila ang nasa panaginip ko Cielo! Sila ang tumatawag na anak sakin!" umiiyak niyang sabi habang hinahaplos ni TJ ang mga mukha nila na parang mis na mis niya ang dalawa. Nakita ni Cielo ang reaksyon ni TJ.
"Oh My God!" tugon nito na animo'y nanghina.
"Who are they? San ko sila makikita Cielo? Pakiramdam ko, may sagot sila sa nangyayari sakin," tanong at pahayag ni TJ.
"They are Albert's parents TJ. Albert died in a car accident 5 years ago. He's Cyrus' boyfriend! And the place you described, that's Villa Respicio, it's where we are goin to do the photoshoot! "Mahal ko" ang tawagan ni Albert at Cyrus. Yung urn, dun nilagay ang abo ni Albert. At sa pagkakaalam ko, ang singsing na suot ni Cyrus at ang nakita mo sa panaginip mo ay magkapares! I just cant believe this TJ! Im still in awe!" tuluy- tuloy na sabi ni Cielo. Natulala si TJ.
"Kailangan ko silang makita! Siguradong makatutulong sila Cielo," tugon ni TJ.
"Wala sila dito. Nasa US sila. Pero umuuwi sila pag anniversary ni Albert! That's barely 3 months from now. Reunion din kasi namin yun." sagot ni Cielo.
"I cant wait that long Cielo," sagot ni TJ.
"Ano sa tingin mo tong nangyayari sayo TJ?" tanong ni Cielo.
" I dont know! This whole thing? Cyrus? Albert's parents?the place? I felt they are all part of me," sagot nito.
"Could it be that the reincarnated soul of Albert is within you and your soul as TJ actually died during the crash?" tanong nito.
"Kasi, lahat nangyayari sayo, parang kay Albert eh! Do you think it's a reminder that you're indeed Albert?" patuloy ni Cielo. Umiling-iling si TJ na animo'y hindi makapaniwala.
"There's one way to find out teej. Set an appointment with Cyrus. And wait for tita and tito to come home. 3 months lang teej! Naniniwala akong maaaring konektado ang pagkamatay ni Albert at plane crash na nangyari sa'yo." sagot niya.
"Here's his number! This is the only way to find out TJ!" patuloy ni Cielo.

Tama si Cielo. Kailangan ko ng gumawa ng paraan ngayong malapit ko nang mabuo ang puzzle, naisip ni TJ.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento