Hidden Sanctuary M2M Book Series

Huwebes, Mayo 2, 2013

Kabanata 2 Unang Sabak, Dalawa ang Nasibak-Si Albert

Dahil sa imbitasyon ni Albert sa kanyang kaarawan, gusto ko ng hilain ang araw para magsabado na. Pero syempre, hindi ko ipinahalata ang excitement ko. Pilit ko itong itinago pero hindi nakaligtas ang aliwalas ng aking mukha sa mga kasamahan ko sa opisina. Miyerkules noon at nahalata ng boss ang pungay ng aking mata na para daw bang nangungusap at ang ngiti ko hanggang tenga. Pinamulahan ako ng pisngi ng biglang nagbigay ng komentaryo ang aking boss sa itsura ko ng araw na iyon.
"Cyrus, parang may nagiba sa'yo. Fresh ang dating mo ngayon salungat kahapon sa itsura mo. Tell me, may nabingwit ka bang chicks kahapon?" nakangiting sabi ni boss.
Nailang man ako sa salitang 'chicks' na ginamit niya. Natuwa parin ako dahil isang indikasyon iyon na hindi nahalata ng matanda ang totoong kulay ko.
"Well mam, i had a good sleep last night. And explains why i look fresh today." nakangiti ko ding tugon.
"Talaga? Are you not courting somebody? Im sure, with your looks and wit, madali mong mapapasagot ang babae" ang paliwanag ni boss.
"My priority now mam, is to help my mother pay all our debts. Dagdag gastos lang ang magkaroon ng gf." ang aking alibi.
"You're such a good son. Sabagay, you're only 20. Bata ka pa." ang pagsangayon ni mam.
Hindi ganun kadami ang pinagawang report ni boss nang araw na iyon kaya hindi ako masyadong napagod. Umuwi ako na nakangiti parin.
Kinabukasan, pagpasok ko ng gate ng school, nakasabay ko si Christian. Ngumiti ako sa kanya at binati naman ako ng 'good morning'. Sumabay sakin si Christian at nagprisintang bitbitin ang aking gamit. Pareho din naman kami ng pupuntahang room dahil kabilang si Christian sa mga estudyante sa aking first period. Bago makarating sa building na pupuntahan namin, madadaanan mo muna ang canteen. Maraming estudyante sa canteen. Yung iba kasi na maaga ang klase, doon sila nagaalmusal o kaya nagkakape.
"Daan muna tayo sa canteen before we proceed to our room Christian. Would that be ok for you?" ang paghingi ko ng permiso ke Christian.
"Sure sir" yun lang ang sagot niya. Mahiyain talaga itong binata. Kahit nasa 3rd year college na, hindi parin naimprove ang self-esteem, sabi ko sa isip ko.
"Anong gusto mo Christian? Magoorder na ako. Kanina ko pa gustong magkape. Anyway, we still have 20 minutes." paliwanag ko sa kanya.
"Nagalmusal na ako sa bahay sir. Ako nalang bibili ng kape niyo sir" bigla itong tumayo at pumunta na sa counter. Hindi ko pa naibibigay ang bayad ko. Nang bumalik siya, dala na niya ang aking kape. Binabayaran ko to pero ayaw niyang tanggapin. Napatigil lang ako nung nakita ko ang mga mata ng tao sa canteen na nakatingin na sa amin. Dahil ayaw niyang tanggapin, pumunta ako sa counter at binilhan ko din siya ng kape. Doon ko nakuha ang loob ni Christian dahil bigla itong humagalpak ng tawa dahil pagiging weird na pangyayari. Magpalitan ba naman ng kape. Habang mangiyak-ngiyak siya sa katatawa, napansin ko ang pantay-pantay nitong ngipin, may bilugang mukha,maamo ito. Bagay sa pagiging tahimik niya. Binagayan ito ng katamtamang tangos ng ilong, pinkish ang cheeks dahil sa kaputian niya. Matangkad din ito. Nasa 5'7" siguro. Mejo mahaba ang buhok na parang sa commercial ng shampoo. Guapo talaga ang binata. Mas mapapansin nga ito dahil maputi. Nasa ganung akto kami ng dumating sa canteen si Albert kasama pa ang kanyang 3 barakong kaklase at si Trishia. Lahat ng apat ay bumati maliban kay Albert. Nakakunot pa ang noo nito ng dumaan at tuluy-tuloy sa counter para magorder ng kakainin.
Anong problema nun? Tanong ko sa isip ko. Nung isang araw lang, ang saya na inimbitahan ako tapos ngayon nakabusangot ang mukha, parang namatayan.
"Estudyante mo rin ba sila sir?" Bumalik ako sa katinuan ng narinig ko ang tanong ni Christian.
"Yes, Christian. Sila ang last period ko ngayong umaga. World Literature. Masaya ang mga yan sa klase. Tourism students sila" sagot ko.
Actually, the university gave me international students. Ibig sabihin, iba't-iba ang courses ng mga students ko in 3 different subjects.
"I know him." biglang tugon ni Christian at clueless ako kung sino ang tinutukoy niya.
"Pardon?" ang pagtatakang sagot ko.
"The student who snobbed you sir," nakangiting sagot ni Christian.
Shit, hindi ko alam na pati pala ang tatahitahimik na binatang ito napansin yun.
"I'm referring to Mr. Albert Respicio sir. His father happens to be our family doctor and his mother is our university lawyer. Are you not aware of that info sir", tanong ni Christian.
I'm in awe when he said that. Well, alam kong may kaya siya. Pero hindi ko alam na ang makulit sa klase ko at papansin na si Mr. Albert Respicio ay anak pala ng mga may katungkulan.
"Besides, we happen to live on the same village. Sa kanila yung nagiisa at kilalang villa dito sa tin" pagpapatuloy ni Christian.
"Kaya sir, never play nor tease him. Pader ang babanggain mo," bantang biro ni Christian.
"Wala naman akong ginawa ah. Nung isang araw, ang ganda pa ng pakikipagusap sakin. Inimbitahan pa nga ako" sagot ko naman.
Biglang napaisip si Christian. Tiningnan nito ang relo sabay tayo.
"Sir 3 minutes nalang. Tara na." sabay sa mga gamit ko tapos inakbayan pa ako. Hindi maintindihan ang kinikilos niya hanggang sa makarating kami sa building. Inalis din naman ni Christian ang pagakbay sakin dahil pinagtitinginan na siya ng ibang estudyante. Pati ako naiilang narin. Kanina ko pa gustong tanggalin ang kamay niya kaya nagaalala ako baka mapahiya siya.
"Alam ko na sir kung bakit nakasimangot kanina si Albert. Alam ko na kung bakit hindi ka pinansin" biglang sambulat ni Christian.
"Huhh? Bakit?" gulat kong tanong sa kanya.
Nasa pintuan na kami ng classroom kaya sumenyas siya na pagkatapos ng klase niya sasabihin.
Tuluy-tuloy ang klase ko ng umagang iyon kaya hindi rin nasabi ni Christian ang gusto niyang sabihin ng umagang iyon. Pagdating ko sa last period, medyo pagod na ako kasi sobrang pagtuturo ang ginawa sa dalawang subjects ko.
Akala ko, kumpleto ang mga estudyante ngunit napansin ko na may isang bakanteng upuan sa bandang likuran. Nagkunwari akong hindi ko alam kung kanino yung bakanteng upuan.
"Who's absent class?" tanong ko sa kanila.
"Si Albert sir" sabat ni Raymond, isa sa mga kasama niya.
"Albert? I just saw him this morning at the school canteen. What happened?" curious kong tanong sa kanila.
"Biglang nagwalk out kanina sir. Di nga rin pumasok sa ibang subjects namin eh" sagot ni Trishia.
"Nagselos kasi sir" biglang sigaw ni Raymond na ikinagulo ng klase.
"Wait, wait. Class, quiet. Nagselos? Kanino? Does he have a gf here?" sunud-sunod kong tanong.
"Ke Christian" bulong ni Trishia.
"Pardon Trishia?" sabay tingin kay trishia.
"Sabi ko sir, dapat siguro kausapin mo nalang siya kung bakit siya nagabsent. I have his number. Better text or call him po sir" ang paliwanag niya sabay abot ang number ni Albert.
"Ok, Il text him later. But for the meantime, let's proceed to our lesson." sabi ko.
Lahat sila, sabay2 nagbuklat ng kwaderno at nagsulat habang patuloy ang aking pagpapaliwanag. 
Natapos ang klase at naisip kong kumain muna bago magreport sa office. Palibhasa, lunch time, maraming tao sa canteen. Aalis san ako dahil ayaw kong makipagsiksikan, pero biglang may tumawag sakin sa isang sulok.
"Sir Cyrus"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Christian.
"Sir, dito ka na. May bakante pa." sabay turo sa upuan.
Makikita mo ang mga estudyante doon na humahanga habang binabaybay ko ang upuan. Halos kasingedad ko lang kasi ang ibang estudyante. Makikita mo naman kasi yon sa itsura ko. Lalo na't maganda ang tindig ko at magaling magdala.
"Hello Christian. Thank you ha." bungad ko kay Christian habang inaayos ko ang aking upo.
"Sige sir, ako na magorder ng kakainin mo." sabi ni Christian sabay tumayo.
"Hep,hep! Christian, yung perang pambili. Di ko na kakainin yan pag di mo kinuha tong pera" banta ko sa kanya.
Walang nagawa si Christian kundi kunin ang pera. Madali lang siyang nagorder na ipinagtaka ko dahil maraming nakapila sa counter. Di ko na siya nagawang tanungin dahil kinailangan ko siyang alalayan sa pagbaba ng inorder niya. Nakita ko ang barkada ni Albert habang inaalalayan ko si Christian. Iba ang tingin ng mga ito sa akin pati kay Christian. Parang sinasabi ng mga tingin nila na may ibang nangyayari samin dalawa. Pero di ko nalang pinansin yun.
"Alam mo ba sir na nagselos si Albert kanina kaya ganun ang itsura niya?" biglang sabi ni Christian sa gitna ng aming tawanan.
With a pinch curiosity dahil sa salitang selos na ginamit niya, i asked him.
"Selos? Bakit? Paano?" sunud-sunod kong tanong.
"Well, i suspected him to be jealous the moment he entered our canteen this morning. I'm quite keen when it comes to people's actions and expressions. Kahit ikaw, alam kong may itinatago ko sa pagkatao mo sir. I have been observing you since day 1." mahabang litanya ni Christian na siyang ikinagulat ko.
Tulala parin ako ng muling magsalita si Christian.
"Paano ko nalaman? Hmmm, nung inakbayan kita palabas ng canteen, tiningnan ko si Albert. Alam mo ba kung ano sir? Well, nagkuyom siya ng kamao, galit ang mukha at biglang tumayo at nagwalk-out" pagpapaliwanag ni Christian.
Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi ni Christian. Naging maganda ang araw ko dahil nakagamayan ko ng loob ang tahimik na estudyanteng tulad ni Christian. Kaya pala siya tahimik all the time because he loves to observe.
Natapos ang lunch namin ni Christian na puno ng tawanan, kwentuhan at rebelasyon. Posible ngang alam ni Christian na alanganin ako. Kahit pinagtitinginan kami ng mga estudyante, di namin iyon pinansin. Naisip kong magtext kay Albert pero kinailangan ko ng bumalik sa office para sa trabaho.
Natapos ang araw na may sundot ng kilig sa aking puso sa naging usapan namin ni Christian. Pero kulang ang araw dahil namimis ko din ang kakulitan ni Albert. Maituturing man siguro na happy-go-lucky guy si Albert pero pag ako ang nagtuturo sa harapan, sobra siyang makatitig and everytime I ask him a question, he always has a ready answer for it. Yung iba kapilyuhan pero it makes sense. I know, matalino siya. Yun ang namis ko ng araw na yun. Mixed emotions ika nga nila. Pagdating ko sa boarding house hindi ko maalis ang ekspresyon ng mukha ni Albert, na parang may halong yamot, lungkot, at selos., ang sinabi ni Christian na nagselos siya kaninang umaga.
Selos? Imposible naman. Bakit siya magseselos. Pareho kaming lalaki. Oo nga, alanganin ako pero hindi naman niya alam yun. I tried to text him pero walang sagot, so dialled his number pero cannot be reached. Kahit papaano, may konting kurot sa akin na hindi ko siya nakita sa araw na yun. Hindi talaga maalis sa imahinasyon ko ang maamo niyang mukha. Tapos biglang sumisingit ang nayayamot na ekspresyon ng kanyang mukha. Ayokong umasa na nagseselos siya dahil nakita niyang kasama ko si Christian. May nararamdaman kaya sakin si Albert? Pero, straight siya? Isa itong palaisipan na naging dahilan ng hindi magandang gabi ko dahil hindi ako nakatulog ng husto.
Medyo ngarag ang itsura ko kinabukasan pero inayos kong mabuti ang aking sarili para hindi ako magmukhang sleepless! Bakit ba ganito ang epekto mo sakin, Mr. Respicio? Naku naman...
Pagpasok ko sa opisina. Pinagtitinginan ako ng mga kasama ko. I smiled at them pero patuloy silang nakatingin sa akin.

Nagimbal ako when i read a memo coming from the University president.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento