Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Kabanata 2 Unang Sabak, Dalawa ang Nasibak- Si Christian Part 1

"Krrrinnnng! Krrrinng!" tunog ng aking telepono. Napabalikwas ako sa aking kinauupuan. Tumingin ako kay mama at ngumiti siya sa akin. Maaaninag ang awa sa mga tingin ni mama sa akin. Umuwi ako sa aming bahay pagkatapos ng mga pangyayari na palaging tulala, palaging umiiyak. Walang araw na hindi ko naaalala si Albert. Walang gabing hindi basa ang aking unan. Walang umagang hindi namumugto ang aking mga mata sa pighating dulot ng pagkawala ng mahal ko. Isang pangyayari na nakapagpabago sa pananaw ko sa buhay at pagibig. Ipinangako kong hindi na ako iibig pa ng iba. Gusto kong isara na ng tuluyan ang aking puso. Dalangin ko na makayanan ko ito.
Tiningnan ko ang aking cellphone na kanina pa nagriring.
"Ow, anak, hindi mo ba sasagutin yan? Baka importante ang tawag na yan." wika ni mama habang nakatitig lang ako sa telepono. Nakita kong si mommy Emma ang tumatawag.
"Hello mom," sagot ko.
"Anak, nasan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay sa'yo. Nandito na lahat" sabi ni mommy.
"We're on our way now mom. Nasa sasakyan na kami. We'll probably be there in 15 minutes." sagot ko.
"Sige iho, hihintayin ka namin. Ingat kayo." sagot niya.
Ibinaba ko ang telepono at napatingin sa labas ng bintana. Hinaplos ako ni mama at nilingon ko siya. Binigyan ng pilit na ngiti. Napaganda ng sikat ng araw. Nagdadala ito ng pagasa sa akin, sa amin na iniwan ni Albert. Narating namin ang bahay ng mga Respicio sa syudad. Maraming tao. Waring ako lang ang hinihintay bago simulan ang misa para kay Albert.
Sinalubong kami ng mag-asawang Respicio pati ang mga kamag-anakan nila.
"Good morning, dad, mom!" sabay mano sa kanila. Nginitian ko ang iba nilang kamaganak. Binati din ako ng mga ito na may galak sa itsura nila. Tanggap nila ako bilang parte ng pamilya nila,naisip ko.
"Good morning balae" wika ng magasawa kay mama. Sumagot naman si mama ng may ngiti sa mukha.
"Kanina pa kami naghihintay" bungad ng mga ito.
"Pasensya na balae. Palagi kasing tulala si Cy. Kaya natagalan kami sa paghanda," bulong ni mama.
"Anak, pumayat ka ah. Mukhang hindi ka pa natutulog." sabat ni dad.
"Alagaan mo ang iyong sarili anak. Hindi magugustuhan ni Albert kapag nakikita ka niyang ganyan," tugon naman ni mom.
"Mahirap lang pong matulog at kumain ngayon, dad, mom. Pero pinipilit ko naman po." sagot ko.
Nakita ko ang repleksyon ko sa nadaanan naming salamin. Pumayat nga ako pero sa tingin ko,naging perpekto pa ang hugis ng aking katawan. Naging flat ang aking tyan at well-toned ang aking dibdib at braso. Nawala ang baby fats ika nga nila. Halata ngang hindi ako nakakatulog sa mga nakaraang araw. Nakikita ito sa aking mga matang pagod.
Natapos ang misa na walang pumasok sa ulo ko sa mga sinabi ng pari. Pagkatapos nito ay ang isang festive celebration para sa ika-40 days ni Albert. Kinuhanan kami ni yaya Luring ng pagkain sa isang table kasama ang magasawang Respicio.
"We're planning to leave the country tomorrow, iho." bungad ni mom.
"Tapos na ang 40 days ni Albert. Kailangan namin munang magbakasyon. We'll manage some of our businesses there. Kailangan din naming makamove sa mga nangyari." wika ni dad.
Tahimik lang akong nakikinig.
"Pag nakayanan namin ang klima doon, baka medyo magtagal kami doon iho. Wag kang magalala, ibinilin na namin sa mga kasambahay ang Villa." paliwanag ni mom.
"Ikaw nalang ang inaasahan naming magaalaga sa Villa iho. Wag mo sana itong pabayaan kahit medyo malayo ang lugar niyo doon." pakiusap ni dad.
"Wag kayong mag-alala dad, mom. Kahit hindi niyo sabihin, yun po ang aking gagawin."
"Salamat iho. Wag mo ring pabayaan ang sarili mo." turan ng mag-asawa.
Natapos ang araw na iyon na puro kwentuhan ang naganap. Naunang nagpaalam si mama sa amin dahil kinailangan niyang umuwi para sa pasok niya kinabukasan. Pinaalam ko din sa magasawa na sa Villa ako matutulog. Inulit nila na akin daw ang Villa kaya di na kailangang ipaalam pa. Ipapahatid daw ako ng mga ito sa driver. Sinabi kong hindi na kailangan dahil may bibilhin pa ako sa isang mall bago pumunta doon. Hindi rin ako napilit nina dad at mom.
Habang papalabas ako ng gate, nagkasalubong kami ni Christian. Pilit ko siyang nginitian. Nahihiya ako sa kanya dahil minsan akong nagsinungaling sa estado ng relasyon namin ni Albert. Nang lumampas na kami sa isa't-isa,
"Sir Cyrus." tawag niya sa akin.
"Yes, Mr. Mendez?" tugon ko sabay lingon. Alam kong nagaalangan siya sa pagsasalita. Ganun naman si Christian. Animo'y nahihiya palagi pero napatunayan ko na minsan na hindi naman pala.
"I heard, you resigned from the university?" tanong niya.
"Yes, Mr. Mendez. I left the university the day after Albert's death. Why?" tanong ko.
"Well, nanghihinayang lang ako sir kasi nawalan ang university ng isang asset na tulad mo. It was, i guess, too sudden leaving the university." sagot niya.
"Thank you for the compliment, Mr. Mendez. But it's the best decision I made. That university gives me a hundred reason to stay but it also throws back a thousand and one reason to leave. If you know what I mean, Mr. Mendez." makahulugan kong sagot.
"I perfectly understand sir." sagot niya habang tumatango-tango.
"I have to go now" pagiiba ko ng usapan.
Naglakad ako palayo. Pero hinabol ako ni Christian.
"Sir!" sigaw nito. Lumingon akong nagtataka sa paghabol niya sakin.
"You might as well want me to accompany you sir." sabi niyang humihingal.
"No, Mr. Mendez. I want to be alone. May pupuntahan pa ako bago umuwi." sagot ko.
"Samahan ko na kayo sir. Please. I'm sure, huling beses naman na natin ito na magkita di ba? Kahit huling bonding lang natin to sir" makulit na pakiusap nito. May pagkakulit din pala tong taong to,naisip ko.
"O, sige na Mr. Mendez. Let's go." sagot ko.
"I'll just get my car sir. It was parked at Respicio's residence" excited niyang sagot. Oo nga pala, they are neighbors. Malamang, invited lahat ng mga residents ng village, naisip ko. Tumigil ang kotse sa tapat ko. Sumakay ako. Tahimik lang at walang imikan. Binasag ni Christian ang katahimikan.
"It's awkward to ask this sir, but how's life after his death?" tanong niya. Nagulat ako sa tanong niya dahil napakainsensitive naman niya. Hindi man lang naisip ang nararamdaman ko.
"You don't want to hear my answer for that question, Mr. Mendez." i bluntly said.
"I'm sorry." paumanhin niya. Hindi na siya nagsalita pa noon. Pero naisip ko, that was the bravest question i ever heard. Kumusta na nga ba ako pagkamatay ni Albert. Ano na ang nangyari sa buhay ko? Nakalimutan ko ng maging masaya. Nakalimutan ko na may iba pa palang taong umaasa sakin, si mama, ang mga kamaganak ko, ang iba kong mga kaibigan. Umikot kasi ang buhay ko kay Albert. Kaya nakalimutan ko na may mga kaibigan pa pala ako, may mama pa ako na hindi tumigil sa pagmamahal sa akin. Pero wala akong ginawa kundi ang magmukmok. Hindi ko naman kasalanan yun. Masakit eh. Alam kong naiintindihan nila ang aking pinagdadaanan. Pero tama siya. How's my life after his death.?
"Para rin akong namatay" bigla kong bulong habang unti-unting umagos ang luha ko. Itinigil ni Christian ang kotse.
"Sir, buhay ka pa. Marami pang umaasa sayo. Hindi titigil ang buhay mo nang dahil lang namatay si Albert. Marami pang nagmamahal sa'yo. Nandyan pa sila. Nandito pa ako" sagot niya habang pinapahid ang umaagos kong luha sa pisngi. Naguluhan ako sa sinasabi niya. Nalilito ako sa lungkot na naaninag ko sa kanyang mata.
"I listened to your speech at the necro service. Honestly, i cried over it. It was the most heartwarming speech I heard. Punung-puno ng pagmamahal, punung-puno ng sakit, punung-puno ng kahulugan." unang wika niya.
"Naisip ko, nakakainggit naman si Albert coz there's this one guy who loves him so much. Isang disenteng tao, mahal ng lahat, nirerespeto, gifted with wit, guapo, higit sa lahat mabait. Napakaswerte ni Albert na minahal mo siya sir. Lalo na ng itinaas mo ang kamay mo at ipinakita ang singsing bilang simbolo ng inyong pagiibigan, lalo akong nainggit kay Albert. Napakadakila ng pagiibigan ninyo" patuloy niya na nakatingin sa suot-suot kong singsing sa aking daliri. Nagtataka man, patuloy lang akong nakinig sa kanya.
"I wish, i was Albert during that time. I wish, you would also love me the way you love him" sinserong rebelasyon niya. Mahirap magsalita. Ayokong ibuka ang aking bibig ng mga panahong iyon.
"But, I am not Albert." sagot niya. Pinaandar niya ulit ang kotse. Tahimik lang ako. Sinamahan ako ni Christian sa mall para hanapin ang bibilhin ko. Natuwa ako ng makita ko ang bagay na iyon.
"Anong gagawin mo dyan?" tanong ni Christian.
"Regalo ko to sa kanya. Ito ang isa sa mga gusto naming gawin ngayong summer pero..." hindi ko na itinuloy.
Naintindihan naman ni Christian ang ibig kong sabihin. Pagkatapos kong nabili iyon, nagpumilit si Christian na ihatid ako.
"Baka wala ka ng masakyan sir. Anong oras na ow." pagpupumilit niya.
"Sige, sa Villa Respicio tayo." Hindi naman siya nagulat sa sinabi ko. Parang inaasahan na niya na doon ako tutuloy. Baka nabalitaan na niya na pagaari ko na ang Villa. Habang nagdadrive siya, inabot niya sakin ang kanyang cellphone.
"Anong gagawin ko dito?" tanong ko.
"Pakisave ang number mo sir. Para textmates tayo." sagot niya. Natawa ako sa sinabi niyang iyon. Sa edad namin, pangteenager lang yun ah, naisip ko.
"Tingnan mo na, napakaguapo mo sir pag nagsmile ka. Alam mo bang yan palagi ang inaabangan ko sa klase pag pumapasok ka? Yang ngiti mo." nakangiting turan ni Christian.
Natigilan ako nung sinabi ni Christian iyon. May bumalik na ala-ala sakin. Parang may liwanag na kumislap sa aking imahinasyon.
"Ang ngiti mo ang nagbibigay ng lakas sakin. Alam mo bang inaabangan ko yan sa tuwing papasok ka sa klase? Nakakaadik tingnan ang ngiti mo, mahal ko" ang mga salitang naalala ko. Biglang lumungkot ang aking mukha na napansin ni Christian.
"May nasabi ba akong masama sir?" nagaalalang tanong niya.
"Wala... Wala Mr. Mendez. May naalala lang ako." sagot ko.
"Si Albert na naman! Haaay, sir!" buntong hiningang sagot niya. Ngiti lang ang naging tugon ko sa sinabi niyang iyon. Ibinigay ko ang number ko sa kanya at ibinalik ang kanyang cellphone. Narating namin ang Villa at bumaba ako. Bumaba din si Christian sa kotse hawak-hawak ang nabili kong raketa. Nagdoor bell ako at binuksan ng isa sa tres marias ang maliit na bahagi ng gate.
"Ikaw pala sir Cyrus. Pasok, pasok!" wika ng kasambahay.
"Sorry Mr. Mendez. It may sound rude after keeping me company, but I can't let you in. I need a subtle moment with him. I hope you understand. It's his 40th day." paliwanag ko kay Christian.
"No, no sir (sabay taas ng dalawang kamay at nagkibit balikat). I am perfectly on it. Naiintindihan ko, truly speaking. Thank you at pumayag kang samahan kita." sabay abot sa raketa.
"Thank you din Mr. Mendez. I have to go now." wika ko. Tango ang naging tugon ni Christian sabay senyas sa akin na aalis narin siya. Isinara ng kasambahay ang gate pagkatapos.
"Sir, anong gusto niyong kainin?" tanong ng kasambahay.
"Bahala ka na. Hindi naman ako mapili sa pagkain" nakingiting sagot ko.
Nagpaaalam ang kasambahay sa akin at tumuloy ako sa kwarto ni Albert. Hindi ko maiwasan pero muling nanariwa ang mga pangyayari. Nagtaas-baba ang aking hininga para mahimasmasan. Nagpalit ako. Kumuha ako ng short at manipis na tshirt sa cabinet ni Albert. Tumuloy ako sa munting kastilyo. Napakaganda talaga ng lugar na ito. Walang nagbago sa lugar. Talagang ginagawa nila ang bilin ni Albert. Hindi nabawasan ang linis at ganda ng lugar. Pumasok ako sa munting kastilyo. Nakatitig lang ako sa maliit na urn. Ipinatong ko sa tabi nito ang raketa ng badminton.
"Mahal ko, it's the 40th day of your death" bungad ko.
"I'm still struggling on how to move on. Hindi ko alam kung papaano! Hindi ko alam kung kailan at gaano katagal. Mahirap tanggapin na nawala ka sa buhay ko sa isang napakaiksing panahon. Ayan na yung raketa natin, mahal ko. Plano nating maglaro niyan ngayong summer pero paano ko pa gagawin iyon ngayon. Tulad ng singsing na ito, hindi ko magagamit ang raketang yan dahil wala ka. Wala na ang partner ko sa paglalaro niyan -at ikaw lang iyon, mahal ko. Kailangan ko daw isipin ang sarili ko, ang buhay ko. Pero papaano ko pa gagawin yun wala na ang bumubuhay sa aking pagkatao. Napahirap tanggapin na wala ka na mahal ko. Apatnapung araw na akong nagdurusa, mahal ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang buhay ko ng wala ka sa tabi." nagsimulang umagos ang luha ko.
"Wala akong ibang mamahalin kung hindi ikaw lang! Hindi ko alam kung kailan tayo muling magkikita! Pero panghahawakan ko ang pangako mong babalik ka. Hindi ko alam kung kailan, pero patuloy akong maghihintay, mahal ko kahit gaano ito katagal. Iiwan ko ang raketang yan, para magsilbing alaala na babalik ka. Gagamitin natin yan pagbalik mo," patuloy kong sinabi habang pinupunasan ang aking luha. Alam kong imposibleng mangyari yun pero ayokong bumitaw. Ayokong sumuko. Ito lang ang pinanghahawakan ko para patuloy na mabuhay. Umuwi ako ng mansiyon na luhaan. Hindi na ako kumain. Pumasok at nagkulong ako sa kwarto.
Kinabukasan, nagbilin ako sa mga kasambahay sa mga gagawin nila sa bahay. Sinabi kong baka matagalan ako bago bumalik sa Villa. Naintindihan nila iyon.
"Wag kayong magalala sir Cyrus, kami ang bahala dito" tugon nila.
"Hintayin niyo nalang si yaya Luring. Sigurado akong marami pang bilin sina,dad at mom" dugtong ko.
"Sige sir Cyrus. Ingat ka sa byahe. Tatawagan ka namin pag may emergency," sagot ng mga kasambahay.
Nag-abang ako ng masasakyan. Nang makasakay na ako, tumunog ang aking cellphone. Nakita kong bagong number iyon. Inspirational message lang iyon kaya hindi ko pinansin. Hindi kasi ako ang tipo na rereplayan ang taong hindi naman marunong magpakilala. Isinilid ko ulit iyon sa aking bulsa nang bigla na naman itong tumunog. Binasa ko ang mensahe.
"Hope you have a great day ahead, guapong guro"
Sino kaya to? Mukhang kilala ako. Alam niya na prof ako, naisip ko. Hindi ko parin nireplayan. May sumunod na naman text.
"Are you busy? Pauwi ka na ba o nasa Villa ka palang?"
Napaisip ako. Alam ko na noon na si Christian iyon. But I have to confirm if he really is the one texting. Nagreply na ako.
"Who's this please?" reply ko.
"Guess who..." sagot niya.
"Hindi ako manghuhula" sagot ko.
"Hahaha, It's Christian." sagot niya.
Doon nagsimula ang isang pagkakaibigan sa pagitan namin ni Christian. Lalo ko siyang nakilala sa palitan namin ng text. Aaminin ko, nabawasan ang pagmumukmok ko at mga iyak ko sa gabi dahil sa mga text ni Christian sa mga sumunod na araw. Pero kailangan ko ring aminin sa sarili ko na hanggang doon lang iyon, isang pagkakaibigan.
Nakilala ko si Christian bilang bunso sa tatlong magkakapatid. Iisang nabubuhay kasama ng mga kasambahay at ng kanyang tita dahil ang kanyang magulang at dalawang kapatid ay nasa Canada na. Hinintay lang ng mga ito ang kanyang pagtatapos para makasunod narin siya doon. Kaya pala tahimik siya at mas pinipiling magisa dahil nasanay siya sa ganung buhay. Halatang laking syudad si Christian sa paraan ng kanyang pananamit, sa pagsasalita at sa kulay ng kanyang kutis. Halata din na lumaki siya sa may kayang pamilya.
Isang araw, may pumuntang bisita sa bahay at kinukumbinsi akong magturo sa isang kolehiyo sa aming bayan dahil kailangan daw nila ng social science at english teacher. Kilala din ang kolehiyong ito sa area namin dahil malapit ito sa mga iba pang bayan. Kaya lang, tinanggihan ko iyon dahil plano kong magpahinga muna. I don't want to teach at this stage. I will only give a mediocre service. Hindi ko napansin ang cellphone ko dahil sa mga bisita. I checked on it, at nakita ko ang 15 missed calls from Christian. Binasa ko ang mensahe.
"Sir, reply ka naman diyan"
"Sir..."
"Busy ka ba sir"
"Sir, ano na?"
"Sir, ok lang ba?"
"Sir,pwede ba?"
"Sir, nasiraan kasi ako malapit sa area niyo, pwede bang dumalaw muna kc matatagalan pa daw ayusin ang kotse ko"
Yan ang sunud-sunod na message ni Christian. Kaya dali-dali ko siyang tinawagan.
"Hello, Mr. Mendez" bungad ko.
"Hello Sir, akala ko galit ka. Hindi ka kasi sumasagot eh," sagot niya.
"May mga bisita ako kanina. Kaya di ko agad nakita ang message mo. Nasan ka ba?" tanong ko.
Sinabi niya ang lugar kung nasaan siya. Sinabihan kong sumakay ng jeep papunta sa amin at sasalubungin ko nalang siya ng motor. Ganun nga ang naging usapan namin. Nagtext siya nang nasa lugar na napagusapan. Sinundo ko. Nagulat ako dahil talagang nakasummer wear siya. Nakastriped sando siya with yellow short na nagpalitaw lalo ng kanyang kaputian at kakinisan. Sinamahan pa ito ng white flipflops sinamahan ng shades at body bags. Ang porma ni Christian. Lahat nga ng mata ay nakatingin sa kanya ng mga panahong iyon. Para silang nakakita ng isang hot actor sa klase ng tingin nila lalo na at bagong salta siya sa lugar namin.
"Sir!" sigaw niya nang makita niya akong bumaba sa motor. Nagtinginan ang lahat ng tao dahil malakas ang pagkakasigaw niya. Nginitian ko siya. Sinalubong niya ako at sabay yakap sakin.
"Ito pala ang lugar niyo sir. Mukhang tahimik dito" komentaryo niya.
"Halika ka na." sabi ko.
"Ang guapo mo pala sir pag bagong gising," bulong niya.
Kagigising ko nga pala. Halata ito sa suot ko at magulong buhok ko. Hindi na ako nakapagayos. Tinginan parin ang mga tao sa aming dalawa. Waring naiinggit sa mga itsurang meron kami.
"Sir, ang sexy mo. Nakakahmmm. Ganda ng katawan mo sir, naggigym ka ba?" bulong ulit niya sa akin. Lumabas kasi akong nakaboxer's at sando lang.
"Luku-luko ka Mr. Mendez. Hindi ako nagigym. But Im thinking about it." sabi ko.
"Sir, Christian nalang. Hindi naman na kita prof eh. Besides, wala ka na sa university," sabi niya.
"Ok, drop the 'sir' then. Cyrus nalang." sabi ko.
"Deal!"
Nakarating kami sa bahay. Humingi ako ng pasensya sa nadatnan niya.
"Ano palang ginagawa mo sa area namin?" tanong ko.
"I wanna do some island hopping down here." sagot niya.
"Alone?" tanong ko.
"Yah! Well, i always love to be alone. I find happiness in solitude,you know. Unless, you want to come with me," sagot niya.
"Wala akong ginagawa ngayon. Malay mo masamahan kita. Im familiar with the best beaches near our area?" naginsinuate ako sabay ngit ko sa kanya.
"Hmmm, that would be great!" sagot niya.
Pinaghanda ko siya ng makakain. Maya-maya lamang,
"Cy, can I ask a favor?" bigla niyang tanong.
"Sure, Chris." sagot ko.
"Wala pa daw kasi yung pyesa na kailangan ng sasakyan. Kinailangan pa nilang bumili sa city. Eh mamayang hapon pa daw ang dating. Baka bukas pa daw magawa. Para makisabay ka na sakin bukas. Pwede bang makitulog dito sanyo?
Hindi ko inaasahan yun. Pero makikitulog lang naman diba?
"Yun lang pala Chris. Walang problema." sabi ko.
"Salamat Cy," sagot niya na nakangiti ng maluwag.
Author's Note:

Kahit may mga masakit na pangyayaring dumating at kahit may nawalang tao sa buhay natin, may mga dumarating para punan ang pagkawala. Ngunit hindi ibig sabihin noon na kaya na nilang palitan ang mga iyon sa buhay natin. Dahil kapag nagmahal ka ng totoo, isasara mo na ang pinto ng puso mo. Abangan pa ang mga exciting happenings and experiences sa buhay ng ating bidang guro -si Cyrus. 50 likes naman sa Album.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento