Hidden Sanctuary M2M Book Series

Huwebes, Mayo 2, 2013

Kabanata 2 Unang Sabak, Dalawa ang Nasibak-Si Albert Part 2

Pinagpawisan ako ng malagkit nang nabasa ko ang memo from the university president. Clueless ako kung bakit nagmemo ang president without going through the protocol. She should have called the attention of my immediate boss before issuing a memo to me. Nasa malalim akong pagiisip ng biglang magsalita si boss.
"Mr. Mendoza, do you have any idea why the president has to issue a memo calling your attention in an early morn'?" seryosong tanong ni Mam Laura.
"I have no idea Ma'am. I'm clueless. I've been a good employee since day 1, I guess." nagtatakang sagot ko.
"Well, you have to see the president now Mr. Mendoza." may diin sa salita ni boss.
Nagtataka man ako. Nag-oo nalang ako. Tahimik akong lumabas sa admin office at pinuntahan ang university president office. Pakiramdam ko lalong naging groggy ang itsura dahil sa unang bugso ng pagsubok sa araw na yun. Habang papalapit ako sa office ng president, nakita kong may kasama ang president. Tumuloy ako sa kanyang secretary at kinausap ako.
"Hi sir Cyrus. Kanina ka pa hinihintay ni Pres." nakasmile nitong sagot.
Nagtaka man ako sa pinakitang kagiliwan ng secretary, hindi ko nalang pinansin.
Kumatok ako ng tatlong beses bago ako pumasok.
"Good morning Ma'am" pagbati ko sabay bow sa harap ng president. May kausap itong isang babae. Kahit na nasa 50s na ito, makikita mong maganda ito at smarte. Alam mong may kaya sa buhay base sa itsura at paraan ng pagdadala.
"You must be Mr. Cyrus Mendoza?" nangiting tanong nito.
"Yes, Ma'am," magalang kong sagot.
"Please be sitted, Mr. Mendoza," seryosong pakiusap ni Pres.
"Thank you, Ma'am" sagot habang umupo ako sa harap ng bisita.
"Sorry if have to issue a memo this morning Mr. Mendoza" pasimula nito.
"By the way, this is Atty. Emma Respicio, our university lawyer" pasakalye nito.
"Pleased to meet you ma'am" magalang kong tugon at inabot ko ang aking kamay.
Alam ko na ito na yung nanay ni Albert. Kaya nagtaka ako at nandito pa talaga ito kausap ang president. Saglit na natahimik kaming tatlo. Binasag ni Pres ang katahimikan.
"Well, the reason why i called you is" naghihintay ako ng biglang sumingit si Atty. Respicio.
"Ganito kasi yun iho. Diba estudyante mo si Albert?" tanong niya
"Yes, Ma'am"... sagot ko.
"Magmula kasi kahapon, maaga kasi siyang umuwi at nagkulong sa kanyang kwarto. Ilang beses kinakatok ng mga katulong, gusto daw niyang mapagisa. Ayaw rin niyang pumasok sa school. Sanay na kami sa ganung ugali niya pero dalawang buwan na ang nakaraan ng magsimula ang semester na ito, bigla siyang nagbago. Nakangiti na siya lagi. Sumasabay na samin sa hapag kainan. Magiliw siya sa lahat ng kasama sa bahay at...." binitin niya kami sa hapag kainan.
"at ano po mam?" magalang kong tanong. 
"At palagi ka niyang bukambibig. Palagi niyang ang galing mo daw magturo, kesyo napagaling mong magdala at marami pang iba. Ewan ko ba? Magmula ng naging professor ka niya, naging inspirado siya sa buhay. Marami na nga siyang planong sinasabi samin ngayon. Nagkaroon ng direksyon ang buhay ng anak ko. At nakikita ko ngayon kung bakit humahanga ang anak ko sa'yo iho" tuloy-tuloy na paliwanag niya.
Nagulat man ako sa rebelasyon niya,tahimik parin akong nakinig.
"That's why i asked the help of our president. We have an urgent trip abroad tonight. Kaya lang, hindi namin maiwan si Albert sa kondisyon niya ngayon. Nag-aalala ako sa anak ko. Hindi pa siya kumakain magmula kahapon. Nung pinabuksan ko ang pinto, nakita namin na nanghihina siya. Mataas ang lagnat. Binigyan na ng paunang lunas ng aking asawa kaya medyo bumaba ang lagnat niya. Kaya lang, ayaw niyang kumain. Masaya pa siya nung nakaraang araw tapos biglang nagbago kahapon. May alam ba kayo Mr. Mendoza? " tanong niya.
"Nakita ko lang siya sa canteen Ma'am pero di na siya pumasok sa klase ko". Sagot ko.
"Makikiusap sana ako Mr. Mendoza kung pwede mong pakiusapan ang anak ko, kung pwede mo siyang samahan sa bahay kahit hanggang linggo lang. Pasensya na kung idinaan ko ang paghingi ng tulong kay Pres. Nagaalala lang kasi ako sa unico iho ko." tahimik kaming nakikinig ni Pres sa kanya.
"Well, i asked Laura to excuse you for today's work Mr. Mendoza. Sige na, pagbigyan mo na si Emma." malumanay na turing ni Pres.
Nalilito ako sa sitwasyon. Akala ko ba birthday niya sa saturday. Eh bakit aalis pala ang mga magulang niya. Gusto kong tanungin ang bagay na yun pero pinigilan ko ang aking sarili. Mas mabuting kay Albert ko nalang tanungin.
"Sige po Ma'am" sagot ko. Nakita ko ang reaksyon niya na parang nabunutan ng tinik.
"Well then, sumama ka na kay Atty pauwi Mr. Mendoza."
Sumama nga ako kay attorney Respicio. Tahimik lang siya habang nagdadrive at binabagtas ang daan papunta sa kanila. 45-min to 1 hour ride lang ang layo nito sa university. Namangha ako sa bahay nila. Hindi ako makapaniwala na ang isang makulit na estudyante ay nakatira sa isang malapalasyong bahay. Landscape palang nito, milyones na ang presyo. Pagpasok mo sa maranyang gate nila, bubungad ang malawak na espasyo papuntang parking space. Sasalubong sa'yo ang tatlong kubo na nagsisilbing pahingahan kapag nasa labas ka ng bahay na hitik sa iba't ibang klase ng halaman na hindi ordinaryo. Halatang galing sa ibang bansa. Marami ding nakasabit na iba't ibang orchids sa kubo at makikita mo ang mga piling bata na nakapaligid sa pader ng bahay. Puno rin ang bawat sulok ng halaman ang labas ng bahay. Masisilip ang swimming pool na parang nagaanya sa bawat makakakita na lumangoy. Sa sulok nito'y ang isang mini forest na hitik sa iba't ibang puno. Parang pinasadya talagang magkaroon ng forest doon. Napalawak ng bahay. Parang pag-aari yata nila ang abot tanaw ng aking mata.
"Welcome to Villa Respicio, Mr. Mendoza." naaaliw siyang nakangiti sakin dahil alam niyang namangha ako sa villa nila. It's indeed a jaw-dropping experience seeing this kind of scenery.
"Don't worry, you have barely 3 days to enjoy and experience Villa Respicio, Mr. Mendoza. Maraming pwedeng gawin dito. I hope, you enjoy your stay here" nangingiti niyang turing habang iginiya ako papasok sa mansyon.
"Thank you, Ma'am" sagot ko.
"Let's drop formality Cyrus. Just call me Tita Emma."
"Sige po Ma'am. Este Tita Emma". sagot ko na sabay kaming nagtawanan.
Mas kamangha-mangha ang loob ng bahay. Ang mga mwebles na noon ko lang nakita sa tanangbuhay ko, ang mga chandiliers, ang interior decoration ng buong bahay. It's close to perfection. Napawow talaga ako sa aking nakita. Hindi naman iyon naitago kay tita Emma.
"Treat this house as yours, iho. Wag kang mahihiya ha. Feel at home. Inilipat namin si Albert dito kasi mas makakapagpahinga siya dito kaysa dun sa bahay sa city." paliwanag niya
Ito pala ang sinasabi ni Christian na Villa ng mga Respicio. Iba pa pala ito sa bahay nila sa syudad. Nagpahanda ng mirienda si tita emma at pinaupo ako sa marangyang sofa.
May biglang lumabas na guapong lalaki, mukhang galing sa masukal na lugar dahil sa mga dahon na nasa ulo niya pero hindi iyon nakabawas sa kakisigan niya. Lalo ng ito'y ngumiti.
"Dad, this is Mr. Mendoza" pakilala ni Tita Emma sa akin.
"Ikaw pala ang ibinibida ng aking anak." sabi ni Dr. Respicio habang inaabot ang kamay ko. "Pasensya na Cyrus. Madumi ang itsura ko. Tiningnan ko kasi ang paboritong lugar ng anak ko at nagpadamo ako sa mga tauhan para maayos. Yun kasi ang pinupuntahan ni Albert pag nandito siya sa Villa." pagpapatuloy niya.
"Naku, ok lang po doc. Ako nga po ang dapat humingi ng pasensya eh." paumanhin ko.
"Naku iho, Tito Alfonso nalang. Tsaka, salamat sa pagpunta mo. Kahapon pa kami alalang-alala kay Albert. Pag tinopak kasi yun, di namin kaya. Nagiisang anak namin siya kaya gusto naming ibigay sa kanya lahat" tugon ni tito Alfonso.
"Maiwan muna kita iho. Kailangan ko lang maligo at magimpake para sa flight namin tonight" paalam niya.
"Sige po tito. Salamat po."
Dumating ang kasambahay na dala ang miryenda.
"Yaya Luring, kumusta si Al?" tanong ni tita Emma.
"Naku Emma, ayaw parin lumabas. Nandun sa kwarto niya. Wala na siyang lagnat."
"Mabuti naman. Siyangapala, si Cyrus yaya. Professor ni Albert." pakilala ni tita Emma.
"good morning po" bati ko sa matanda.
"Ay, ikaw yung nasa kwar--"
"Yaya, pakitawag na si Albert. Sabihin mong may bisita siya." sabat ni tita Emma kaya di natapos ng matanda ang gusto nitong sabihin.
Nagtaka ako dahil parang may gusto pang sabihin ang matanda pero pinigilan ni tita emma. Umalis ang matanda, umakyat sa 2nd floor at bumalik din agad.
"Ayaw parin lumabas Emma." sabi ni yaya.
"Sige, hayaan mo nalang muna siya."sagot ni tita.
Pagkatapos naming magmirienda, niyaya ako ni tita Emma na pumunta na sa kwarto ni Albert! As usual, namangha na naman ako sa laki ng 2nd floor. Parang ang isang kwarto ata dito ay buong bahay na namin. Kumatok si tita Emma sa kwarto ni Albert.
"Albert, iho. May bisita ka. Kanina ka pa hinintay." sabi ni tita.
"Ayokong lumabas. Sabihin mong bumalik nalang" sagot niya na halatang nayayamot.
"Anak, paano kung sabihin kong si Sir Cyrus mo ang naghihintay sa'yo?" malumanay na sabi ni tita.
Tahimik lang ako. Naghihintay sa susunod na mangyayari. Nakatayo parin kami sa pinto ng kwarto. Tumahimik sa kwarto na pinagtakhan ko.
Nagulat ako ng bigla itong bumukas at inilabas ang ulo ni Albert. Nagsmile ako. Nagulat ito parang nakakita ng multo. Isinara ang pinto, at binuksan ulit. Parang hindi makapaniwala. Nakasmile lang ako. Halatang nahiga lang ito ng buong araw at gabi, kasi bahagyang kumulot ang wavy nyang buhok.
"Anak, anong ginagawa mo?" natatawang tanong ni tita Emma.
Nakasara parin ang pinto niya.
"Mom, bat di mo sinabi agad na sir Cyrus ang bisita ko?" halatang nagpapanic ang boses nito sa loob.
"Anak, buksan mo na ito. Kanina pa kami nakatayo ni sir mo dito. Nakakahiya sa kanya" utos ng mom niya.
Binuksan niya ang pinto bilang senyales ng kanyang pagsuko. Nakita kong butil-butil ang kanyang pawis sa noo. Kaya nagtaka ako. Napalunok ako ng iluwa ng pinto ang nakahubod niyang katawan. Boxers lang ang suot niya. Mukhang napansin niya at nakita ko ang isang makahulugang ngiti sa kanyang labi.
"Kumusta na ang baby ko?" tanong ni tita Emma kasabay ng paghipo sa noo ni Albert. Mukhang wala na itong lagnat dahil maaliwalas na ang kanyang itsura. Iba ang ngiti nito kanina pa. Nakasmile lang akong nanonood sa mag-ina. Bigla ko tuloy namis ang mama ko.
"Mom pls. Nakakahiya kay sir. Hindi na ako baby" reklamo ni Albert.
Natawa ang kanyang mommy sa yamot niyang reklamo. Papasukin mo na nga kami sa kwarto mo.
"Mom, sa sala nalang" iwas niya.
"Dito nalang Albert. Para di ka na bumaba. Mukhang di ka pa nagmumumog eh." natatawa kong sinabi.
Wala siyang nagawa kundi igiya kami sa loob. Ang queen-sized bed ang una mong mapapansin dahil sa laki at ganda nito. May mini sofa din ito, may small-sized fridge. Isang bahay na ito kung tutuusin dahil kompleto ito.
"Anak, isara mo kaya yun pinto" kantyaw ni tita.
"Moommmm" reklamo.
Nagtaka ako sa usapan ng magina. Ano bang meron sa pinto.
"Tsaka anak, tanggalin ko tong nakatakip na towel sa bulletin mo ha!" sabi ng kanyang ina sabay ngiti ng pangangantyaw.
"Mom naman eh!" sabay pigil sa mommy niya.

Tahimik lang ako habang pinapanuod ko sila. Hindi ko naman alam kung ano nangyayari kaya nakasmile lang ako na nakatingin. Sa pag-aagawan nila, nahulog ang towel. Nagkatinginan ang magina. Sabay, pasok ni yaya Luring at isinara ang pinto. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Kung sa bulletin ba o sa likod ng pinto. Nagulat at nakanganga lang akong palipat-lipat sa tatlo. Nakangiti lang sina yaya at tita. Samantalang, dismayado ang itsura ni Albert. Lumalaki ang dibdib niya dahil sa sunud-sunod niyang inhale-exhale. Pulang-pula ang mukha niya. Parang gusto na ngang mawala na parang bula. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga panahong iyon. Pero, kinikilig ako. Parang may kuryenteng dumaloy sa sistema ko ng nakita ko ang likod ng pinto at ang bulletin. Hiyang-hiya man, hindi parin naalis ang kakisigan ni Albert. Ang makinis nyang katawan na parang biglang tumiklop dahil sa rebelasyong nalaman ko na pilit niyang itinago sakin kaninang pumasok ako sa kwarto niya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento