5 years after...
Isang tawag ang
nagpabalikwas ng kanyang kamalayan. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.
He has this strange feelings within him na nagpapatulala sa kanya. He has
nightmares which struck him hard in the head. He has also been seeing a
psychiatrist to seek advice on what's going on with him. Sinasabi ng kanyang
doctor na maaaring emotional stress ang sanhi kung kaya naging paranoid siya,
kung kaya maraming pumapasok ng ibat-ibang mukha sa utak niya. Pero hindi siya
kumbinsido sa mga paliwanag ng kanyang doctor. Minsan nga, tinanong niya ito
kung nababaliw na siya. Tinawanan lang siya nito dahil sa kanyang katanungan.
"Of course not! Insanity is a grave word! Trauma is the right term!"
tugon ng kanyang doctor. Siguro nga tama siya. Nakita niya ang kanyang mga
kasamahaan na namatay! Hooaaaah! Mga duguang bangkay! Hindi noon ang kanyang
gagawin nang magcrash ang eroplanong sinasakyan niya at ng kanyang mga kasama
papuntang Paris para sa isang show. Himala nga daw dahil siya lang ang nabuhay
habang ang iba ay sunog ang bangkay at duguan! Hindi rin niya alam kung paano
nangyari iyon. God's will nga siguro na buhay siya. Iniisip nga niya baka
nabagok ang ulo niya after the incident, but he dismisses the idea kasi wala
namang nakitang damage ang utak niya sa CT scan. Hindi niya maintindihan ang
kanyang sarili. Nagtataka nga ang iba sa kanya because there have been drastic
changes in him. Ibang-iba nga siya sa dati. A happy-go-lucky guy has turned
into someone who loves by everybody now, who perceives life optimistically.
Other people perceive his life as a perfect one but he feels incomplete; he
remains incomplete throughout those years. Alam niyang may kulang sa kanya.
Alam niyang may hinahanap siya sa kanyang puso. Kahit maganda ang buhay niya,
wala na nga siyang hahanapin pa, pero he feels empty. What else are you askin'
for? Tanong ng kanyang mga kaibigan at kamaganak. You're at the peak of your
career, you have the looks, fame, money and even power over your companies. Ano
pa ba ang mahihiling niya sa kanyang buhay. Maraming nahuhumaling na babae sa
kanyang itsura. Sa taas niyang 6 flat, maraming humahanga sa kanyang
kaguapuhan. Matikas ang tindig, tsinito ang mata, matangos ang ilong, kissable
lips, katawan na hindi mapapantayan ang ganda.
For the last three years,
his parents entrusted their company to him. Wala nga siyang mahihiling pa dahil
nagbago din ang tingin ng buong pamilya sa kung sino siya ngayon. Ang hindi
niya maintindihan, there are people who have been disturbing him in his dreams
almost every night na siyang dahilan ng kanyang pagkagising. Palagi siyang
pinagpapawisan ng malagkit pag nakikita niya ang mga mukhang iyon. Namemorya na
nga niya ang bawat sulok ng mga mukha ng mga iyon dahil sa gabi-gabi niya iyong
nakikita. Mukha ng mga umiiyak na palaging nagpapabigat sa kanyang dibdib. May
awa siyang nadarama pag nakikita ang mga iyon na nagmamakaawa!
"Bumalik ka na
mahal ko...Parang awa mo na! Miss na miss na kita" palaging iyon ang
sinasabi ng isang lalaking maamo ang mukha. Punung-puno ng luha ang kanyang
mukha habang nagmamakaawa. May mga gabi naman na isang matandang lalaki at
babae ang nagpapakita sa kanya. Halatang may kaya ang mga ito dahil narin sa
suot nilang mga damit.
"Anak, naghihintay
kami sa'yo! Nasan ka naba? Umuwi ka na" ang mga pakiusap ng mga ito sa
kung sinong tao! Hanggang ngayon hindi niya alam kung kanino nakikiusap ang mga
ito. Hindi pa niya nakikita sa kanyang panaginip kung sino ang taong iyon.
"Ako kaya ang kausap nila?"ang tanong na patuloy na umiikot sa aking kamalayan.
May mga pagkakataon
naman na isang napakagandang talon at batis ang kanyang napapanaginipan.
Punung-puno ito ng puno sa paligid na may mga halamang ligaw, may mga orchids
na siyang lalong nagpakulay nito. Ibang-iba ang lugar na iyon sa lahat ng lugar
na napasyalan niya. Marami na siyang nakitang naggagandahang lugar pero iba ang
hatid ng lugar na iyon. Parang isa iyong paraiso sa kanya. Sa bawat gabing
nakikita niya ang lugar na iyon, gusto niya itong hanapin pero hindi niya alam
kung saan siya magsisimula. Napakalaki ng mundo para makita ang lugar na iyon.
Hindi niya lubos maisip
na may nakatago pang ganun kagandang lugar. Hindi niya rin maintindihan kung
minsan dahil sa taas ng talon na iyon,may isa pa palang nakakamanghang tanawin
na higit pang mas maganda kaysa sa tanawing unang makikita. May bahay kubo! May
munting kastilyo. Hindi niya maintindihan kung bakit may urn sa loob ng
kastilyo. Tapos may bigla siyang maririnig na iyak ng isang lalaki. Patuloy na
umaalingawngaw ang iyak nito sa buong paligid at isang sigaw ng pagmamahal na
"Mahal kooooo". Paulit-ulit itong umaalingawngaw sa kanyang paligid
na siyang nagiging dahilan ng kanyang pagbalikwas at pagkagising! Naging bahagi
na ng kanyang tulog ang mga taong iyon. Pero doon siya naaawa sa lalaking nasa
panaginip niya dahil walang gabi na hindi ito nagpakita sa kanyang panaginip na
hindi umiiyak. Oo, may mga pagkakataong nakangiti ito sa kanya! Lalo na pag
napapanaginipan niya na may kausap ito. "Mahal na mahal kita" ayon
dito sabay halik sa isang mukhang hanggang ngayon hindi pa malinaw kung sino.
Patindi ng patindi ang kanyang napapanagipan. Noong unang taon 5 years ago, mga
mukha lang ang kanyang napapanaginipan. Sandali nga lang itong rumerehistro sa
kanyang panaginip. Pero ngayon tumatagal na ito at nadaragdagan pa ng mga lugar
na hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya. Ngayong mga panahong ito,
nakikita narin niya ang loob ng munting kastilyo. May urn, may abo, at
may......singsing! Singsing! Ano bang ginagawa ng singsing sa loob ng urn?!
Singsing! Oo nga, singsing na kapareho ng singsing na suot ng lalaking iyon!
Tama, wika niya! Magkapares ang singsing na iyon. Nawala kaya ang minamahal ng
lalaking iyon. Naging palaisipan sa kanya ang mga mukhang iyon na patuloy
siyang ginugulo! May mga pagkakataong gusto niyang hanapin ang mga mukhang
iyon. Ano bang nangyayari sakin? Palaging tanong niya na nauuwi lamang sa isang
malalim na pagiisip na lalong nagpapagulo sa kanya! Pero ang mukha ng lalaking
iyon! Whoah! Nagdudulot iyon ng kakaibang haplos sa kanyang puso. Sa loob ng
limang taon na nakikita niya ito sa kanyang panaginip, lihim niya itong
minahal. Hindi nga kumpleto ang paggising niya ng hindi nakikita ang mukha ng
lalaking iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing umiiyak ang lalaki
sa kanyang panaginip, nagdudulot iyon ng kakaibang kirot sa kanya. Ang luha
niyang umaagos sa kanyang mga pisngi na nagdadala ng bigat sa kanyang dibdib.
Hindi niya maintindihan na sa tuwing umiiyak ito, nagigising siyang puno ng
luha ang kanyang mga mata! Sino ka ba talaga? Bakit patuloy mong ginugulo ang
aking utak? Palagi niyang tanong sa kanyang sarili! Ewan niya pero parang ang
mga taong iyon pa ang nagpabago sa kanya nang mga nakaraang taon lalong-lalo na
ang ngiti ng lalaking iyon. Iba ang hatid na saya nito sa kanya. "Bakla ba
ako?" Tanong pa niya sa kanyang sarili minsan dahil pakiramdam niya mahal
niya ang lalaking iyon. Pakiramdam niya, ang lalaking iyon ang bumuo ng kanyang
pagkatao! Pero sino siya? Sino siya? Saan ko siya makikita? Baka makatulong siya
sa pagsagot ng mga panaginip ko! Wika niya.
Mahirap ipaliwanag ng
syensya ang kanyang pinagdadaanan. Hindi rin niya ito maikwento kung kanikanino
lang dahil baka pagtawanan siya! Sinubukan niya itong ikwento sa matalik niyang
kaibigan pero tinawanan siya nito at sabay sabing "Yan na ang epekto ng
panloloko mo sa mga babae! Kinakarma ka na" sagot lang nito sabay tawa!
Kaya hindi na niya sinubukan pang ikwento ito kaninuman! Hindi alam ng kaibigan
niya na patuloy parin niyang nararanasan ang mga panaginip na iyon, at patuloy
parin nitong ginugulo ang buhay niya. Gusto niyang ipahanap ang mga ito pero
hindi niya alam kung saan siya magsisimula. At ngayon ngang umaga pumasok siya
sa opisina, gulung-gulo siya dahil sabay-sabay nagpakita ang mga taong iyon, pati
ang mga lugar, ang batis, ang talon, ang munting kastilyo,ang urn, ang mga
puno, ang isang mansiyon, ang isang kwarto, at higit sa lahat, ang pinakabagong
lumitaw sa kanyang panaginip, ang isang car accident. Bakit car accident? Anong
kinalaman ng mga ito sa buhay niya? He was in a plane crash 5 years ago na
malayong-malayo sa car accident! Lalong gumugulo ang mga sitwasyon sa kanyang
panaginip. Lalo nitong ginugulo ang kanyang pagiisip. Minsan iniisip niya na
wag na muna siyang matulog para hindi niya na muna makita sa kanyang panaginip
lahat ng iyon. Pero hindi eh, dahil hinahanap hanap ng kanyang puso ang mukha
ng lalaking iyon. Ang ipinagtataka niya, ni walang pangalan na nababanggit sa
kanyang panaginip! Whoaaaah! Wika niya! Aksidente! Bakit car accident? Sino ang
nandun sa loob ng kotse? Sunud-sunod niyang tanong!
"Sir, sir,
sir!" sunud-sunod na tawag ng kanyang sekretarya sabay pitik ng kanyang
daliri na nagpabalik sa kanyang katinuan.
"Yes, yes,
Jane!" tanong niya sa kanyang 50 years old na sekretarya na waring
nahimasmasan sa matagal na pagkakatulala.
"Are you ok
sir?" tanong niya.
"Yes of
course!" sagot niya.
"Really? I've been
standing here for 20 minutes now sir! It seems I dont exist in front of you on
that time" sagot nito.
"And your cellphone
has been ringing since then." dagdag nito.
"Oh my! 15 missed
calls!" naisip niya.
"Sir, you need to
sign this ready for presentation tomorrow." turan niya.
Kinuha niya ang pen niya
at pinirmahan ang sinasabi ng sekretarya.
"Sir, you have a
luncheon meeting with Mr. Tamagochi, CEO of Japan Glass Industry, and you also
have an urgent call from..." sabat ng sekretarya.
"Ok I'm on it! But
please cancel my meetings with other clients after my luncheon meeting with Mr.
Tamagochi! I have important things to settle," sagot niya.
"Ok sir."
sagot ng sekretarya na may halong pagtataka.
"Ok, thank you
jane!" ngiti niya dito. Paglabas ni Jane, muli siyang bumalik sa malalim
na pagiisip. Ang aksidenteng iyon. Sino ang naaksidente? Nasa malalim siyang
pagiisip ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Haaaay, ang makulit niyang
kaibigan. Sinagot niya ito. Sigarudong papagalitan siya nito.
"Hello!" sagot
niya.
"What the hell is
your problem TJ? Ive been calling you 16 times now! You're ignoring me as
hell!"sunud-sunod nitong sabi na halatang galit sa tono ng boses.
"Hey, hey, hey
lady! Hold on! Hold on. You're talking to a CEO of a company, lady! Of course,
Im busy!" natatawang sagot niya.
"Oh yeah! Sorry,
that never came in mind until you said it!" tawang sagot nito.
"What is the urgent
call about?" tanong niya.
"Can you see me at
my condo this afternoon? I have a proposal to make!" tugon nito.
"Hmmmm, I know what
it is! Is it the never-ending proposal AGAIN?" diin niyang tanong.
"Oh come on teej
(pronounce as tidge), u'l gonna love it this time. I need a perfect subject for
a perfect location. And you're the first person I thought of. Pumayag na ang
may-ari. It's been my dream over the years to do it on that location.
Pleaaaase, help me fulfill it," sagot nito.
"Ok, we'll see! Ill
give you a chance lady!" sagot niya.
"Owh, thank you
teej! It means a lot. See ya! Bye" sagot nito.
Makulit talaga ang
kaibigan niyang iyon. Haaay. Naghanda na siya sa kanyang meeting bago pumunta
sa kanyang kaibigan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento