Ang paghimas ni Enzo sa akin ay hudyat ng isang
rumaragasang ideya sa aking utak na may gusto itong mangyari sa amin dalawa!
Pero ayaw ko namang maging malibog ang imahe ko kay Enzo kung kaya hindi ko
agad ito sinunggaban. Naging madali kong nakagamayan ng loob si Enzo. Masarap
kasi itong kasama, masarap kakwentuhan bukod pa sa mukhang masarap din siya tulad
ng aking pinakamamahal na si Albert. Natawa ako sa ideyang iyon. Matagal na nga
pala akong tigang wari'y isang lupa na naghihintay ng ulan na magdidilig,
wari'y isang halaman na naghihintay na madiligan. Matagal na akong sabik na
makatikim muli ng isang napakaguapong nilalang na siyang magduduyan sa akin
patungo sa direksyon ng kaligayahan. Matagal na akong hindi nakatikim ng
sariwang katas na pumapawi sa'king pagkauhaw sa makamundong pagnanasa. Tanging
mariang palad ang aking naging sandigan nang huling makaniig ko si Christian.
Magmula ng huling magkaniig kami ni Christian, hindi na nasundan iyon. May mga
pagkakataong pinaglalaro ko sa aking imahinasyon ang aking mahal na si
Albertpara makaraos, para pansamantalang mapawi ang aking pagkauhaw sa laman.
Pero kung ganito kaguapo ang nakahain, hindi mo ba aasaming matikman man lang?
Naging malapit kami ni Enzo sa isa't-isa. Isang linggo matapos ang pagkikita
namin sa resto, mas nakilala ko siya ngunit hindi ko pa matanong ng mga
personal na bagay dahil narin sa hiya. Kinilala ko muna si Enzo ng lubusan.
Nalaman ko ngang mabait naman ito. Nakatulong din ang hindi pagiging guro ko sa
kanya para lalong mapalapit kami sa isa't-isa. Sa labas kami nagkikita o di
naman kaya pumapasyal ako sa bahay nila o siya ay pumapasyal sa bagong tayong
bahay namin na malapit lang sa munisipyo ng bayan namin na kung saan
nagtatrabaho si mama.Pero sa pagiging malapit namin, may mga naririnig at may
mga tsismis akong naririnig sa kanya. Nagulat ako minsan ng mapadaan sa canteen
na hawak daw siya ni Mr. Balse. Nakakagulat naman talaga ang tsismis na iyon.
Minsan sa usapan namin ni Rose.
"Naku friendship, narinig ko close kayo ni
Enzo ah!" sabi ni Rose.
"Naku, nagsimula kasi yan nung nagkita kami
sa paborito naming kainan ni Albert. He's with his family! Oo nga, naging close
ako sa bata. Para nga kaming magkabarkada. Bakit?" sagot ko.
"Naku, umiwas ka sa kanya friendship. Baka
magkaroon ng world war 3 sa pagitan niyo ni Mr. Balse. Hawak niya si Enzo
friendship!" sagot niya.
"How reliable?" tanong ko.
"Hundred percent friendship. At sa tingin
ko, selos na selos na naman sa'yo!" sagot nito.
Wala sa personalidad ni Enzo ang pumatol sa
tulad ni Mr. Balse. Oo nga, pareho kami kung tutuusin na nasa 3rd sex, pero si
Mr. Balse na sobrang sama ng ugali. I want to give him the benefit of the
doubt. Pero ang patuloy na bulung-bulungan ang siyang naging dahilan para
umiwas ako sa kanya, para hindi magpakita! Ang pagbabagong iyon ang naging
dahilan ng kanyang pagtataka. Minsan na pauwi na ako sa bahay, kapapasok ng
aking sasakyan sa garahe ng biglang may motor na nasa harap ng bahay. Halatang
sinundan ako nito. Bumaba ako sa sasakyan at akmang isasara na ang gate.
"Sir, please, kausapin mo naman ako ow! Why
are you avoiding me?" bungad na tanong nito.
"You better go home now Enzo!" sagot
ko.
"Ano bang nagawa ko sir? Di ka sumasagot sa
mga text at tawag ko. Bakit ba sir?" tanong niya.
"Is it true?" tanong ko.
"Ang ano sir?" tanong niya.
"You know what I am referring Enzo."
sagot ko.
"Ano nga yun sir? Linawin mo kasi sir. Ang
hirap naman eh." reklamo nito.
"The rumors Enzo! The rumors between you
and Mr. Balse." sambulat ko.
"Sir, you dont understand. Believe me, kung
papatol man ako, hindi sa tulad niya. You just dont understand sir" sagot
niya.
"Ginugulo mo ako Enzo. My question is very
simple! Is it true?!" muli kong tanong.
"Yeesss!" sagot niyang na pasigaw.
Nagulat ako sa klase ng pagsagot niya.
"Ngayon masaya ka na sir. Nasagot ko na!
Kaya ba umiiwas ka dahil dun. Nandidiri ka sakin? Proud akong sabihin na hindi
niya ako nakuha sir!" paliwanag nito. Natulala ako sa sinabi niya.
"What are you up to Enzo? What the heck are
you doin' with your life?" tanong ko.
"You don't understand sir!" simula
nito na nagsimula ng umiyak.
"Hindi mo naiintindihan! Kung hawak ko lang
ang sitwasyon, hindi ko gagawin yun sir, sa tulad pa ni Mr. Balse! No
sir!" sagot na na nagsimula ng humagulgol.
"Ang sakit naman na dahil pala dun kaya
bigla kang umiwas. Parang may sakit naman ako na nakakadiri para iwasan mo.
Akala ko pa naman, magiging malapit ka na sakin! Tapos, dahil lang sa isang
tsismis,naniwala ka na!" paliwanag nito na patuloy sa paghikbi.
"It's confirmed! Nasabi mong totoo. Alam
mong mainit ang dugo ni Mr. Balse sakin Enzo. Ayoko ng gulo!" sagot ko.
"Pero sir, sana naman kinausap mo man lang
ako! Sana tinanong mo ako. Para akong baliw sa kakaisip kung ano kasalanan ko
sa'yo. Sana nagtanong ka!" sagot niya.
"Ano bang dahilan Enzo?" tanong ko?
"I have my own reasons sir! Hindi ko
pwedeng sabihin ngayon!" mahinahong sagot niya.
"Is it because of money?" prangkang
tanong ko.
Muling namuo ang luha niya sa kanyang mga mata.
"Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo
sakin sir? Ang sama naman pala ng tingin mo sakin! Kung pwede ko lang sabihin
sayo kung bakit sir, i should have done it. Ang kailangan ko ngayon, yung taong
makakaintindi saken, yung taong makakapitan ko. Hindi ko gusto ito sir! Kung
alam mo lang!" patuloy siyang humagulgol.
Niyakap ko siya. Humagulgol lang ito ng
humagulgol.
"You can trust me! Pag handa ka ng sabihin,
nandito lang ako ha." sagot ko. Nararamdaman ko ang sinseridad ni Enzo.
Alam kong may mali. Nararamdaman kung may hindi tama sa lahat ng nangyayari. Sa
klase ng pananalita niya, may hindi magandang nangyayari. Sinamahan ko si Enzo,
tama naman siya. Konting issue lang sa kanya, iiwasan ko nalang siya basta.
Ba't ko siya susukuan kung ngayon niya ako kailangan.
Kinabukasan, nagmadali ako
sa aking klase dahil sa nalate ako nagising. Nasa 4th floor pa man din iyon ng
building. Halatang nakapasok na lahat ng estudyante sa building na yun dahil
tahimik na ang mga hallway! Nasa fourth floor nang may narinig akong sumigaw sa
bahagi ng roof top. Nagalala ako baka mga naglalabang estudyante yun.
Dahan-dahan ako umakyat at narinig ko ang dalawang boses. Lumapit pa ako lalo
para marinig ko ng husto ang pinaguusapan. Mukhang dalawang tao ang naguusap.
Pamilyar ang mga boses na iyon. Sila nga! Tama! Unti-unti kong nilabas ang
aking cellphone at nirekord ang mga usapan ng dalawa. Lumapit pa siya lalo para
maging malinaw ito sa kanyang recorder.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento