Hidden Sanctuary M2M Book Series

Biyernes, Mayo 3, 2013

Kabanata 3 Estranghero Huling Bahagi

Ibang excitement ang hatid ng Paris kay TJ.
For almost two years of his career as a full-time model, ibang fulfillment ang mararamdaman pag Paris na ang pinaguusapan. Halata ang saya sa kanyang buong mukha nang siya'y sumakay ng eroplano kasama ng kanyang handler at dalawa pang personal assistants. Hindi maikukubli ang saya sa kanyang kilos ng mga panahong iyon. Maayos ang lahat nang magsimulang lumipad ang eroplano. Hanggang sa magtagal ito ng 30 minuto sa himpapawid, may narinig silang creeking sound sa pwetan na parte ng eroplano.
"Pls. fasten your seatbelt! We'll have an emergency landing! Calm yourself and don't panic" wika ng flight attendant.
Habang ito'y nagsimulang bumaba sa himpapawid, biglang gumewang-gewang ang eroplano na siyang ikinabahala ng lahat ng pasahero nito. Nagkaroon ng sigawan at bungguan sa loob. Nagpanic ang mga tao lalo ng may nakitang umuusok sa engine ng eroplano. May nakita silang tubig. Dagat iyon. Sa dagat sila babagsak. Nakakapit sa kanya ang kanyang handler ng mahigpit. Nang malapit na itong bumagsak, nagunahan sa pagtalon ang mga kasama niya. Nakipagunahan narin siya at bumagsak siya sa dagat. Samantalang ang iba ay kasamang nagcrash ng eroplano sa isang kagubatan malapit sa karagatan. Isang malagim na pangyayaring gumimbal sa buong bansa ng mga panahong iyon. Kabilaan ang balita tungkol dito.
"Isang eroplano ang namataang nagcrash sa isang isla malapit sa Palawan. Ang nasabing eroplano ay may sakay na 40 pasahero papuntang Paris, France. Inaaalam pa ng awtoridad ang dahilan ng pagbagsak nito." ang paunang balita ng mga reporter.
"Oh my God,tj! Bound to Paris? Oh no! Dun nakasakay si Teej, Marion." nagaalalang turan ni Cielo sa kanyang boyfriend.
Nanginginig na ito sa dahilang nagulat siya sa balitang iyon. Nakumpirma niya sa sumunod na balita na yun nga ang sinakyan ni TJ. Dali-daling tinawagan ni Cielo ang ina ni TJ.
"Hello tita, have you watched the news today?" tanong niya.
"No, not yet, iha. I am here at the office. We're having a conference with the board. Why?" sagot nito.
"Tita, turn the tv on! It's all over the news. TJ's airplane bound to Paris had crashed! I confirmed in the news that's indeed tj's plane" sagot ni Cielo na maluha-luha.
"No! No! no!" sagot nito sa kabilang linya. Halatang nagkagulo sa loob ng conference sa pagsigaw nito. Nabulabog ang mga tao doon lalo na nang binuksan na nila ang TV.
"30 ang natagpuang patay sa pagbagsak na animo'y nalitson ang mga itsura at 10 ang pinaghahanap ng mga awtoridad" ang update sa balita.
"Let's just hope that TJ is safe tita! Let's pray for it!"humihikbing turan ni Cielo.
Naghintay sila ng mga karagdagang balita tungkol sa plane crash. Wala si TJ sa 30 bangkay dahil pinangalanan na nila ang mga ito. Natagpuan narin ang nawawalang lima ng sumunod na umaga at kinahapunan ay ang apat. Lahat ng iyon ay bangkay naring natagpuan. Ginamit na ng magasawang Miranda ang pera at impluwensya para mahanap ang kanilang anak. Nagbigay narin sila ng pabuya sa sinumang makakatagpo nito. May 20 noon nang may bagong balita sa kanya. May iniinterview ang reporter na mukhang tagaisla.
"Nakita namin siyang nakahandusay sa buhangin. Akala nga namin patay na dahil may mga natamo siyang sugat! Pero bigla itong bumalikwas at nagising! Kaya dinala namin sa bahay para maalagaan at magamot ang mga sugat niya." mahabang paliwanag ng reporter.
"Ano bang pangalan mo Mister?" tanong ng reporter. Hindi ito sumagot.
"Sandali mga kaibigan, parang pamilyar ang mukha ng lalaking eto. Lumabas na siya sa ibang tv commercials." sabi ng reporter.
"TJ Miranda! TJ Miranda ba ang pangalan mo?" patuloy na tanong ng reporter.
Tango lang ang naitugon ni TJ.
Napanuod ng mga magulang ni TJ ang mga pangyayari kaya dali-dali silang bumiyahe sa nasabing isla. Dinala siya sa St. Luke's Hospital para makita kung may mga internal damage siya. Masusing sinuri ng mga doctor si TJ. Nang makitang maayos ito, ipinayo na sa bahay na magpapahinga.
"Isang sikat na modelo, survivor ng plane crash"
"Modelo, nakaligtas sa plane crash"
"Miranda Industries' son, salvage in plane crash"
Ilan lang yan sa mga headline na nababasa sa diyaryo at napapanuod
sa TV. Naging laman siya ng mga ibat ibang balita at artikulo sa magazines. Lahat tungkol sa pagiging survivor niya. Miracles truly happen. Ang pamagat pa ng isa sa mga artikulo nang siya ay ininterview. Ikalawang Buhay naman ang naging pamagat nang siya ay ginawang cover ng magazine. Lahat ng atensyon ng media ay nasa kanya. Pero habang tumatagal, nagsawa siya sa atensyon yun. Isa iyon sa mga pagbabagong naramdaman niya sa kanyang sarili. Kung dati uhaw siya media attention, pagkatapos ng plane crash na yun,alam niyang maraming nagbago. Nakasundo rin niya ang kanyang dad at kahit pumayag na ito sa pagmomodelo niya, siya naman ang umaayaw ngayon.
"I want to work in your the company mom,dad!" minsan wika niya sa kanyang magulang na ikinagulat ng mga ito. Ang dating palaparty, palapasyal, at mahilig sa adventure ay parang biglang nagbago after the accident. Napansin yun ng kanyang mga magulang at pati ni Cielo.
"You know what teej, ganyan na ganyan ang ugali ng isang taong kakilala ko! Parang ikaw nga siya e! Nagbago ka magmula nung naaksidente ka! Nabagok siguro utak mo." minsan nasabi ng kanyang kaibigan.
"Sino naman?" tanong niya.
"Wala, patay naman na siya. Ganyan siya kabait. Sabi ko nga, parang ikaw ngayon" sagot nito.
"I am a changed man, lady" tugon nalang niya.
Tama nga ito. Bumait siya. Naging responsable siya. At napalago niya ang kompanya sa loob ng limang taong pamamahala niya. Kung dati rati, he's a party-goer, ngayon, he prefers spending his time taking care of the business, attending to charity works and exchanging ideas with his mom and dad. Kung datirati, wala siya sa bahay lagi,ngayon, he bonds with his parents. Sinasamahan niya ang kanyang daddy sa golf minsan at ang kanyang mommy sa pagshoshopping. Nagpatayo rin siya ng sarili niyang foundation para sa mga poor but deserving students. Marami siyang sponsors dahil marami siyang kilala sa media. Kaya marami siyang estudyanteng napagaaral. Para nga daw siyang superman after the accident. Multitasking ang gawain niya.
"I'm so proud of you son" nasabi ng kanyang ama! Yun ang unang pagkakataong narinig niya yun. Naging sobrang malapit siya sa parents niya, naging friendly and generous siya sa mga kamaganak niya na hindi naman dating nangyayari. At sa tingin niya, lahat nun ay may kinalaman sa mga taong bumabagabag sa kanya lalo na ang lugar at ang lalaking iyon.
"Sir, it's 11:00 o' clock. You might forget your luncheon meeting with Mr. Tamagochi!" paalala ni Jane na nagpabalik sa kanyang katinuan.
Author's Note:

Sino ba si TJ? Magkukrus kaya ang landas nila ni Cyrus? Alam mo ba ang kasagutan? Icomment na yan! Dont forget to like guys. Abangan ang mga susunod na mangyayari...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento