Sa Kabilang Buhay...
Kitang-kita ni Albert
ang mga pangyayari sa ospital na iyon. Nakita niya ang kanyang katawan ay
nakaratay. Kaya nagtataka siya. Kinapa niya ang kanyang sarili. Nakita niyang
umiiyak si Cyrus. At isinisigaw ang kanyang pangalan habang kausap ang doctor.
Kitang-kita niya ang sakit.
"Mahal ko, nandito
ako oh! Hindi mo ba ako nakikita? Ba't ka ba umiiyak?" sigaw ni
Albert.
"Hindi ko
maintindihan?. Bakit parang hindi mo ako naririnig? Bakit nakahiga ako doon?
Nandito ako buhay na buhay."
Akmang tatakbo si Cyrus.
Sinubukan ni Albert pigilan ang kanyang mahal. Pero para siyang hangin na
nilagpasan ni Cyrus.
"Ano bang
nangyayari.? Mom, Dad! What's happening?" tanong ni Albert. Pero patuloy
lang ang mga magulang niya sa pagyakap sa kanyang katawan. Nalilito siya. Si
Cyrus. Naisip niya. Sinundan niya ito. Baka may sagot siya sa mga ito. Nadatnan
niya itong nakaluhod sa
"Nakikiusap naman
ako sa'yo ngayon. Pakiusap naman. Kahit ngayon lang pagbigyan mo ako. Please
lang. Ibalik mo si Albert. Parang awa mo na. Maawa ka!" narinig ni Albert
na pakiusap ni Cyrus sa harap ng altar. Awang-awa siya sa kanyang minamahal.
"Mahal ko, nandito
naman ako eh. Ba't di mo ako naririnig?" tanong ni Albert. Maya-maya lang,
nakatulog ito. Lumapit si Albert kay Cyrus.
"Mahal ko! Huwag ka
ng umiyak. Nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan." pero wala
paring narinig si Cyrus.
Lumapit ang kanyang ina
kay Cyrus. Ginising ito at inakay. Sumusunod parin si Albert sa kanila. Umuwi
ang mga ito sa bahay nila sa syudad. Nakita ni Albert na may mga tao. At may
ataul na nalagak sa kanilang sala. Lumapit si Albert habang litung-lito parin.
Nakita niya ang kanyang katawan.
"Hindi, hindi totoo
ito. Hindi pa ako patay" wika ni Albert.
Lahat abala sa
pag-aasikaso sa mga tao. Maraming dumating at nakita iyon ni Albert. Nakita
niyang umuwi si Cyrus. Binantayan niya ito. Alam niyang hindi pa maayos ang
kanyang mahal. Nanonood lang si Albert sa lahat ng ginagawa ni Cyrus. Niyakap
niya ito magdamag habang ito'y natutulog. Nakita niyang nagising si Cyrus at
nagpalit ng pangopisina.
"Papasok ang mahal
ko. Tama yan mahal! Wag kang susuko." nakangiting bulong ni Albert.
Nakabantay lang siya sa
bawat galaw ni Cyrus. Subsob ito sa trabaho, mukhang may inihahabol ito.
Nakatitig lang si Albert kay Cyrus. Ibinigay nito lahat ng nagawa niyang
reports sa araw na iyon. At isang papel. Narinig niya ang usapan ni Ma'am Laura
at Cyrus.
"Ba't ka nagresign
mahal. Wag kang pabigla-bigla sa iyong desisyon" bulong ko kay Cyrus. Pero
wala itong narinig.
Natapos ang maghapon na
nakabantay si Albert kay Cyrus.
"Magpahinga ka
naman mahal ko" bulong ni Albert.
Para siyang asong
sumusunod kay Cyrus.
"Ang lungkot ng
itsura ng mahal ko. Ngumiti ka naman dyan." bulong niya dito.
Pagdating sa boarding
house, nakita niyang inihanda ni Cyrus ang kanyang mga gamit. Inilagay ito sa
bag. Ngunit bigla itong napaupo. Nakita niyang dumaloy ang luha sa pisngi ng
kanyang minamahal. Humagulgol ito. Nakapikit habang parang may sinasariwa sa
kanyang memorya. Patuloy siyang umiiyak. Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso
ni Albert habang nakikita nito ang pagiyak ni Cyrus.
Tumingin ito sa tarp at
muling humagulgol.
"Napakaunfair mo
mahal ko! Napakaunfair mo! Ba't mo ako iniwan? Tapos sasabihin mong babalikan
mo ako? Ba't ngayon wala kana? Napakaunfair mo!" narinig ni Albert na
turan ni Cyrus.
Umiiyak narin si Albert
sa narinig niyang sinabi ni Cyrus. Napakasakit.
"Mahal ko, nandito
lang ako. Hindi kita iniwan. Hindi kita iiwan! Makinig ka sa akin. Heto ako,
nasa harapan mo" wika ni Albert.
Naghanda na ito paalis.
Sumusunod parin si Albert at nakita niyang bumalik na si Cyrus sa bahay nila.
Nag-usap ito at ng mama niya. Tumagal ang pagbabantay niya ng ilang araw. Ganun
parin ang eksenang nakikita niya. Malungkot ang daddy at mommy niya, ang mga
kaklase niya, ang mga kamag-anak niya at higit sa lahat ang pinakamamahal
niya.
"Ang hirap pala ng
ganito,diyos ko. Yung nakikita ko ang mga minamahal ko na naghihinagpis, na
nagluluksa sa pagkawala ko. Gusto kong sabihin na hindi ko sila iniwan pero
bakit hindi nila ako naririnig."
Sa simbahan,narinig lahat
ni Albert ang sinabi ng kanyang mga mahal sa buhay. Lahat ng magagandang sinabi
nila ay nagdulot ng saya. Tumatak lahat ng iyon sa kanya. Pati iyong pagsabi ng
dad niya na mahal na mahal siya. "I'm proud of you" wika ng kanyang
ama. Nakita niya kung gaano nahihirapan ang kanyang pinakamamahal na Cyrus at
kung paano nito ipinagsigawan na mahal siya. Hindi ito natakot. Hindi ito
nahiya. Napaluha siya ng itinaas niya ang kanyang mga kamay tanda ng pagibig
nito sa kanya.
"Mamahalin kita
habang ako'y nabubuhay," umalingawngaw iyon kay Albert.
"Kahit patay na ako
mahal ko, mamahalin parin kita. Ikaw lang." ang bulong ni Albert.
"Diyos ko, ba't
hiyaan mong mangyari ito? Sana, marami pa kaming pagkakataong naging masaya ni
Cyrus. Pakiusap. Alam mo kung ano ang nasa kaibuturan ng aking puso"
nakapikit na dalangin ni Albert.
Sumama parin si Albert
hanggang sa paghatid ng kanyang urn sa kanilang Villa. Saksi siya sa paghihirap
ng kanyang mahal na si Cyrus.
"Ang saksi sa ating
pagmamahalan," bulong ni Albert kay Cyrus. Pero wala parin itong narinig.
Nanood lang ito bawat sa kilos niya. Pumunta ito sa munting kastilyo.
"Wow, tinupad ni
mom at dad" ang bulong ni Albert. Inilagak ni Cyrus ang urn ni Albert.
Maya-maya lamang narinig ni Albert ang bulong ni Cyrus na punung-puno parin ng
luha ang mata. "Paalam mahal ko"
Hindi na muna sinundan
ni Albert si Cyrus. Gusto niya munang magtagal sa lugar na iyon. Sinariwa niya
ang mga alaala nilang mag-anak sa lugar na iyon.
"Dad, saluhin mo
itong bola" ang sigaw ni Albert sa dad niya habang naliligo sila sa batis.
Ang mga alaala nila ni Cyrus na naghatid sa kanya ng kakaibang ligaya. Namiss
nya ang mukha ng kanyang minamahal, kung kaya, pumunta sa sa kanyang kwarto.
Inisip niya lang ito at biglang nasa kwarto na siya. Nadatnan niyang yakap
yakap ni Cyrus ang unan at kumot niya.
"Alam kong miss na
miss mo na ako mahal ko. Ganun din ako sa'yo." sabay halik sa pisngi ni
Cyrus.
Maya-maya lamang,
pumasok ito sa banyo. Maliligo ang kanyang mahal. Naghubad ito ng suot niyang
damit.
"Oohh,
napakagandang tanawin. Ang guapo guapo mo talaga Cyrus. Namimis ko nang mayakap
yang katawan mo. Gusto kong mahalikan muli ang mga mapupulang labi mo, sabik
ang aking mga labi na halikan ang bawat sulok ng iyong katawan, ang makinis
mong kutis at ang natural mong kaputian, maamong mukha, napakagandang ngiti na
siyang tinititigan ko lagi, kahit isang yakap lang para masamyo ko muli ang
mabango at mainit mong katawan, wala kang kasingguapo mahal ko" bulong ni
Albert.
Natapos maligo si Cyrus.
Isinuot nito ang damit ni Albert.
"Wow, mas bagay
pala sa'yo yang damit ko mahal ko. Napakisig mo dyan" wika ni Albert.
Umupo si Cyrus sa kama
kaya umupo din si Albert. Maya-maya, tumayo si Cyrus. Naghintay lang si Albert
sa gagawin nito. Kinuha ni Cyrus ang photo albums. Tiningnan nito ang mga
larawan nila.
"Bagay na bagay
talaga tayo mahal ko. Parehong adonis! Oh, wag ka ng umiyak! Tingnan mo o, ang
saya natin diyan. Dapat ganyan ka lagi" bulong ni Albert
Maya-maya, nakatulog
ito. Niyakap siya ni Albert ng mahigpit.
"Lagi mong
tatandaan, babalik ako. Hindi ko alam kung paano, basta panghawakan mo ang
pangakong iyon" sabi ni Albert.
Pagsikat ng araw,
nasilaw si Albert. Parang hinihigop siya ng liwanag. "Waaaaag" sigaw
ni Albert. Pero wala siyang magawa dahil tuluyan na siyang hinigop nito.
"Mahal koooo" huling sigaw niya.
Parang ipo-ipo ang
humigop kay Albert mula sa liwanag. Napahiga siya sa kung anong pwersang
nagtulak sa kanya. Nakita niyang may dalawang pila ng taong naglalakad patungo
sa isang lugar na hindi niya alam kung saan. May mga taong nakatingin sa kanya.
May mga maamo ang mukha at may mga nanlilisik din. May mga mukhang nakakaawa at
may mga mukhang galit. Puwesto si Albert sa kaliwang pila.
"Umalis ka
dito." wika ng sinundan niya na nanlilisik ang mata. Hindi niya ito
pinansin.
Lumapit ang isang bata
sa kanya.
"Halika dito kuya.
Hindi ka bagay diyan. Doon tayo" sabay turo niya sa kanang linya ng mga
tao.
Sumama si Albert sa
bata.
"Ano bang ginagawa
natin dito? Saan tayo papunta?" tanong ni Albert.
"Malalaman mo din
kuya" sagot ng bata sabay ngiti sa kanya.
Nagtiis si Albert sa
mahabang pila. Hanggang sa dumating siya sa pinakaharap. Lahat ng kasama niya,
ipipakita ang kanang kamay nila bago. Nakita niya na may marka na krus sa
kanang kamay ng mga taong nauna sa kanya kasama na dito ang batang nasa harap
niya.
Nang nasa harap na siya.
Ipinakita rin niya ang palad niya sa nakaputing tao na nagbabantay ng puti at
napakataas na tarangkahan.
"Bakit nandito ka?
Wala ka pang marka ah." malumanay na tanong ng tagabantay.
"Ano po bang ibig
sabihin ng markang krus sa palad?" balik-tanong niya.
"Anak, ibig sabihin
noon, wala ka pa dapat dito. Nasa lupa ka pa dapat para tuparin ang iyong
misyon." sagot ng tagabantay.
"Huh? Paano po
iyon? Nailibing na at ginawa na ngang abo ang katawan ko." balik tanong ni
Albert.
"Sandali lang anak.
Tingnan natin ang rekord mo. Baka nagkamali lang ako sa pagtala."
"Hmmm, Albert
Respicio... Mamamatay ka sa edad ng 78." bulong ng tagabantay.
"Naku po, 18 lang
po ako ngayon." sagot niya.
"Nakikita ko yun
anak" ngiting sagot niya sakin. "Sa tingin ko,nagkamali ako sa
pagtala."
"Ano pong
mangyayari sakin ngayon?" tanong ni Albert.
"Kung aaprubahan ni
bossing, maaari kang bumalik sa lupa. Pero kailangang ireview ang mga nagawa mo
sa lupa. Titingnan ko muna ang nagawa mo." sagot ng tagabantay.
Isang pitik lang at
napanood nilang dalawa ang naging buhay ni Albert.
"Hmmm, naging
mabuti kang anak sa iyong mga magulang. Kitang kita sa mga mata nila ang
lungkot ng ika'y nawala. Magalang at masunurin karin." wika ng tagabantay.
"Mom, dad! I miss
you so much" bulong ni Albert na napaluha ng makita ang magulang niya.
"Hindi ka pa talaga
dapat nandito anak. Ang luhang yan ang isang pagpapatunay na nasa lupa ka pa
dapat." ngiti ng tagabantay.
Pumitik na naman ang kamay
ng tagabantay.
"Hmmm, isang
mabuting kaibigan. Napakasutil at pilyo pero marami kang napatawa at napangiti.
Naging mabuti kang kamag-anak. Very good!"
Isang flip na naman sa
monitor...
"May mga pinaiyak
ka palang babae anak. Pero nagawa mo naman silang mapasaya!
"Wow! Marami kang
natulungang bata! Kailangan mo ngang bumalik para magawa mo pa ang iyong
misyon"
Nagulat ang tagabantay
sa sumunod na nakita sa monitor.
"Cyrus
Mendoza" bulong nito.
"Mahal ko,"
ang naibulong naman ni Albert.
Napatingin ang tagabantay
sa kanya.
"Alam mong malaking
kasalan ito, Albert" mahinahong turan ng tagabantay.
"Opo, pero mahal ko
po siya. Mahal na mahal. Nangako ako sa kanya na babalik ako." umiiyak na
tugon ni Albert.
Hinaplos ng tagabantay
si Albert.
"Alam kong naiintindihan
niya. Di po ba, nilikha niya ang pagibig para ialay kaninuman, kahit anong
kasarian. Nagkataon po na pareho kaming lalaki pero hadlang po ba yun para
mahalin namin ang isa't-isa? Ano po ba ang mabuti sa hindi? Mas mabuti naman na
po mahalin ang tulad niya kaysa makaramdam ng pagkamuhi sa aking kapwa? Di po
ba? Hindi ba sapat na mahal lang namin ang isa't-isa." tanong ni Albert.
"Anak, ang mga iyon
ay utos niya na kailangan nating sundin. Tanging siya lamang ang manghuhusga
kung tama ang inilaan niyong pagibig ni Cyrus sa isa't-isa." ang tugon
tagabantay
"Nakikita ko kung
gaano niyo kamahal ang isa't-isa. Hindi ko sinasabing nasa tamang landas kayo
dahil sabi ko nga, Siya lang ang huling tagapaghusga."
Nakita ni Albert si
Cyrus. Nakita niya na gabi-gabi parin itong umiiyak. Napakasakit sa parte niya
na makita siyang umiiyak.
"Nakita kong mabuti
ang iyong puso. Pati rin ng iyong pinakamamahal. Pero kung makakabalik ka sa
lupa, kailangan mong magdali para magabayan siya" mungkahi ng tagabantay.
"Bakit po?"
tugon ni Albert.
"Iba ang magiging
epekto ng pagkawala mo sa buhay niya." sabi nito na nakatingin sa mukha ni
Cyrus.
"Ibig sabihin,
mapapasama po ang mahal ko" sagot ni Albert.
"Ganun na nga"
tugon nito. "Hintayin natin ang desisyon ni bossing. Kapag umulan ng niebe
maya-maya, ibig sabihin, pabor siya sa pagpabalik mo sa lupa. Pero kapag
kumidlat, ibig sabihin, kailangan mong pumasok dito. Tandaan mo Albert, kung
nandito ka na sa loob, wala kang mararamdamang pagdurusa. Pero pag bumalik ka
sa lupa, handa ka ba sa mga pagsubok at pasakit na mararanasan mo pa? Tanong
nito.
"Handa po ako.
Makabalik lang ako." desididong sagot ni Albert.
Naghintay si Albert at
tagabantay sa desisyon. Nakaramdam ng lamig si Albert. Tumingin siya sa taas.
May mga malilit na parang bulak na naghulugan. Napatalon siya sa tuwa.
"Ibig sabihin nito,
pumayag siya" sigaw ni Albert. Ngumiti ang tagabantay bilang pagsang-ayon.
"Bilang isang
premyo sa kabutihan ng iyong puso, ihahanapan kita ng isang taong hindi
nalalayo sa itsura mo at estado sa buhay. Ngunit, kailangan mong tandaan, na
maaaring iba ang pananaw ng tao sa katawang iyon. Dahil ibang tao ka na pag
pumasok ka na sa katawan ng taong ibibigay ko sa'yo" paliwanag ng
tagabantay habang patuloy na naghahanap ng taong nakatakdang mamatay.
Palipat-lipat siya ng tingin sa akin at sa monitor. Ito na Albert. Tiningnan ni
Albert ang nasa monitor.
"Not bad" ang
nasa isip niya. May similarities sila sa kulay, sa mata, mas matangkad ito sa
kanya, mas maganda din ang built ng katawan. Mukhang mas may edad lang ito sa
kanya,mga 4 na taon siguro ang tanda nito.
"Tandaan mo, 15
days from now, 40 days na ng kaluluwa mo. Kailangan mong magdali. 10 araw ang
travel time ng kaluluwa mo pabalik sa lupa. Sa loob ng limang araw, kailangan
mong bantayan ang katawan niya. Mamamatay ang kaluluwa ng taong ito sa isa ring
aksidente, at dapat nandun kang nakabantay. Hindi ka pwedeng lumagpas sa
ikaapatnapung araw ng iyong kaluluwa." mahabang paliwanag ng tagabantay.
"Ano pong
mangyayari pag lumagpas ako sa oras?" tanong ko.
"Kailangan mong
maghintay ulit ng 40 araw at pag di ka nakahanap ng katawan, magiging ligaw
kang kaluluwa sa nakatakdang panahon na nasa lupa ka. 60 taon iyon
Albert."
"Huwag kang
mag-alala. Tutulungan kita. Yan nalang ang magagawa ko kapalit ng maling
pagtala ko" dugtong ng tagabantay.
"Sa tingin ko, ito
ang tamang oras para bigyan ka ng premyo sa lahat ng kabutihan mo. Tandaan mo
Albert, pag pumasok ka na sa katawan ng taong ito, wala ka ng maaalala sa buhay
mo ngayon. Mabubuhay ka bilang ang taong ito. Pero bibigyan kita ng regalo
Albert. Pag nakita mo ang tatlong taong ito sa buhay mo bilang Albert, ibabalik
ko ang memorya mo bilang Albert." isa-isang pinakita ng tagabantay ang
taong tinutukoy nito.
"Dad, Mom, Mahal
ko" bulong ni Albert.
"Uulitin ko, Saka
mo lang maaalala na ikaw si Albert pag nakita mo sila dahil sila ang mga taong
makakapagpaalala na ikaw si Albert Respicio."paliwanag niya kay Albert.
"Handa ka na
ba?" tanong ng tagabantay.
"Opo!" sagot
ni Albert.
Naglakbay na nga ang
kaluluwa ni Albert.
"Kung sakaling
hindi magkrus ang landas niyo, gagawa ako ng paraan para maalala mo sila. Pero,
gagawa ako ng paraan para magkrus agad ang landas niyo para hindi ka mahirapan.
Karapatdapat kang lumigaya dahil mabuti kang tao. Humayo ka at ipagpatuloy ang
iyong misyon sa buhay" pahabol na bulong ng tagabantay habang inihatid ng
tanaw ang naglalakbay na kaluluwa ni Albert.
Author's Note:
May mga misteryong
nangyayari sa buhay natin na mahirap maipaliwanag. May mga kwento mang hindi
makatotohanan, pero maaaring nangyari o mangyari. Kung minsan, hindi natin
kailangang makita para maniwala. Dahil may mga misteryong bagay dito sa mundo
na tanging pananampalataya lamang ang kasagutan. Cheer up Cyrus-Albert fans.
Abangan ang mga bagong tauhan sa aking kwento!
P.S. Sana may natutunan
kayo sa bahaging ito ng kwento.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento