Nagbago ang mood ng hapag kainan dahil sa
insidenteng iyon. Humingi ng pasensya si mama kay TJ sa naging asal naming
mag-ina. Ayon dito, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita si TJ
na kamukha ni Albert. Magaling din kasi mangilatis si mama lalo na't mata din
ang una niyang nakita kay TJ. Tumuloy ako sa aking kwarto at naligo para kahit
papaano maibsan ang bigat ng aking nararamdaman. Tama si mama. Mis na mis ko na
talaga si Albert. Pero pinupunan ni Christian ang lahat ng iyon. Ayokong maging
unfair sa kanya. Ayokong pagtaksilan siya. Pero hindi ko mapigilan ang sarili
ko lalo na't nasa tabi ko lang ang taong makakapagpaalala sa kanya. Binuksan ko
ang shower at naligo. Sinabon ko ang bawat sulok ng aking katawan para marelax
ang aking pakiramdam. Kung minsan kailangang maging mabango lagi kasi nagdadala
iyon ng kakaibang aroma sa ilong na nakakarelax. Natapos akong maligo. Nagpalit
at pumunta sa terrace. Nakatitig lang sa natatanaw kong fishpond na
napapalibutan ng mga niyog.
"Cy can I use your bathroom?" boses ni
TJ.
Napalingon ako sa kanya. Oo nga pala, walang CR
sa loob ng kwarto niya.
"Sure teej!" sagot ko sabay akay sa
aking kwarto. Iginiya ko siya sa kwarto. Inilibot niya ang kanyang paningin sa
kwarto ko.
"We both have the same eyes! Kamukha ko nga
siya 9 years ago." biglang sabi ni TJ. Tiningnan ko kung saan siya
nakatingin. I LOVE YOU CYRUS, ang nakalagay sa tarp kasama ang larawan ni
Albert.
"You still love him." turan niyang
nangungusap ang mga mata. Ngiti lang ang isinagot ko. Pumasok siya sa CR at
bumalik ako sa terrace.
SA LOOB NG CR
Pakiramdam ko ako si Albert. Sa nakita kong
reaksyon nilang mag-ina kanina, parang natunaw ang puso ko. Malakas ang kutob
kong ako si Albert. Kailangan ko lang ng oras para mapatunayan yun sa sarili ko
at sa kanilang lahat. Konting tiis nalang. Buo na ang desisyon ko. Kailangan
kong ipaalala lahat kay Cyrus ang alaala nila ni Albert -ang alaala namin!
Hindi niya pwedeng kalimutang si Albert- ako! Sa tingin mahal pa niya a-ako!
Lahat ng nakita ko sa panaginip ko, kailangan kong gawin yun para maalala niya
na buhay si Albert. Kailangan kong ipakita yun sa kanya para pag napatunayan ko
nang ako talaga si Albert, madali nalang niyang matanggap. Kailangan ko lang
hintayin ang mga Respicio. At kailangan ko ring gumawa ng paraan para makapunta
sa Villa. Kailangan kong makita right in front my eyes ang mga nakita ko sa
panaginip ko. Ngayon, my job is to remind him about his past with Albert. Dahil
ko sa sarili ko, base sa panaginip na iyon, na ako si Albert, na nabuhay ang
kaluluwa ni Albert sa katauhan ko. Pero kailangan kong magdahan-dahan para
hindi niya mahalata. Im sorry Cy if i will let you feel a memory torture these
coming days. Kailangan kong gawin ito to bring back the pieces of puzzle i left
behind. Ang mga nasabi ni TJ sa kaniyang isip. Tinapos niya ang naligo. Nagsuot
siya ng manipis na boxer short at sando na nagpakita ng balanse at kaakit akit
niyang katawan, dagdag pa ang de otso niyang tarugo. Balak niyang akitin si
Cyrus para maalala nito ang mga ginawa nila ni Albert noon.
Nasa malalim akong pag-iisip nang maramdaman ko
ang mga yabag ni TJ papalapit sakin. Nilingon ko siya. Napasinghap ako sa aking
nakita. Napakaganda ng katawan niya. Para siyang isang demigod sa porma niyang
nakakaakit. I really don't know but he is a perfect example of a jaw-dropping
sight. Animo'y nakahubad siya sa nipis ng kanyang suot. Napakagandang tanawin. Ang
kanyang katawan na animo'y pinaghirapang gawin ng isang sculptor maperpekto
lang ito, ang kanyang tarugo na animo'y nangaakit, parang isang ibong gustong
kumawala sa hawla. This man is physically a demigod! Parang isang panaginip may
isang napakaguapong lalaki ngayon sa harap ko. Nahimasmasan lang ako nang
magsalita ito sa harapan ko.
"Relaxing view! Know what, even if my plane
bound to Paris crashed 5 years at sa tubig ako nawalan ng malay, i always find
bodies of water refreshing." tumingin siya sa akin. Nagkainteres ako sa
kwento niya kaya nakinig ako.
"Pag nakakarinig ako ng tubig, it reminds
me about my second life," patuloy nito na nakatitig sa fishpond.
"May hinahanap nga akong lugar. Pag
nagbabakasyon ako, gusto kong makakita ng ganung lugar! Pero ewan ko, hindi ko
ata mahanap." turan nito.
"Eh, ano ba yung lugar na iyon?"
tanong ko.
"Paraiso Cy! I want to be in a
paradise," sagot niya. Tinawanan ko yun! Tumingin siya sakin. Matamang
tinitigan ang aking pagtawa.
"Mas gusto kong tumatawa ka kaysa nalulungkot
ka," madamdamin niyang tugon. Napatigil ako.
"Alam mo, gusto kong makakita ng tubig,
yung malinaw na malinaw na tubig. Yung may mga puno sa paligid, may talon, may
batis, may mga orchids, mga bulaklak sa paligid! Gusto kong makapunta sa ganung
lugar Cy," muling pahayag niya na tinitingnan ang reaksyon ko.
Natigilan ako sa kanyang sinabi at hindi ko iyon
naitago. Paano niya nalaman ang mga iyon? Perfect description iyon ng Villa
Respicio. Hindi naman alam ni Cielo yun kasi iilan lang ang pinapayagang
makarating doon. Hindi ito maaari. Posible ba talaga na si Albert itong kausap
ko?
"Mayroon ka bang alam na lugar na ganun Cy?
Gusto ko sanang ipasyal mo ako," muling pahayag niya habang titig na titig
sa bawat reaksyon ko. Bakit parang pinag-aaralan niya ang mga reaksyon ko?
"Hmmm, meron but that's an exclusive place.
Hindi basta-basta makapasok doon." sagot ko.
"Pero pwedeng puntahan?" sagot niya na
halatang pursigido sa kanyang boses.
"Hmmm, yeah! Pwede!" sagot ko na
nagkibit-balikat.
"Puntahan natin bukas! Ako kakausap sa
may-ari para papasukin tayo," excited niyang tugon. Paano ba ito? Ako nga
ang may-ari TJ! Paano pa ako makakatanggi ngayon, naisip ko. Makulit din tong
taong to talaga!
"Ikaw Cy, pag nakakarinig ka ng lagaslas ng
tubig, sino naaalala mo?" bigla nitong tanong na ikinagulat ko at
ikinalungkot ng itsura ko. Tumingin ako sa pond. Gusto kong maluha, namuo ang
luha ko pero pinigilan ko iyon. Napansin niya iyon pero tahimik lang siyang
nakatingin. Alam kong tinitingnan niya ako.
"Si Albert" sagot ko. Matagal na
katahimikan ang sumunod pero binasag iyon ni TJ.
"Sino ba talaga si Albert sa buhay
mo?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya wari'y nagtatanong kung bakit
interesado siyang malaman. Pero sinagot ko siya. Naging mapait man ang naging
wakas ng aming pag-iibigan, I am so proud na minahal ko. Gustong malaman ng
taong ito, sasabihin ko,naisip ko. Muli akong tumingin sa fishpond.
"Si Albert ang pinakamagandang nangyari sa
buhay ko. Siya ang nagparamdam sakin na walang bawal pagdating sa pag-ibig.
Love has no boundaries! Love has no gender! Yan ang ipinaramdam sakin ng isang
Albert Respicio. Siya ang one great love and one true love ko. Sa kanya ako
nakaramdam ng tunay na pagmamahal. Mahal namin ang isa't-isa! At nangakong
magsasama habangbuhay," namuo ang luha sa aking mga mata, ang luha na
patuloy dumaloy ay naging hagulgol.
"Si Albert ang kauna-unahang lalaking
nagpatibok ng puso ko, Teej! Siya ang kumuha ng puso ko at hindi na ibinalik
pa. Pero kinailangan kong mabawi yun kahit mahirap na para sa mga taong mahal
ako! Mahal na mahal ko siya," patuloy kong hagulgol. Hinaplos ni TJ ang
aking likuran.
"Marami kaming magandang alaala ni Albert.
Hindi basta-basta mawawala ang iyon dahil iyon ang pinakamasayang parte ng
buhay ko," sabi ko habang lumuluha.
"Pero iniwan niya ako! Iniwan niya
ako!" patuloy kong hagulgol!
"Para narin niya akong pinatay noon! Para
akong namatay teej, sa sakit, sa pagdurusa!" umiiyak kong pahayag.
"Sinubukan kong makalimot. Marami akong
nagawang pagkakamali pero ang alaala ni Albert ang pilit na bumubuhay sakin,
ang pilit na nagtutulak sakin para gumawa ng tama! Para itama ang aking
pagkakamali!" turan ko.
"Sinubukan kong magmahal muli sa loob ng 5
taon na yun, pero bigo ako kasi siya parin talaga! Inaamin kong minahal ko rin
ang taong yun, pero sadyang di niya mapantayan si Albert sa puso ko,"
patuloy kong pahayag.
"Hanggang sa dumating ako sa puntong gusto
ko na siyang kalimutan. Kailangan ko ring mabuhay kasi pakiramdam ko, namatay
rin ako nang namatay siya," pahayag ko na nakatingin sa kawalan habang
pinapahid ang aking mga luha. Alam kong pinapanuod ako ni TJ.
"Paano kung bumalik pala siya?" bigla
niyang tanong na ikinagulat ko. Tumingin ako sa kanya pero nakatingin din pala
siya sa fishpond. Tumawa ako ng mapakla pero napalitan iyon ng hagulgol.
"Pinanghawakan ko ang pangako niyang
babalik siya teej! Sa loob ng limang taon, pinanghawakan ko yun! Pero wala
siya! Para akong baliw na umasa sa pagbabalik ng isang namatay na! Pero bigo
ako teej! At napakasakit nun sakin!" hagulgol kong tugon.
"Pero paano nga Cy kung andito na siya?
Paano si Christian?" muling tanong niya na ikinagulat ko. Hindi ko iyon
napaghandaan.
"Ewan ko! Siguro susumbatan ko siya! Hindi
ko alam. Basta ang alam ko, ayoko nang saktan pa muli si Christian. Yun ang
pinakaiiniiwasan kong mangyari Teej! Ayokong saktan ang taong walang ginawa
kundi iparamdam na mahal na mahal ako!" natigilan ito sa aking sinabi.
Parang nabanaag ko na tumiim-bagang ang itsura niya.
SA ISIP NI TJ
Gustung-gusto kong haplusing ang mga luha mo Cy.
Gusto kong sabihin na bumalik si Albert. Pero hindi pa ako sigurado. Ibang
sakit ang dulot ng luhang nakikita ko sa'yo. Pero kailangan kong magtiis Cy.
Hindi ko susuungin ang laban na to nang hindi ako sigurado. Ayokong umiiyak ka
ng ganyan. Ayokong nakikita kang umiiyak. Parang pinipiga ang puso ko. Wag ka
nang umiyak. Andito na ako! Alam kong ako si Albert. Tama na yan. Wag ka nang
humagulgol. Sinasabi ng puso kong mahal kita. Mahal na mahal kita. Gagawin ko
ang lahat para maging maayos ang sitwasyon. Hindi pwedeng si Christian ang
piliin. Tayo ang nakalaan sa isa't-isa. Sa nakikita ko ngayon, alam kong mahal
mo parin si Albert. Alam kong mahal mo parin ako. Alam kong hindi magbabago
iyon. Gagawa ako ng paraan para hindi mo siya makalimutan, para hindi mo ako
makalimutan.
Nakita kong tahimik si TJ nang binanggit ko ang
pangalan ni Christian. Ngunit bigla itong nagsalita.
"Paano kung may mabigat na dahilan kung
bakit natagalan ang pagbabalik ni Albert, Cy? biglang tanong nito.
"Why are you askin' these questions TJ? I
just don't get it." sagot ko ng may halong inis dahil tinotorture ako nito
sa mga tanong niya.
"I am just giving you the possibilities Cy,
things that may happen and will happen," paliwanag niya.
Tumahimik nalang ako.
"So safe to say na pipiliin mo si
Christian?" muli niyang tanong na siyang dahilan ng pagpukol ko ng
masamang tingin sa kanya!
"What is this TJ? Emotional torture?! I
don't know TJ! Ewan ko! Ok?! And the hell you care about this!" galit kong
tugon. Natahimik siya sa sinabi. Biglang pumasok ang ideya na bisita ko siya.
"Look, I didn't mean to say that teej. Ang
kulit mo kasi eh. I'm sorry!" haplos ko sa balikat niya.
"No, no! It's ok. Naiintindihan kita.
Makulit nga talaga ako. Baka kako, natraffic lang ang kaluluwa ni Albert kaya
di agad nakabalik." sabi niya na nangingiti. Huli na nang nagsink-in ang
sinabi niyang iyon sakin kaya naman late reaction ang pagtawa ko.
"You look your best when you laugh!"
ngiti niya saken.
"Pasensya na ha!" tugon ko.
"Wala yun. Basta dalhin mo ako sa lugar na
iyon bukas!" sagot niya. Ngumiti ako at nagyayang matulog...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento