Naging masaya ang naging
set up namin ni Christian. Hindi ko masasabing may nabuong relasyon sa pagitan
namin pero alam niya kung saan siya lulugar sa puso ko. Napamahal si Christian
sakin pero hanggang kaibigan lang iyon. Walang taong makakatanggi sa kakisigan
ni Christian. Pero hindi ito ang mamahalin mo sa kanya kundi ang kanyang ugali.
Napakabait. Walang araw na nagsasama kami na hindi ko naaalala si Albert. Kahit
nakikita ko kung gaano kasakit iyon sa kanya, gumagawa parin siya ng paraan
para mapasaya ako. Ayokong isipin na sinamantala ko ang kanyang kabaitan at
ginawa siyang panakip butas, pero ganun na nga ang lumalabas. Wala akong
narinig na reklamo sa kanya kahit paulit-ulit ko siyang sinasaktan. Hindi niya
ako iniwan.
Kahit gaano siya kabusy
sa school dahil graduating na siya sa kanyang kurso, siya pa ang dumadalaw sa
akin sa aming lugar tuwing sabado at linggo. Walang palya iyon. May mga
pagkakataon nga na dala-dala niya ang kanyang mga gamit sa eskwela, magrereview
habang nakatitig lang sa akin. Natutuwa ako sa ganung ginagawa niya. Mas madali
daw niyang naisasaulo lahat kapag nakikita ako. Hindi ko maitatangging masaya
ako sa mga pagsasamang iyon. Isang araw na nagtext siya sakin. Alam kong
nasaktan siya ng husto sa tinuran ko.
"Punta ako diyan
babe." unang text niya.
"Wag ka ng pumunta
dito. Mapapagod ka lang."
sagot ko. Naisip ko kasi
nun na kawawa na siya. Ayokong lumalim pa ang kanyang nararamdaman sakin. Alam
niya ring sakyan ang topak ko, kaya nagpumilit parin siya. Pumunta parin siya
sa bahay kahit sinabi ko ng wag siyang pumunta.
"Nandito na ako sa
harap ng bahay niyo." text niya.
"Sinabi ko na ngang
wag ka ng pumunta diba?" sagot ko.
"What's the matter
with you babe?" tanong niya.
"What's
wrong?" tanong niya ulit.
"Look Christian,
everything is wrong! You love me, but i dont love you! Don't you get it?"
sambulat ng text ko. Kinailangan kong sabihin ang mga bagay na'to dahil lalo
lang siyang nalulugmok sa pagibig na kinasadlakan niya. Ayoko siyang makitang
nasasaktan dahil wala siyang ipinakita sakin kundi puro kabutihan. Ayokong
magdusa ang isang tao nang dahil sa pagibig na hindi ko kayang ibigay.
Ipinamukha ko sa kanya na siya lang ang nagmamahal. Parang sinabi kong kahit
anong gawin niya, hindi niya mapapantayan si Albert, na kahit anong gawin niya
wala siya sa kalingkingan ni Albert.
"Wag ka ng pumunta
diyan! Ayoko ng makita ka pa! Wala din ako diyan. Nandito ako sa Villa to
celebrate Albert's birthday" sunod kong text.
Magmula noon di na
nagparamdam sakin sa Christian. Ang mga nakagawian niyang pagdalaw tuwing
sabado at linggo, hindi na niya ginawa pa! Natapos ang taong iyon, Christmas at
new year, wala ng nagparamdam na Christian. Nagtaka din si mama noon at
tinanong ako.
"May tampuhan ba
kayo ng kaibigan mo? Hindi na dumadalaw dito ah?" tanong niya.
"Tama lang po yun
ma. Pareho lang kaming mahihirapan pag di pa niya itinigil ang kahibangan
niya." sagot ko.
Mabilis lumipas ang
panahon at dumating ang araw ng death anniversary ni Albert. Umuwi ang
magasawang Respicio kung kaya nagkaroon ng kasiyahan sa Villa. Napakaganda ng
Villa. Ipinaayos nina mom and dad ito. Mga kamaganak lang ang imbitado noon.
Gusto nila kasi itong gawing araw ng reunion ng buo nilang pamilya. Kumpleto
ang buong pamilya ng Respicio. Nakilala ko ang iba't ibang kamaganak nila. Mga
guapo at maganda ang lahi ng mga Respicio. Medyo nahihiya ako sa iba nilang
kamaganak dahil halatang napakasosyal ng mga ito.
"Kumusta ka
anak?" tanong ni mom.
"Im still moving on
mom. It's hard to get over him." sagot ko.
"Why don't you try
to love again anak?" sabat ni dad.
"No dad. I know, he
will come back. It's a weird thought but Im still hoping." sagot ko.
Napangiti ang magasawa
sa isinagot ko.
"Why dont you move
out here anak?" tanong ni dad.
"Wala pong kasama
si mama,dad. Tsaka, it's gonna be hard for me to get over him if ill be staying
here. Ok na sken yung dalaw-dalaw lang." sagot ko.
"Naiintindihan
namin." sagot nila.
"Dumadalaw naman
ako dito mom, dad! Lalo na sa mga espesyal naming araw ni Albert." ngiti
ko.
"Nakita nga namin
yung mga kahon-kahon na regalo sa munting kastilyo iho." sagot ni dad na
maluwag ang ngiti.
"Lalo namin
napatunayan kung gaano mo siya kamahal iho" maluha-luhang sagot ni mom.
"Walang makakapalit
kay Albert sa puso ko mom. Ayoko ng magmahal kung hindi rin lang siya. Basta
mom, dad, maghihintay ako. Alam kong babalik siya." umaagos ang luha ko.
"Kaya nga salamat
anak! Salamat sa walang sawang pagmamahal mo sa kanya. Pero wag mong sayangin
ang buhay mo, buksan mo ulit ang puso mo" sagot ni mom.
Nagiyakan kaming tatlo
ng mga panahong iyon. Nang mahimasmasan, nagiba ng paksa ang mag-asawa. Para
bang icebreaker sa isang kagaganap na iyakan.
"By the way iho,
the bank called this morning! Hindi mo pala ginagalaw ang pera mo sa bangko. No
withdrawals at all for the whole year." tanong ni mom.
"Ayoko ko pong
gastusin yun ng basta-basta mom. But im planning to invest the money in a
school mom, dad. Education kasi focus nun ni Albert. I might as well venture on
it." sagot ko.
"Basta anak, enjoy
the money. Why dont you buy a car and build a house for your mom? Kaysa
nangungupahan pa kayo." sagot niya.
"Ill think about it
mom." sagot ko.
"Use the money iho.
I know, Albert did that because he knows you'll use it wisely." tugon
niya.
"Sige mom. I might
do that then."sagot ko.
"Basta if you want
to seek advice, your dad and me are more than willing to help, ok?"
"Thanks mom."
sagot ko.
Saglit akong nagpaalam
para puntahan ang munting kastilyo ni Albert.
"Hi mahal ko.
Kumusta ka diyan? Isang taon na ang nakaraan ng mawala ka. Pero nandito parin
ako sa'yo, naghihintay! May mga nagawa akong mali mahal ko. Sana patawarin mo
ako. Pakiramdam ko, marami pa akong gagawing kamalian." humagulgol ako sa
iyak.
"Magkakaroon man
ako ng mga kaulayaw mahal ko, hindi kita ipagpapalit. Alam kong nagkamali ako,
magkakamali pa ako, pero tandaan mo, IKAW lang ang mananatili sa aking puso.
Walang makakatumbas nun! Ang isang taon na wala ka ay isang taon ng pagdurusa.
Masakit parin tanggapin mahal ko. Mahirap kang kalimutan. Tinuruan mo kasi
akong mahalin ka at halos naging dependent na ako sa'yo. Pero nakalimutan mong
ituro kung paano kita kalimutan. Sabagay, paano ko ba makakalimutan ang isang
taong mahal na mahal ko? Paano ko ba kakalimutan ang mga masasayang araw na
kasama ka? Makakalimutan ko ba ang taong nagpasaya sakin ng husto..
Hinding-hindi. Hihintayin kita. Kahit anong mangyari. Umaasa parin ako sa iyong
pagbabalik. Sana! I am holding on." sabi ko sabay punas ng aking luha.
Inayos ko ang mga kahon
ng mga regalo ko sa kanya. Bawat monthsary namin, dinadalhan ko siya ng regalo.
Sa lahat ng okasyon kabilang ang Christmas, pati nga araw ng mga patay, may
regalo ako sa kanya lalo na nung 1st anniversary namin. Alam kong magugustuhan
niya ang simple kong mga regalo.
Nagpaalam ako kay Albert
at tumuloy na ako sa mansyon. Nagkakasiyahan parin ang buong pamilya sa pool
area. Dumaan ako doon at nagsibati sila sakin.
"Swimming tayo kuya
Cyrus!" sigaw ng isang guapong bata.
"Sige lang."
sabi ko sabay pisil sa pisngi niya.
Papasok na sana ako sa
kusina ng biglang may nagsalita sa aking likod.
"So, you're the
famous boyfriend of my cousin Albert?" tanong ng isang babae. Maganda ito
at may nakasabit na camera sa leeg! Nagulat ako kaya hindi ako agad
nakapagreact.
"Cielo Respicio
Rodriguez" pakilala niya sabay abot sa kanang kamay.
"Cyrus
Mendoza." sagot ko naman.
"Pleased to meet
you Cyrus." bungad nito.
"The pleasure is
mine, Cielo." sagot ko.
"I heard, nobody is
allowed to visit the falls except you, tita, tito and the gardener?" sagot
niya.
"It's actually
Albert's wish before he died. It's his sanctuary, so only chosen people are
allowed to go there." sagot ko.
"As you can see,
I'm a photographer by profession." sinipat niya ang aking itsura.
"You can be a model Cyrus. Im lookin for fresh faces to be my
subject." sagot niya.
"Sorry, I am not
really confident showing off my body on cam. I prefer to teach" sagot ko.
"You can be a model
with your looks and body." sabi niya.
"No, sorry. I just
can't" sagot ko.
"Hindi kita
pipilitin. But if you change your mind, just give me a call." sabay abot
ng calling card. I kept the calling card.
"By the way Cyrus,
Im interested in the sanctuary. I heard, walang kasing ganda daw yun."
biglang sabi niya ng nakita niyang aalis na ako.
"Yah! It's a
majestic sight." sagot ko.
"Can I use it as
the setting of my photoshoot?" tanong niya.
"Have you asked dad
and mom about this?" balik tanong ko.
"Well, yes! But....
They told me to ask for your permission!" sagot niya. Alam naman nila dad
and mom na di pwede. Siguro binibigyan lang ako ng karapatang magdesisyon
tungkol sa Villa.
"Owh, is that so
Cielo? Sorry, it's Albert's 1st death anniversary. We should not be talking
about this. I wanna fulfill his wish. I'm sorry." sagot ko.
"Oh no, no. Dont
be! I just tried. Although tito and tita have already told the whole story
about it. I expect you to answer that way! Malay natin diba? Magbago isip mo in
the near future. Wrong timing lang ako talaga! ngiting sagot niya.
"Im sorry Cielo.
Hope you understand." tugon ko.
"I do! Mahal mo
talaga siya noh?! Sayang, you should have been a perfect couple in my lens!
Pareho kayong eyecandy. Kaya im sure, the camera loves you both. In fact,
Albert looks like one of my models" puri niya.
"Salamat, maiwan
muna kita."sagot ko.
"Sure, sure!"
sagot niya.
Hindi ko pinansin yung
sinabi niyang may kamukha si Albert. Dahil hindi rin naman si Albert yun.
Nagpaalam ako sa mga
Respicio para pumunta sa mall. May pinapabili kasi si mama sakin kung kaya
kinailangan kong mamili sa mall. Habang namimili ako sa mall, may nakita akong
pamilyar na mukha. Medyo nagmature lang ito because of unshaved beard and
mustache. Lumapit ako at nakumpirma kong si Christian nga iyon. Mukhang abala
ito sa paghahanap ng kung ano. Maaaninag ang lungkot sa mukha niya. Parang
ngang pumayat ito at malamlam ang mga mata. Mukhang wala ito sa sarili.
Pumipili siya ng damit pero mukhang wala naman siyang balak bumili. Lumapit ako
sa kanya...
"Christian!"
tawag ko sa kanya.
Lumingon siya sa
pinanggalingan ng boses. Nagulat siya ng makita ako. Bigla itong umalis. Hindi
mapakaling nagmadali siya na para bang nakakita ng multo. Hinabol ko siya.
"Christian,wait!"
sigaw ko.
"Christian!
Christian!" paulit-ulit kong tawag! Tumigil siya. Tumingin siya na
maluhaluha ang kanyang mga mata. Nadurog ang puso ko nang makita ko siyang
mangiyakngiyak. Tumakbo siya sa parking area. Sinundan ko parin siya! Kumatok
ako sa pinto ng kotse niya. Lumabas siya.
"Pwede bang umalis
ka na!" pagpipigil niya sa kanyang sarili na mapahagulgol.
"Let's talk!"
sabi ko sabay pasok sa kanyang kotse.
Author's Note:
May mga taong kailangang
pakawalan para mahanap rin nila ang tunay na kaligayahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento