Hidden Sanctuary M2M Book Series

Huwebes, Mayo 2, 2013

Kabanata 2 Unang Sabak, Dalawa ang Nasibak- Si Albert Part 7

"Ano po tita? Anong nangyari kay Albert?" paulit-ulit kong tanong kay tita Emma. 
Alam kong may masamang nangyari kay Albert. Iba ang kaba ng dibdib ko. Biglang nagising ang inaantok ko ng pakiramdam kanina. Muling sumagot si tita Emma.
"Cyrruss, si Albert. Naaksidente! Nandito na ako sa loob ng ambulansya! Sumunod ka na sa ospital" ibinaba na ni tita ang cellphone. Napaupo ako sa aking kama ng marinig iyon. Nabitawan ko ang aking cellphone at nagsimulang dumaloy ang aking luha. Ang ganda lang ng usapan namin kanina. Masaya pa ako dahil matataas ang marka niya. Diyos ko, bakit hinayaan mong mangyari ito sa pinakamamahal ko. Alam kong kasalanan ang nagawa namin, pero hindi naman sapat yun para parusahan kami ng ganito. Ito ang mga pighating lumabas sa aking bibig. Agad akong nagpalit ng aking damit, sumakay sa tricycle papuntang ospital. Nagtanong ako sa information at sinabi kung nasaan ang pamilya. Nakita ko sina tito at tita na hindi mapakali, palakad-lakad sa harap ng ER. Sinalubong ako ni tita at niyakap ako. Ganun din ang ginawa ni tito. Nagiyakan kaming tatlo. Hindi ako makapagsalita dahil sa ang iyak ay naging hagulgol.
"Let's hope for the best iho" ang sabi ni tito.
"Let's pray that he can make it" sabi ni tita na hawak hawak ng mahigpit ang aking kamay.
"Ano po ba ang nangyari tita?" tanong ko.
"Pagkahatid niya samin sa hotel, nagbilin kami na umuwi na muna dahil plano ka pa niyang puntahan kanina. Sinunod niya naman. Nang paliko na sa national highway, may rumaragasang 10-wheeler truck. Nabangga nito ang kaliwang bahagi ng kotse ni Albert at yun nga, kritikal ang kondisyon niya dahil natamaan ang bahagi ng kanyang ulo." patuloy na kwento ni tita habang umiiyak.
"Ano pong sabi ng doctor?" tanong ko.
"Kailangan daw siyang operahan agad para hindi mamuo ang dugo sa kanyang utak" sagot ni tito.
"50/50 ang chance niya sa operation iho. The doctor didn't assure us of 100% chance. Alam kong kaya niyang lumaban." pagpapalakas ni tita.
"Sana nga po tita,tito!"
Lumabas ang doctor sa ER pagkatapos ng 3 oras at sinabihan kaming successful ang operasyon.
"But this doesn't guarantee a full recovery of the patient. I cannot assure you, Alfonso, that he can make it. Alam mo ang kasagutan diyan dahil isa ka ring doctor. " paliwanag ng neurosurgeon.
"I understand Ernesto." sagot ni tito na tanda ng pagsang-ayon.
Inilipat siya sa isang pribadong kwarto. Kumuha ako ng upuan sa tabi niya. Tiningnan ko ang kanyang itsura. Kalunoslunos ang nangyari sa kanya. Ang dating masigla, makulit, palatawang Albert ay nandito ngayon sa ospital, nakaratay. Parang walang buhay. Ang dating nangungusap niyang mata, ang maamo nyang mukha,lalo na ang ulo niya, punung-puno ng benda. Napakalayo sa itsura ng dating Albert. Naaawa ako sa aking mahal sa sinapit nito. Kung pwedeng ako nalang ang nasa kalagayan niya. Kung pwedeng ako nalang ang umako sa lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. 
Nakatulog ako na may natuyong luha sa aking mga pisngi. Sa gilid ako ng kama ni Albert natulog para ako ang una niyang masilayan pag nagising na siya. 
Nagising ako nang may gumalaw sa aking daliri. Unti-unti kong iniangat ang aking ulo para makita kung ano ang gumagalaw. Nakita kong gumalaw ang daliri ni Albert.
"Tito, tita, gumalaw ang daliri ni Albert" tawag ko sa magasawa. Nagising ang mga ito at lumabas si tito upang tawagin ang neurosurgeon.
"Albert, Albert" tawag ko sa kanya na naluluha na. Unti-unti nitong idinilat ang kanyang mata.
"Albert, mahal ko, si Cyrus ito. Mahal ko, tinawag na nila ang doctor." sabi ko habang patuloy na umaagos ang aking luha. Parang may gusto itong sabihin kaya naman inilapit ko ang aking tenga!
"Ma-maaa-hal na maa-haal kita. Baaa-baa---lii-kan ki-ta. Ma--taa." ang sabi niya na halatang hirap na hirap sa kanyang pagsasalita.
"Mahal na mahal din kita. Bat ka babalik, hindi ka naman mawawala eh diba? Marami pa tayong pangarap. Di ba pangako mo, hindi mo ako iiwan?" tuluyan na akong napahagulgol. Niyakap ako ni tita. Nakita kong may namuong luha sa mata ni Albert. May ipinapahiwatig ito sa kanyang ina! Lumapit si tita emma sa kanya. Basta puro tango lang ang nakita kong ginawa ni tita na napahagulgol narin. Bumukas ang pinto at iniluwa nito si tito Alfonso sa pinto kasama ang doctor ni Albert. Bigla namang tumunog ang machine. Isang indikasyon na wala ng pulso si Albert. Lahat kami sa kwarto ay nagpanic. Agad naman pumunta ang doctor kay Albert at sinubukang irevive ito. Nagtagal ito ng ilang minuto. Sumuko na ang doctor.
"Doc, isa pa. Subukan mo pa. Isa pa doc. Albert. Plssss! Doc plssss!" sabi ko habang humahagulgol ako.
"I'm sorry iho! Emma, Alfonso! I've done everything I can to revive him. I'm sorry!" wika nya sabay tapik sa likod ni tito.
"Hindiiii! Albert! Gumising ka mahal ko. Please! You promise me, you won't leave me! Tito, tita. Magigising pa siya diba? Masaya lang kami kahapon dahil matataas ang grades niya! Tito, tita. Baka may paraan pa." pakiusap ko sa mga magulang ni Albert.
Walang magawa ang mga magulang ni Albert kundi ang pakalmahin ako. Niyakap ako ni tita ng mahigpit.
"Tita, tell me this is just a nightmare! Please tita!" patuloy kong pakiusap sa kanya.
"Iho, masakit din samin ito. Tahan na! Wala na talaga si Albert!" malumanay na sagot ni tita.
Kumawala ako sa yakap niya at tumakbo papalayo sa kanila.
"Cyrus!" narinig kong sigaw ni tita.
"Hayaan mo na muna ang bata Emma. Halika na dito at ayusin natin ang paguwi sa bangkay ng ating anak" ang pigil ni tito kay tita.
Dumiretso ako sa maliit na chapel ng ospital. Gusto ko siyang sumbatan dahil kinuha niya ang nagiisang lalaking nagparamdam sakin ng tunay na pagmamahal. Gusto ko rin siyang pakiusapan na ibalik sakin si Albert.
Naglakad akong paluhod magmula sa pinto ng chapel hanggang sa harap.
"Bakit? Bakit ba? Umpisa palang, iniwan na kami ng aking ama. Unang lalaki sa buhay ko, hinayaan mong mapunta sa iba. Ngayon, unang minahal kong lalaki, kinuha mo pa? Ano bang nagawa ko para parusahan mo ako ng ganito ha?" sunud-sunod kong sumbat sa imaheng nasa harap ng chapel.
"Nakikiusap naman ako sa'yo ngayon. Pakiusap naman. Kahit ngayon lang pagbigyan mo ako. Please lang. Ibalik mo si Albert. Parang awa mo na. Maawa ka!" pakiusap ko.
Patuloy akong nakiusap sa panginoon at nakatulugan ko ito. Nagising ako nang may yumuyugyog sa aking balikat.
"Cyrus, iho. Gumising ka!" ang sabi ng boses.
"Gising ka na iho. Naayos na namin ang bangkay ni Albert. Umuwi na tayo. Sumabay ka na samin." nakita ko si tita Emma.
Hindi nga lang ito bangungot. Totoo talaga ang nangyayari ngayon. Inakay ako ni tita Emma. Sumunod ako sa kanya. Halatang naaawa ito sakin sa biglaang trahedya sa buhay namin. Nawalan din sila at alam kong sobrang masakit din sa kanila ang pagkawala ni Albert dahil nagiisang anak nila ito. Hindi ko dapat ipinapakita sa kanila ito. Hindi ito magugustuhan ni Albert. Kailangan kong magpakatatag. Hindi ako dapat panghinaan ng loob. Pero, masakit na masakit. Ang hirap tanggapin na ang tulad ni Albert ay binawian na ng buhay. Masyado pa siyang bata, hindi pa niya natutupad ang kanyang mga pangarap, ang aming pangarap! Gusto ko pang ipadama ang aking pagmamahal. Kulang pa ang pagpapadama ko sa kanya! Alam kong nasa lupa pa ang kaluluwa ni Albert. Umaasa ako na makikita niya ang kalagayan ko ngayon para maawa siya at bumalik sa katawang lupa niya.
Sinalubong kami ni Tito. Dinala na ang mga labi ni Albert sa bahay nila sa city. Isa daw iyon sa hiling ni Albert bago siya nalagutan ng hininga ayon kay tita Emma. Alam kong ayaw niyang maging publiko ang kanilang Villa kaya pinili niyang sa bahay nila sa syudad ang lamay. Naging abala lahat sa lamay ni Albert. 
Kinailangan kong magreport sa university para ayusin ang mga pending reports ko. Tinapos ko lahat ng iyon. Pinilit kong magfocus. Pagkatapos noon, gumawa ako ng resignation letter at ibinigay lahat ng iyon kay boss kasama ng reports ko for that month. Bahagyang nagulat siya sa aking desisyon.
"I'm giving you more time to think about this, Mr. Mendoza" sabi ni Ma'am.
"I've thought about it many times Ma'am. And this is my final decision. Thank for everything" sagot ko.
"What can I say? (kibit balikat niya) i wish you well in your future endeavor, Mr. Mendoza." sabi niya.
"Thank you Ma'am! Good bye" yun ang huli kong sinabi.
Sabi nila, wag magdesisyon kung nasa tugatog ka ng kasiyahan at kalungkutan. But I just did. Ayokong dumaan sa maprosesong paraan nila sa leave absents. Gusto ko narin umalis dahil ang university ang isa sa mga lugar na nakakapagpapaalala kay Albert. Si Albert. Nagmadali akong umuwi sa boarding house. Kumuha ako ng mga gamit ko. Inilagay ko iyon sa bag. Inaayos ko ito ng matuon ang aking paningin sa nakasabit na tarp sa wall ng kwarto ko.
Napaupo ako sa kama. Hindi ko na napigilang humagulgol. Sinariwa ko ang mga nangyari. Naririnig ko pa. "Mahal kooo!" Ang ngiti sa kanyang mga labi, ang maamo niyang mukha, ang nangungusap niyang mata. Mata? Binanggit niya ang salitang mata bago siya nalagutan ng hininga. Pero di ko masyadong pinansin iyon. Alam kasi niya na yun ang paborito kong parte ng kanyang mukha.
"I love you Cyrus!" ang nakasulat sa tarp. Ang mukha niya. Muli akong humagulgol.
"Napakaunfair mo mahal ko! Napakaunfair mo! Ba't mo ako iniwan? Tapos sasabihin mong babalikan mo ako? Ba't ngayon wala kana? Napakaunfair mo!" hinagpis ko habang nakatingin sa napakaguapo niyang mukha sa tarp.
Nang nahimasmasan ako, naghilamos ako! Kasabay nun, i used my eyeglasses para matakpan at hindi mahalata ang pamumugto ng aking mga mata. Tumuloy ako sa bahay ng mga Respicio. Nang makita ako nina tito at tita, niyakap ako.
"Saan ka nanggaling iho? Nagalala kami sa'yo!" turan ni tita.
"I finished my pending reports tita then, i filed my resignation" sagot ko.
"But why?" tanong niya. Hindi na ako nakapagpaliwanag dahil marami ng dumating na bisita kabilang ang mga distant relatives ng mga Respicio at mga kaklase ni Albert.
"Sir Cyrus, dalhin ko na ang bag niyo sa kwarto ni Señorito." sabi ni Yaya sabay kuha sa bag ko.
Nagpasalamat ako kay yaya. Sinalubong ko ang mga estudyante. Umiiyak ang mga ito dahil naaalala nila si Albert, ang kabaitan niya, ang pagiging maingay at makulit niya sa klase. Kumpul-kumpol kami ng mga kaklase niya at sinariwa ang magagandang alaala ni Albert sa university.
"Sir, sir, naalala mo ba nung sinabihan ka ni Albert na Mahal ko?" tuluy-tuloy itong nagkwento. Hindi ko na narinig pa ang sumunod na sinabi ni Trishia. Bigla nalang akong umiyak. Patuloy na umagos ang luha ko. Paano ko ba makakalimutan yun? Yun ang isa sa pinakakengkoy na ginawa niya. Paano ba kita kakalimutan, mahal ko? 
Nagpaalam ako sa mga kaklase niya at pumunta ako sa harap ng coffin niya. Pinagdasal ko ang kanyang kaluluwa! Sana maging masaya ka kung nasan ka man ngayon, bulong ko. 
Nagtext ako kay mama at sinabi ang nangyari. Umiiyak ang mama ko nang nalaman ito. Sinabi niyang sa huling araw nalang daw siya pupunta dahil maraming gawain sa opisina.
Natapos ang lamay na punung-puno ang bakuran ng mga Respicio. Maraming nakiramay. Mga kilalang tao sa iba't-ibang lugar, mga ordinaryong tao, mga kaklase, mga kapitbahay sa village, kabilang si Christian. Nagngitian lang kami. Huling araw na ito kaya lalong dumami ang tao. Pagkatapos kasi nito. Magkakaroon ng necrological mass bago icremate ang katawan ni Albert. Ito rin daw ay isa sa mga hiling niya. Didiretso din ito sa Memorial service para sa cremation.
Author's note:

Everything happens for a reason. Dumaan sa matinding unos ang buhay ni Cyrus lalo na ngayon na wala na ang pinakamamahal ng lalaki. Pero magugulat kayo sa mga susunod na mga pangyayari. Hindi niyo ito aasahan. Nilagyan ko ng konting pagbabago para matupad ang nais kong katapusan ng kwento!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento