Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Kabanata 5 Alaala ng Kahapon Huling Bahagi

Nagulat si TJ sa galit na boses ko na narinig niya sa kanyang likuran. Nakita rin niya ang galit kong mukha at matalim kong mga tingin.
"Who the hell gave you the right to be in this place?" sigaw ko sa kanya na halatang nag-alala at natakot sa pagsigaw ko. Di ko napigilan ang sarili ko dahil sa init ng ulo. Ito ang pinakaayaw kong mangyari. Yung taong pinagbigyan mo na nga tapos he will just intrude one of those special places for you. Yung tipong pinakialaman yung pinakapaboritong gamit mo tapos sinira pa o kaya di pa ibinalik. Yung tipong pinatira mo na nga sa bahay mo, ninakawan ka pa! Ganun ang pakiramdam ng pagpunta ni TJ sa hidden sanctuary namin ni Albert. Oo nga't kamukha niya si Albert, pati kilos at kanyang mga ginagawa parang si Albert, pero ibang tao parin kahit patuloy na sinasabi ng aking puso na siya si Albert. Ibang tao parin siya hangga't di niya sinasabi, hangga't di nanggagaling sa bibig niya na siya si Albert. Nakita kong suot-suot niya ang singsing ni Albert na siyang lalong ikinainit ng ulo ko. Alam kong pulang-pula na ako sa galit dahil nakita kong bahagyang natakot ang dati'y masayahing mata ni TJ.
"You remove that ring from your finger TJ! Remove that ring!" sigaw ko na naiiyak na ako sa sobrang galit.
"And you get yourself out of this place! You better go now! Ayokong magalit ng ganito! Pleaasse teej!" dumaloy na ang luha ko at nanginginig na ang buo kong katawan. Nanatili siyang nakatayo at parang naipako sa kanyang kinatatayuan. Walang maririnig kung hindi ang bugso ng kanyang hininga! Ang ihip ng hangin.
"Alam mo ba kung bakit ako nagagalit? Alam mo ba?" sigaw kong muli na patuloy sa pag-iyak.
"You disturbed Albert's sanctuary, teej! Walang ibang pumupunta dito kundi si Albert, ako, ang parents niya at ang hardinero! I should have told you before! I never thought, you'll explore the place on your own!" sarkastiko kong sagot.
"I'm sorry Cy! But please, let me explain! Listen to me Cy!" pagmamakaawa niya.
"No! You listen to me TJ! Get yourself out of here! Please respect Albert's grave! Dito na ako sumisigaw dahil sayo!" muli kong sigaw sa kanya habang nanlilisik at patuloy na dumadaloy ang luha sa aking mga mata.
"Please listen to me first Cy! I have this strange dreams over the years! And..--" pagpapaliwanag niya habang may kung anong inaalala sa kanyang imahinasyon!
"Stop it teej! Stop it! Just go!" sabi ko na tinalikuran siya. Patuloy akong umiyak na bumaba. Ano nalang ang sasabihin ni Albert sakin na hindi ko man lang naprotektahan ang kanyang pinakaingat-ingatang sanctuary? Tapos isang bagong kakilala pa ang kasama ko ang gumawa ng ganito! Nasa baba na ako at kinuha ang aking mga damit sa bahagi ng batis nang namataan ko si TJ sa taas ng talon! Ano na naman ang pakulo ng lalaking 'to! Ang tigas talaga ng ulo.
"Mahal kooooooo!" bigla niyang sigaw na ikinakaba ko, na ikinadagundong ng puso ko! Naguguluhan ako! Si Albert lang ang gumawa nun! Paano nalaman ni TJ yun? Kami lang ni Albert ang nakakaalam nun! Tumalon siya sa taas ng falls. Bahagyang nagtagal sa ilalim na bahagi ng batis. Hindi ko na napulot ang aking mga damit, para akong tuko na napakapit sa bato at bahagyang tulala sa aking nasaksihan. Muling bumalik sa aking alaala ang insidenteng nagtago si Albert sa kweba, akala ko nun wala na siya tapos bigla nalang sumigaw ng mahal ko. Katulad na katulad ng ginawa ni TJ! Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sakin. Pinunasan ko ang aking luha sanhi ng alaala na rumehistro sa aking alaala!
"Now tell me Cy, anong insidente sa buhay mo ang naalala mo nang ginawa ko iyon?" tanong niya na halatang hiningal sa kanyang ginawa habang kanyang mga mata ay nangungusap na nakatingin sa akin! Isang naguguluhan na tingin ang ipinukol ko sa kanya!
"Tell me Cy! Alam kong kayo lang ni Albert ang nakakaalam nun!" muling sabi nito na hinihintay ang sasabihin ko. Patuloy ang pagtitig nito sakin habang patuloy na dumadaloy ang mga luha ko.
"Ask yourself these questions too, Cy! Paano ko nalaman ang kwarto ni Albert sa dinami-dami ng kwarto doon? Paano ko nalaman ang daan papunta dito?" tanong niyang nakatingin sa akin.
"Bakit ako nandito sa probinsya ngayon Cy? Tinanong mo na ba sa sarili mo kung ano ang ginagawa ng isang owner ng napakalaking kompanya dito sa lugar mo? I'm a busy man Cy but I prioritized coming here in your place. Ask yourself Cy!" banayad niyang pahayag. Tama siya. Bakit kailangan niyang pumunta sa lugar na'to. Bakit alam niya ang pasikot-sikot sa loob ng Villa. Parang hindi nga siya nagulat kaninang pumasok kami. Parang namiss niya lang ang lugar. Naguguluhan ako. Patuloy na dumaloy ang luha ko. Akmang magsasalita ako nang bigla siyang nagsalita.
"Welcome to my hidden sanctuary mahal ko"! Naalala mo ba ang mga salitang iyan Cy? Sino ang naaalala mo pag binabanggit ang mga salitang yan habang hinihila niya ang mga kamay mo papunta sa taas ng talon! Lalong naguguluhan ako hawak-hawak ang aking noo at sapo ng aking isang kamay ang aking labi. Isang indikasyong ng pagkagulat sa mga sinabi ni TJ.
"Paano? Paano? Kami lang ni Albert! Paano?" tanging mga lumabas sa aking labi na pawang iling at luha ang makikita sa aking mukha.
"That's why I asked you to listen Cy! Ngayon, tanungin mo ang sarili mo kung bakit ko nalaman ang mga bagay na kayo lang ni Albert ang nakakaalam?" muli niyang tanong sakin. Tiningnan ko lang siya ng malamlam wari'y nakikiusap na siya na ang sumagot sa mga tanong niya. Napaupo ako sa isang bato habang nakatitig sa agos ng tubig sa batis. Pinapanood ito na wari'y inaagos nito ang sakit na dulot ng alaala ng kahapon. Pagkatapos ng limang taon, nandito na naman ako! Inaalala lahat ng pait ng katawan! At ang isang TJ Miranda ang nagpapaalala sakin noon. Ang mga masayang alaala sa batis na ito, biglang nabahiran ng pangungulila at hinagpis.
Nakita kong umupo rin si TJ sa bato.
"Ang mukha mo, ang mga magulang ni TJ ayon sa larawang ipinakita sakin ni Cielo, ang mansiyon sa Villa, ang batis na'to, ang mga puno, ang mga orchids pati ang sinag ng araw, ang mga bato, ang hidden sanctuary, ang kubo, ang isang car accident, ang munting kastilyo, ang urn, ang singsing na'to (sabay taas ng kamay niya), they are all in my head 5 years ago!" pauna niyang pahayag.
"Pati nga ngayon! After my plane crash, nagtaka ako sa lahat ng nagbago sakin! Nagulat ako sa mga napapanaginipan ko, mga bangungot na nagpahirap sa akin, na pumipiga sa aking puso. Kaya nandito ako para alamin, para hanapin ang nawawalang bahagi ng isang puzzle na pati ako hindi ko kayang maintindihan, na pati ako naguguluhan." patuloy niya.
"Ang mga sinabi ko sa'yo Cy, lahat yun palagi akong ginugulo. Ang iyak mo, ang ngiti mo, ang iyak ng dalawang matanda, lahat ng ito sa paligid natin ngayon, ang aksidente, lahat iyon palaging ginugulo ang pagtulog ko! I told Cielo about this after I confirmed that it was really you, na ikaw talaga ang nasa panaginip ko. Pati siya naguguluhan din kung paanong lahat ng nangyari kay Albert, sa inyo ni Albert napapanaginipan ko," pahayag niya at nagsimula ng umagos ang luha niya.
"Ang boses mo at ang mukha mong umiiyak! Hindi ko alam Cy pero nasasaktan ako pag nakikita kita sa panaginip ko. Akala ko trauma lang sanhi ng aksidente pero hindi, patuloy kayong nagpakita sa panaginip ko, patuloy niyong pinipiga ang puso ko lalo na pag umiiyak kayong pinapabalik si Albert. Pero di ko naiintindihan kung bakit sa akin niyo sinasabi iyon." patuloy niyang pahayag na animo'y nahihirapan narin siya sa kanyang nararanasan, sa kanyang nakikita sa panaginip niya.
"Tulad mo, andami ko ring tanong! Pero alam kong bahagi ka ng aking nakaraan! Hindi ko alam! Hindi ko alam! Hindi ako sigurado!" hagulgol niya.
"Hirap na hirap narin ako Cy! Pakiramdam ko, hindi ang TJ na to ang totoo kong pagkatao!" patuloy niya.
"Then, tell me that you are Albert!" sabi kong umiiyak at nagsusumamo.
"I can't do that Cy! Ayokong paasahin ka! Ang pinapanghawakan ko lang ay mga panaginip na bumagabag sakin sa loob ng maraming taon! Kahit naguguluhan ako ngayon, alam ng puso ko na masaya ako sa mga panaginip na yon. Yun ang bumago sakin. Dahil dun nakilala kita. Ang mukha mo, ang ngiti mo." bulong niya. Pero nagulat siya sa aking ginawa.
"Please teej, please tell me that you're Albert! Tell me! Hindi mo mapapanagipan ang mga bagay na iyan ng basta-basta lang. Pleasse!" tugon ko na nagmakaawa sa kanya habang hawak-hawak ang kanya mukha. Nakita niyang patuloy ang pagdaloy ng aking luha. Nakita kong namuo ang mga luha ni TJ sa kanyang mata! Umiiyak siya. Ang iyak niya na naging hagulgol!
"Gustung-gusto kong sabihin na ako si Albert Cy! Gustung-gusto ko! Sana nga ako nalang talaga si Albert para mapasakin ka! Pero kahit ako si Albert Cy, may magbabago ba? Wala na diba? May Christian ka na! Sabi mo ayaw mong saktan si Christian. Isa lang ibig sabihin nun Cy, si Christian ang pinipili mo kahit pa AKO si Albert," ang namutawi sa kanyang labi habang umiiyak. Ramdam na ramdam ko ang bawat salitang binitawan niya. May halong sakit, may halong selos.
"Hindi ko rin maintindihan pero ang mukha mo sa panaginip ko ang patuloy na bumuhay sakin Cy. Umasa akong makita kita. Umasa akong hindi ka lang isang panaginip. Umasa akong totoo at buhay ka!" patuloy niya habang pinupunasan ang luha niya.
"Alam ng puso ko na ikaw yung itinitibok nito," patuloy nito.
"Hindi na importante kung ako ba si Albert o ako si TJ, Cy! Tatanungin kita, kaya mo ba akong mahalin kahit malaman mong hindi ako si Albert? Kaya mo ba ako ulit mahalin kung ako si Albert? Kaya mo ba akong mahalin sa kung ano lang ako -ako man si Albert o hindi? Kaya mo bang iwan si Christian para sakin kung sakaling ako o hindi ako si Albert?" sunud-sunod niyang tanong na lalong nagpagulo at nagpaiyak sakin.
"Mahal ko rin si Christian Teej! Hindi ko alam kung kaya ko siya ulit saktan!" sagot ko na lalong nagpaagos sa luha ko.
"Pero kaya mo naman akong mahalin ako man o hindi si Albert diba Cy?" makahulugang tanong niyang nakatitig sa aking lumuluhang mata.
"Ngayon mo sabihin sakin Cy, ako naman ang nakikiusap sayo! Mamahalin mo ba ako kahit sino pa ako?" muli niyang tanong.
"Hindi ko alam Teej! Hindi ko alam! Sigurado akong mahal ko si Albert, ewan ko kung mahal rin kita. Pero ang sigurado ako, mahal ko si Christian at ayaw ko siyang saktan. Sinaktan ko na siya dati teej! Hindi siya bumitaw. Hindi siya nagsawang mahalin ako kahit nasa malayo siya! Bumalik siya para sakin. Ayoko siyang saktan!" sagot ko sa kanya.
"Naiintindihan ko. Pero sana in the end, just follow your heart Cy. Follow your heart!" makahulugang tugon niya. Marami akong nalaman ngayon. Tama ang iba kong hinala. Kaya pala alam niya ang mga ginagawa ni Albert. Pareho kaming nagpunas ng mga namumugtong luha namin.
"Now, can you remove the ring?" sabi ko.
"No, i feel, this belongs to me! Pilit kong isinusuot ito sa aking panaginip pero palagi akong hinihigop ng hangin. Kaya nang makita ko to sa urn, isinuot ko agad! Di kita mapagbibigyan Cy!" sagot niya.
"That's Albert's ring!" sagot.
"It is mine now! Please Cy, huling pakiusap ko to sayo. Let me wear this ring until the Respicio's will arrive. Pakiramdam ko kasi masasagot ko lahat ng katanungan ko pag dumating sila. Just let me Cy, please!" pakiusap niya na habang nakatitig ang mga mata niya sakin.
"Sige, pero hanggang sa pagdating lang nila!" sagot ko.
"Salamat Cy! Salamat!" sagot niya. Niyaya ko na siyang magdamit at bumalik sa mansiyon. Kahit papaano, naibsan ang mga katanungan ko sa aking sarili tungkol kay TJ. Alam ko na ngayon. Pero tama rin siya, kaya ko ba siyang mahalin kahit hindi siya si Albert? Paano kung malaman naming ang kaluluwang nasa kanya ay kay Albert? Kaya ko bang iwan si Christian? Mahirap isipin ang mga kasagutan ngayon. Kung tutuusin, wala na rin akong hahanapin kay TJ. Nasa kanya na lahat. Pero paano si Christian? Follow your heart! Siguro nga, tama siya. Kailangan kong sundin ang puso ko kahit ano pa ang malaman ko. Mahirap pumili. Pero I'll cross the bridge when I get there. Nakarating kami sa mansiyon. Dumiretso kami sa kusina.
"Ow, anong nangyari sa mata ng mga guapong binata?" tanong ni yaya. Nagtawanan kami ni TJ.
"Wala ya! Medyo may madramang nangyari sa batis," sabi ko sabay yakap kay yaya.
"Naku naman iho, lalo kong namis si Albert! Yakapin mo pa nga ako!" sagot nito na mangiyak-ngiyak.
"O ya, kaw naman ata ang susunod na magdadrama!" sabi ko sabay tawanan kaming tatlo.
"Ayy, siyangapala iho, may dumating na isa pang guapong binata! Yung kaibigan mo dati! Nasa sala! Kanina ka pa hinihintay!" sabi ni yaya. Nagtinginan kami ni TJ. Una akong pumunta sa sala. Naramdaman kong sumunod si TJ. Nagulat ako kung sino ang nasa sala na nakaupo.
Author's Note:

We always find happiness when we follow our hearts. May mga bagay mang masakit pag sinunod natin ang tinitibok nito, hindi naman matatawaran ang dulot nitong kaligayahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento