Kabanata
4
Campus
Hearthrobs -Si Dave Part 2
Masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa.
Iba ang hatid nitong kaligayahan sa atin. Ito ang bumubuhay sa aking pagkatao
sa panahong iyon dahil alam ko sa puso ko na isa ito sa mga gustong
isakatuparan ni Albert. Dumadaan parin ako sa proseso ng paglimot kay Enzo.
Pero sa nangyari kay Dave at sa tulong na iminungkahi ko sa kanya, pakiramdam
ko, nagkaroon ako ng bagong misyon sa buhay -ang tumulong sa kapwa. Unti-unti
nitong natabunan si Enzo. Nakatulong din ang isiping isa ang pagpapalaya kay
Enzo sa mga nagawa kong tama sa buhay ko. Inaamin kong dumaan ako sa proseso ng
paglimot kay Albert noon pero hindi ako nagtagumpay. Hindi ako nagtagumpay
dahil hindi ko na talaga makakalimutan si Albert. Pero si Enzo na minahal ko
rin, inaamin kong mahirap sa umpisa. But the thought that he is in good hands
now relieves me from this delusion.
Kinabukasan, hapon noon, kauuwi ko sa eskwelahan
at nagluluto naman si mama ng aming dinner. Tulad ng nakagawian, nakahiga ako
sa sala habang nanonood. Ganito ako pag nagpapahinga. May nagdoorbell sa labas
ng bahay. Lumabas ako at binuksan ito. Nakita ko si Dave,nakatayo at may
dala-dalang bag. Natuwa ako dahil nakapagdesisyon ito ng tama. Kung tutuusin,
hindi naman namin kailangan ng kasama sa bahay. Kaya naman namin ni mama ang
mga trabaho dito. Pero ito lang ang naisip kong paraan para hindi tumanggi si
Dave sa aking alok. At natutuwa akong tinanggap niya ito.
Nang mga panahong iyon ipinaliwanag ko na kay
mama ang sitwasyon ni Dave at dahil likas na maawain ang aking ina, sumangayon
ito na doon manatili sa bahay si Dave.
"Ow, Dave. Buti naman nakapagdesisyon ka
na! Halika, pasok ka." nakangiting turan ko.
"Naisip ko kasi sir Cy na tama ka. Kaya
nakahihiya man, kailangan kong tanggapin." sabi niya.
"Naku, wag kang mahihiya. Ituring mo akong
kapamilya." sabi ko.
Pinatuloy ko si Dave sa bahay at pinamirienda.
Ipinaliwanag ko ang mga kailangan niyang gawin sa loob ng bahay. Pero sinabihan
ko na tutulong naman kami kapag panahon na ng eksamin niya. Hindi naman mabigat
ang mga trabaho at sa tulad ni Dave na sanay at may magandang katawan, sisiw
lang ang mga iyon.
Pumunta kami sa second floor ng bahay para
ipakita ang kanyang magiging kwarto.
"Inayos ko na to para sa'yo Dave. Wala
naman kaming kasama dito kaya ito ang magiging kwarto mo. Basta kung anong
makita mo dito, malaya kang magagamit yun. Inuulit ko, ituring mo kaming
kapamilya," paliwanag ko.
"Naku sir Cy, hindi ba nakakahiya? Halos
kasinglaki na nito ang bahay namin ah. Tapos kumpleto pa sa gamit." turan
niya.
May lima kasi na kwarto sa bahay. Tatlo sa baba
at dalawa sa taas. Pinili ko sa taas dahil malapit iyon sa terrace na nakaharap
sa fishpond at mga niyog sa paligid kaya nagustuhan ko doon lalo na pag
nagpapahinga ako at gusto kong makapagisip. I find peace everytime i look at
the pond.
"Ba't ka mahihiya? Sabi ko nga sa'yo,
ituring mo kaming pamilya mo dito. Tayo lang dito sa bahay. Basta pag may
kailangan ka, wag kang mahihiyang magsabi. Magkatapat lang naman ang kwarto
natin," sagot ko.
Sa loob ng isang buwan, nakita namin ni mama
kung gaano kasipag si Dave kaya naman madali namin nakagaanan ito ng loob.
Isang umaga na gumising ako. Dumiretso ako sa
terrace. Nakaharap ako doon sa fishpond. Naginat ako.
"Sir, ang ganda ng katawan mo!" sabi
ni Dave na ikinagulat ko.
"Nandyan ka pala Dave." sagot ko.
"Palagi kitang pinagmamasdan diyan sir Cy.
Parang ang sarap naman halikan ang bawat sulok niyan." sagot niya sabay
himas sa bahagi ng aking dibdib.
Bahagya akong nakuryente sa himas na iyon at
nakiliti. Bahagya akong tumawa dahil sa kiliting dulot niyon.
"Wag diyan Dave! Kaw din naman, maganda
katawan mo tsaka maayos ang kulay mo, lalaking-lalaki." sagot ko sabay
pisil sa kanyang utong.
"Pati nga ata tong mga batuta natin, halos
magkasize din," biro niya.Nagtinginan kaming dalawa at kasabay nun ay ang
bungisngisan. Unang pagkakataon na nagpurihan kaming dalawa ni Dave ng aming
mga katawan at aming tarugo. Marahil napapansin niyang napapalunok ako lalo na
kung nakatapis lang siya ng twalya galing sa CR. Marahil hindi lang naamoy ni
Dave kundi nakompirma niya ang lansa ng berdeng dugo na nananalaytay sakin.
Naging tambayan namin ni Dave ang terrace sa taas ng bahay. Doon nangyayari ang
aming mga kwentuhan lalo na pag tapos na lahat ng trabaho sa bahay. Doon niya
ikinikwento sakin ang mga plano niya sa buhay, ang mga gusto niyang mangyari
para kahit papaano maingat niya sa buhay ang kanyang pamilya. Gusto daw niyang
magtrabaho sa ibang bansa para mapagaral niya ang kanyang mga kapatid.
Punung-puno si Dave ng mga pangarap. Kaya ganito siya kapursigido,
Isang gabi na nagkukwentuhan kami sa terrace.
Nagulat ako sa personal na tanong ni Dave na lalo pang lumalim.
"Sir, may itatanong sana ako, wag ka sanang
magalit," bungad niyang tanong.
"Sige lang, kahit ano Dave,basta kayang
kong sagutin," sagot ko.
"Totoo ba yung tsismis na nagkaroon ka ng
karelasyong lalaki nun?" tanong niya. Bahagya akong nagulat ngunit
nakabawi din naman.
"Oo Dave. Si Albert. Meron pa kaya lang si
Albert ang umokopa sa malaking bahagi nito." sabi ko sabay turo sa aking
puso.
"Siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay
ko. Pero patay na siya. Wala na siya Dave. Iniwan na niya ako. Yun ang naging
bangungot ng buhay ko." dagdag ko na may rumehistrong lungkot sa mata ko.
"Pasensya na sir ah." paumanhin nito.
"Naku, ok lang. Matagal na siyang wala.
Masakit parin tanggapin pero patuloy naman siyang buhay dahil patuloy kong
ginagawa ang mga gusto niya,"sagot ko.
"Hmmm, so totoo pala talaga. Sir,
nakipagsex ka na din sa lalaki?" muli niyang tanong.
"Hahaha! Oo naman! Tanggap kasi ng mga
magulang namin ang aming relasyon kaya normal lang samin na gawin
yun,"natatawa kong sagot.
"Ilang beses na sir?" tanong niya
ulit.
"Hmmm, tama lang ang dami," biro kong
tugon habang tumatawa.
"Masarap naman sir?" tanong niya.
"Oo naman! Tirik-mata sa sarap," sagot
ko na may halong kapilyuhan sa ekspresyon ng mukha ko.
"Eh, panu yun sir? Pareho kayong lalaki?
Anong ginagawa niyo?" painosente nitong tanong. Natawa ako sa interesado
nitong itsura nang mga panahong iyon. Para kasi siyang inosenteng bata sa
naging asta niya.
"Gumagabi na. Tara na. Tulog na tayo,"
yaya ko.
"Daya ni sir! Ano sir?" tugon niya.
"Halika na! Maaga pa tayo bukas," muli
kong paanyaya. Halatang hindi pa niya gustong matulog hanggang hindi ko sabihin
sa kanya.
"Sige na. Bukas ko nalang sasagutin
yan." sabi ko. Mukhang nabuhayan ng loob si Dave nang sinabi ko yun.
"Asahan ko yan sir ha! Good night
sir," masayang tugon niya.
"Good night, Dave," natatawang tugon
ko.
Maaga kaming pumasok kinabukasan. Parehong umaga
ang schedule namin kung kaya sabay kaming pumupunta. Ngunit kung may paperwork
ako sa school, pinauuna ko na si Dave sa bahay.
Pagbaba namin ng sasakyan.
"Sir, mauuna na ako sa'yo ha. Malalate na
ako. Malayo yung building ko ngayon," wika ni Dave.
"Sige na Dave baka malate ka pa kung
ihahatid mo pa ako sa office," sagot ko. Akmang aalis na siya nang mukhang
may naalala.
"Sir, yung sagot sa tanong ko ha! Mamayang
gabi!" bigla niyang pahayag.
"Hahaha! Kaw talaga! Sige, sige! Luko-loko
kang bata ka!" tugon ko at tuluyan na siyang tumakbo paalis. Akmang
lalakad na ako nang biglang may nagsalita sa aking likuran.
"Ano ba yung tanong niya na di mo ata
nasagot?" sabi ng boses sa aking likuran.
"Kaya pala ang bilis mo ako nakalimutan Cy.
Dahil ba kay Dave Cy? Kaya agad-agad mo akong pinakawalan? Ganun nalang ba yun
Cy? Mukhang dun pa ata tumutuloy sa inyo" tuluy-tuloy nitong tanong.
Nagpanting ang tenga ko at umakyat agad ang dugo ko sa inis.
"Huh! Ganyan ba kababa tingin mo sakin
Enzo? Alam mo sa sarili mo na hindi ako ganyan! Naririnig mo ba yang sinasabi
mo?" galit kong tugon.
Nakita ni Enzo ang panlilisik ng mga mata ko
kaya naman natakot ito at biglang nakaramdam ng pagkapahiya.
"Sorry Cy! Sorry. Nagseselos kasi ako!
Sorry!" sagot niya na nagsusumamo.
"Ang tigas ng ulo mo! Napagusapan na natin
to Enzo. Ano ba? Nakikinig ka ba? Enzo naman! Yung mag-ina mo ang pagtuunan mo
ng pansin! Tama na!" pagalit kong tugon.
"Di ko kaya Cy. Di ko kaya!" sagot
niya na lumuluha na.
"Kayanin mo para sa pamilya mo! Sige na,
pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante," sagot ko at humakbang na
paalis.
Parang back to zero ang paglimot ko sa mga
nangyari sa pagitan namin ni Enzo. Kaya naman hindi naging maganda ang araw ko.
Nawalan din ako ng gana sa mga klase ko ng umagang iyon. Mahirap mapagbintangan
sa isang bagay na hindi mo pa naman ginawa. Nang kinuha ko si Dave sa bahay,
ang nasa utak ko ay ang tumulong. Paano naisip ni Enzo yun? Hay, ang selos nga
naman, ginagawang demonyo ang utak ng isang tao, naisip ko. Kaya naman, kahit
may gagawin pa ako sa faculty nang mga oras na iyon, nagdesisyon akong gawin
nalang sa bahay. Hinanap ko si Dave para maisabay ko na pauwi. Wala rin kasi
itong klase. Wala din ako sa tamang hwisyo para magluto ng kakainin para sa
lunch kaya dapat nandun si Dave. Nakaramdam ako ng pagod ng di ko makita si
Dave kaya naman napagdesisyonan kong umuwi nalang. Pagbukas ko ng gate at
pagpasok ko ng sasakyan, nakita kong hindi nakalock ang pinto. Kaya naisip kong
nandito na rin si mama o si Dave. Tiningnan ko ang kusina at may nakita narin
akong nalutong pagkain. Wow, pinakbet na sinamahan ng pritong tilapya. Sarap
nito, naisip ko. Umakyat ako sa 2nd floor ng bahay para makapagpalit at
makakain na. Tawagin ko nalang sila sa kwarto mamaya! Pagtapat ko sa aking
pinto, may narinig akong boses! Parang isinisigaw ang pangalan ko! Hinanap ko
ang boses. Mukhang nanggagaling sa kabilang kwarto! Itinutok ko ang aking tenga
sa pinto ng kwarto ni Dave, at mas naririnig ko ang boses!
"Oh, sir Cy! Sir Cy! Owh, sir Cy! Ganyan
nga! Sige pa Sir Cy! Hmmmm" ang paulit-ulit na nadinig ko.
Pinihit ko ang seradura at gulat na gulat ako sa
aking nakita!
Author's Note:
Masarap gumawa ng kwento kung ikaw ay inspirado
at nawawalan ka ng gana pag nakakabasa at nakaririnig ka ng negatibo.
Partnership is about sharing responsibilities,
deciding together and facing the challenge and its consequences with someone!
Pag iniwan ka na sa ere at sarili lang ang iniisip, where is partnership? I'm
back writing this story. Gusto ko tong tapusin para sa inyo. Para to sa inyo
mga supporters ng kwento ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento