Hidden Sanctuary M2M Book Series

Huwebes, Mayo 2, 2013

Kabanata 2 Unang Sabak, Dalawa ang Nasibak-Si Albert Part 3

Binasag ni tita Emma ang nakabibinging katahimikan sa loob ng kwarto ni Albert.
"Mabuti pa magusap muna kayong dalawa. Halika na dito yaya Luring. Dalhan nalang natin sila ng pagkain mamaya. Sige Cyrus, mauna na muna ako." ang paalam ni tita Emma.
"Son, kaya mo yan. Kaya mo ng magdesisyon para sa sarili mo. Nandito lang kami ng daddy mo para suportahan ka." pahabol nitong tugon habang nakangiti sa anak.
Tango at ngiti naman ang naging tugon ni Albert sa kanyang mommy. Limang minuto na ang nakaraan nang lumabas si tita at yaya pero nanatiling tuod ang katawan namin. Nakatayo parin kami. Inoobserbahan ang kilos ng bawat isa. Nakikiramdam. Una akong kumilos at pumunta sa pintuan. Alam kong nakatingin siya at hinihintay ang magiging reaksyon ko. Alam kong sinundan niya ako ng tingin ng nakalapit na ako sa pintuan. Nakatutok ako sa buong photo collage na alam kong pinaghirapan ng isang malikhaing kamay. Naramdaman kong naupo siya sa kanyang kama. Patuloy kong kinilatis ang photo collage. Binasa ko ang mga captions ng mga larawan.
My New Handsome Professor: Mr. Cyrus T. Mendoza, gifted with looks and wit. Unang caption na nabasa ko. Yun ang kapansin-pansin sa lahat dahil malaki ito sa pangkaraniwang mga larawan na napalibutan ng hugis pulang puso na kartolina na binudburan ng glitters na nagpakinang sa palibot nito. Binasa ko yung ibang caption. Lahat ng iyon, larawan ko lang. Iba't-ibang anggulo, iba't-ibang lugar. But most of my photos are shot in the school. Hindi ko alam kung paano niya kinunan ang mga iyon.
-Sir Cyrus while discussing the story of creation.
-First day of sir Cyrus at school (nacapture niya talaga ang pagtuturo dito)
-Sir Cyrus busy infront of his computer
-Sir Cyrus while sipping coffee: He loves to sip coffee every morning. Palagi ko siyang inaabangan sa canteen. 
- Fresh Sir Cyrus: bound to school. Gusto ko siyang isakay sa kotse pero inuunahan ako ng hiya.
- First Recitation: memorable recitation in the class of my crush, my love. (Nasa harap kami pareho ng klase sa larawan)
- Sir Cyrus busy texting.
- Sir Cyrus before entering the gate
- Sir Cyrus: Mr. Congeanility. He loves to talk with group of students at the covered walk. That's why students love him back. Most of all, i love him.
Madami pang captions ang aking nabasa. Halos lahat, tumutukoy sa akin. Sa personalidad ko, sa daily itineraries ko. Naririnig kong pinapatunog niya ang kanyang knuckles. Alam kong he's trying to ease himself from tension. Humarap ako sa kanya. Hindi parin siya makatingin ng diretso sakin. Ipinakita kong seryoso ang ekspresyon ng mukha ko. Kaya yumuko siya. Para siyang isang taong gumagawa ng krimen at nahuli sa akto. Sinunod kong pinuntahan ang bulletin niya. Nakasulat doon ang mga itineraries niya araw-araw. Nakasulat din doon ang pakiramdam niya araw-araw. Parang freedom wall yun na kung saan ibinabahagi niya ang kanyang nararamdaman araw-araw. Weirdo man siguro, pero ganito siguro ang taong to. May mga missed dates sa freedom wall ni Albert pero binasa ko ang pinakarecent doon.
"Nakita ko silang magkasama ni Christian sa canteen. Nagseselos ako. Nadudurog ang aking puso. Nakakamatay. Masaya silang naguusap. Masakit."
Yun ang nabasa ko. Bukod dito, kapansin-pansin ang hugis puso na kung saan sa kabilaang bahagi nito, makikita ang larawan naming dalawa. At may nakasulat na 'I LOVE YOU CYRUS MENDOZA'... Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nun. Pero sa bahagi ng aking puso, natutuwa ako. Hindi dahil sa mga nakita ko kundi sa isang lalaking mahal ako sa kabila ng pagiging salat ko sa buhay. Personalidad ko lang ang maipagmamalaki ko at wala ng iba. Wala akong yaman na tulad niya. Pati itsura, hindi parin ako makapaniwala na tinawag niya akong 'handsome professor'... Natutuwa akong isipin na mahal ako ng napakaguapong binata na ito. He has everything one wishes to have. Humarap ako sa kanya.
"Will you explain this, Mr. Respicio?" seryosong tanong ko.
"Si-sir. Kaa-kasi sir" umpisa niya.
"Kasi ano, Mr. Respicio? I think, I have a stalker down here," sagot ko. Nginitian ko siya upang bahagyang mawala ang kanyang tensyon.
"Si-sir, i dont need to explain anything. You've read it. And that already explains everything." sagot niya.
"Mr. Respicio, I dont know that you are..." binitin ko siya sa huling salita kasabay ng pagtitig ko sa kanya.
"Gay sir?" itinuloy niya ang sasabihin ko.
"I am not, sir. Unang pagkakataon na nangyari ito saken. May mga naging gf ako. Pero alam ko, may hinahanap ako. When I first saw you, i know, na may nagiba sakin. Iba ka kasi sir. Tinanggap ko na agad sa sarili na mahal nga siguro kita kasi palagi kang nasa isip ko. Excited akong pumasok at magaral dahil sa'yo. Hindi ako komportable pag hindi kita nakita sa isang araw. Nagselos ako kay Christian dahil masaya kayong naguusap nun" mahabang litanya niya.
Tama pala ang hinala ni Christian,ang sumagi sa isip ko.
"Ok lang." sagot ko.
"Pakiulit sir. Ano yung sinabi niyo?" makulit nyang tanong. Alam kong ok na siya dahil bumabalik na naman ang pagiging makulit nya.
"Sabi ko, ok lang sakin na mahalin mo ako" sagot ko.
"Talaga sir?" bigla siyang nagtatatalon sabay sigaw ng "Yaaaahoooo".
Natatawa ako sa reaksyon niya. Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa labi. Matagal, mapusok. Pero hinayaan ko siya. Nagpaubaya ako. Pumikit ako upang namnamin ang tamis ng halik niya. Tumigil siya at niyakap ako ng mahigpit. Mangiyak-ngiyak siya habang paulit-ulit niyang sinasabi na hindi ako magsisisi.
"Mahal na mahal na mahal kita sir. Paulit-ulit niyang sinasabi habang niyakap ako ng mahigpit.
Niyakap ko din siya at damang-dama ko ang init ng katawan niya. Ang kahubdan niya. Unti-unti kong naramdaman ang gabakal na tumutusok sa aking puson. Tinigasan na pala si Albert habang yakap yakap ako. Hinawakan ko iyon na siyang naging dahilan ng pagsinghap niya. Malaki ang kanyang tarugo. Nasa 7 inches iyon. Gusto ko man may mangyari samin sa oras na iyon, inisip ko na nasa bahay kami at nasa baba lang ang kanyang mga magulang. Kaya naman, kumalas ako sa pagkakayakap niya kahit alam kong ninanamnam niya ang sarap ng paghawak ko sa kanyang tarugo.
"Maligo ka na. Mabaho ka na. Di ka pa nagtotooth brush oh." kako sa kanya.
"Bakit mabaho na ba ako mahal ko?" tanong niya sabay amoy ng kanyang katawan.
Natawa ako sa ginawa niya. Napakaguapo talaga ng mamang ito. Ang ganda ng katawan kaya kahit nakabuyangyang siya sa harap ko, ok lang kasi may maipagmamalaki naman.
"Hindi po. Kailangan mo lang gawin niya. Magsalamin ka nga para malaman mo" sagot ko.
"Sige na nga," sabay hubad at tuluyan ng pumunta sa cr ng kanyang kwarto.
Nagulat at namangha ako sa harapan ko. Nakakalibog siyang tingnan. Hubog palang ng katawan, ulam na. Ngumiti siya sakin, sabay flying kiss bago tuluyang pumasok sa CR.

Gusto kong tumigil sandali ang oras. Ayokong matapos agad iyon. Naghintay ako sa mini living room niya. Hindi parin ako makapaniwala sa mga rebelasyong nangyari sa araw na'to... Masarap sa pakiramdam na mahalin ka ng isang Albert Respicio. Masaya ako. Umaapaw ang saya ng puso ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento