Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Kabanata 5 Ang Pagbabalik Part 1

Natigilan ako sa aking malalim na pag-iisip. Madaming nangyari sa loob ng limang taon. Para sa akin naging kapaki-pakinabang ang pakikipagbuno kay kapalaran. Marami akong nakilalang lalaki na naging bahagi ng buhay ko pero nananatiling nangibabaw ang pagmamahal ko kay Albert. Limang taon na ang nakalipas pero wala paring Albert ang bumalik. Naniwala akong babalik siya pero unti-unti ko ng tinatanggap na wala na siya talaga. Hindi naman siguro kasalanan kay Albert na magmahal ako muli. Hindi ko alam kung sino ang darating sa aking buhay basta nakapagdesisyon na akong buksan muli sa iba ang aking puso. Si Albert, mananatili siyang bahagi ng aking puso at buhay. Hinding-hindi kailanman mapapalitan ng darating ang bahagi ng puso kong nailaan para kay Albert. Mananatili siyang isang napakagandang panaginip na nagdudulot ng ngiti sa aking labi. Ang sarap balikan ng pagiibigang inilaan namin sa isa't-isang. Masarap balikan ang mga ala-ala ng mga taong naging bahagi ng aking buhay sa loob ng limang taon.
Iniwan ko ang kolehiyo at pumasok sa isang pampublikong paaralan. Lalo kong naramdaman ang halaga ko bilang guro ngayon. Patuloy kong pinagsilbihan ang kolehiyo bilang isa sa mga myembro ng board of trustees at part time instructor. Lumago ang perang iniwan ni Albert dahil sa magandang pinaglaanan at pamumuhunang aking ginawa. Maayos ang naging buhay ng mga nakasama ko sa buhay. Pati si Enzo na hindi nun matanggap ang pamilya niya, ngayon kumpare ko na siya sa kanilang unang anak at buntis na naman si Princess. Naging masaya ang aking buhay kahit papaano. Binigyang-kahulugan ito ng mga taong dumating at naging bahagi nito sa loob ng limang taon.
Isang linggo na pala akong nandito sa Manila para sa Christmas Vacation. Isang linggo akong nakipagbonding sa mag-amang Mon at junjun. Masaya ako sa mga nangyayari sa mag-ama. Lalo kong nakita kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
Bumalik ako sa aking kasarinlan ng biglang tumunog ang aking cellphone.
"Hello Cy," bungad ng boses.
"Hey Shells!" sagot ko.
"I thought, you'll gonna come and visit my place. It's been more than a week since you called," sagot nito.
"Oh yeah! I will go there soon. I bonded with a dear friend so i didn't find time to visit you in my first week here," paliwanag ko.
"Hmmm, I'm gonna introduce you to my model. Ive convinced him to do the shoot this summer." sagot niya.
"Oh, I'm lookin' forward meeting him," sagot ko.
"Hey Shells, i might be there on Wednesday. I just need to shop today and tomorrow," sagot ko.
"Wednesday? Hmmm,sure. But you need to go back here on friday. It's my birthday. I invited some friends to come over." sagot nito.
"Ok, see you then," sagot ko.
"Ok, see ya! Bye." sagot niya.
Hay, kailangan ko talagang marinig ang konsepto ng shoot. Di naman siguro magagalit si Albert kung pagbibigyan ko ang hiling ng kanyang pinsan. Hanggang batis lang naman ang shoot at hindi maapektuhan ang hidden sanctuary namin. Kailangan ko munang mamili ng mga ipapasalubong ko sa mga pinsan ko paguwi ko pagkatapos ng Christmas. Kailangan ko ding maging trendy sa get up ko kasi matagal-tagal na akong di nakapamili dahil naging busy sa work. I decided to go shopping sa SM megamall dahil yun ang pinakamalapit sa aking area.
Namili ako ng mga gamit sa aking pinsan pati rin kay mama. Sinunod ko ang mga polo at pantalon na maaari kong gamitin sa mga iba ko pang lakad at sa school. Sinunod ko ang pagbili ng sapatos. Dito talaga ako nagtatagal sa pamimili dahil paborito ko ang sapatos. Kahit nga luma minsan ang aking damit basta may luma akong sapatos, ok na ako. Ewan ko, iba ang dating ng sapatos sa akin. Napagdesisyunan kong mamili ng apat na pares dahil walang ganitong mga klase sa probinsiya. Mas maraming pagpipilian dito sa Manila kung kaya naman, gusto kong sulitin ang pagkakataon. Wala namang problema dahil may dala akong sasakyan. Kumain muna ako ng lunch dahil siguradong mapapalaban ako sa pagpili ng mga sapatos. Pagkatapos kong kumain, dumiretso ako sa area ng mga sapatos. Agad akong nakapili ng dalawa sa loob ng isang oras. Natuwa ako dahil hindi ako ganun katagal namili. Alas tres na ng makompleto ko ang apat na sapatos. Hawak-hawak ko ang madami kong pinamili, pinagtitinginan ako ng mga tao dahil parang nagpanic buying ang itsura ko. Akmang pupunta ako sa isang pizza fastfood nang parang may pamilyar na mukha akong nakita sa isang wardrobe area. May kasama itong magandang babae at pumipili sila ng damit. Kinailangan ko talagang sundan sila ng tingin para makompirma kung siya ba talaga! Bahagya itong nakaside view kaya hindi ko alam kung siya talaga! Hinintay kong humarap ito. Humarap ka! Humarap ka please,naisip ko. Wari'y narinig niy ang sinabi ko. Humarap nga siya! Bumulaga ang isang pamilyar na mukha. Lalo itong kuminis at gumuapo sa itsura niya. Mamula-mula ang kutis nito at nakangiting itinataas ang damit sa kasama niyang magandang babae. May nabuhay na excitement sa aking puso. Anong ginagawa niya dito sa Pinas,naisip ko. Lumapit ako sa kanila dala-dala ang aking pinamili.
"Christian? Christian Mendez?" ang bungad kong tanong.
Bahagyang nagulat sila sa boses ko. Nagtinginan sila. Ano yun? Parang may excitement din ang tinginan nila,naisip ko.
"Cy? Cyrus? Ikaw ba yan?" sagot nito nang makita ako kasabay ng pagkagulat at pagngiti niya na para bang napakasaya. Lalo siyang gumuapo sa ngiti niyang iyon. Nagulat ako nang niyakap niya ako ng mahigpit.
"Small world!" sabi ko.
"What are you doin' here? I thought, you're in Canada?" dagdag ko.
"I'm on vacation," sagot niyang nakangiti.
"Ehem! Ehem!" ang parinig ng kasama niyang babae.
Tumingin kami sa kasama niyang babae.
"Is she the one?" masaya kong tanong. Tumawa ang babae na ipinagtaka ko.
"Hahaha! I wish!" sagot nito.
"By the way, I'm Jazz. Christian's BEST FRIEND," sabi nito na idiniin ang salitang best friend sabay tingin kay Christian.
"Please to meet you Jazz. I'm Cyrus Mendoza, Christian's...." nabitin ako sa sasabihin dahil pinutol iyon ni Jazz.
"I know you," maikling sagot niya na napatingin kay Christian. Binitiwan ko ang mga dala-dala ko at nakipagkamay sa kanya.
"Andami niyan ah!" komento niya.
"Yeah, paminsanminsan lang kasi akong pumupunta dito kaya sinulit ko,"sabi ko.
"Hey Chris, why don't you help him carry his baggage," mungkahi nito kay Christian. Sumunod naman ito na kinuha ang ibang gamit sakin.
"So you're the famous Cyrus Mendoza," muling sabi ni Jazz na ipinagtaka ko.
"Hey!" saway ni Christian sa kanya.
"Bakit ba? Para malaman niya," pilit nito. Pero pinukulan siya ni Christian ng masamang tingin kaya tumigil.
"Magmirienda tayo," suhestyon ko.
"Mabuti pa nga" sagot ni Christian. Pumunta kami sa isang fastfood.
"How long have you been here?" tanong ko.
"One week na ako dito Cy," sagot niyang nakangiting nakatitig sakin. Para bang sabik siya sa aking mukha at matagal na niyang gusto itong makita. Medyo nailang ako sa pagtitig niya kaya nagbaba ako ng tingin.
"Actually Cy, ikaw ang una niyang pinuntahan pagkauwi niya. Kaya lang your mom told him na nandito ka sa Manila," pagbubuking ni Jazz.
"Jazz, ano ba?" nahihiya niyang saway sa kaibigan niyang matabil.
"Talaga? Pumunta ka sa bahay? Ba't di man lang nagtext sakin si mama?" sagot ko.
"Sinabi ko kasing wag munang sabihin sayo para surprise! Parang kabaligtaran ata nangyari, ako ang nasurprise." sagot nito.
"Matagal na niyang gustong umuwi para sa'yo Cy. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit inlove sa'yo ang mokong na'to..." tuluy-tuloy na sabi ni Jazz.
"Stop it Jazz," tugon ni Christian. Bahagya akong napangiti sa sinabi ni Jazz dahil nakita ko na naman ang pamumula ni Christian.
"Talaga? Inlove parin ba sakin yan?" sabay tingin ko kay Christian na waring sinusutil siya.
"Sobra Cy. Di ka niya nakalimutan," sagot ni Jazz. Ako naman ang pinamulahan sa sagot ni Jazz. Nailang tuloy kami ni Christian. Napakaguapo parin niya at naging well-defined ang katawan niya. Sumagi sa isip ko ang mga gabing kami'y magkasiping. Napangiti ako.
"Uy, kinikilig si Cyrus!" kantyaw ni Jazz. Lalo akong pinamulahan ng mukha. Nakita kong nakangiti si Christian.
"Namis kita Cy! Sobra!" ngiti nito sabay hawak sa aking kamay.
"Ako din naman! Kaya nga gulat na gulat ako kaninang nakita kita,"tugon ko.
"Talaga Cy? Namis mo ako?" di makapaniwalang tanong niya.
"Oo naman!" pinisil ko ang pisngi niya na ikinagulat niya. Pero may bahid ng tuwa sa kanyang mga ngiti at mata.
"My God! May kasama kayo ow! Pansinin niyo naman ako! Andaming langgam oh! Grabe!" kikay na reklamo ni Jazz. Natawa kaming tatlo sa itsura nito. Natapos kaming kumain. Hindi namin napansin na gabi na pala. Nagyaya akong umuwi na.
"San ka ngayon Cy?" tanong ni Christian.
"Sa isang kamag-anak malapit lang dito," sagot ko.
"Hey Cy, why don't you accompany Chris in his condo tonight? Wala siyang kasama dun!" mungkahi ni Jazz.
"Hmmm, ok lang sakin. Wala naman akong pupuntahan. Gusto ko rin kabonding to ngayon eh. Tagal naming di nagkita." sagot ko.
"Really? You wanna go with me?" di makapaniwalang sagot ni Christian.
"Bakit ayaw mo? Wag nalang din. Sige Jazz, ayaw ni Chris eh! Mauna na ako!" inarte ko.
"Ay hindi, gustung-gusto ko Cy. Di lang ako makapaniwala na sasama ka," sagot ni Chris.
"So pano ba yan? Mauna na ako sa inyo." paalam ni Jazz na agad pumara ng taxi.
"Tara sa kotse Cy!" yaya ni Chris.
"I have my car. Sundan nalang kita." sagot ko.
"Sige, sige Cy! Salamat ha!" sagot niya sabay kindat. Napangiti ako sa ginawa niyang iyon. Narating namin ang condo ni Christian. In fairness, maayos at maganda ang unit ni Christian. Very manly ang interior design ng loob. Bagay sa isang guapong adonis na kasama ko ngayon.
"Feel at home Cy! Ligo lang ako," sabi niya.
"Wag muna Chris. Pahinga ka muna bago maligo! Lika muna dito," sagot ko at niyaya siya sa tabi ko na maupo.
"Kwento ka naman sa buhay mo sa Canada" bungad ko.
"Wag nalang Cy. Ayokong isipin ang buhay ko dun," sagot niya.
"Bakit naman?" sagot ko.
"Wala ka dun eh," diretsyong sagot niya.
Isang mahabang katahimikan ang sumunod sa pagitan naming dalawa. Animo'y nagoobserba sa susunod na mangyayari. Pero alam namin na namis namin sa isa't-isa.

Tinginan at ngitian lang ang naging tugon namin sa isa't-isa. Ramdam ko parin ang kanyang pagmamahal. Ito na siguro ang pagkakataong hinihintay kong mangyari. Ito na ang oras para buksan muli ang puso ko sa isang Christian Mendez.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento