Dinig na dinig ng aking tainga ang usapan ni
Enzo at Mr. Balse. Hindi ko alam pero instinct tells me that i need to record
the conversation. Nakikita ko ang dalawa sa aking kitatayuan. Pero dahil may
malaking trash can malapit sa mga ito, mahirap sa kanila na makita ako. Patuloy
ang usapan nila. Galit na si Enzo kay Mr. Balse. Sumisigaw na ito. Pati din si
Mr. Balse, may pagbabanta ang tono.
"Sir, ayoko na! Hindi mo ako dapat
kontrolin ng ganito. Ayokong gawin ang sinasabi mo!"sigaw ni Enzo. Hindi
ko parin maintindihan ang pinaguusapan ng mga ito. Bakit ganun ang sinabi ni
Enzo, naisip ko. Ano bang pinagagawa ni Mr. Balse sa kanya.
"Magkarelasyon tayo Enzo at normal sa
magkarelasyon na magsex." tugon nito.
Nagulat ako sa tinuran ni Mr. Balse. Sabik din
pala ito sa sex na tulad ko. Pero i never force someone to have sex with me.
Sila ang lumalapit,naisip ko.
"Hindi ka ba natutuwa Enzo. Sa dinami-dami
ng mga estudyante dito, ikaw ang minahal ko. Ikaw ang pinili ko.?" tanong
nito.
"Sir, in the first place, you put me in
this relationship. Alam mong ayoko ang relasyong ito. Ikaw lang ang may gusto
nito! And sex? My God sir! Ayoko sir!" sigaw ulit ni Enzo. Ito pala ang
sinasabi ni Enzo nung pumunta siya sa bahay. Kaya pala ito humahagulgol ng
iyak, naisip ko.
"Alam mo ang kaya kong gawin Enzo!
Remember, Im your professor in your two subjects! I can give a low mark so you
won't be a Magna Cumlaude! I can do that kung patuloy kang magrereklamo at
hindi ka nakipagsex sakin" banta ni Mr. Balse
"Sir please! I deserve that award! Just
give me the grade that I deserve sir. Yun lang hiling ko dahil kaya ko namang
makakuha ng mataas na marka! I cant believe you can do this sir! Nawala lahat
ang natitirang respeto ko sa'yo!" sagot ni Enzo.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Enzo!
Wag kang kakalas sa relasyong ito at wag kang magrereklamo sa pinapagawa ko.
Sayang naman lahat ng pinaghirapan mo kung dahil lang sa dalawang subjects,
mawawala yun." sarkastikong sagot nito. Nakita kong bumaba ang balikat ni
Enzo. Animo'y nawalan siya ng pag-asa!
"Baka sabihin mong wala akong puso Enzo!
Kaya bibigyan kita ng sapat na oras para maghanda! Alam mo naman kung nasan ang
bahay ko!" sagot nito.
"Hinding-hindi mangyayari yun!" tugon
ni Enzo. Tumawa ng mapakla si Mr. Balse.
"You have no choice but to do it"
sagot nito.
"Kung si sir Cyrus siguro ang hihiling ng
gusto mong mangyari, gagawin ko pa. Pero kung ikaw, ayoko!" ngiting aso
nitong nakatingin kay Mr. Balse!
"Don't you dare compare me with that bitch!
Narinig ko ngang close kayo! Bakit Enzo? Magaling ba ang sir Cyrus mo sa pagpapaligaya?"
tanong nito. Nagulat ako nang panahong iyon dahil sa pahayag ni Enzo at dahil
sa tanong ni Mr. Balse. Tumawa ng mapakla si Enzo.
"Hahaha! Dapat si sir Cyrus ang nagsasabi
ngayon niyan sir! Wag mo rin ikumpara si sir Cyrus sa'yo! Dahil malayo ang
agwat niyo! Itsura palang naman diba? Kitang kita na. Lalo na sa ugali!
Disenteng tao si sir Cyrus. Hindi siya tulad mo na garapal sa sex. Magbabanta
pa sa kawawang estudyanteng tulad ko para lang makatikim ng tawag ng laman!
Naturingan ka pa namang propesor! Kagalang-galang ang dating pero napakasama!
Wala ka dapat dito! Nasa kalsada ka lang dapat at nagpupulot ng basura. Dahil
ang pagkatao mo Mr. Balse ay kahalintulad ng basura!" galit na tugon ni
Enzo. Alam ko nang panahong iyon napuno na ito lalo ng idimanay niya ang
pangalan ko. Akmang magsasalita na sana si Mr. Balse pero inunahan iyon ni
Enzo. Pulang pula na si Mr. Balse sa galit.
"Walang-wala kay sir Cyrus. Oo, close kami.
At hindi ako nahihiyang sabihin dahil napakabait niya! Hindi siya tulad mo!"
muling bulyaw ni Enzo.
"Tama na! Tama na!" sigaw ni Mr.
Balse! "I heard enough Enzo! Kung hindi ka susunod sa gusto ko, alam mo na
ang mangyayari!" pagbabanta nito.
"Gawin mo na ang gusto mo, pero hindi ako
susunod sa gusto" sigaw ni Enzo.
"Walanghiya ka talaga!" sigaw ni Mr.
Balse akmang sasampalin si Enzo. Narinig ko na ang gusto kong marinig! Ibinulsa
ko ang cellphone ko at pumapalakpak na tumungo sa lugar ng dalawa. Natigilan
ang mga ito nang makita ako. Patuloy akong pumalakpak kahit nasa harapan na
nila ako. Si Enzo, naguguluhan kung bakit nandun ako sa rooftop, mukhang
nagtatanong ang ekspresyon ng mukha nito. Pero hindi ko iyon pinansin!
Binalingan ko si Mr. Balse.
"Lalo mo lang pinatunayan kung gaano ka
kababang tao, Mr. Balse. Forcing this young gentleman to have sex with you is
the most shameful thing a professor can do to his student! Where is your mind
Mr. Balse?" sunud-sunod kong sagot.
"Wag na wag kang magmalinis Mr. Mendoza
dahil pumatol ka rin sa estudyante mo!" sigaw nito.
"Hindi ko ipinagkakaila iyon Mr. Balse!
Pero niligawan ako nang estudyanteng yun! Mahal namin ang isa't-isa! Pero ang
pilitin ang estudyante at magbanta na bibigyan ng mababang marka? Oh, God!
You're using your influence over this lad! That's against ethical standard and
worst is, that's corruption of minor, Mr. Balse." sunud-sunod kong tugon
informing him how disgraceful he is in the teaching profession.
"Give the grade he deserves, Mr. Balse!
Never use your power over him again!" pahayag ko.
"Wala kang karapatang utusan ako!"
sagot nito na nagmamalaki pa.
"You know I have, Mr. Balse! Baka
nakakalimutan mo, I'm a co-owner of this school!" sagot nito.
"Matagal na ako dito Mr. Mendoza. Walang
maniniwala sa'yo!" maanghang na sagot nito.
"Hahaha! That's the point! Matagal ka na
dito and this may be one of the many na ginawa mo ito sa isang estudyante. Ilan
na ba ang nagawan mo ng ganito? Isa, dalawa, tatlo? O baka naman 10, 20, 30
dapat ang bilangan, Mr. Balse!" sagot ko. Mukhang namula at nagulat ito sa
aking tinuran! Kaya sinamantala ko iyon samantalang tahimik lang si Enzo na
nakikinig samin.
"Hihintayin ko pa ba na may Enzo pang
mabibiktima (sabay tingin ko kay Enzo,napayuko naman ito). Besides, my word
against yours, Mr. Balse? Alam mong mas pakikinggan ako ng mga tao dito kaysa
sa'yo!" mayabang kong turan sa kanya. Naaaninag ko ang takot sa sistema ni
Mr. Balse,pero sadyang mataray at palaban ang baklita na'to!
"Wala kang ebidensiya Mr. Mendoza! Alam mo
ang protocol sa disciplinary action na gagawin sa isang prof na nagkasala. It
will never materialize without a handful evidence." sagot niyang nakataas
ang kilay. Pinukulan ko siya ng isang sarkastikong tingin at malaasong ngiti.
Inilabas ko ang cellphone ko at itinaas ko malapit sa mukha niya. Akmang
aagawin niya ito kaya naman binawi ko ang cellphone ko at inilapit sa aking
dibdib!
"It's been recorded since I was there
eavesdropping, Mr. Balse," sabay turo sa aking kinatatayuan kaninang
patago akong nakikinig sa kanilang usapan.
"Walanghiya ka talaga Mr. Mendoza!"
sigaw nito sakin.
"Look who's talking!" sagot ko.
"Mas walanghiya ka Mr. Balse!" sigaw ko sa kanya.
"Nakikita mo ba ang ginagawa mo? Hindi mo
tinutungan ang tulad ni Enzo para mapabuti Mr. Balse. Itinutulak mo ang tulad
niya sa masamang imahe!" sunud-sunod kong sumbat. "That's not our
role in life Mr. Balse. We are here to inspire people, to mold young minds and
to touch lives of others. How can you do this to this young man?" pangaral
ko sa kanya. Natameme ito na mangiyak-ngiyak sa mga sinabi ko.
"Yes, pumatol ako sa aking estudyante! Pero
mahal ko yun. Tsaka, patay na siya. Hindi na dapat idinadamay sa usapang
ganito." patuloy na bahagyang ikinagulat niya.
"I expect you to get off your hands from
Enzo or else..." tinaas ko ang kanang kamay ko hawak-hawak ang aking
cellphone.
"You know what I can do now, Mr.
Balse!" sabi ko na may bahid ng pagbabanta saking boses.
"And you(sabay turo ko kay Enzo), you owe
me another one! (sabay kindat sa kanya)."
"You follow me! Dalian mo" sabi ko
habang walang lingon-likod na umalis sa rooftop. Para naman itong aso na
bumuntot sa akin hanggang marating ko ang aking klase! Huminga muna ako ng
malalim sa corridor dahil sa napakahabang komprontasyon iyon bago tumungo sa
pinto. Nakasunod parin sakin si Enzo. Nakatingin ako sa kanya ng matagal!
"Let's talk after my classes today, Enzo!
Papagalitan pa kita!" sagot ko dito.
Wala itong sinabi. Hindi na ito makapagsalita
dahil patuloy na umagos ang luha niya. Bigla ako nitong niyakap tanda ng
kanyang pasasalamat.
"Tama na yan! 30 minutes na akong late sa
klase ko. Sige na, pumasok ka na! Magusap tayo mamayang hapon!" turan ko.
Akmang papasok na ako sa aking room ng biglang
magsalita si Enzo na siyang ikinalingon ko.
"Sir Cy, thank you! Makakabawi din ako
sa'yo" sagot nito.
"No need Enzo" ngiti ko sa kanya.
Tumuloy na ako sa aking klase. Humingi ako ng pasensya sa pagkalate ko. Natapos
ang araw na iyon na maluwag ang aking pakiramdam. Masaya ako. Masarap sa
pakiramdam! Umaapaw ang aking kasiyahan!
Author's Note:
Aminin nating lahat na ang sitwasyong naipakita
sa bahaging ito ay totoong nangyayari. Maraming guro ang sumasalamin sa
pagkatao ni Mr. Balse. Sana mabasa nila ang nakasulat dito para maramdaman nila
ang epekto nito sa mga batang ginagamitan nila ng impluwensya. Alam ko ring
maraming mga estudyante ang sinalamin ni Enzo. Kung minsan, kailangan niyo ring
ipaglaban ang inyong karapatan para mawala ang mga anay sa propesyon ng
pagtuturo na tulad ni Mr. Balse. Sana may natutunan kayo sa bahaging ito mga
kaibigan. Kilalanin pa si Enzo sa susunod na pahina.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento