Sa isang kolehiyo o unibersidad, may mga
estudyanteng tinitingala dahil sa angking kagandahan o kaguapuhan. Sila iyong
mga nagtataglay ng alindog at malaadonis na anyo. Matagal ko ng napapansin ang
pangingibabaw ni Enzo Salas sa lahat ng mga estudyante sa kolehiyo. Hindi lang
kasi siya guapo sa tindig at itsura kundi aktibo pa siya bilang student council
officer at matalino sa klase. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na maging guro
ni Enzo sa kanyang mga subjects. Nakikita ko lamang siya sa loob ng campus. May
mga tinginan at may mga titigang nagaganap sa aming dalawa lalo na kung
nagkakasalubong kami sa pasilyo ng mga gusali. Tumindi ang pagtingin niyang
iyon nang lumabas ang balitang may pagkaalanganin ako. Hindi ko pinansin ang
mga tingin niyang wari'y nanunuri ng pagkatao. Sanay na akong tingnan ng mga
estudyante ng ganun. As if my sexuality is always a question mark. Hindi ko na
kailangang makilala ng lubusan ang isang Enzo Salas dahil sikat siya sa
eskwelahang iyon. Halos lahat ng mga estudyante ay kilala siya dahil sumasabak
lagi sa lahat ng patimpalak akademiko man o co-curricular. Masasabi kong siya
ang tipo ng lalaki na halos katulad ni Albert. Sa mga lalaking nakilala ko, sa
kanya ako nagkagusto ng husto. Siya yung tipong 'muntik ko ng minahal' o kaya
yung tipong 'i love you' but it's complicated. Para kasing Albert ang dating
niya sa akin. Sa kanya ako muling nakaramdam ng kilig at kiliti. Siguro nga,
minahal ko siya kahit papaano dahil nakita ko si Albert sa kanyang katauhan. Sa
talino at guapo ni Enzo, hindi napagtatakang nakuha niya ang titulong Mr.
Campus Hearthrob.
Ikatatlo si Enzo sa limang magkakapatid. Hindi
naman problema ang kanilang pagaaral dahil parehong may magandang trabaho ang
kanyang mga magulang. Hindi naging maganda ang unang encounter namin ni Enzo.
Katatapos lamang ng klase ko noon at kailangan kong magpahinga dahil magiging
sunud-sunod na ang aking subjects after my break. Kaya naman nagmamadali akong
pumunta ng faculty. Paliko na ako noon bitbit ang mga gamit ko nang may
bumangga sakin at nabuhos ang softdrinks sa damit ko habang naglaglagan ang mga
hawak-hawak kong gamit sa semento.
"Oh, my! What happened?" tanong ko
habang tinitingnan ko ang aking basang damit.
"I'm sorry sir! Di po kita nakita! Pasensya
na sir." nagaalalang sagot nito.
"Wag ka ng magsorry, the damage has been
done!" sagot ko na may halong yamot sa kanya.
"Haay, i can no longer rest! I still need
to go home to change my wardrobe!" bulong ko na naiinis na.
Si Enzo nang panahong iyon ay pinupulot lahat ng
gamit kong naglaglagan. Pati ang mga nakakita ay tumulong narin.
"Can you bring those up on top of my table,
gentlemen? Kailangan ko kasing magpalit para sa susunod kong klase. And
you,(sabay turo kay enzo) you owe me one!" umalis na ako doon kahit
naririnig ko ang boses ni Enzo na nagsosorry.
"Ui, puntahan mo si sir! Magsorry ka! Naku,
pag naging prof mo yun, lagot ka. Igigisa ka sa sarili mong mantika"
narinig ko pang turan ng isa nyang kasama.
Pagkatapos ng insidenteng yun, palagi na siyang
nakatingin sakin. Parang gustong lumapit pero nahihiya. Pati nung panahon ng
pageant, hindi siya masyadong nagsasalita. Kahit naman siguro sino. Hindi ko
kasi tinanggap ng pormal ang paghingi niya ng sorry. Lalo na at ang imahe ko sa
mga estudyante ay terror sa loob ng klase. Basta pag nagtuturo ako nun during
the pageant, sinusunod niya lang ang mga sinasabi ko para wala ng usapan pang
maganap. Naging malapit ang mga candidates sakin pero siya, medyo aloof sakin.
Sa akin lang naman dahil nakikita kong nakikipagsutilan at nakikipagbiruan siya
sa mga kasama niya.
Ngunit nagbago ang lahat nang minsa'y namasyal
ako sa syudad. Katatapos ko lang mamili noon sa mall. Nagiisa lang akong
namimili ng gamit dahil mas gusto kong personal choice ko ang mapipili ko.
Kapag may kasama ka kasi, maraming comments na maririnig. Pagkatapos kong
magshopping, pumunta ako sa paborito naming kainan ni Albert. Namiss ko kasi
ang ambiance doon. Tahimik at di masyadong matao. Paminsan-minsan ko lang naman
ginagawa ito kaya gusto kong masulit.
Naupo ako at nagorder ako ng mga paborito namin
ni Albert. Para akong baliw na pag kumakain ako sa resto na yun, pangdalawahan
talaga ang inoorder ko. Dalawa din ang pinggan na ipinalalagay ko. Weird ba?
Sobra!
Hindi ko napansin ang pamilya ni Enzo nang
panahong iyon na isang table lang ang pagitan namin. Ako kasi ang tipo ng taong
hindi pinapansin ang ibang kumakain. Nakatingin lang ako sa aking cp, nagtetext
o kaya naman hinihintay lang ang order.
Habang hininhintay ang order ko, may bagong
number na rumihistro sa inbox ko.
"Why are you alone sir?" tanong ng
nagtext.
Hindi ko iyon nireplyan. Naghintay lang ako at
dumating ang order ko. Nagsimula kong kainin ang order na para sakin at
hiniyaan ko lang ang isa pang order na nakalagay sa tapat ko. May mga naririnig
akong bulung-bulungan sa aking likuran pero di ko iyon pinansin. Patuloy akong
kumain.
"Samahan mo na anak! Kawawa naman! Inindian
ata ng kadate! Diba prof mo yan sa school niyo?" ang narinig ko sa aking
likuran.
Maya-maya lamang, may lumapit sakin.
"Mukhang inindian ka ata ng kadate nyo sir
ah! Hindi ka pa nagrereply!" bungad ni Enzo.
Nagulat ako nung nakita ko siya. Marunong palang
magsalita itong mokong na'to, naisip ko.
"Uy, Mr....(nagisip ako)"
"Salas sir. Enzo Salas. Ako yung nagtext
sayo sir." sabay abot sa kanyang kamay. Tiningnan kong muli ang cp ko.
Siya pala yun. Kaya pala alam na magisa ako,naisip ko.
"Can I join you sir?" tanong niya.
"Sure, sure. Have a sit Enzo." sagot
ko.
"Actually, I'm with my family. Napansin
nila na wala kang kasama kaya sinabihan nila akong samahan ka. Hayun sila sir
ow." turo sa aking likuran. Tumingin ako at nilapitan ang table nila. Nagpakilala
ako sa kanila at ganun din ang ginawa nila. Kompleto ang pamilya ni Enzo ng
panahong iyon. Nagpaalam ako na babalik na sa table ko.
"Sir, di ata dumating ang kadate mo. Sayang
naman, nagorder ka na para sa kanya" wika niya.
"Iniindyan din pala ang ganyang kaguapong
mukha, ano sir?" patuloy niya.
"Wala talaga akong kadate, Enzo. Para yan
kay Albert." sagot ko.
"Sino si Albert?" tanong niya na
bahagyang sumingkit ang mata niya dahil sa pagkakangiti niya. Shit, parang mata
ni Albert, naisip ko na napatitig ako sa kanya.
"Guapo ba ako sir?" tanong nito.
Rumehistro sa aking imahinasyon ang tanong ni
Albert sa kanya. "Guapo ba ako mahal ko". Ba't ba pinapaala ng
lalaking to si Albert at dito pa sa paboritong resto namin.
"Sir, sir (yugyog nito). Sabi ko, sino ba
si Albert?" Nahimasmasan ako sa katanungan niya.
"He's my boyfriend." sagot ko.
"Talaga sir. Nagkaroon ka ng boyfriend? As
in boyfriend? Lalaki sir,hindi babae?" parang gulat niyang tanong.
"Yup! Kaya nga boyfriend diba kasi
lalaki" pambabara kong sagot ko.
"Aaaah! Hindi sir... Pa---parang
wa-wala" nauutal niyang sagot na mukhang nashock sa sinabi ko at hindi
maituluy-tuloy ang sasabihin. Nang makabawi,
"Sir, guapo kayo! Pero bakit? Kasi sir,
alam mo, idol kita sa pagdadala. Palagi nga kitang tinitingnan sa porma mo eh.
Hindi ko alam na.... Well, sabi nila pero di ako naniwala nun. Pinagtatanggol
nga kita eh" mahabang paliwanag niya.
"Nasan na si Albert sir? Bat di siya
dumating?" makulit nitong tanong.
"Patay na siya." sabi ko. Nabulunan
siya sa sinabi kong iyon kaya naman kinailangan niyang uminom ng tubig. Natawa
ako sa itsura niya. Naiiyak siya sa sakit sa dibdib bunsod ng pagkagulat.
"Pasensya na, hindi ko alam!"
nahihiyang sagot nya.
"He died two years ago! Yang kinakain mo,
para sa kanya talaga yan. Itong resto na to, palagi kami dito. Kaya pag
nagoorder ako, pangdalawan talaga." wika ko.
"Pasensya na sir ha. Isipin mo nalang na
ako si Albert! Kasingguapo ko naman siguro yun sir" sagot nito sabay
kindat.
"ok lang!" sagot ko sabay tawa.
"Mahal mo pa talaga siya noh!" tanong
niya.
"Sobra!" maiksi kong sagot.
"Sir, sorry pala nun ah. Hindi ko
sinasadyang mabasa at mabangga ka." ibang usapan nito.
"ah yun. Ok lang yun. Pasensya na din kung
medyo nasigawan kita."sagot ko.
"Haay, salamat. Alam mo bang yun ang
dahilan kung bakit nahihiya ako lagi sayo sir." rebelasyon niya.
Marami pa kaming napagkwentuhan nun. At naging
komportable na kami sa isa't-isa. Hanggang sa nagpaalam na ako sa kanya.
Tinulungan niya akong magbitbit ng mga gamit at pumunta kami sa parking area
kasama ng kanyang pamilya.
"Sir, isasabay ka sana namin kaya lang
siksikan na kami sa kotse. Pasensya na sir." sabi niya.
"Kasya ba kayo diyan?"sabat ko ng
makitang alanganin na magkasya sila.
"Siksikan nga kami sir eh! Hirap
huminga!" sagot niya.
"Dun ka nalang sa sasakyan ko!" sagot
ko.
"May sasakyan ka pala sir! Di ko nakikitang
ginagamit mo." sagot niya.
"Ah oo. Nung summer ko lang nakuha kasi to!
Bigay ng mommy ni Albert. Wala rin daw gumagamit kasi nasa US sila. Tsaka, bago
lang ako natutong nagdrive." sabi ko. Nagpaalam si Albert sa kanyang mga
magulang na sakin na makikisabay.
"Sir, diba may utang pa ako sa'yo?"
sabi nito pagpasok sa aking sasakyan.
"Ano yun?" takang tanong ko.
"Nang binangga kita sir. I still remember
what you said, 'and you, you owe me one'." sabi nito na ginaya ako.
"Hahaha! You still remember that?"
tanong ko. "Hayaan mo na yun! Wala kang utang!" sagot ko.
"Gusto kong makabawi sir" sagot niya
sabay himas ng aking kamay at hita.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento