Naguusap kami ng aking
mga kasamahan sa isang pampublikong paaralan na kung saan dalawang taon na
akong nagtuturo
nang biglang tumunog ang
aking telepono. Bagong number na naman. Baka mga estudyanteng nanloloko na
naman ito. Sanay na akong lokohin ng mga estudyante kaya naman ang mga bagong
register na number na walang pangalan ay hindi ko ineentertain. May mga
pagkakataon kasi na biglang may mga number na magtetext sakin ng "Sir, ang
guapo mo!" o kaya "Sir, i love your smile." Kung minsan naman
"Sir, sarap mong tikman" o "Sir, sex tayo." "Sir,sarap
mong hubaran" Sir, sarap mong halikan. Minsan, mga pilyo talaga ang mga
bata. Kaya napakahirap ng maging isang guro. Kailangan mong ibalanse lahat para
hindi ka magkasala. Pero tao lang ako, may mga pangangailangan sa katawan.
Patuloy sa pagring ang
aking telepono kaya nagexcuse ako sa aking mga kasamahan.
"Hello, who's
this?"
"Thank God! You
answered! It's Albert's cousin, remember?"
"Hey, Shells!
Kumusta?"
"Im fine,thank you.
Ikaw, kumusta ka na?" tugon niya.
"Survivin'!"
sagot ko.
"Well, that's good
to know. It's a good start! It's been five long years since he died, Cy. Move
on." sagot niya.
Oo nga pala. Limang taon
na ang nakararaan,naisip ko.
"I'm tryin Shells,
but I chose not to. He's my one great love and my one true love. Nobody can
replace him in my heart." sagot ko.
"Cy, that's your
choice. And sa naririnig ko,you're
happy with it!"
tugon nito na may himig pakikisimpatya sa akin.
"By the way, why
did you call?" tanong ko.
"Well, yung dati
parin Cy. Matagal na kitang nililigawan tungkol dito. Please pumayag ka
na!" sagot niya.
"You're such a
'never say die' woman, aren't you Shells!" tanong ko.
"Of course Cyrus!
It's what we call passion, Cy!" sagot niya.
"Ok, ok! But with
certain conditions." sagot ko.
Inilahad ko ang mga
kondisyon na kailangan niyang sundin pag ginawa niya ang photoshoot. Pumayag
naman ito. Anyway, ill be on guard when that happens, naisip ko.
"Oh my! Really?
Thank you Cy! You just made my day! Don't worry, you'll gonna love the
concept." masayang tugon nito.
"Ok! I trust you!
Hey, it's almost Christmas vacation here. I'm planning to visit some of my
relatives in Manila. Can I see your place?" tanong ko.
"Owh, sure Cy. You
can visit me here anytime you want. My condo is widely open for you. Give me a
call when you're here!" sagot niya.
"Ok! Thanks for
calling. Bye." sagot ko.
"Bye" tugon
niya.
Haaay, limang taon na
nga pala ang nakararaan. At lumipat narin ako sa isang pampublikong paaralan
makalipas ang tatlong taong paninilbihan sa isang kolehiyo, nagdesisyon akong
magturo sa isang secondary school. Masaya naman ang buhay ko ngayon kahit
papaano. Nagbibilang na ako ng mga kasalanang nagawa ko kay Albert. Mahirap minsan
pero alam kong naiintindihan ako ni Albert. Limang taon. Ang bilis lumipas ng
panahon. Limang taon na akong nasadlak sa kalungkutan. Limang taon!
5 years ago...
Pagkatapos ng masalimuot
na pangyayari sa pagitan namin ni Christian, naisipan kong magturo muli sa
isang kolehiyo malapit sa amin. Hindi man ganun kalaki ito kumpara sa
unibersidad na pinanggalingan ko, maganda naman ito kumpara sa iba pang
kolehiyo. Tinanggap ako agad na magturo sa kolehiyo kahit hindi pa ako MA
graduate noon. Nang makita ko ang facilities ng school, sinabi kong kailangan
nitong maimprove ito lalo na at dumadami ang kakompetensya nito na mga kolehiyo
at unibersidad. I talked to the President that time para banggitin ang aking
proposal. Kasama ng mga board of directors ng school, sinabi kong handa akong
maginvest sa school na iyon to improve its service to students pero dapat
walang makakaalam noon. I just want to be known as ordinary professor. Pumayag
ang mga ito. Naging professor ako sa sumunod na academic year na walang nakakaalam
na isa akong co-owner ng pribadong paaralan na iyon. Masasabi kong, I have a
prolific stay at the college in my first academic year. Naging strikto ako sa
aking mga patakaran sa loob ng aking classroom. Nakilala ako bilang isang
respetadong prof na may angking galing sa lahat. Jack of all traits, Prof with
multitude talents ang mga bansag sa akin. Pag nakikita na ako ng mga
estudyante, mararamdaman ang kanilang takot, nginig at paghanga sa galing kong
ipinamalas. Tiningala ako dahil isa ako sa mga prof na nagpabago ng imahe ng
eskwelahang iyon. Naging organizer ako ng mga iba't-ibang students' activities
na naging matagumpay sa lahat ng pagkakataon. Kasama ko palagi dito ang naging
malapit kong kaibigan na si Rose. Madaldal si Rose kaya naman madali ko siyang
nakagamayan ng loob. 5 taon na siya sa kolehiyo kaya alam niya ang bawat ugali
ng mga kasamahan namin.
Marami akong nakikitang
mga nagguapuhang mga lalaki sa campus pero pinilit kong hindi matukso dahil
ayokong masira ang aking imahe. Nagpatuloy akong ipamalas ang mga pagbabagong
ginawa ko sa mga estudyante. Strikto mang maituturing, hindi nito natakpan ang
pagnanais kong maging malapit sa mga estudyante. Sa loob lang naman ako ng
klase naging strikto. Hindi ko ito ginagawa pag nasa labas na. Kaya nandun yung
takot pero pagmamahal ng mga estudyante sa akin. Maraming nainggit because i
was able to revolutionize the school. Kung dati rati, ang mga estudyante, hindi
handa pagpasok sa klase ko, ngayon, they have to review or else mapapahiya lang
sila. Nagimprove ang performance nila sa klase ko.
Isa sa mga naingit sa
mga nagawa ko ay si Mr. Balse na kasamahan namin ni Rose sa department namin.
"Nakow pogz, iwasan
mo yang baklang yan. Baka gahasain ka! Kung anu-ano ang pinagsasabi niyan sa
mga kasamahan natin. Kesyo, kakilala ka daw ng pinsan niya at may nakarelasyon
ka daw na estudyante sa university na pinanggalingan mo!" matabil na
kwento ni Rose.
Nagulat ako noon.
Naaalala ko ang pinakamamahal ko. Doon ko ikinwento kay Rose ang mga nangyari
samen. Ang kwento ng pagibig namin ni Albert. Wala akong nakitang panghuhusga
kay Rose.
"Ang sakit naman
pala ng nangyari sayo friend!" umiiyak nitong sabi sakin.
Ipinakita ko sa kanya
ang larawan namin ni Albert ng masaya kaming magkasama. Yung mga albums namin,
ipinakita ko rin sa kanya.
"Wow! Sino ba naman
ang hindi maiinlove sa kanya! Napakaguapo naman pala niya! In fairness
friendship, guapo kayong pareho! Bagay na bagay kayo" masayang komento
nito.
"Pero friendship,
umiwas ka parin sa inggiterang bakla na yan. Type ka ata eh. Kung anu-ano ang
pinagsasabi. Isa nalang,mababatukan ko na talaga siya." wika pa nito.
"Hayaan mo nalang.
Baka may regla lang" wika ko. Sabay kaming nagtawanan noon.
Ganito ata talaga sa
isang organisasyon. Hindi maaalis ang inggitan lalo na pag nasa tugatog ka ng
kasikatan, lalo na pag kinikilala ang iyong kontribusyon. Sabi nga nila, pag
hitik ka sa bunga, binabato ka nila.
Mahirap makibagay minsan
pero kailangan dahil iyon ang nararapat. May mga kasamahan kasi na maganda ang
pakitungo sa'yo, pero yun pala, marami ng sinasabi pag nakatalikod ka. Yung iba
naman, nakikisawsaw minsan sa issue kahit hindi naman sila kasama doon. Yung
iba, daig pa ang The Buzz sa paghahatid ng kung anu-anong balita tungkol sa
kanilang mga kasama. Sabi nga nila minsan, pag nagsamasama daw ang mga teacher
sa isang lugar, daig pa nila ang mga kindergarten pupils sa kaingayan.
Sumasangayon ako doon dahil yun ang eksena pag kumpul-kumpol kaming mga guro.
Napatunayan ko ang
sinasabi ni Rose tungkol kay Mr. Balse nang minsan kinailangan kong bumalik sa
faculty room dahil mayroon akong nakalimutan. Nakatalikod noon si Mr. Balse
kaya hindi ako agad napansin.
"Ay, maniwala kayo
sa kin mga friends!" mwestra nito sa kanyang kamay habang nagpapaliwanag
sa grupo ng mga professors na kasama namin sa department.
"Yang si Mr.
Mendoza, naku! Silahis yan. Naaamoy ko ang lansa niyan! Tska sipsip yan kaya
malapit sa president at board of directors. Tingnan niyo nga, agad siyang
nakuha dito kahit di pa siya MA graduate. Kasi nga mga friends, sipsip
siya!" sambulat nito sa aming mga kasamahan. Natameme naman ang aming mga
kasamahan na inginunguso ang likuran niya. Naintindihan iyon ni Mr. Balse kaya
naman lumingon siya sa kanyang likuran. Para itong nabuhusan ng isang baldeng
tubig nang makita ako. Pulang-pula ang mukha niya pero nakataas parin ang
kanang kilay nito. Naging kalmado ako para ipakita na hindi ako mababa na tulad
niya. Kailangan pa talagang manira dahil lang sa insecurities niya.
"So it is true then
Mr. Balse! Tama nga pala na palagi mo akong sinisiraan." kalmado kong
turan. Tameme parin siya.
"Kung silahis man
ako Mr. Balse, sa tingin ko, hindi yun makakaapekto sa pagtuturo ko. Tulad mo,
bakla ka, pero may narinig ka ba sakin? Wala Mr. Balse. Kung sabihin kong
silahis ako, would that change the fact that Im a better professor than you
are?" tuluy-tuloy kong sagot.
"Besides Mr. Balse,
dumaan ako sa hiring process! Yes, im not a graduate of MA yet but I graduated
Cum Laude, and that I think, is a reason enough for me to be accommodated in
this institution. I was hired based on merits!" sagot ko. Wala itong imik.
Akmang tatalikod na ako nang may gusto pa akong pahabol na sabihin.
"By the way Mr.
Balse, you better revisit your codes of ethics! And sir, remember one lesson
from me, NO CURE FOR INSECURE!" sagot ko at akma ng lalabas.
"Oo nga, guapo ka!
Mahal ka ng mga estudyante! Malapit ka sa admin! Marami ka ng nagawa dito! Pero
mananatili ka lang diyan. Ako? Maiinsecure sayo? Excuse me Mr. Mendoza! Lamang
ka nga siguro sa itsura at talino, pero mananatili kang mas mahirap pa sa daga!
Nangungupahan lang kayo ng nanay mo diba? Hindi mo kayang lagpasan ang estado
ng buhay ko!" panlalait nito. Pati mga kasama ko, nagulat sa mga sinabing
iyon ni Mr. Balse. Kilala kasi ang mga Balse na may kaya sa aming lugar pero
hindi ko aakalaing ganun ito kayabang. Oo nga, nakasakay siya ng kotse pag
pumapasok sa eskwelahan samantalang ako motor lang pero hindi sapat iyon para
manlait ng kapwa. Mukhang nakuha ko ang simpatya ng aking mga kasama sa sinabing
iyon ni Mr. Balse.
"You're hitting
below the belt, Mr. Balse!" kontrolado kong tugon.
"Hindi mo pa nga
talaga ako kilala! You better hire an investigator Mr. Balse!"sagot ko na
kinakalma ang sarili ko.
"Remember, NO CURE
FOR INSECURE!" pahabol kong pahayag at walang lingon likod akong umalis sa
faculty. Naging isang mainit na balita sa eskwelahan ang ginawang iyon ni Mr.
Balse sa akin. Marami ang nakisimpatya sa akin. Lalong dumami pa ang nainis kay
Mr. Balse sa mga panahong iyon.
"Friendship, ang
taray pala ng ginawa mo!" bungad ni Rose sakin.
"Anong ginawa
ko?" tanong ko.
"Yung bali-balita
dito sa school. Alam mo ba ha? Lahat ng coteachers natin humanga sayo!
Napakaprofessional mo parin daw sa pagsagot mo kay baklita! Samantalang,
histerikal daw siya! Sayang may klase ako nun, hindi nasaksiha ang
nangyari." kwento niya na may halong panghihinayang at inis.
"Ayokong gawin yun,
pero sumosobra na siya." sagot ko.
"Tama lang yun sa
kanya friendship! Sa ginawa niyang yun, you dont have to hide behind the bush,diba?
Lalo ka lang niyang itinulak pataas. Andami kayang humanga sa'yo at andaming
naiinis sa mapanlait na baklitang yon!" paliwanag nito
Kumalat din sa school na
isa akong alanganin. And so what! Basta wala akong tinatapakang tao! Wala akong
dapat ikahiya kung anong pagkatao meron ako! Natapos ang academic year na iyon
na matagumpay. I build up my name with pride. Commitment at passion sa trabaho
ang naging sikreto para makita nila ang aking angking galing.
Author's Note:
Abangan ang mga campus
hearthrobs sa susunod na pahina ng buhay ni Cyrus. Sinu-sino kaya sila?
Makatutulong ba ang mga ito sa pagmove on ni Cyrus?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento