Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Kabanata 5 Alaala ng Kahapon Part 3

Nagising akong yakap yakap ni TJ. Dahan-dahan akong gumalaw para kumawala sa kanyang pagkakayakap pero lalo niyang hinigpitan ang kanyang yakap sa akin.
"Mamaya na mahal ko," sabi niyang nakapikit parin wari'y ninanamnam ang init ng aking katawan. Hinayaan ko siyang yakapin ako ng ilang minuto. Idinantay niya ang kanyang paa sa aking paa kaya naman nasasagi ng aking balat ang semi-erect niyang tarugo. Uminit ang aking pakiramdam pero pinigilan ko.
"Gising na! Kain na tayo!" turan ko na ibinulong sa kanyang tenga.
"Hmmmm," sagot niya.
"Ayaw mo bang puntahan ang sinasabi ko sa'yo na lugar," sabi kong nakangiti. Biglang idinilat niya ang kanyang mata.
"Really? You'll take me there?" sagot niya. Nakangiti akong tumango-tango. Bigla siyang napatayo kaya naman kitang-kita ko ang bakat na bakat niyang tarugo. Bahagya akong tumawa. Bumaba ang tingin niya sa kanyang tarugo. Ngumiti siya. Yung tipo nang ngiti na nang-aakit!
"Come and get it baby!" sabi niya na nagsingkit ng kanyang mga mata, sabay labas ang dila niya.
"Ulol!" sigaw ko sabay bato ng unan.
"Hahaha! Sabagay, natikman mo na kagabi ang sarap nito!" sagot niyang tumatawa na lalong nagpaganda ng mata niya kahit wala ng nakikita dahil sa singkit nito.
"Gago ka talaga!" sigaw ko para mapagtakpan ang aking pagkapahiya.
"Tara na nga!" sabi ko sa kanya sabay hila ng kanyang kamay. Pero hinila niya ako at isinandig ako sa pader. Binigyan niya ako ng isang masuyong halik na nagtagal ng ilang minuto. Tumigil siya at tumingin sakin ng malamlam. Hinalikan ako sa noo at niyakap ng matagal.
"I just cant believe it! Salamat, dumating ka na!" bulong niya. Nahihiwagaan ako sa mga binibitawang salita ni TJ. Hindi ko maintindihan. Pati ang sarili ko, naguguluhan narin sa kakaiba kong nararamdaman kay TJ. Pakiramdam ko, talagang nagbalik na talag si Albert. Hindi matatawaran ang saya sa puso kong uhaw sa pag-ibig ni Albert. Tinugunan ko ang yakap niya. Parang may nagsasabi sakin na yakapin din siya.
"Salamat, bumalik ka!" di ko namalayang pahayag sa kanya. Natigilan ako sa aking sinabi dahil alam ko namang hindi siya si Albert kahit ang isinisigaw ng puso ko na siya si Albert. Nananatiling walang kasiguruhan ang isinisigaw nito.
Naghanda kami sa isang byahe papunta sa Villa Respicio. Hindi ko alam kung bakit kinailangan kong gawin ang bagay na'to. I never did this to Christian. I never showed Albert's sanctuary to him. Pero bakit kay TJ, handa kong gawin yun. Parang may nagtutulak sakin na gawin iyon. Mahirap intindihin ang nais ng aking puso. Siguro gusto ko ding malaman kung ano at paano siya magreact pag nakita niya ang lugar na iyon. Kung talagang siya si Albert, aaminin niya sakin na siya nga si Albert. Umaasa ako!
Napagdesisyonan naming gamitin nalang ang kanyang sasakyan. Nakita ko kung gaano kaexcited si TJ.
"Masyado ka naman yatang excited?" tanong ko.
"Syempre naman! Siguradong marerelax ako sa pupuntahan natin," sagot niya. Siya ang nagdrive. Medyo malayo din ang Villa sa bahay kaya naman kailangan talagang maaga magbyahe.
"Kanino ba yung lugar na yun Cy?" una niyang tanong.
"Basta magdrive ka nalang! Ituturo ko nalang kung nasan. Wag nang magtanong pa." sagot ko.
"Eto naman, nagtatanong lang eh," pang-aasar niyang tugon.
"Maganda siguro dun no? Kakaexcite naman ang pumunta," sagot niya. Tiningnan ko ang kanyang itsura. Parang bata na binigyan ng candy sa tuwa. Akmang pipikit ako nang bigla siyang magsalita.
"Wag kang matutulog! Hindi ko alam ang daan!" wika niya.
"Oo na! Pag nakapikit ba, matutulog na agad?" sabi ko. Bigla siyang tumawa ng malakas. Ang kulit pala ng damuhong ito. Para talagang si Al. Sinabi kong lumiko siya at pumasok sa daang may mga puno. Wala paring ipinagbago ang lugar kahit yung daanan papasok sa Villa. Tumigil ka diyan sa malaking gate. Nagdoor bell ako at bumukas ang maliit na gate.
"Sir Cyrus! Pasok ka!" turan ni Yaya Luring na umaliwalas ang mukha. Niyakap ko siya ng mahigpip.
"Yaya, pakibukas naman yung malaking gate. May kasama po kasi ako." pakiusap ko sa kanya. Dagli-dagli naman itong tumalima. Nang maipasok na ang kotse, lumabas si TJ doon. Nagulat ako ng biglang tumakbo si Yaya Luring sa kanya.
"Señorito! Señorito!" sigaw nito na biglang yumakap kay TJ.
Haay, bakit ba ganito lahat ng reaksyon nila pag nakikita si TJ, naisip ko.
"Ya, hindi po siya si Albert. Siya si TJ. Best friend ni Cielo. Gusto daw makita tong Villa," sagot ko.
"Ay pasensya na iho! Magkamukha kasi kayo ng alaga ko!" sabi nitong mangiyak-ngiyak.
"Ok lang po! Ganyan din po ang mama ni Cy," sabi ni TJ.
"Welcome to Villa Respicio, TJ." sabi ko sa kanya.
"So this is where Cielo plans to do the photoshoot?" tanong niya.
"Yeah! Matagal na akong kinukulit nun! Pumayag lang ako provided with conditions. Ayoko ko sana talaga kasi bilin ni Albert" sagot ko.
"Ganun niyo kamahal si Albert no?" tanong niya.
"You have no idea how much he is loved by people around him Teej. Kaya nang nawala siya, hindi matatawaran ang sakit," tugon ko na namumuo na ang luha ko.
"Dito ka muna. Magbibilin lang ako kay yaya Luring. Utusan ko narin silang magluto ng makakain natin. Ok lang ba?" tanong ko sa kanya at tumango siya na parang di makapaniwala sa mga nakikita niya sa paligid. Sabagay, ganito din ako nung unang pasok ko sa mansiyon. Iniwan ko siya at pinuntahan si yaya.
SA ISIP NI TJ...
"God, I'm familiar with this place! Eto na talaga yung nasa panaginip ko. Indeed, it's not just a dream. Another manifestation that it's real! May kailangan akong hanapin. Parang hinihila ako ng isang malakas na pwersa na tumungo sa taas ng bahay,"naisip niya. Lumakad siya sa hagdanan. Nakita na niya itong lugar! "Bakit ganito ang pakiramdam ko. Parang alam ko ang bawat sulok ng bahay." bulong ng isip niya.
May kung anong bulong ang nagsabi na buksan niya ang pinto! 
"My room! Bakit malapit sa puso ko ang kwartong to," naisip niya. Pumasok siya sa kwarto. Bumungad sa kanya ang queen-sized bed. 
"My God! Ive seen this in my dreams. Ang bulletin! Pamilyar sakin ito. Parang ako ang gumawa ng mga ito! Ang photocollage sa pinto! Sino ka ba Albert Respicio. Ano ang koneksyon natin? Ginamit mo lang ba ang katawan ko para makabalik. Pero bakit ako Albert? Pati ang nararamdaman ko sa lahat ng taong nakapaligid lalo na kay Cyrus. Mahal ko siya. Ganun mo rin ba kamahal si Cyrus? Kailangan ko ng kasagutan sa lahat ng ito. Alam kong may mali sa mga nangyayari! Kahit pakiramdam kong ako si Albert, mas mahirap iyon dahil di ko makumpirma kung ako ba talaga! Para akong isang walang saysay sa mundong ito kung hindi ko malalaman kung ano ang totoo. Ang batis? Ang falls? Kailangan kong makita ang iyon. Alam kong makakatulong ang mga yun! Ba't ganito? Alam kong unang pagkakataon kong pumunta dito pero bakit alam ko ang pasikot-sikot dito. Kailangang hindi ako makita ni Cy na pumunta doon, naisip niya. Nakita niyang may mga ibinibilin pa ito kay yaya Luring kasama ng tatlong mga dalagang kasambahay. Umikot sa sa parte ng garahe para hindi siya makita ng mga ito na nasa kusina. 
Habang binabagtas niya ang daanan, alam niyang iyon ang daanan. 
"Ang mga puno! God, these are the trees! Ang mga orchids sa mga puno. Eksaktong-eksakto ito sa panaginip ko. Ano bang dahilan? Nakakabaliw!
Nakita ko ang mga punong naggagandahan. Ang araw na bahagyang sumisilip sa mga dahon ng puno na kumikinang sa daanan. Eto na nga iyon! Eto na! Malinaw na malinaw! Personal na nakikita ko sa aking mga mata! Ang paraisong ito sa aking panaginip! Ang paraiso kung san ko nakita ang mukha ni Cy! Ang mukha ni Cy. Nasan na ang lugar na'yon!" naisip niya. Naglakad pa siya papalapit. Lumapit siya sa tunog na naririnig niya na wari'y hinuhugasan ang kanyang buong pagkatao.
"Lagaslas ng tubig. Naririnig ko ang talon. Alam kong malapit na ako! Ang batis, ang talon! Kailangan kong makita iyon!" naisip niya. Kahit nakita na niya ito sa kanyang panaginip, nagulat parin siya dahil sa sobrang kabigha-bighani ang lugar.
"Napaganda! Walang kasing ganda! Dati rati sa panaginip ko lang itong nakita" bulalas ng isip ko. Lumapit siya sa batis. Ang luntian nitong kulay na nagbibigay ng isang nakakarelax na pakiramdam. Nagtampisaw siya sa tubig! Isang alaala ang rumehistro sa kanyang isip. Alam ng may kweba sa loob ng talon! Alam niya dahil nakita na niya iyon. Ang mukha ni Cyrus. Ang pagniniig ng mukhang di pa niya nakikita kay Cyrus sa loob ng kweba! Alam niya yun! Naisip niyang maghubad muna bago pumunta sa loob. Naisip niyang basa na siya kaya dapat maghubad siya para di mabigatan sa katawan. Lumapit siya dinadaluyan at binabagsakan ng tubig ng talon.
"Dito yun! Dito yun! Dito nangyari ang simbolo ng pag-iibigan nila! Napakaganda!" sabi niya. Nang makita na ang lugar. Lumabas siya doon. Tiningnan niya ang taas ng talon.
"Sa talon na yun! Dun ko nakita yung parang tubig lang imahe na sumigaw ng mahal ko! Sa taas ng talon na yun! Ba't parang lalo akong naguguluhan? Bat ganito? Akala ko magiging malinaw na ang lahat sakin lahat ngayon!" bulalas ng isip niya. Sa taas! Parang may umuudyok sa kanya na pumunta sa taas ng talon! Dinala siya ng paa niya doon! Lalo siyang nabighani sa ganda nun.
"Wow! Jaw-dropping!" bulalas ng isip niya.
"Ang mga puno, ang tubig, ang mga bulaklak na halatang inaalagaan! Isang lugar na punung-puno ng bulaklak na sinamahan ng patuloy na daloy ng tubig na bumabagsak sa talon patungong batis.
"Nasan ang kastilyo dito. Dito ko nakita ang kastilyong iyon!" sa isip niya habang luminga-linga.
"Hayun!" naisip niya dahil nakatago ang kastilyong nasa panaginip niya! Pumasok siya doon!
"Andami namang regalo nito!" naisip niya. Binasa niya ang nakalagay sa mga regalo. Lahat ng yun galing kay Cyrus. Puro gift sa monthsary at anniversary.
"Ganito pala talaga kamahal ni Cy si Albert!" naisip niya.
"Kung ako si Albert, hindi ko rin talaga pakakawalan si Cy!" naisip niya. Tumingin siya sa pinakasentro ng kastilyo.
"Ang urn! Nandun ang singsing na pilit kong isinusuot sa aking daliri pero bigla akong hinihigop ng hangin. Makikita ko narin at maisusuot na sa wakas," naisip niya. Matagal na niyang inasam na isuot iyon. Parang napakaimportante na isuot niya sa kanyang daliri ang singsing na iyon. Hindi niya alam pero pakiramdam niya kailangan niyang maisuot yun kahit anong mangyari! Kinuha niya ang urn at tiningnan ang loob noon. Nasilip niya ang singsing doon. Pilit inabot ng kanyang daliri hanggang sa nadukot niya iyon. Hawak-hawak na niya iyon. Dahan-dahan niyang ibinalik ang urn bago isinuot ang singsing. 
"Kapareho ng suot ni Cy na singsing" naisip niya. Isinuot niya iyon sa kanyang daliri.
"Wow! It fits well!" naisip niya.
SA MANSIYON
"Ya, eto yung pera para makabili kayo ng pagkain. Nakakahiya sa bisita kung wala tayong maipaharap! Pakisabi nalang kay Mang Ador na bumili nalang." bilin ko kay yaya Luring.
"Sige ya, tingnan ko lang si TJ. Baka mainip dun sa sala," paalam ko sa kanya.
"Sige iho. Wag kang mag-alala dito. Kami na bahalang magluto ng kakainin natin mamaya!" sagot nito.
Pumunta na ako sa sala. Siguradong nainip si TJ dahil medyo matagal ang naging usapan namin ni yaya! Nakipagkwentuhan pa kasi ito. Pagpasok ko sa loob, wala akong nakitang TJ.
"TJ? TJ?" tawag ko na bahagyang nilakasan ang boses. Pero wala akong nakitang TJ. Pumunta ako sa kwarto at wala din akong nakita. Pero bahagyang nakabukas ang kwarto ni Albert. Mukhang galing siya dito. Pero paano niya nalaman itong kwarto,naisip ko. Lumabas ako papuntang garahe baka kako may binalikan siya sa kanyang sasakyan. Sinilip ko ang loob ng sasakyan niya pero. Wala din naman siya! Saan naman kaya pupunta yun eh wala pa siyang alam dito?, naisip ko. Nakita ko si Mang Ador.
"Mang Ador, magandang umaga,nakita mo ba yung bisita ko? Wala kasi dito sa mansiyon eh!" tanong ko.
"May kasama ka ba sir Cyrus? Hindi ko alam. Akala ko,magisa ka lang dumalaw dito." sagot niya.
"Baka pumunta sa batis," dagdag ni Mang Ador. Kinabahan ako. Pero baka tama si Mang Ador. Nagpaalam ako at dali-daling binagtas ang daan papuntang talon. Hindi pwedeng pumunta doon na mag-isa lang. Dapat hanggang batis lang siya! Dapat hanggang talon lang siya. Kahit parang si Albert siya, hindi pwedeng makita ang hidden sanctuary ni Albert. Walang ibang makaalam nun bilang respeto sa alaala ni Albert! Bakit hindi siya nakapaghintay? Paano niya nalaman ang daan papunta doon? Kailangan kong magmadali bago siya makapunta sa tagong lugar na iyon! Kailangan kong magmadali! Nang malapit na ako sa batis, tinawag ko ang pangalan niya.
"TJ, TJ!" sigaw ko. Natigilan ako nang makita ko ang damit niya na nakasukbit sa malaking bato! Muli ko siyang tinawag! Naghubad ako at pumunta sa bahagi ng kweba pero walang TJ akong nakita. Umahon ako at tumingin sa itaaas! Hindi maaari! Wala ng ibang mapuntahan dito. Hindi siya pwedeng makaabot doon. Kinakabahan na ako! Parang umaakyat na sa ulo ko ang dugo ko sa galit! Wala siyang karapatan na pumunta doon. Ano nalang ang sasabihin ni Albert sakin? Nagdala ako ng isang estranghero dito sa kanyang sanktwaryo? Hindi pwede! Makakatikim sakin talaga ng di magandang salita ang TJ na yon. Nagmadali akong umakyat sa taas! Luminga linga ako. Nakita kong may pumasok sa kastilyo ni Albert. Nagmadali akong puntahan. Tama nga! Nandun siya. Parang may isinusuot siya sa kanyang daliri. Tiningnan pa niya iyon na para bang sobrang saya niya! My God, masasapak kita TJ kung may pinakialam ka sa mga gamit diyan, kimkim ng aking isip sa sobrang inis at galit na naramdaman ko. Lumapit ako sa kastilyo. Nakataas parin ang kamay niya! Ang singsing! Singsing ni Albert yun. Lalong umakyat ang dugo ko sa galit.
SA ISIP NI TJ
Ang ganda! Bagay na bagay sakin! Pakiramdam ko sa akin talaga ito! Akin to! Para sa daliri ko to!, naisip niya. Nakatingin siya dito na nakangiti at sobrang saya. Pero nagulat siya nang may nagsalita sa kanyang likuran.
"Who gave you the right to be in this place?" tanong ko kay TJ na kimkim ang galit sa boses ko.
Author's Note:

May mga alaala ng kahapon na nagdudulot ng sakit sa ating lahat. Bagamat hindi ito nakabuti sa atin, ang mga ito ang nagsilbing lakas at inspirasyon natin para maging matatag sa hamon ng buhay. Gayundin sa mga alaalang nagdudulot ng ngiti sa atin. Binibigyan nito ng kahulugan ang bawat araw na tayo'y nabubuhay. Nawa'y ang alaala na maiwan ng kwento ni Cyrus ay baunin niyo at gawing inspirasyon para sa susuunging hamon ng buhay. Lalong-lalo na sa buhay nating mga nasa ikatlong kasarian. Tandaan, walang limitasyon ang tunay na pag-ibig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento