Mahirap ang sitwasyon ko
ng mga panahong iyon. Isang kaibigan ang nagmamahal sa akin. Ako naman,
nakatali sa isang pagibig na hindi ko alam kung mabibigyan pa ng katuparan.
Ewan ko. Basta naisip ko na kailangan ko talagang makausap si Christian para
maipaliwanag kung bakit ko kinailangang sabihin ang mga salitang iyon.
Ipinagdasal ko nang panahong iyon na sana matanggap niya at maliwanagan siya sa
aking ginawa. Mabait siyang tao. Napakabait. Kung mayroon man akong gustong
ipalit kay Albert, si Christian yun. Pero hindi natuturuan
ang puso.
Wala siyang nagawa kundi
sumunod sa loob ng kotse. Wala kaming imikan sa loob. Halatang nayayamot si
Christian pero maaaninag mo ang isang ngiti na nanggagaling sa aura ng kanyan
ilong. Kahit nayayamot ang buong itsura niya, halatang nagustuhan niya ang
ginawa kong paghabol.
"Dalhin mo ako sa
tahimik na lugar" bungad ko.
Tumingin siya sa akin ng
may halong inis. Parang sinasabing demanding ako. Pinaandar niya ang kanyang
kotse. Bagay pala niya ang maging brusko. Dati kasi boy next door ang imahe
niya. Pero ngayon, napakabrusko. Wala parin kaming imikan hanggang marating
namin ang isang burol. Open space ang lugar, mahangin at napakasarap sa mata
dahil malawak ang matatanaw. Kung nature lover ang isang tao, maaappreciate
niya talaga ang tanawin. Una siyang bumaba sa kotse. Tahimik siyang nakatingin
sa kawalan.
"Kumusta ka
Christian?" bungad kong tanong.
Tumingin siya sakin.
Umagos ang luha niya. Patuloy iyong umagos hanggang sa humagulgol siya. Hindi
ko alam kung lalapitan ko siya o papanoorin ko lang siya nang panahong iyon.
Naaawa ako sa kanya sa aking nakikita.
"What a question
Cyrus! Whaaaat a question!" sigaw niya. Medyo nagalala ako dahil unang
pagkakataong sinigawan ako ni Christian.
"You ask me that
freakin' hell question after what you had done?" waksi niya sa kanyang
kamay paharap sakin.
"Alam mong ayaw
kong gawin yun sa'yo! Pero kailangan, Chris! Para rin sayo yun!" kalmadong
paliwanag ko.
"Para sakin, Cy?
Para sakin?" mapaklang tawa nito.
"Ayaw mong gawin
pero ginawa mo. Masaya ka naman na kasama ako diba?" patuloy niya.
Tumango-tango ako.
"Naaawa na ako sayo
nun Chris kasi nakikita ko kung gaano ka kasinsero. I dont want you to be a
rebound. Napakabuti mo para gawin ko yun." sagot ko.
"Eh ano yung
ginagawa natin Cy. Wala lang yun sa'yo?" galit niyang tanong.
"You know, i never
ask for it Chris! Not even a single one! You know it!" sigaw ko.
Nagulat siya. Narealize
niyang tama ang sinabi ko.
Tumingin ulit siya sa
kawalan. Humagulgol. Pati ako, ramdam na ramdam ko ang kanyang pagdurusa. Para
rin kasi siyang namatayan sa nangyayari. Umagos narin ang aking mga luha!
"Umasa ako Cy! Umasa
ako! Nakita kitang masaya sa piling ko kahit palagi mong binabanggit ang
pangalan niya." patuloy niya habang nagpupunas ng kanyang luha.
"Masakit!"hagulgol
niya. "Masakit pag binabanggit mo ang pangalan ng patay na samantalang
nandito akong buhay na buhay pa. Umasa akong mamahalin mo rin ako" patuloy
niya.
"Mahal kita Chris!
Kaya nga ginawa ko yun" sagot ko. Tumawa siya.
"Mahal mo ako
bilang kaibigan! Alam ko yan! Umasa ako Cy! Umasa ako! Pero alam mo kung anong
masakit?" tanong niya.
Umiiyak na ako at humagulgol
dahil nasasaktan akong makita ang isang taong napakabait na sobrang nasasaktan
nang dahil sa akin. Gusto kong pahirin ang mga luha niya dahil alam ko,
nangungulila narin siya sa akin. Ako, kay Albert. Nararamdaman ko ang
pakiramdam niya.
"It's when you
texted me that you really dont love me Cy. Ang sakit, sakit! Alam mo bang hirap
kong tanggapin yun? Alam kong hindi mo naman talaga ako mahal. Pero ang
ipamukha mo sakin yun? Napakasakit. Walang kasing sakit!" hagulgol niyang
wika.
"Umasa akong makakarating
ka dun Cy! Umasa akong makikita mo rin ako sa harapan mo! Pero, mahirap palang
kaagaw ang hindi mo nakikita pero hindi naman naalis sa iyong sistema!"
patuloy niya.
Tama naman siya. Nakita
ko kung gaano niya ako kamahal!
"Yun ang mali ko!
Umasa ako!" turan niya.
"I'm sorry Chris!
Hindi ko sinasadyang masaktan ka ng ganito! Kung kaya ko lang tanggalin si
Albert sa puso ko at ipalit ka dito, ginawa ko na. Wala na akong hahanapin pa
sa'yo! Nasayo na lahat. Pero ayokong maging unfair sayo! Im so so sorry!"
humahagulgol kong tugon. Lumapit siya sakin. Niyakap ako ng mahigpit!
"Ssshhh! Dont be!
It's all my fault!" sagot niya.
"No, may kasalanan
ako Chris. I let you in. Kaya umasa ka!" tugon ko.
"Tahan na! Ayokong
nakikita kitang umiiyak! Tahan na Cy." sagot niya. Nang tumigil akong
umiyak, kumawala siya sa pagyakap sakin.
"Mahal kita Cy.
Minsan nga,naisip ko, sana ako nalang ang nauna! Sana ako ang mahal mo ngayon.
Kung nilakasan ko lang sana ang loob ko nun, sana ako ang tinatawag mong 'mahal
ko' ngayon. Noong namatay si Albert, nagkaroon ako ng pagasa Cy. Umasa akong
mapapalitan ko o kahit matapatan ko man lang siya sa puso mo. Binigyan kita ng
sapat na panahon para makamove on ka. Pero mukhang mas pinili mo na mahalin
siya habang nabubuhay ka." tuluy-tuloy niyang pahayag
"Simula pa lang
noong alam kong may kakaiba sa'yo, inalam ko yun. Alam kong ganyan ka nga.
Isang bi. Pero ang pinagtakhan ko sa sarili ko, natutuwa ako pag nakikita kang
nagtuturo. It's overpowering! Akala ko paghanga lang yun sa isang guro, pero
unti-unti kong naramdaman na iba eh. Alam kong, mahal kita!" rebelasyon
niya.
"Mahirap pala
talagang umasa sa isang taong nakatali na. Akala ko, matutunan mo rin akong
mahalin. Pero, nakita mo nga lang siguro sakin si Albert. Naalala mo lang siya
sa katauhan ko. Pero hindi ako nagsisisi na sinubukan ko Cy." ngiti niya
sa akin.
"Alam mo ring
sinubukan ko Chris! Napakabuti mo. Napakabuti ng puso mo. Humanga ako sa klase
ng pagkatao mo. Pero nangyari ang mga bagay na ito na may dahilan. Hindi man siguro
natin alam ngayon, eventually, we'll discover it in the future. Sinubukan ko
pero masyado kitang mahal bilang kaibigan kaya ayokong lumalim pa ang
nararamdaman mo. Gusto kong iparamdam mo yan sa tamang tao Chris. At sa tingin
ko, hindi ako yun!" paliwanag ko.
Masakit pakawalan ang
tulad ni Christian pero kailangan para mahanap niya ang tunay niyang
kaligayahan.
"Alam mong ibinigay
ko na ang aking puso sa iisang tao, Chris. Humihingi ako ng tawad kung hindi ko
na nabawi at mababawi iyon. I'm sorry if i never got it back from Albert,
Chris! patuloy kong paliwanag.
Naghawakan kami ng
kamay. Nagyakapan!
"Salamat parin sa
pagkakataong maging parte ng buhay mo Cy! Naging masaya ako sa mga panahong
iyon!"tugon niya.
"Salamat din Chris.
And Im sorry!" sabi ko.
Ginulo niya buhok ko.
"Friends?"
tanong niya sabay abot ng kamay niya.
"Friends!"
tugon ko.
"Pwede bang humingi
ng kiss?" sabi niya.
Natawa ako sa sinabi
niyang yun. Nilapit ko ang labi ko sa kanya. Hinalikan niya ito ng
pagkatamistamis. Nagtagal iyon ng ilang minuto. Niyakap ko siya at niyakap din
niya ako.
"Thanks!"
huling tugon niya.
Sinamahan niya akong
mamili sa mall nang araw na iyon. Tinanong ko siya kung anong plano niya dahil
tapos na siyang nagaral. Sinabi niyang hinihintay nalang niya ang visa niya
papuntang Canada. Nagdecide lang siyang sumunod sa pamilya niya ng
brokenhearted siya sakin. Bago umalis si Christian, nagtext siya na magkita
kami sa isang hotel. Humiling siya na gawin namin sa huling pagkakataon ang
pagniniig dahil sigurado daw na mamimis niya ito. Miss na miss na daw niya ang
ginagawa kong pagpapaligaya sa kanya. Pinagbigyan ko siya sa kanyang kahilingan
bilang pagbawi man lang sa mga ginawa ko sa kanya. Gusto ko rin naman dahil
namiss ko ang bawat sulok ng kanyang masarap na katawan.
Author's Note:
Abangan ang mga bagong
lalaki sa buhay ni Cyrus sa muling pagsabak niya sa pagtuturo at kilalanin ang
bagong tauhan na magpapabago sa isang Cyrus Mendoza.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento