Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Kabanata 4 Sa Isang Kolehiyo -Campus Hearthrobs

Natapos ang isang academic year sa kolehiyong iyon na matagumpay. If I am going to assess my performance, it's excellent,it's a job well done! Isa rin naman ako sa mga makikinabang pag nakilala ang kolehiyo na iyon dahil naginvest ako ng pera dito. Kaya naman, naging tanyag ang kolehiyo sa mga kalapit bayan dahil sa mga newly-improved facilities nito. Tulad ng nakagawian, pag patapos na ang school year o academic year, isa iyong hudyat nang nalalapit ng anibersaryo ng aking pinakamamahal na si Albert. Umuwi ang mag-asawang Respicio at naganap ang isang malaking pagtitipon sa Villa. Tulad ng dati, naging madamdamin ang aming pagkikita kahit na puno ng kasiyahan ang ibang miyembro ng pamilya. Walang hanggang kumustahan ang nagyari. Nawalan na ako ng pagasa sa mga panahong iyon sa pangako ni Albert na babalik siya. Hindi ko nga maalis na tumawa minsan dahil sa patuloy na umaasa ang aking puso sa kanyang pagbabalik. Palaging sinasabi ng aking utak na imposible sa isang nilalang na namatay na, na babalik pa. Pero my heart overpowers my mind and it cotinues to believe tha he'll be back. Punung-puno na nga ng regalo ang munting kastilyo pero wala paring Albert na bumalik. Yung iba nga dito may bahagya ng sira dahil sa tagal na nitong nakalagak doon. Patuloy parin ang pagganda ng Villa. Isa parin itong paraiso. Kaya naman patuloy akong nililigawan ng pinsan ni Albert para pumayag na maging location ito. Pero hindi ko iyon tinanggap! Hindi ako pumayag! Bumalik sina mom and dad sa amerika at patuloy naman ang aking buhay. Patuloy na nagmamahal sa isang taong matagal ng patay. Walang pagsisisi na siya ang minahal ko at mamahalin ko pa. Natapos ang summer vacation. I spent it in the Villa. Yun lang kasi ang aking panahon na alagaan ang mga halaman at magpalinis sa lugar. Halos araw-araw akong nasa batis kung kaya naman bahagya akong umitim nang pasukan na. Ito ang ay hindi nakapangit sa aking itsura bagkus nakadagdag pa nga ng karisma.
"You look stunning in your tan complexion" bulong ng isang babae sa aking likod. Lumingon ako at nakita ko si Rose na nakangiti. Nagyakapan kami at nagbesohan. Maraming mga estudyante ang napapatingin sa amin sabay bati ng 'good morning mam, sir'.
"Where did you spend your vacation." tanong niya.
"Somewhere! I did some soul searching." wika ko na nakangiti. Naintindihan niya ang ibig kong sabihin kung kaya di na siya umimik pa. Naging masaya ang aming pagkakaibigan ni Rose. Hanggang sa isang araw, nagpatawag ng general faculty meeting ang President. Gusto ng President na magkaroon ng isang engrandeng selebrasyon para sa nalalapit na silver anniversary ng eskwelahan. Nagkaroon ng mga suggestions. Street dance, Pageant, Ball games, Literary Musical shows, magkakaroon din ng rides and gag shows, kukuha din ang university ng artista at bandang magpeperform, battle of the bands na open hindi lang para sa campus kundi para sa ibang schools na gustong makilahok. Naiplano lahat at ang bawat teacher ay may naassign as head of the event. Siya kumbaga ang head coordinator! All department coordinators assigned in a particular event must report to the event head coordinator. Ginawa nila akong pageant director. Wala akong alam dito kaya hiningi ko na dapat magkaroon ako ng partner at hiniling kong si Rose iyon. Walang naging problema sa set up dahil lahat kami may assignment.
"Any more suggestions?" tanong ng President. Itinaas ko ang aking kamay bunsod ng isa pang mungkahi.
"Yes, Mr. Mendoza?" tanong ng Presidente. Lahat ng mga kasama ko at iba pang mga profs of different departments, nakatingin sakin.
"Since our school is celebrating its 25th founding anniversary,why don't we sponsor 25 poor but deserving students to have a free tuition fee for the next semester." suhestyon ko.
"That is a brilliant idea but that would jeopardize our scholarship grants, Mr. Mendoza. We don't have budget for that." hindi pangsangayon ng President.
"Well, I can find sponsors if that what it takes to push through the project." sagot ko.
"Well then, it's settled! For as long as you can find sponsors and the school has nothing to spend on it, u can Mr. Mendoza." sagot ng President. I'm sure matutuwa si Albert sa naisip ko.
"Ang yabang! Akala mo kung sinong magsuggest. Ni hindi nga nila kayang magkaroon ng sariling bahay eh.! Sino naman kayang hahanapin niyang sponsor!Che!" narinig kong bulong ni Mr. Balse.
Mas pinili kong manahimik nalang kaysa patulan siya. Tumahimik ang buong hall ng ipitawag ako ng President.
"Mr. Mendoza, the president wants to talk to you," turan ng VP for academic affairs. Haay, gumamit pa kasi ng mikropono kaya nalaman tuloy ng buong hall. Kaya naman tinginan silang lahat!
"Buti nga sa'yo!" bulong ni Mr. Balse sabay impit na tawa.
Pumunta ako sa office ng President.
"Come in" sabi niya kung kaya pumasok ako.
"I would like to personally congratulate you for a job well done.You can be promoted as an admin post next year." bungad nito.
"I cant accept that sir. I prefer to teach. Ok na sakin na maging member ng board." sagot.
"Thank you for the investment. Hindi ka magsisisi. By the way, sorry if i didn't approve your suggestion right away. It's just that, we remain to be a profit-oriented institution at malaki-laki rin na pera ang 25 students." tugon niya.
"Yeah, i understand it sir. That's why i proposed to have sponsors." sagot ko.
"Who would that be?" tanong niya.
"Ako sir together with the Respicio's" sagot ko.
"Is this the famous Alfonso and Emma Respicio? Tanong niya.
"You know them sir?" tanong ko.
"Owh, of course! I met them in the US when i took my vacation. Kawawa sila, namatayan pala sila ng anak." sagot nito. Small world naman, naisip ko.
"Owh, by the way, ibinida nila sakin ang kanilang Villa. Kaya lang hindi na daw sila ang mayari nun. Hindi nga malinaw eh. Pero, why dont you have your photoshoot there for the pageant? Maganda daw ang lugar pero ask permission to the owner." tugon nito.
"No need sir. I own the Villa. Actually, i thought of it when you assigned me to be the pageant director sir!" tugon ko.
"Owh!really? So ikaw pala ang sinasabi nilang tagapagmana!" nagulat nitong reaksyon.
"Yes sir! Even the money I invested in this school, sa kanila po galing!" sagot ko.
Hindi parin makapaniwala ang matanda sa mga sinabi ko. Kaya daw pala ganun nalang ang lakas ng loob kong magsponsor ng 25 students. Para kay Albert, alam kong magugustahan niya ito. Alam kong matutuwa siya sa ginagawa ko.
Naging abala ang aming mga sumunod na araw dahil sa mga activities sa foundation. Naging abala kami ni Rose sa pageant. Inayos ko na ang photoshoot na mangyayari sa Villa. Pero sinigurado ko na hanggang pool lang nangyari ang photoshoot para sa Mr. & Miss photogenic at Mr. & Miss swim wear. Nagvideo narin ako na nakaswim wear ang 10 pairs of candidate sa pool area ng villa para ifaflash ito habang magrarampa ang mga 10 male and 10 female candidates.Ginawa kong pangunahing sponsor si Albert sa ngalan ng Villa Respicio sa photogenic at swim wear award kasama ng location.Matagumpay lahat ng events sa loob ng apat na araw at ang pageant ay ginanap bilang highlight sa panghuling gabi. Wala akong masabi sa mga 10 pares. May mga itsura talaga ang mga ito. Pero sa sampung kalalakihan, 5 ang tumatak sakin sa kapogian. At may bet narin ako kung sino ang magwawagi sa mga ito ayon narin sa aking obserbasyon sa mga nakaraang practice namin. Naging malapit ang mga ito sakin dahil may mga pagkakataong inililibre ko sila ng miryenda at pagkain. Nang maganap nga ang photoshoot sa Villa, ako ang sumagot sa lahat. Ipinagamit ko pa sa kanila ang pool pagkatapos ng shoot. Kaya naman, halos silang lahat,mapalalaki o mapababae man, malapit sa akin. Lahat sila nagenjoy sa barbarque party na ipinahanda ko kaya yaya Luring. Pero hindi ko pinaalam sa kanila na pagaari ko ang Villa. Kabadong kabado ako ng pageant night. Habang inaaayos ko ang stage dahil in 30 minutes magsisimula na ang programa, biglang dumating si Mr. Balse!
"Tingnan natin kung successful ang event mo, Mr. Mendoza!"
"It surely will!" sagot ko with confidence.
"Good luck!" sarkastikong sagot niya.
"God bless you!" sarkastikong sagot ko naman. Matalim ang tingin niya na umalis sa stage. Nagsimula ang programa at nagbigay ng mensahe ang president. Lahat ng faculty ay nandun! Kinakabahan ako dahil big bang ang lahat ng night events. Eto nalang talaga kaya naman kinakabahan ako as pageant director. Lahat nakikinig sa mensahe ng president ng biglang may sinabi ito na ikinagulat ko. Yun din pala kasi ang time na ipapakilala ang mga magiging recipients ng silver free tuition award. Nakapili na pala ang school. At 3 pala sa mga candidates ay recipient. 1 babae at 2 lalaki. Yung dalawa pa sa 10 lalaki na paborito ko ang napiling recipient. Lahat ng 25 ay inisa-isang tinawag 
at pumunta sa stage.
"Good news for all of you students, next semester, you dont have to worry about your tuition fee. Dahil free na iyon. And you have to thank your sponsor!" unang wika ni pres.
"All the newly-improved facilities of the school are manifestations that we truly are gearing towards school development. Even this event tonight and the 25 students who received free tuition fee, lahat po iyon ay dahil sa isang tao. Pati ang pageant na'to, siya din ang naging major sponsor nito. Sa inyong mga 25 students you have to thank your sponsor, may we have the owner of Villa Respicio, one of schools major investor who proposed improvement of school facilities kaya naman gumanda ng husto ang ating campus, the man who loves by all students, a millionaire at his age, ladies and gentlemen, the pageant director for tonight's affair, your very own professor, Mr. Cyrus T. Mendoza!

Halos lahat napanganga sa sinabi ng President. Dahil alam ng mga tao na napakasimple ko. Gulat na gulat ang mga iyon pati si Rose sinesenyasan ako kung anong nangyayari. Sinenyasan kong ipapaliwanag ko nalang later. Pati si Mr. Balse na nanlait sakin, parang binuhusan ng isang drum na sa itsura! Kinamayan ko ang mga recipients at nagsimula na ang pageant. Humanga ang mga tao sa ganda ng Villa Respicio. Hanggang dyan nga lang nikita niyo eh, hangang hanga na kayo, paano pa kaya kung nakita niyo ang falls, sa isip-isip ko. Naging napakatagumpay ng pageant. At syempre ang mga inaasahan kong manalo ay nanalo kabilang na dito sina Enzo, Dave, Mon, James at Mark.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento