Hidden Sanctuary M2M Book Series

Huwebes, Mayo 2, 2013

Kabanata 2 Unang Sabak, Dalawa ang Nasibak

Ang patuloy na namagitan samin ni Arvin ang nagbukas ng isang kabanata sa buhay ko bilang isang alanganin. Mahirap man tanggapin sa umpisa pero habang nagtatagal, niyakap ko ang pagiging alanganin ko. Ipinagpatuloy ko ang buhay dahil minsan lang ako mabuhay, kailangan kong gawing makabuluhan ito. Basta masaya ako, basta walang makakaalam. Nanatiling sikreto ang mga gabing magkaulayaw kami ni Arvin. Tanging kami lamang ang nakakaalam sa mga pangyayaring yun. May mga pagkakataong nagkakasalubong kami at tanging panakaw na tingin at ngiti ang naging saksi sa aming nakatagong lihim.
Kinailangan ko na ring gumawa ng paraan para magkatrabaho. Pangarap kong makapagtrabaho sa isang ahensya ng pamahalaan batay narin sa natapos kong kurso. Pero mailap ang swerte sakin. Walang tumatanggap. Hindi ko alam kung overqualified ako, threat ako sa kanila o wala talagang bakante. Mahirap sa isang tulad ko na hindi naman nagpapahuli sa klase ng ako'y nagaaral na hindi makahanap ng trabaho. Mataas kasi ang tingin sakin ng mga tao, lalo na ang mga kasama sa trabaho ng mama ko. Wala akong narinig sa mama ko ng mga panahong iyo. Sinuportahan parin niya ako sa kabila ng paghihirap namin sa pera. Ilang buwan din akong nabakante hanggang sa isang araw, tumawag ang isa sa mga unibersidad na pinagaplayan. Pumunta ako sa eskwelahang iyon. Desperado na ako. Kahit ayaw kong magturo nung una, i had no choice but to grab the opportunity. Pumunta ako sa unibersidad para sa aking interview. Isang oras din ang byahe, may mga ilang katanungan ang pari sa akin. Maliit ang sahod kung tutuusin pero kung matatanggap ako, kailangan kong tanggapin, kailangan kong magtrabaho.
Pagkatapos ng maprosesong deliberation ng mga admin, sinabihan ako ng HRD na tanggap na ako pero bilang administrative secretary at magkakaroon ako ng 3 social science subjects. May ipinaliwanag ding rules sakin dahil isa nga itong religious school, kailangang sumunod sa mga panuntunan. Sinabihan akong magsisimula ako ng second semester. Masaya akong ibinalita ito sa mama ko.Naghanap ako ng murang boarding house. Ibang environment ang gusto kaya hindi ako bumalik sa dati kong boarding nung ako ay nagaaral pa lamang. 
Unang araw ko bilang administrative secretary, nagulat ako dahil napakarami palang tambak na trabaho na iniwan sakin ang pinalitan kong admin sec. Nakilala ko ang mga kasama ko sa office at halos lahat sila ay may edad na kaya kailangang maging maingat talaga sa galaw.
Natapos ang araw na yun na pagod ako dahil sa unang sabak sa office work.
Kinabukasan, excited ako dahil half day ang klase ko at hapon lang ang office work. Sa lahat ng napasukan kong klase, dalawa ang lalaking tumatak sa akin, si Christian at si Albert. Kahit hindi halata ang pagiging alanganin ko, alam kong may bulung-bulungan ang mga estudyante kung ano ba talaga ang kasarian ko. Pero hindi ko yun pinansin. Naging magiliw ako sa mga estudyante kung kaya marami akong naging kaibigan. Marami ang malapit sakin, maraming naging kabiruan. Ganun ata talaga, pag crush mo ang isang tao, medyo ilag ka, hindi ka makatingin. Ganun ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang dalawang estudyante ko. Si Christian ang tipo na tahimik, mahiyain at pakyeme ang kilos. Kabaligtaran ito ni Albert. Si Albert ang una kong nakapalagayan ko ng loob dahil bukod sa pagiging maingay nito sa klase, paborito kong ituro yung subject niya sakin. Lalo na at intense siya kung tumingin. Pakiramdam ko, hinuhubaran ako sa tingin niya so i called his attetion.
"Is there something wrong Mr. Respicio?" I bluntly asked him.
"Nothing sir. I just want to kiss you." he answered with an alluring smile.
"Come again, Mr. Respicio?" i asked him again thinking that i might have heard the wrong word.
"Sir, he said, he wants to kiss you daw," sabat ni Trishia na isa sa mga kaklase niya.
Naramdaman kong umakyat ang dugo sa ulo ko. Alam kong nagblush ako. Tawanan ang buong klase. Hindi parin binabawi ni Albert ang tingin niya sakin.
"Well class, that's enough. I think Mr. Respicio just made our day. Thanks for the hilarious joke Mr. Respicio." ang nasabi ko para pagtakpan ang aking pagkapahiya.
"You're welcome sir", ang sagot niya with a teasing smile. Sutil talaga ang nasabi ko sa isip ko.
Pagkatapos ng klase ko, agad akong nagpaalam sa aking mga estudyante. Nakita ko siyang humahabol kaya nagmadali ako sa aking paglalakad.
"Sir, sir, wait", hingal siyang humahabol.
Bago ako nakarating sa office, nahabol ako ni Albert.
"Sir, Im sorry fo what happened. I really mean what i said" ang nasabi niya.
"Mr. Respicio, that's not the proper way of talking to your professor. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? I said kahit sa loob ko kinilig ako.
"That's why, Im asking for an apology sir. BUT I meant what i said in your class sir." sagot niya.
"Apology accepted Mr. Respicio." tugon ko para matapos na ang usapan.
"See you around, Mr. Respicio." pahabol kong nasabi sabay kaway.
"Sir" sagot niya na mukhang may sasabihin pa ngunit ininunahan ko na ng pasok sa office.
Disturbed ako sa buong hapon na yun sa insidenteng nangyari sa loob ng klase. Hindi ako mapakali kaya napansin iyon ng aking immediate boss.
"Are you ok Cyrus? You seem to be disturbed coming from your class," nagaalalang tanong ng aking boss.
"I just miss my mom mam," pagsisinungaling ko.
"Why don't you visit her? Anyway, u can still come back in this office on time tomorrow. Ill punch in your dtr once ull not arrive on time" sabi ni boss trying to cheer me up.
"Thanks mam. But i prefer to do that on saturday" sabay smile sa kanya para di na siya mag-alala.
Natapos din ang araw. Kahit pagod, kailangan kong maglakad papuntang boarding. Anyway, walking distance lang naman ito sa school. Napansin ko na may sumusunod na itim na kotse sa likuran pero binalewala ko nalang. Tuloy parin ako sa paglalakad hanggang marating ko ang boarding house.
Papasok na sana ako sa gate ng biglang may tumawag sakin.
"Sir Cyrus!" isang pamilyar na boses sa aking likuran. Lumingon ako at hinanap ang boses. Nakita ko ang isang nakauniporme na estudyante galing sa itim na kotse. Si Albert Respicio. Napawow ako sa isip ko dahil big deal sa estudyante dito sa probinsya na nakasakay sa kotse. Sabagay, may kaya naman talaga ang mga nagaaral sa eskwelahan na kung saan ako nagtuturo.
"Sir, may tatanungin sana ako."
I tried to maintain my poise. Kahit alam kong medyo nanginginig na ako. Si Albert kasi ang tipo ng tao na malakas ang dating dahil sa pagiging palabiro nito. Nakadagdag dito ang wavy hair nya, moreno ngunit tsinitong mata. Matangkad at maganda ang built ng katawan. Isa pa sa nagustuhan ko, magaling siyang magdala ng uniporme niya. Siya yung tipo na kahit maghapon na, mabango parin.
"May gagawin ka ba sa sabado? Invite sana kita sir." tuluy-tuloy nyang tanong.
Halatang hinihintay niya ang sagot ko.
"Ano bang meron sa sabado Mr. Respicio?" tanong ko.
"Birthday ko kasi sir. Eh, maghahanda si daddy at mommy para sakin" sagot niya.
"Talaga? Naku Respicio, baka marami kang bisita, nakakahiya naman"
"Hindi sir. Piling-pili lang bisita ko. Mabibilang mo lang sa daliri mo tapos yung buong pamilya ko sir."
"Sige. Saan ba ang bahay niyo?"
"Thank you sir. Salamat talaga. Tsaka sorry kanina. Sunduin nalang kita dito sa boarding house mo sir ng 5 pm."
"Maaabala ka pa Mr. Respicio. Just give me your address. Anyway, maraming tricycle na dumadaan dito."

"I insist sir. Sige sir, pahinga ka na. Mukhang napagod ka ngayong araw eh. Hehe," sabay kaway sakin at pumasok na sa kanyang kotse. Hinintay ko siyang makaalis bago tuluyang pumasok sa boarding.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento