SA ISIP NI TJ BAGO NAHIMATAY...
Pagpasok niya sa mansyon, sinalubong siya ni
Cielo na nakipagbeso sa kanya. Ngumiti siya ng bahagya. Pagpasok na pagpasok
niya sa bungad ng sala, nakita niya ang mga mukhang nakita na niya sa larawan.
Nakita niyang bumuka ang bibig ng babae at sabay silang napatayo nang makita
siya. Nakita niya ring may ibinulong si Cyrus sa kanya. Dumagundong ang puso ni
TJ. Hindi niya maintindahan ang kanyang nararamdaman nang makita ang niya ang
mag-asawang Respicio. Nadudurog ang puso niya! Namuo ang luha niya ng makita
ang mga ito.
"Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa
kanila? Pakiramdam ko bahagi sila ng buhay ko matagal ng panahon ang nakalipas!
Sino ba sila?" Bahagya siyang lumapit. Lalo naging malinaw sa kanya ang
lahat. May biglang umilaw sa bahagi ng kanyang imahinasyon! Nagdulot iyon ng
sakit sa kanyang ulo.
"Aaaahhh! Aaahhh! Aaahh! Ang sakit! Ang
sakit,sigaw ng utak niya! Mga mukha ang nakita niya. Mom, Dad! Sila ang mga
magulang ko. Si Cyrus, siya ang minahal ko. Ang mga alaala ko sa pagkabata
kasama ng mga magulang ko, ang mga alaala ni Cyrus, ang tagabantay, ang
aksidente, ang pagkamatay ni Albert, ang necro service, lahat ng alaala niya
bilang Albert, bumalik.
"Aaahh! Aaahh! Aaaahh! Ang sakit! Ako si
Albert! Ako si Albert! Ako si Albert!" mga namutawi sa isip niya. Aaahh!
Bigla na namutawi sa kanya at nawalan ng malay.
May mga naririnig siyang boses sa kanyang
paligid. Malalakas na boses ang narinig niya. May mga umiiyak siyang naririnig
sa kanyang paligid. Nahihilo siya sa lahat ng kanyang naalala. Siya si Albert!
Magmula sa pagkabata niya, sa aksidente hanggang sa bumalik ang kaluluwa niya
sa katawan ni TJ. Siya si Albert. Madilim ang kanyang paningin. Hanggang sa
unti-unti itong lumiwanag! Naulinigan niya ang mga mahinang tinig, waring
naguusap. Hanggang sa naging maliwanag ito.
Nabuhayan ako ng loob ng napansin kong gumalaw
si TJ. Waring nakikiramdam ito sa paligid dahil lumingon-lingon siya pero
parang wala pa itong nakikita. Unti-unting bumuka ang kanyang mga mata. Agad
lumapit sa kanya ang mag-asawang Respicio.
"Iho, ok ka na ba? Nahimatay ka
kanina," sabi ni mom kay TJ.
"Mom, Dad," mahinang sabi ni TJ na
ikinagulat namin nina Christian at Cielo. Nagtinginan kami ni Cielo. Alam namin
kung ano ang posibleng nangyayari ngayon.
Napangiti si mom at dad.
"Iho, ako si Emma Respicio at siya naman si
Alfonso Respicio. We are not your parents, iho! Pamangkin namin si Cielo na
best friend mo. Kumusta na pakiramdam mo, iho?" tanong ni mom.
"Mom, Dad!" biglang bangon ni TJ at
yakap yakap sina mom at dad.
"I miss you so much mom, dad! Mis na mis ko
kayo!" sabi ni TJ na humahagulgol habang yakap yakap sina mom and dad.
Nakita kong nadala sina mom at dad dahil namuo ang mga luha ng mga ito. Para
bang hinaplos ni TJ ang puso ng mga magulang na tulad nila kaya tinugunan nila
ang yakap nito.
"Iho, nagkakamali ka! Hindi kami ang mga
magulang mo. We are Mr. and Mrs. Respicio," tugon ni dad.
"I know, I know dad! Alam ko yun! Ako si
Albert!" biglang bulalas ni TJ sa mag-asawa habang umiiyak, habang patuloy
na dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi! Nagulat kaming lahat sa kanyang
sinabi. Lumayo sina mom at dad sa kanya.
"Is this a joke iho? Hindi ito magandang
biro," medyo may bahid na banta ang boses ni dad dahil pakiramdam yata
nito na hindi nirerespeto ang alaala ni Albert.
"Hindi ako nagbibiro dad! Mom, please
believe me! I'm Albert. Ako si Albert mom!" sagot nito na lalong ikinaluha
ni mommy. Mataman kaming nakikinig. Di ko narin napigilan ang napaluha sa mga
rebelasyong sinabi ni TJ. Biglang nagsalita si Cielo.
"Tito, tita. I think, TJ is telling the
truth. Ikinwento niya sakin ang mga panaginip niya nang makita niya si Cyrus sa
birthday party ko. Hindi ako naniwala nung umpisa pero nang sinabi niya ang
laman ng panaginip niya, naniwala ako dahil hindi pa niya nakita ang mga iyon,
wala siyang alam tungkol kay Albert, pero lahat ng nangyari kay
Albert,napanaginipan niya." mahabang paliwanag ni Cielo. Napaupo ang
mag-asawa sa narinig kay Cielo.
"Imposible! Imposible! Paano nangyari na
ikaw si Albert? Bakit kami maniniwala sa'yo?" malumanay na tanong ni mom
na naguguluhan.
"Please mom, dad,alam kong nararamdaman
niyo! Cy, please, ako ito mahal ko! Maniwala ka. Ako ito mahal ko," lalo
itong napaiyak sa pangungumbinsi niya sa amin para maniwala kami.
"Please naman! Please believe me! Bumalik
ako! Bumalik ako para sa inyo!" hagulgol ni TJ. Napayuko ito sa pag-iyak.
Ngunit bigla itong nag-angat ng kanyang mukha.
"Mom," tawag niya kay mommy Emma.
Tumingin naman si mommy Emma.
"Mom, bago ako namatay, may mga ibinilin
ako sa'yo. Ang Villa, sinabi kong ipamana mo kay Cyrus,
ang trust fund ko, ibigay sa kanya. Ang
singsing, ibinilin kong ilagay sa urn pag namatay ako. Sinabi kong babalik ako
at ako mismo ang magsusuot nun sa aking daliri para kay Cyrus" sabi nitong
nakatingin kay mom at tumingin sakin ng bahagya. Napansin kong namuo ang mga
luha sa mata ni mom nang marinig iyon. Pati ako ako napaluha din sa huling
pahayag nito.
"Dad, walang ibang nakakaalam ng sikreto
nating ito. Minsan naglalaro tayo ng habulan sa batis, bigla akong nadapa at
nasugatan ang aking tagiliran, di natin pinaalam iyon kay mommy. Sinikreto mong
ginamot mo iyon hanggang sa gumaling," sabi nito kay dad. May pagtataka sa
ekspresyon ng mukha niya at nagsimula muling namuo ang luha sa kanyang mga
mata. Tumingin ito kay mom na wari'y sinasabing si Albert lang ang nakakaalam
nun. Nadurog ang puso ko nang tinitigan ako ni TJ nang matagal at ngumiti.
"Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay
ko. Nangako akong babalik. Sinabi kong mata ang magiging basehan mo. Hindi ko
alam kung naintindihan mo ang pagbanggit ko sa salitang mata. Pero yun ang
huling salitang sinabi ko sa'yo," patuloy nito na may hapding nararamdaman
na siyang ikinahagulgol niya lalo nang makita niyang hawak-hawak ni Christian
ang kamay ko na dating siya ang nakahawak. Di ko ring napigilang umiyak! Dahil
lahat ng sinabi niya tama! Yun ang eksaktong sinabi ni Albert nang huling
magpaalam ito sa akin.
"Pagkatapos kong nalagutan ng hininga,
hindi lang kayo ang nagdusa. Pati rin ako," patuloy niyang kwento habang
pahid-pahid ang luha niya.
"Nakita ko kayo kung paano niyo ako iyakan.
Alam kong napakasakit sa inyo ang pagkawala ko! Nakita ko kung paano ka
nagmakaawa sa doctor na irevive ako. Nakita ko kung paano ka nasaktan sa
pagkawala ng buhay ko Cy! Ang sakit! Ang sakit-sakit na makita ko kayong lahat
na umiiyak sa aking pagkawala! Sinundan kita Cy, sa church ng ospital, nakita
ko kung paano ka magmakaawa sa kanya para lang ibalik ako. Kahit sinisigawan
kitang nasa tabi mo ako, di mo ako marinig Cy! Walang kasingsakit nang malaman
kong patay na ako at isa na lamang espiritu na di niyo makita," patuloy
ang paliwanag niya na humagulgol ulit sa mga sakit na naranasan niya. Di ko
napigilang humagulgol na inalala lahat ng pait ng kahapon lalo na nang namatay
si Albert. Tumingin siya muli sakin.
"Binantayan kita pati sa pagtulog mo,
nakita ko ang mga hagulgol mo gabi-gabi. Sinundan kita hanggang nagresign ka
dahil gusto mong hindi makasagabal ang trabaho sa pagbantay sakin! Binantayan
kita Cy. Narinig ko lahat ng sinabi niyo sakin nung necro service! Tinatarakan
ang puso ko sa bawat luha niyong pumapatak! Ang I love you anak na sabi ni dad,
ang pagtaas mo nang kamay mo para sabihin sa lahat ng tao, ni walang bahid ng takot
na ipagsigawan na mahal mo ako Cy habang suot-suot ang singsing na yan,(sabay
turo sa singsing na nasa aking daliri) napakasakit nun sa akin, mom, dad, Cy!
Ang sakit!" muli niyang pahayag na wari'y sasabog ang dinadalang sakit sa
dibdib at tanging pagiyak lang ang solusyon para maibsan iyon. Patuloy siyang
umiyak! Hindi kami makapagsalita lahat dahil sa sakit na nararamdaman namin,
dahil sa pag-iyak ng bawat isa samin. Nakikinig lang kami sa kwento ni TJ.
"Sinundan kita hanggang inihatid mo ang abo
ko sa munting kastilyo! Hanggang sa narinig ko ang Paalam Mahal Ko! Pinanood
kita at nakita kong nagdurusa ka. Niyakap kita nang gabing iyon hanggang
magdamag kahit alam kong di mo na iyon nararamdaman!" muli siyang umiyak.
Muling piniga ang puso namin nina mom and dad habang nakikita naming umiiyak si
TJ sa harapan namin para mapatunayan lang na siya si Albert.
"Pero teej, bakit ngayon mo lang sinabi ang
mga yan? Bakit hindi mo yan nalaman sa mga panaginip mo?" sumisinghot na
tanong ni Cielo.
"Ang tagabantay sa tarangkahan ng langit!
Ang tagabantay! Siya ang gumawa ng kondisyong iyon! Siya ang nagbigay ng
kondisyong iyon bago ako makabalik sa lupa," paliwanag niya pero
naguguluhan parin kami.
"Sa ikasampung araw ng espiritu ko dito sa
lupa, hinigop ako ng isang malakas na pwersa. May dalawang pila akong nakita.
Nakipila ako pero ipinagtabuyan ako sa unang pinagpilahan ko. Buti nalang dahil
para pala yun sa mga pupunta sa impyerno. Inakay ako ng isang bata sa kanyang
pila, sinabing hindi ako nababagay doon at doon ako nakipila hanggang marating
namin ang isang napakataas na puting tarangkahan. Nang papasok na ako, napansin
ng tagabantay na wala akong krus na marka sa kamay, dahil ang markang krus ang
tanda na ang isang tao ay patay na at pwede ng pumasok sa tarangkahan, dahil
wala akong krus sa kamay, tiningnan niya ang listahan ng mga mamamatay, pero
wala ako doon. Nagkamali ang tagabantay sa pagtala dahil sa taong 78 dapat ako
mamamatay pero 18 ang inilagay niya. Kaya pinabalik ako dito sa lupa sa
katauhan ni TJ na mamamatay sa isang plane crash. Ang panaginip ay isa sa mga
regalo ng tagabantay para maalala ko kayo. Dahil sabi niya, pag pumasok ako sa
katawan ni TJ, ang katauhan lang ni TJ ang maaalala ko at hindi ang katauhan ko
bilang si Albert." hikbi niyang kwento.
"Pero nagbigay siya ng kondisyon para
maalala ko na ako si Albert. Kailangan ko muna daw makita in person ang mga
taong malapit sa akin. Ikaw Cy, mom at dad! Kayo ang kondisyon para maalala ko
na ako ang anak niyo na si Albert! Kaya kahit napapanaginipan ko lahat ng
nangyari, kahit nakita ko na si Cyrus, may kulang parin. Kaya nang makita ko
kayo kanina,mom, dad, bumalik sakin lahat ng alaala ko bilang anak niyo.
Ibinalik na sakin ng tagabantay iyon sakin. Mahirap paniwalaan mom, dad,pero
yun ang totoo! Ako ang anak niyo! Ako si Albert! Mahal, ko ako ito. Maniwala
kayo sakin," muli niyang iyak habang palipat-lipat siya ng tingin sa amin.
Hindi na napigilan ng lahat ang mag-iyakan. Tumingin ako kay Christian,
nanlulumo ang itsura nitong umiiyak na parang nababanaag ang matinding
kalungkutan sa kanyang bilugang mata. Lumapit si mom and dad kay TJ!
"Anak! Anak! Ikaw talaga yan!" patuloy
na iyak ni mommy.
"Salamat sa diyos at ibinalik ka! Di mo
kailangang magmakaawa anak, kilala ka namin. Alam namin ikaw si Albert! Ikaw si
Albert," lumuluhang tugon ni daddy at nagyakapan ang tatlo. Nang
maghiwalay sila, humarap sakin si TJ/Albert, kinuha ang kamay ko at hinalikan
iyon!
"Mahal ko, tinupad ko ang pangako ko sayo!
Bumalik ako," lumuluhang wika nito sabay kuha ng kamay ko at
hinalik-halikan iyon. Ayokong bawiin ang mga kamay ko para maramdaman ko na
talagang bumalik na si Albert. Kumpirmado nang bumalik siya para sakin.
Nagyakapan kami ni Albert! Nagyakapan kami kahit alam kong nasa harapan namin
si Christian na nasasaktan. Pagkatapos nun, kumawala ako sa yakap niya.
"I'm sorry Albert! Di na pwede!" wika
kong hirap na hirap dahil sa sakit na pakawalan ang pangakong binitawan ko sa
taong namatay na pero muling nabuhay sa ibang katauhan.
"Hindi na pwede!" muli akong
humagulgol.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Christian at
umiiyak na umalis sa mansiyon.
"Albert, I'm sorry!" umiiyak kong
paumanhin kay Albert. Tumakbo ako para sundan si Christian.
"Cy, mahal ko!" humahagulgol na sigaw
ni Albert at akmang hahabulin ako pero pinigilan siya ni mom at dad.
"Anak, hayaan mo munang mag-usap silang
dalawa!" pigil ni mom sa kanya habang inaalo ito sa patuloy niyang
pag-iyak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento